Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Weekend na naman at gaya ng dati nag-out of town sila Mama at Papa kasama ang mga magulang ni Rome at gaya ng dati hindi na naman kami kasama. Nakakainis talaga bakit palagi nalang sila ang namamasyal? It's unfair you know? Nakakasawa ng makulong sa bahay kasama ang tatlong walang kwentang lalaki sa buong mundo.

Walang Kwentang Tao List.

1. Rome - Ang pinaka-walang kwentang tao sa balat ng lupa.

2. Marco - Hindi mo alam kung may sayad lang talaga o wala.

3. Tobby - Isa pang sakit sa ulo dahil sila lang lagi ang nagsasaya nila Kuya Marco.

Hay naku! Palagi nalang bang ganito ang buhay ko? Tagatingin sa mga taong walang magawa sa buhay kundi ang magbigay ng sakit ng ulo sa mundo? Ang saklap nito ah.

"Good morning Julie," pinagbugksan ko ng pinto si Kuya Marco. "Si Tobby?"Ang aga naman yata nilang maghasik ng lagim? "Naliligo, pasok ka muna." Aakyat na sana siya nang tanongin ko siya. "Isasama nyo ba si Rome?" Kasi kapag hindi ninyo iyun isasama tiyak akong dito na naman iyun maglalagi.

"Hindi bawal kasi siya doon eh," bigla naman siyang ngumiti. "Bakit ma mi-miss mo siya?"

"Eww!" Naupo nalang ulit ako sa sofa at in-on ang TV. "Akala ko isasama ninyo iyun para magkaroon na ng peace ang lugar na ito."

"Sorry baka next time. Kaya take care muna kay Rome he-he."

"Matanda na kaya iyun Kuya Marco? Alangan namang pa didihin ko pa iyun na parang bata."

"Pwede din," napalingon ako kay Kuya Marco. "Uy Kuya alam ko iyang iniisip mo! Huwag kang ganyan." At napayakap ako sa sarili ko.

"Huwag ka ngang green minded Julie," napangiti nalang si Kuya Marco. "Pwede mo siyang padidihin gamit ang bote timplahan mo nalang ng muriatic acid. Ikaw talaga," he chukled.

Malay ko ba naman?

Ilang oras na akong nabuburyo sa bahay na ito. Gusto ko ng lumabas peru hindi naman pwede sila Kim at Maria dahil naisumpa na nilang matutulog lang sila buong araw. Kaya heto ako nag-papatay ng oras sa walang kabuluhang bagay.

Ilang junkfoods na ba ang naubos ko? Ibinaba ko ang tingin sa mga kalat ko sa glass table. Mukhang marami-rami na nga at kung ipagpapatuloy ko pa ito tiyak papasa na ako sa biggest loser.

Bigla namang tumunog ang doorbell kaya tinungo ko ang pintuan. "Hi baby," lumaglag naman ang mga balikat ko.

"Baby-hin mo iyang mukha mo. Anong ginagawa mo dito?" Isasara ko na sana ang pintuan nang bigla ba namang pumasok si Rome. "Great!"

"Hinihintay sila Marco at Tobby," Isinara ko nalang ulit ang pinto at bumalik sa sofa. "Pwede mo namang hintayin sa bahay ninyo." Tumabi naman siya sa akin peru lumayo ako sa kanya.

Lumapit na naman siya."Boring sa bahay naghahanap ako ng hayop na kakausapin eh. Wow! Ang linis naman ng bahay mo?" I rolled my eyes. Alam kong sarcasm iyun dahil nakatingin naman siya sa makalat na lamesa sa harap. Umatras naman ako.

"Anong tingin mo sa bahay namin zoo?" Lumapit na naman siya.

"Dito ko lang kasi makikita ang hayop na gusto ko eh." Umatras na naman ako.

"Walang hayop dito at tiyaka huwag ka ngang usug ng usug sa akin." Nilagyan ko nga ng throw pillow ang pagitan namin. "Nakakainis ka na! Ang laki ng sofa eh nakikidotdot ka sa akin."

"Umaatras ba ako palapit sa iyo?" Nagkamot pa siya sa ulo na parang nahiwagaan lang sa sinabi ko sa kanya. "Akala ko kasi pull of gravity lang iyun kaya ako lumalapit sa iyo."

"Korney mo ha,"

He laughed, "Silly, I'm just messing you around. Ang sarap mo kasing asarin eh."

"Ah ganun? Pwes maghanap ka ng kausap mo!" Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako at hinila ang hem ng T-shirt ko kaya napaupo ako ulit. "Uy bakulaw huwag mo ngang mahila-hila iyang T-shirt ko at baka masira mo pa. Hindi mo ba alam na mahal ito ha?"

"Okay lang mayaman naman ako. Magkano ba iyan?" Yabang talaga ng isang ito. Airhead, tusokin ko iyan ng chopstick makita mo.

"Whatever! Ano bang gusto mo?"

"Obvious ba edi ikaw,"

"Ha-Ha, funny," I rolled my eyes on him. "Gusto mong tumawa na ako?"

"Ikaw nga! Ang kulit mo rin noh?"

Pinaningkitan ko lang siya ng mata. "Ano ba talaga?!" Hoy lalaki kung inaakala mong ibibigay ko sayo ang katawan ko never!

"Hindi ka rin makulit noh? Ang sabi ko ikaw! Ikaw! Ikaw!"

"Narinig ko hindi ako bingi?!"

"Iyun naman pala eh di maglaro na tayo."

"Laro? E akala ko..." masyado yata akong green minded ngayon?

"Hay naku loading! Loooading ang hina ng pick-up mo wala ka bang signal? Laro? Kailangan kita kasi boring maglaro mag-isa gets mo?"

"Ahhh,"

"Uy ikaw Julieta aminin mo nga iniisip mong,"

"Sige tapusin mo at sisipain kita!"

"Ha-Ha napaka-green minded mo naman."

"Che! Assuming ito, hindi ah."

"Talaga?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Kung gusto mo okay lang naman sa akin. Alam mo naman na babae ka, tapos lalaki ako, at mag-isa lang tayo, tahimik, walang tao. Ano punta na tayo sa kwarto mo?" Itinulak ko siya palayo at niyakap ang sarili ko.

"BALIW!" Sigaw ko sa kanya pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto. Err, kadiri.

Narinig ko pa yung malakas niyang tawa. "Phew, nakakadiri talaga ang isang iyun. Napaka-arggh! I can't stand this. I need to take a bath. I need to cool my mind. Tama, kailangan kong e-relax ang utak ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro