Chapter 28
"Gotcha!" Napadilat ako at napakurap-kurap. "Sabi ko naman sayo sasaluhin kita."
Thud, thud, thud, ang puso ko. Ilang segundo kami sa ganoong position at hindi talaga ako naka react sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ibinaba na niya ako. Ano na bang nararamdaman ko sa kanya?
"Himala 'di ka nagalit sa akin," sinulyapan niya ako while untying one blanket at ibinabal iyun sa katawan. Wala nga pala siyang damit pang-itaas. "What's the change of mind?"
"Ahm... aah... we... we ..." I gulped. Bakit 'di ako makapagsalita. "So saan tayo pupunta?"
He smiled, "Let's take a walk."
Okay, this is really awkward. Kung noon mas gugustuhin ko pang manahimik siya peru ngayon parang wala na akong maisip na sasabihin sa kanya. Ang tahimik niya naman din kasi. Hindi gaya noong dati na lagi kaming nag-aaway at nag-aasaran. Parang bagong tao kaming dalawa since that pasyal-pasyal sa park.
Kami ba talagang dalawa ang nag-aaway o ako lang itong masyadong highblood kaya kami nag-aaway? Hmm, feeling ko ako talaga ang panguna ng lahat. Halos limang minuto na siguro kaming hindi nag-uusap. Punahin ko na kaya ang kumot niyang damit.
"Bagay sayo ang kumot?" He glance at me. "Mukha kang si Cupid." Tapos ngumiti siya.
"Hindi naman siguro iyung mukhang taeng Cupid mo diba?"
"Hindi ah."
Huminto kami at hinila ako paupo ni Rome sa daan. Anong trip na naman ito? Buti nalang 'di mahilig sa mga sasakyan ang mga tao dito sa amin kaya solong-solo namin ang buong daan. Naka lotus position kaming dalawa. Inangat ni Rome ang ulo sa langit.
Itinaas din niya iyung isang kamay at sinimulang mag-close-open ng paulit. Kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya. "Bakit ginagawa mo iyan?"
"Nakikipag-usap ako sa mga bituin."
"Hindi naman sila sumasagot," inangat ko rin iyung tingin sa madalim na langit na punong-puno ng mga bituin. "Ginagawa mo lang baliw ang sarili mo."
"Kapag wala kang makausap o nami-miss mo ang isang tao pwede mong kausapin ang mga bituin." Itinigil na niya ang ginagawa at tinignan ako sa mata. "Ang mga bituin para lang ding iyang mga tao na malayo sa atin. Iniisip natin na mahirap na makita o makausap sila dahil sa pagitan ninyo, peru sa totoo lang hindi naman."
"Paano mo naman na sabi?"
"Far as it may seem, they're still reachable." Itinaas ulit niya ang kamay. "See? Hindi mo man personal na mahawakan alam mong nandiyan lang naman siya. Hindi mo man personal na makausap o marinig ang boses niya alam mong nandiyan lang siya. Kapag alam mong mahal mo siya at mahal ka niya walang kung anong papagitan sa inyong dalawa."
"Rome?"
"Hmm?"
"Bakit kung makapagsalita ka naman diyan para kang maga-abroad." Peru sa halip na sagutin ako ay tumawa lang siya. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Napapansin ko na talaga iyung mga paghihiwatig niyang ganyan.
"I like you Julieta," nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at lalo pang kumabog ng husto ang tibok ng puso ko. Iba doon sa itinanong niya lang sa akin iyun kanina. "For real,"
Parang nanlamig ang mga kamay ko at iyung feeling na may something sa tiyan mo 'di mo ma explain.
"Sinabi ko sayo iyun hindi dahil nang-aasar ako ngayon sayo. I just like you."
"B-Bakit mo ako gusto?"
Totoo nga sigurong matagal ng may gusto sa akin si Rome peru sadyang manhid lang talaga ako. Kung oo, ano ba dapat ang isasagot ko sa kanya?
"Ewan ko, siguro dahil 'di naman ako nagtatanong sa sarili ko. I just like you... noong unang makita kita noong kinder pa tayo. Malakas na ang feeling ko na gusto kitang isama sa mga problema at trip ko sa buhay." Tumawa siya. "Ang landing 5 years old na bata, ano?"
"M-Matagal mo na akong mahal?"
"Wala akong sinabing mahal kita,"
"I mean, gusto?"
"Yes, matagal na kitang mahal."
Yemas! Kumabog pa lalo ang tibok ng puso ko. Ano na ba ito? Gusto ko rin ba siya? Mahal ko na din ba siya? Ayyy! Ano ba iyan. Why are you making me like this Rome?
"H-Hindi ko alam ang –" hindi na ako nakapagsalita pa nang humarap siya sa akin at ikinulong ako sa mga bisig niya.
"It's okay. You don't need to answer me now Julieta."
"Rome?" Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkayakap niya sa akin.
"Gustuhin ko mang magnakaw ng halik sayo peru masyado pa tayong bata." Inilayo niya ng bahagya ang mukha niya sa akin para matignan ako. "Sa edad natin, sapat na ang yakap at salita para maipahayag ko ang pagmamahal ko sayo."
"Korney mo!" Napangiti naman ako doon sa sinabi niya.
"Pinalaki akong konserbatibo kaya chill ka lang diyan. Maaga lang talaga akong lumandi peru gentleman ako."
Baliw! Peru aminin mo Julie kinilig ka sa confession niya? Takte! Bet na bet ko nga. Eeey!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro