Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

"Julie tawag ka ni Rome."

"Bakit naman?"

"Alamin mo para sa amin."

Hmmp! Pilosopo talaga itong si Kuya Tobby. Umakyat nalang ako sa itaas at pinapatawag daw ako ni Kulit. Bakit nasasanay na ako sa tawagan naming iyun? Hindi na ako kumatok at pumasok na ako.

"Tob – waaa!"

"Woa-hoah!"

Napasigaw din ako. Takte! Bagong ligo si Rome at tuwalya lang na nakatakip sa bewang niya. Bakit ba ang hot niya parin kahit walang abs. Ang kinis lang ng lalaking ito. Julie magtakip ka nga ng mata. Hindi ko na iyun nagawa dahil mas pinili kong lumabas. Kaso biglang 'di ko na mabuksan ang pinto.

"Bakit naka lock?"

"Julieta anong ginagawa mo dito?!"

Hindi ko siya nilingon at baka magkasala lang ako sa itaas.

"Malay ko ba? Sabi ni Kuya Tobby pinapatawag mo daw ako?"

"Huh? Wala akong sinabing ganoon?"

"Eh iyun ang sabi niya. Sige na, magbihis ka na muna diyan." Ididikit ko nalang muna ang mukha ko sa pintuan nato. Lagot talaga sa akin ang lalaking iyun mamaya!

"Para namang hindi mo pa ito nakita." He chuckled. "Huwag ka ng mahiya diyan Sungit."

"Che! Magbihis ka nga muna."

"Oo na," natatawang sabi niya sa akin. "Shit!"

"Pwede ba Rome huwag kang mag-mura!"

"Where the heck are my shirts?" Nilingon ko siya at ganoon nalang din ang gulat ko na walang lamang shirt ang cabinet niya. Buti nalang may pang-ibaba siya. I have a feeling na si Kuya Tobby ang may pakana ng mga kababawan na ito. "Aish!"

"May lihim bang pagnanasa sayo si Kuya Tobby?"

"Great!" Sumalampak nalang siya sa itaas ng kama niya at niyakap ang isang unan. "Remind me to manirate him before I cook him."

"Naka lock ang pinto," sabi ko. "Nasa labas kasi ang lock. May spare key ka ba?"

"Na kay Tobby,"

Sumuko na rin ako at naki-upo sa kama ni Rome. "Mahaba pa ang gabi baka may gusto kang gaw – eeey! Hoy!" Bigla ba naman akong hinila palapit sa kanya and the next thing I knew he was on top of me. Yemaas! Akala ko ba sa mga libro lang nage-exist ang mga ganitong eksena?

"Are you suggesting that we break the rules and enjoy sharing body heat?"

"Eww! Umalis ka nga sa itaas ko Rome." Hindi ako makagalaw kasi hawak niya ang dalawa kong kamay. "Bitiwan mo nga ako." Sana 'di ako mag-blush kasi umiinit ang pisngi ko.

"You're blushing," he smirked.

Iniwas ko ang tingin, "Hindi kaya!"

"Yes you are,"

"Hindi nga sabi eh!" Tinuhod ko yung tiyan niya kaya nakawala ako sa pagkakagapos sa kanya. Nagkapalit kami ng pwesto peru this time nakaupo ako sa likod niya. Serves him right! "Oh ano?!"

"Nak nang... Julieta!" Alam kong nabibigatan siya sa akin dahil nagpabigat talaga ako para masaktan siya. Akala niya siya lang ah. "Julieta... ang bigat mo... pala." Nahihirapan pa siyang magsalita.

"Ang kulit mo kasi eh!"

"Oo na!" He raised his hands. "Hindi na kita bibiruin bumaba ka lang diyan sa likod ko. Parang awa mo na at mukhang bibigay na ang spinal cords ko." Bumaba na rin ako pagkatapos ay sinilip iyung mukha niya.

"Oh ano?"

"Nagkapalit ba kayo ng kaluluwa ni Dambu at ang bigat-bigat mo?"

"Ang kulit mo kasi, isug ka." Umayos siya ng higa para makaupo ako sa tabi niya with of course exposed body niya. "Sa tingin mo makakalabas tayo ngayong gabi?"

"Makakalabas tayo kapag dadaan tayo sa bintana." He glanced at me. "Iyun ay kung trip mong dumaan sa bintana at talunin ang second floor papunta sa ibaba."

"Ayoko! Baka ikamatay ko pa iyun."

"Tama, baka ma miss mo pa ang chance na maikasal sa akin." He chuckled. Hindi ko naman pinansin iyung sinabi niya kaya pareho kaming na tahimik... ng ilang segundo yata. Parang may krock... krock... krock sounds lang.

"Rome?"

"Hmm?"

"Ang awkward pala kapag hindi tayo nag-iimikan."

"Pansin ko nga," bumangon siya at pumwesto sa likod ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Titirintasin ang buhok mo." Naramdaman ko nalang iyung kamay niya sa buhok ko. "Kung wala tayong mapag-usapan titirintasin ko nalang itong buhok mo hanggang sa may maisip kang ibang gawin natin."

"Marunong ka ba niyan?"

"Wala akong hindi kayang gawin kaya chill ka lang diyan." Napangiti ako.

Ang raming magagandang bagay na meron kay Rome peru ngayon ko lang na pansin. Kung sana hindi ko pinaiiral ang inis ko sa kanya na bigyan ko sana siya ng pagkakataong makilala siya ng lubusan. Peru hindi pa naman siguro huli ang lahat para kilalanin ang isang Rome Montague.

"Bukod sa color blue, pagluluto, pagkain ng mga junk foods, pagkanta, at pagdo-doctor ano pang gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Pagtitirintas ng buhok mo."

"Huh? Eh ngayon mo lang ginawa iyun sa akin."

"Idagdag mo na dahil isa iyun sa mga gusto ko."

"Oh sige, ano pa?"

"Pang-aasar sayo, pang-iinis, at kapag nasasangkot ka sa gulo ako ang nagiging tagapagligtas mo. Mga bagay na maari kong gawin para sayo. Those are the things that I love to do."

"Rome may hindi ka ba sinasabi sa akin?"

"Oo,"

"Ano iyun?"

"Alamin mo,"

"Daya mo talaga eh!" I pouted my lips saka ko naman siya hinarap at hinawakan ko yung buhok niya. "Ako naman ang magtitirintas diyan sa buhok mo."

"Paano mo naman gagawin iyun eh hindi naman kasing haba ni Bob Marley ang buhok ko."

"Edi gagawin kong sipa!" Hinanap ko iyung ginamit niyang pantali sa buhok ko kaso wala akong makita. "Anong pinantali mo sa buhok ko?"

He raised his arms, "Ito ba ang hinahanap mo?" Ginawa niya palang bracelet ang mga rubber bands. Kumuha ako ng isa sa kamay niya at pinantali iyun sa buhok niya.

"Iyan!" Nakangiting tinignan ko siya. "Bagay naman pala eh."

Hinawakan niya ang buhok. "Anong ginawa mo sa buhok ko?"

"Tinalian ko, duh?"

"Sungit mo talaga, noh?" Sisimangot sana siya peru nginitian lang niya ako. "Kapag nawala ba ako Julieta malulungkot ka kaya?"

"Hindi! Peru joke lang, syempre naman. Lalo na ngayong nakilala na kita ng lubusan. Bakit aalis ka ba?"

"Hindi," he smiled. "Wala lang... na isip ko na paano kung kailangan kong pumiling umalis o hindi. Paano kong mas piliin kong umalis?"

"Ayoko!"

"Bakit ayaw mo?"

"Hindi ka pwedeng umalis!"

"Bakit nga?"

"Kasi 'di ko alam... ewan ko! Ayoko lang na umalis ka."

"Julieta tanong ko lang,"

"Ano?"

"Kapag ba sinabi ko sayong gusto kita anong isasagot mo?"

"Kung ngayon mo iyan itatanong sa akin ay marahil oo ang isagot ko sayo. Peru kung noon mo iyan itatanong sa akin, hindi. So noon o ngayon?"

"Ngayon,"

I smiled at him, "I like you more now Rome."

Ngumiti naman siya."Let's go out," bumaba siya ng kama at kinuha lahat ng kumot sa cabinet. Pinagdugtong-dugtong niya iyun pagkatapos ay inihagis sa labas ng bintana.

"Uy anong gagawin mo?" Lumapit naman ako sa kanya. "Huwag mong sabihing lalabas tayo gamit niyan?" He smiled.

"Cool, right?" Sumampa na siya sa bintana and in one swift ay nasa baba na siya. Yemas! Paano niya nagawa iyun? Unggoy ba siya sa nakaraang buhay? "Julieta baba ka na diyan." Sigaw niya peru masyadong mahina lang.

"Baliw ka ba? Paano ako baba diyan?"

"Humawak ka lang sa mga kumot."

"Paano kung mahulog ako ha?!"

"Just get down," hinawakan niya iyung pinakadulo. "Sasaluhin naman kita."

"Kapag 'di mo ako masalo papatayin talaga ki-"

"Sasaluhin nga kita! Baba na diyan."

Inirapan ko muna siya bago ako sumampa at mag-ala-unggoy gamit nung mga kumot na pinagdugtong-dugtong ni Rome. Syetes! Matibay ba ito? Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaba – gamit nung kumot.

"Dalian mo na diyan Julieta."

"Huwag mo akong madaliin diya – aaahh!" Bigla nalang akong napabitiw kaya napapikit ako at hinintay na mahulog ako sa lupa at makita ang sarili na nakatingin sa mukha ko sa kabaong. I'm dead!

"Gotcha!" Napadilat ako at napakurap-kurap. "Sabi ko naman sayo sasaluhin kita."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro