Chapter 26
"Rome bakit mukha kang malungkot?" Puna ko sa kanya kasi kanina ko pa talaga napapansing malalim ang iniisip niya simula kanina. "May problema ka ba?"
Ngumiti naman siya agad. "Wala ah," inakay niya ako papasok sa park. Malapit na kasi ang fiesta sa amin kaya maraming mga booths at tents ng mga kung ano-ano sa loob. Hindi siya perya na style para lang siyang kaugaliang ginagawa sa mga sport's fiest sa mga schools."Iniisip ko lang kung bakit kayo nag-yakap ni Zell kanina?"
"May sinabi lang siya sa akin."
"What about?"
"It's about the notebook I gave him before. Naiwala niya daw kasi iyun at may pumalit nun ng ibang notebook at ibang sulat. Peru okay na kami."
"So mahal mo na siya ulit?"
"Hmm, hindi na." Nagpa-cute ako kay Rome. Arte lang eh. "May Baby Kulit na kasi ako eh. Naks!" I mean it. Natutuwa akong kasama si Rome lately, parang hindi na ako naiinis sa mga ginagawa niya kasi iba na ang feeling ko kapag kasama ko siya.
"Wow!" Inakbayan niya ako, ibinaba ang mukha sa ulo ko at pinaningkitan ako ng mata. "Gusto mo lang ilibre kita sa isa sa mga booth eh." Sabay gulo ng buhok ko.
"Hindi noh!" Inalis ko iyung mga kamay niya. "Seryoso ako." Lumapad naman ang ngiti niya. "Oh bakit ang lapad ngiti mo?"
"Kinikilig ako eh!" Bigla niya akong niyakap. "Ito ang unang beses na niyaya mo akong lumabas. Parang date." Peru imbes na mainis ako sa kanya ay natatawa lang ako. Mukhang praning!
Kumalas ako ng yakap at hinila ko na siya. "Halika na nga! May nakapagsabi sa akin na may isang booth dito na madali lang makakuha ng teddy bear."
"Saan mo naman narinig iyun?"
Hindi ko na siya sinagot at hinanap na namin yung booth. Sa sobrang dami ng booth na nandoon tinandaan ko na iyung iba at babalikan namin iyun mamaya. "Hayun!" Turo ko doon sa may malaking karatola na Dance For Teddy. "Rome ito yun." Hinila ko siya palapit sa booth.
"Okay nakita mo na alis na tay-" akmang aalis na siya nang hawakan ko yung braso niya. "Seriously?" Ngumisi ako sa kanya at tumango-tango.
"Rome ang dali lang naman niyan eh."
"Hindi madaling ipahiya ang sarili uy. Baliw ka ba? Pagsasayawin mo ko diyan sa harap para lang makakuha ng teddy bear?"
"Alam mo naman pala eh bakit pinagsayaw mo pa ako sa harap ng school natin?"
"Naghihiganti ka sa akin noh?"
Come to think of it, kung kailan okay na kami ni Rome saka naman ako binigyan ni God ng chance para makaganti. Naks! Malugod ko iyung tinatanggap. "Hindi, mabait na ako, diba?"
"I don't believe you."
"Believe me na nga kasi," I pushed him na. "Kuya siya ang susunod ha." Sabi ko doon sa may-ari. Binalingan ko naman ulit siya. "Huwag ka na ngang maarte Rome. Pambayad mo nalang ito sa lahat ng mga pang-iinis mo sa akin."
"Naghihiganti ka nga."
"Hindi nga kasi! Ang kulit mo rin eh." Nakita ko namang nagbigay ng sign si kuya na turn na ni Rome. "Ikaw na daw," I tiptoed para makabulong ako sa kanya. Taas niya kasi. "Gusto ko iyung bunny stuff toy kaya magsayaw ka ng Open The Door na pinauso ni Vice."
Ang sarap na sanang tumawa ng sobrang evil ngayon kung 'di ko lang pinipigilan ang sarili ko. Ang sama lang ng tingin sa akin ni Rome habang naka tayo siya sa harap at maraming nanonood sa gagawin niya. Grabeh! Mas malala pa yata ito kaysa sa pinagawa niya sa akin sa school. Talaga namang matamis ang paghihiganti Ha-Ha.
"Baliw ka Julieta!" Nakasimangot na naka sunod sa akin si Rome. Katatapos lang kasi ng concert niya at inferness naman sa kanya – wala talaga siyang pag-asa sa sayawan. "Hindi ko na talaga gagawin iyun para sayo."
Itinaas ko yung bunny na nakuha namin mula sa mala-kawayan niyang katawan na pagsasayaw. "Okay naman ah, nabigyan mo ko nito." I locked my arm around his. "Ang cute niya diba?"
"Cute nga iyan, peru pahiyang-pahiya naman ako."
"KJ mo naman masyado."
"You have your revenge, now let's have mine." Akmang lalayo ako sa kanya nang mabilis niyang mahawakan ang braso ko. "Eps, walang takasan."
"Saan mo ko dadalhin?!"
"Dadalhin kita kung saan makukuha ko ang masarap na paghihiganti." Tumawa siya ng super evil talaga. Syetes! Masama ang kutob ko dito.
Biglang nasa harap na kami ng isang GYM na nasa pinakadulo ng mga booths. I gulped. Takte! Mukhang ginawa pa nilang Haunted House ang lugar. Umatras ako ng slight at nang 'di niya ako napansin tumakbo ako peru 'di paman ako nakakalayo ay nahuli niya ako at ginawang bag ni Santa Claus sa mga balikat niya.
"Waaaa! Ayoko diyan! Ayoko! Ayoko!" Tili ko sa kanya habang palapit kami ng palapit sa entrance. "Rome please huwag diyan parang awa mo naaaaaaa!" Peru ang hudyo tinawanan lang ako.
"Why don't we take a tour for a while here."
"Noooo!"
Hindi pwede! Takot ako sa dilim! Takot ako sa multo! Takot ako sa multo kahit na 'di sila totoo! Mamamatay ako! Ayokoooo naaaa! Maiiyak na talaga ako. 'Langyang Rome na ito. Pumasok na kami sa loob at wala akong makita. Ibinaba naman ako ni Rome kaya humawak agad ako sa braso niya.
"Ayokong mag-fieldtrip dito," biglang may hallway kaming nakikita at pumapatay-patay sindi ang ilaw. Okay, maganda ang setting ng kanilang horror house kaya aalis na akooo. Waaaa! May mga creepy sounds pa.
"Kita nalang tayo sa exit Julieta."
"Baliw ka ba?! Makakalabas pa kaya ako dito eh ang laki ng GYM na ito."
"Makakalabas ka," he tapped my head. "Tiwala lang." Tapos bigla nalang siyang nawalang parang bola. Sus Ginoo! Saan ako dadaan?
"Okay Julie, relax..." kinakalma ko ang sarili habang naglakad ako sa hallway. "Walang multo dito, 'di sila totoo... tao lang sila – eeeeeyyy!" Napasigaw ako nang biglang may naramdaman akong humawak sa paa ko. "Ano baa?! Huwag nga kayong manakot."
Tapos biglang may foot steps akong naririnig. Noong una ay mahina lang peru habang tumatagal ay lumalakas iyun. Takte! Mamatay na talaga ako. Buwesit na lalaki iyun iniwan ako. Sumasali pa iyung mga sigaw na naririnig ko. Bakit ba kasi ginawang maze nila itong horror school nila.
"Knaaa!" Napasigaw na naman ako nang biglang may dalawang babaeng magkadikit na punong-puno ng dugo ang damit sa akin tapos nag-play yung creepy music box. "Knaaa! Ayoko na! Ayoko na! Romeeee!" Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kaya tumakbo nalang ako ng tumakbo.
Pumapasok ng mga kwartong 'di ko alam kung makakalabas pa ako. Tatke! Not to mention sa bawat kita ko ng mga multong 'di ko ma drawing ay sumisigaw ako. Knaaaa! Kailan ba ako makakalabas dito!
"Knaaaa! Chinsaw Masscre!"
"Waaahaaa! Chuckie Huwag!"
"Sadaku!"
"The grudgeee!"
"Knaaa! Ayoko! Ilabas mo na ako dito."
"Got you!"
"Eyyy! Ayoko na." Naluluhang napatali ako nang biglang may yumakap sa likod ko. "Please palabasin ninyo na ako." Titili pa sana ako nang marinig kong tumatawa yung yumayakap sa akin. Wait! I know this smell... and the laughter of his voice... "Romeee!"
"Got that right Baby Sungit."
"Baliw ka! Ilabas muna ako dito."
"Yes ma'am."
Naramdaman ko iyung paghawak ng isang kamay niya sa kamay ko at iginiya na niya ako sa hindi ko alam basta malakas ang feeling ko alam niya ang palabas. Hayun na nga, nakita ko na rin ang liwanag sa labas. Thank God!
"Baliw ka talaga Kulit eh!" Sinuntok ko yung isang balikat niya peru mukhang 'di naman siya nasaktan dahil nakangisi lang talaga siya sa akin. "Hindi ka talaga magpapatalo sa akin."
"I love making you annoyed," he chuckled. "Musta ang experience? Ayos ba?"
I glared at him, "Pasalamat ka buhay pa ako."
"OA nito, 'di ka naman papatayin ng mga multong iyun doon sa loob."
"Hindi nga peru sa atake sa puso, opo!" Iniwan ko na siya. Nakakainis ang isang ito. "Nagagalit na ulit ako sayo Kulit." Humabol naman siya sa akin.
"Huwag ka na ngang magalit sa akin Sungit. I'll make it up, hmm... gusto mong kumain na muna?"
"Kung inaakala mong madadala mo ako sa pagkain –" bigla namang kumalam ang tiyan ko. "Okay, kakain na tayo." Natawa lang tuloy siya sa akin. "What?"
"I'll miss these..."
"You'll miss what?"
"Nothing, halika na." Hinala na niya ako sa pinakamalapit na food stand. Isa iyung hamburger and hotdog stand. "So what do you like?" Bigla naman akong tumawa. Yikes! Bigla akong may naalala.
"Anong nakakatawa sa pagkain Julieta?"
"Eh kasi naalala ko iyung ginawa mong play. Iyung When I Was Your Hamburger." Tawa parin ako ng tawa. "Kaya dahil diyan. Kuya, isang hamburger sa akin."
"Hotdog sandwich nalang sa akin."
Pagkakuha namin sa pagkain ay nagikut-ikot nalang kami habang kumakain.
"Rome saan mo nakuha ang idea na pwedeng mainlove ang isang tao sa isang hamburger?"
"Bakit hindi ba pwede?"
"Parang ang weird," I glanced at him and smiled. "Nainis ako sayo noon kasi pinagsuot mo talaga ako ng sobrang laking hamburger costume." Kumagat ulit ako ng hamburger ko. " Hindi na nga ako makapaglakad dahil sa bigat nun kaya galit na galit ako sayo noon."
"Yah, pansin ko nga," he chuckled. "Pagpira-pirasahin mo ba naman ang costume mo at ikalat sa bakuran namin. You're crazy Julie."
"Oo nga eh, nahirapan pa ako dahil 'di kaya ng gunting ko kaya pina-itak ko nalang doon sa kapitbahay natin. Buti nalang pumayag iyung matanda sa kalokohan ko."
"Memories,"
"Yah, importante ang mga memories. Gaano man iyun kapangit o kaganda magbibigay parin iyun ng ngiti pagdating ng araw."
"Tama ka , so cherish every moment of it." Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na natawa. "Finally, nagkasundo na din tayo." I just smiled.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro