Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

"Aaminin ko nagkagusto ako kay Zell noon." Page-explain ko kay Rome. "Tuwing nauuwi kami dito tuwing bakasyon siya lang ang naging kaibigan ko. Hindi ko naman aakalaing magkakagusto ako sa kanya."

"Anong connection nung pagkakagusto mo sa kanya sa pagsusulat mo?"

"Eh kasi sinulatan ko siya gamit ng paggawa ko ng story. Mahilig akong magsulat noon kaso lang itinigil ko na dahil doon sa ginawa niya. Gumawa kasi ako ng story namin na ako ang bida at siya. Doon sa story na iyun nagtapat ako sa kanya. Kaso bigla nalang siyang nagalit sa akin at pinagkalat niya pa ang ginawa ko. Kaya ganoon nalang talaga ang galit ko sa kanya dahil pinahiya niya ako."

Hindi pa naman din ako ganoon ka galing noon. Marami naman ang nagugustuhan ang mga gawa ko peru I admit na medyo tagilid pa ang English ko minsan at parang yung mga sentences at pamatay na linya ko doon pinagdugtong-dugtong ko lang sa mga nababasa kong korney na love story. Eissh! Kaya hiyang-hiya talaga ako doon kasi pinagtatawanan ako ng mga bata dito sa amin. At least naman A for effort ako doon.

"Sinabi ba niyang mahal ka din niya?"

"Hindi,"

"Yes! Relief. Thank you Lord."

"Rome ano ba! Hindi ka naman nakikinig eh. Masakit iyun dahil ibinuhos ko lahat ng oras ko doon para lang masabi sa kanya na gusto ko siya. Peru sinaktan niya lang ako... lalo nang sabihin niyang hindi niya ako gusto at ang story na iyun ang pinakapangit na nabasa niya sa buong buhay niya." Sa tuwing naalala ko iyun ay nasasaktan talaga ako. Yung grammar ang nakakahiya.

"Hindi naman pangit ang mga sulat mo ah."

"Nabasa mo na ba?"

"Basta malakas ang feeling ko na maganda kang sumulat. Tamad ka lang mag-aral peru maganda ang hand writing mo."

"Anong konek?"

"Alam mo Julieta. Hindi mo kailangang magpa-apekto sa kung ano man ang naging karanasan mo noon. Lumipas na iyun kaya dapat magsimula ka ulit. Magsulat ka ulit. Mahalin mo ako. Mahalin mo ang dati mong ginagawa noon –"

"Bakit mamahalin kita?"

"Sinabi ko ba iyun?"

"Oo, narinig kita."

Ngumisi siya, "Wala trip,"

"Ang weird mo Rome." Inilapit ko yung mukha sa kanya. "May gusto ka ba sa akin?"

"Ah – babalik na ako sa kwarto nila Tobby at Marco." Pagkatapos nun ay lumabas na siya ng kwarto ko. Hindi pa nga tumatagal ay isinilip nito ang ulo sa pinto. "Okay na ako sa explanation mo! Goodnight."

Nagdududa na talaga ako sa isang iyun. Paano ko ba malalaman may gusto siya sa akin? Hindi naman siguro ganoon kalala ang pagka-manhid ko diba? Biglang nakalimutan ko nalang ang issue namin ni Zell. Wow!




****




"Tobby! Marco!" Pabagsak na isinarado ko ang pintuan. "Bakit 'di ninyo sinabi na may first love si Julietaaaa!" Sigaw ko sa kanila.

"Huwag ka ngang adik diyan Rome. Pasok ka."

"Ikaw ang adik Tobby," ni Marco. "Naka pasok na siya. Tuloy ka Rome."

"Isa ka pa eh!" Binatukan ni Tobby si Marco. Aish, bakit ba lahat ng mga taong involve sa buhay ko may pagka-praning? "Ano bang problema mo?" Sumalampak ako kasama nila sa carpeted floor. Nag-iinuman na naman kasi ng isang pitsel ng iced tea ang dalawang ito.

"Sabihin mo na at atin iyang pagninilayan."

"Bakit ba lagi kayong umiinom ng iced tea?"

"Nakakasagabal ba ang pag-inum namin ng iced tea sa iyung pag-ibig?"

"Hindi naman peru," napa kamot ako sa batok. "Parang ang weird ninyo. Peru hindi nga, bakit 'di ninyo sinabi na may nakaraan sila Zell at Julieta?"

"Nagtatanong ka ba? Oh hayan," inabot niya saken ang isang baso. "Inum ka muna."

"Alam mo pinsan kung ako sayo dapat ipagtapat mo na kay Julie na mahal mo siya bago ka maungusan ni kaibigang tunay na masyadong hardworking sa buhay. Malas mo lang kapag nagkaayos ang dalawang iyun."

"Salamat ha, ang laki mong tulong sa akin Marco."

Kanina ko lang nakilala si Zell. Mukha naman siyang mabait at tama nga si Marco na masyadong siyang hardworking. Ang alam ko ay pinalagong mag-isa ng tatay ni Zell ang gulayan, manokan, at baboyan nila sa San Isidro. At sila mismo ang nadi-deliver ng mga iyun sa mga bahay.

"You're welcome, I know I'm great in advices."

"Sa sobrang galing mo lahat ng mga sinabihan mo ng iyung words of wisdom ay naghiwalay at naging forever alone. Iinum mo na iyan." Sabay abot ng baso kay Marco. "Well, ito na talaga seryoso na Rome. Iyang si Zell kababata iyan ni Julie peru mas nauna ka niyang nakilala."

"Ano pa?"

"Chill ka lang, okay? Si Zell mabait iyan peru may pagkatuso kaya mag-ingat ka sa kanya. At kaya hindi ka nagugustuhan ni Julie dahil may gusto siya kay Zell noon, but who knows kung epektib ba ang mga buhis buhay mong pagpapa-cute sa pinsan kong kasing manhid ng bato."

Napangiwi ako. Paano ko naman malalaman na may gusto na sa akin si Julieta eh lagi paring galit ang isang iyun sa akin. Ngayon pa't nahahati ang inis niya sa aming dalawa ni Zell. Hay naku! Pangalan palang pang-karibal na. Zell – Hell! Aish.

"Paano ko naman malalaman iyun?"

"Subaybayan mo ang mga kabanata ng buhay niya. Syempre! Gumawa ka ng paraan para malaman mong na iinlove na ba sayo ang pinsan ko. You're good at that, kaya pakinabangan mo ang utak mo."

"What about Zell?"

"Kami na ang bahala sa kaibigang tunay na iyun ni Mar-" pagtingin namin kay Marco ay nakatulog na pala sa sahig. "Kami ng bahala kay Zell pagkagising niya."

"Nakakalasing ba ang iced tea na juice?"

"Nah, maliit lang talaga ang tolerance niya sa matatamis. Alam mo dapat iyun dahil ikaw ang pinsan niya. Aish, basta leave it to us." Ngumisi pa siya at nag-thumbs up. "Gusto mo pa ng juice?"

"Pahinge," tinungga ko agad yung isang baso ng juice.

Paano naman ako magsisimula?

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro