Chapter 22
"Julieta lumabas ka nga diyan sa banyo!"
"Ayoko nga!"
Ini-lock ko agad ang pinto ng banyo sa kwarto ko. Naiinis ako! Naiinis ako kasi hindi sinabi nila Mama na uuwi kami sa dating bahay namin sa San Isidro. Kung bakit kasi tinulugan ko ang biyahe eh. Katok naman ng katok itong si Rome.
"Lumabas ka na nga sabi diyan kung ayaw mong gibain ko ito!"
"Lalabas lang ako kapag umalis tayo dito!"
"Bakit ba? Kakarating lang natin dito. Ano bang problema mo." Ini-unlock ko na yung pinto ara makapasok si Rome. Sumandal naman siya sa hamba ng pintuan. "Julieta ano bang pinagpuputok ng tiyan mo?"
"Ayoko nga kasi dito!" Sumimangot lang ako. "Ayoko dito! Ayoko dito! Ayoko dito!" Paulit-ulit na sigaw ko sa kanya. "Rome itakas mo nalang ako."
"Makikipag-tanan ka sa akin?"
"Oo, basta umalis lang tayo dito."
Kahit na ano, basta makaalis lang ako sa lugar na ito. Hindi ko gusto dito dahil nandito iyung lalaking hinding-hindi ko na ulit gustong makita. Arggh! Sabi ko na nga ba hindi sasabihin nila Mama na uuwi kami dito dahil alam nila na hindi ako sasama. Kainis!
"Julieta kumalma ka nga."
"Rome umalis na tayo."
"Hindi tayo aalis hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ayaw mo dito." I glared at him. "And don't be such a baby."
"Argh! Bahala na nga kayo." Isinarado ko nalang ulit yung pinto. "Huwag mo kong guluhin dito! Umalis ka na."
"Ewan ko sayo! Eh flush mo na iyang sarili mo sa toilet."
Ayokong makita si Zell! Ayoko! Ayoko! Please Lord huwag po sana siyang magawi sa bahay kung hindi dedo na ako. Arggh! Bakit ba kasi hindi pa ako nakaka-move on sa isang iyun. Ilang oras pa akong nagkulong sa banyo hanggang sa nagsawa ako at nag-desisyon ng bumaba sa kusina. Ikakain ko nalang ito.
"Ilang beses ng nag-away..." narinig kong kanta ni Rome mula sa kusina. "Ngunit kahit ganito... madalas tayong hindi magkasundo. Ikaw lang... ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko." Kumakanta siya habang naghihiwa ng mga patatas. "Kahit na –"
"Aherm," bakit ba naapektuhan ako sa kantang iyan?
Tumigil lang siya peru hindi niya naman ako nilingon. "Buti naman naisipan mo ng lumabas sa banyo. Akala ko na flush ka na nga doon." Umupo ako sa isa sa mga stool na nandoon.
"Ikaw ang uunahin kong e-flush doon at hindi ako. Ano bang ginagawa mo? Na saan sila Mama?" Inferness bagay sa kanya ang naka-apron.
"Nagpapahinga sila, at ako naman ay naghahanda para sa tanghalian natin. Gusto mong tulungan ako?"
"Kaya mo na iyan."
"Sabi ko nga,"
Tinitigan ko lang talaga siya habang naghihiwa siya. Bakit ngayon ko lang na pansin na ang sarap niya palang titigan. Parang ang lambot hawakan ng medyo mahaba na niyang buhok. Tapos kapag ngumingiti siya parang ngumingiti din ang mga mata niya. Parang ang sarap niyang yakapin at hawakan lagi.
Thud..thud..thud.thud.thud. Ano bang nangyayari sa akin at bakit lumalakas ang tibok ng puso ko sa kanya. Hindi ko ma explain kung bakit bigla nalang pumapasok ang pangalan niya sa utak ko. Kung pareho ba kami ng color ng damit. Kung may sasabihin ba siya sa akin na kikiligin ako. Waa, bakit ganito?
"Woah!" Tinapik-tapik ko ang mga pisngi ko. "Bakit ganito?"
"Hoy Julieta naka drugs ka ba ngayon? Iyan na ba ang epekto sa pagkukulong mo sa sarili mo sa banyo?" Tinignan ko siya. Bakit ang gwapo-gwapo niya sa paningin ko?
Noon naman kahit alam kong gwapo siya wala lang naiinis parin ako sa kanya. Peru ngayon parang ang gwapo-gwapo niya talaga. Alam mo iyung may sparkles kang nakikita sa likod niya, with hearts and roses? Humaaygeed! Anong nangyayari sa akin?
"Julieta mukha kang praning," inilapit niya yung mukha sa akin. Lumakas naman lalo ang tibok ng puso ko. Takte! Ang gwapo-gwapo niya talaga. Yung blue eyes niya – eeyy! Julie relax ka nga lang diyan. "Kanina ka pa nakatitig sa akin." He smirked. "Alam ko na," itinaas niya iyung kutsilyo. "Papatayin mo ako noh?"
"H-huh? A-Anong papatayin kita?"
"Papatayin mo ako ng iyung HD."
"Anong HD?"
"Hidden Desires," he chuckled. "Sabi ko na nga ba na iinlove ka na sa akin eh."
"Na iinlove na ako sayo?" Posible kaya iyun? "Hindi ah!" Nilamon ko yung carrots na nahablot ko. Hindi ako inlove sa kanya. Pwede rin – knaaa!
"Ano ba Julieta hindi ko pa nahuhugasan iyung carrots!" Bleeh! Iniluwa ko yun. Kaya pala amoy lupa. Eww! "Nagsasayang ng pagkain." Pasensiya na.
"Rome heto na yung pinapaku – Julie?" Muntik na talaga akong mahulog sa stool na kinauupuan ko nang makita ko si Zell. Nak ng ukoy! Kakasabi ko lang na huwag sana kaming magkita eh. "Ah Rome," dali namang nakahuma si Zell at ipinatong ang mga gulay sa table. "Ito na yung mga gulay na pinapakuha mo sa akin."
"Thanks Zell," ngumiti si Rome. "Wait, do you guys knew each other?"
"Oo, nagkakilala kami noong minsang umuuwi sila ng pamilya dito tuwing bakasyon." Binalingan naman ako ni Zell. "Kumusta ka na?"
"Ahm," ano ba sasabihin ako. Ang awkward naman nito. "Okay naman, so kilala mo na pala si Rome."
"Ah Oo, pinakilala kami nila Tita kanina."
"Ahh, boyfriend ko nga pala siya –"
"Shit!" Bigla namang itinaas ni Rome ang isang kamay at dumudugo ang isang daliri niya. "Julieta huwag mo naman akong gulatin ng ganyan."
"Eh?" Hinila ko si Rome sa sink para mahugasan iyung daliri niya. "Sumakay ka na lang." Bulong ko sa kanya.
"Sino ba iyang si Zell at sinabi mo pa sa kanya na boyfriend mo ako."
"Mamaya sasabihin ko, basta sumakay ka lang." Nilingon ko ulit si Zell. "Pasensiya na, medyo magugulatin kasi itong si Rome."
"Hindi ba siya nasaktan?"
"Nasaktan ako," ibinalot ni Rome ang isang daliri ng panyo. "Lagi naman eh, kaya okay lang ako."
Bakit parang may pinapahiwatig ang isang ito?
"Ah, sige babalik na lang ulit ako mamaya para e-deliver ang mga pinabibili ni Tita Angel. Julie, mauna na ako." Pagkatapos niyang magpaalam ay umalis na rin siya.
"Julieta!" Binalingan ako ni Rome. "Ilan ba kaming lalaki sa buhay mo?!"
"Grabeh ka naman! Pwedeng mag-explain?"
"Simulan mo na mamaya!"
"Bakit mamaya pa?"
"Magluluto pa ako!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro