Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

"Julieta!" Hinawakan ako bigla ni Rome sa kamay peru kumawala agad ako. Ewan! Para kasing bigla nalang akong na paso. Ang weird nga eh. "Ang arte naman nito. Wala kayang germs itong mga kamay ko."

"Sinabi ko bang meron?"

"'Di bale nalang," may inabot siya sa akin na form. "Hayan, pinabibigay sayo ni ma'am. Ikaw ha, bakit 'di mo naman sinabi sa akin na mahilig ka palang magsulat."

"Imaginen mo kayang habang nag-aaway tayo sinasabi ko sayo lahat ng gusto ko at hindi ko gusto." Tumayo ako at umarteng susuntukin ko siya sa sikmura, na ginawa ko nga. "Rome mahilig akong mag-sulat!" Sinipa ko siya. "Rome mahilig akong kumain ng popcorn!" Sinampal ko siya. "Rome number one ka sa listahan ko na gusto kong patayin!" Kinuha ko yung form mula sa kanya at naupo ulit na parang walang nangyari.

"Ouch!" Napangiwi siya. "Hindi mo naman kailangang e-demonstrate. Sakit!"

I just smiled at him, "Mas maganda kapag live action eh."

Humila siya ng silya at umupo sa tabi ko na naka harap sa akin ang back rest ng upuan niya. "Sabi mo eh. Hindi naman ako naging tama para sayo." He rested his arms on the back rest at ipinatong naman doon yung chin niya.

Napabuntong hininga ako at tinitigan iyung form sa kamay ko.

"Wala naman akong planong sumali dito?"

"Sabi ko naman sayo malalabanan ang katamaran."

"Hindi naman ako tinatamad. Ayoko na talagang magsulat."

"Why? I'm sure you're good." Ngumiti siya sa akin. "I never doubted you anyway."

"Talaga lang ha?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Sabi mo pa nga sa akin boba ako. Hindi ko nga alam ang totoong pangalan ni Rizal tapos iisipin mong magaling akong magsulat."

"Malay mo naman may naitatagong katalinuhan ang utak mo. Edi cool iyun. At saka Julieta, ga-graduate na tayo. Pakinabangan mo naman iyang utak mo once in a while bago tuluyang kalawangin iyan sa loob."

"Wow ha! Nage-encourage ka ba o nang-aasar sa akin?"

"I'm doing both," he chuckled pagkatapos ay tumayo na at ibinalik sa dating pwesto ang upuan na kinuha niya. "Kita tayo mamaya at magliligpit lang kami sa SC Office. Excited ka na ba sa two weeks vacation natin?"

"Bakit magbabakasyon ba tayo?"

"Parang may narinig akong sinabi si Tita kanina. Malay mo magbakasyon tayo sa Mount Everest."

"Anong gagawin natin doon, magpapakamatay?"

"Magse-share ng body heat – woah!" Galing naka-ilag na siya nang binato ko sa kanya ang eraser ko. "Ha, akala mo. Magaling na ako diyan. Hindi mo na ako masasaktan." Napangiwi siya bigla. "Well, except doon kanina dahil hindi ko inasahan iyun." Ngumisi siya. "Ano? Papasa na ba akong ninja?"

"Hindi! Umalis ka na nga."

"Oo na!"

Nakangiting pinagmasdan ko lang si Rome na lumabas ng classroom. Maayos na nga ang lahat sa amin. Hindi na iyung dating buhis buhay naming pag-aaway. Na realize ko na masaya palang kasama si Rome kahit na medyo minsan na aasar parin ako sa mga ginagawa niya.

Sembreak na namin. Kakatapos lang kasi ng Intrums namin kahapon at naging okay naman ang lahat pati na sa drama namin. Sabihin nalang nating sa dami pala ng mga tumatangkilik sa love team namin ay napuno ang auditorium. Nagulat nga ako doon eh. Gawin bang pampalipas oras ang panonood sa pag-aaway namin ni Rome since childhood.

Lumabas ako ng classroom dahil tutulong na ako sa general cleaning sa ibaba dahil tumakas lang ako kanina dahil ang init-init. Alam mo na, mga gawaing typical ng mga masisipag na estudyante.

"Hi Julie, miss us?" Biglang hinarang ako ng tatlong babae.

Nak ng siopao! Hindi pa pala ako limot ng mga weenies? Tinaasan ko sila ng kilay. Ano na naman bang kailangan ng mga froglets na ito sa akin?!

"Hindi," maldita kong pagkakasabi sa kanila.

"Alam namin –"

"Alam ninyo naman pala eh bakit kung makapag-assume kayo diyan wagas?"

"'Diba sinabi ko na sayo na huwag na huwag kang mag-audition?"

"Pwede ba, tigilan  ninyo na nga ako. Wala naman kayong makukuha sa akin. Mae-stress lang ang mga eyebags ninyo sa akin."

"Naiinis kami sayo!" Wa wakas may isa na sa kanila ang nagsalita. Congratulations for that sister. Peru hindi parin ako makakatakas sa kanila. "Lagi mo nalang inaaway si Rome. Dapat nga magpasalamat ka pa dahil lagi kang pinapansin ni Rome. Kami nga eh, hindi napapansin."

"Kasalanan ko ba iyun? Bakit 'di kayo magpakilala sa kanya?"

"He doesn't like us!"

"He likes you."

"He likes me?"

Paanong gusto ako ni Rome? Yung lalaking iyun may gusto sa akin? Hindi nga? Waaa! Bakit 'di ko alam iyun? Totoo ba iyun o echus lang nila sa akin?

"Huwag ka ngang manhid Julie. Lahat ng tao sa school alam na may gusto sayo si Rome. Ikaw lang yata ang hindi nakakapansin nun."

"Tao ka pa ba? Ang manhid mo kasi eh."

"Hoy! Tao ako noh. At saka sure ba kayong may gusto sa akin si Rome? Baka ini-echus ninyo lang ako ha."

"Huwag ka ngang tanga Julie. Taga section four kami, ikaw taga section two, peru kung umusta ka parang ang slow ng utak mo."

"Hindi slow ang utak ko!" Minsan lang talaga loading siya. Hala! Akala ko ba hindi ako manhid? "Peru kahit na! Hindi ninyo dapat ako pinagbabantaan. Mali parin ang ginagawa ninyo sa akin."

"Dahil naiinis kami sayo!"

"Mainis kayo peru huwag ninyo akong pansinin!"

"Wincy ang bucket!" Pagkatingin ko naman doon sa kasama niya ay madala ngang pink na timba na may lamang tubig. Naku naman! Papaliguan yata ako ng tatlong ito. "Dahil naiinis kami sayo. Iinisin ka nalang namin."

"Wait! Okay, sabihin na nating may gusto sa akin si R-Rome. Peru hindi ninyo naman kailangang paliguan ako niyang dala ninyo."

"Tama nang satsat. Wincy ibuhos mo na sa kanya!"

"Weee-wait!" Napapikit nalang ako at hinintay na mabuhusan ng tubig peru wala naman akong naramdamang tubig na natapon sa akin. Narinig ko nalang ang pagsinghap nilang tatlo kaya naimulat ko ang mga mata. "Rome?!"

"Are you okay?" Nakangiti parin siya sa akin. Humarang pala siya kaya siya ang na basa. Tumutulo pa nga ang tubig sa dulo ng buhok niya at basang-basa ang polo niya.

"Sorry Rome!" Sigaw ng tatlo sa likod. "Rome pasensiya na." Nilingon naman ni Rome iyung tatlo. "Sorry talaga... hindi naman namin sinasadya... ano kasi... dapat si Julie ang –"

"Stop!" Natahimik silang tatlo. "Now, umalis na kayo sa harap ko."

"Rome?"

"Hindi ka galit sa amin?"

"Galit ako sa inyo peru hindi ako ganoon kasama para awayin ko kayo. Kaya kung ayaw ninyong makarating ito sa Principal natin umalis na kayo."

"Salamat Rome," sumilip naman iyung tatlo sa akin. "Pasensiya na rin Julie." Hinging paumanhin nila pagkatapos ay nagsitakbuhan na.

Rome faced me again, "You okay?"

"Rome okay lang ako. Ikaw nga itong nabasa." Na guilty ako dahil hindi dapat siya yung mababasa eh. Dapat ako iyun peru inako niya parin. Lagi nalang akong nililigtas ni Rome peru hindi ko man lang siya napapasalamatan. "Okay ka lang ba?"

"I'm okay," he smiled. "Tubig lang naman ito."

"Bakit bumalik ka?"

"May nakalimutan kasi akong dalhin."

"Ano?"

"Ikaw,"

"Ako?"

"Kasi sinabi sa akin ni Ma'am na dalhin kita sa faculty kaso nakalimutan ko." He reached for my hand. "Let's go?" Peru hindi ako naka imik agad. Talaga bang may gusto sa akin si Rome? "Hey, okay ka lang ba Julieta?"

"Ah, okay lang ako." I smiled at him. "Sige, peru magpalit ka muna at baga siponin ka pa niyan. Ikaw kasi masyado kang nagkabayani." Tinawanan lang niya ako.

"I like saving..."

"Sige para mapagawaan ka nila ng rebulto katabi ni Rizal. E push mo iyan."

Napangiti ako kasi na touch talaga ako sa ginawa niya. Hindi ko inasahan na magagawa niya iyun sa akin. Rome likes you! May gusto ba talaga si Rome sa akin? Paano ko naman iyun malalaman?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro