Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

"Welcome to Never Land Internet Café!

Bumaba mula sa barko ang isang naka-all green suit na lalaki na kamukhang-kamukha ni Kai. Huwag mong sabihing iba na naman ito?

"Peter Pan?"

"I'm not Peter Pan. I'm Kai Standard Fan. I own this Never Land Internet Café and this is my secretary Janna Bill Gates." Si Kai nga ito dahil English speaking eh.

"Hello!" Bati sa amin ni Janna Bill Gates. Ewan, bakit may murdering nangyayari sa mga pangalan dito. "Internet mo na kayo, 60 pesos per hour." Nanlaki naman talaga ang mga mata ko. Ano ba iyang Internet nila ginto?

"Kaloka! Ang mahal naman niyan fafanez?"

"We're in the middle of crisis, so we have to high the price."

"Hindi na," sabi ko. "May itatanong lang naman kami."

"Every question has its own price." Inalahad nito ang palad sa akin. "Fifty pesos per word."

"FIFTY PESOS PER WORD?!" Sigaw ko kay Kai. "Tao ka pa ba o perang nagkatawang tao?! Mukha kang pera! Hoy kung inaak –" Hindi ko na natapos ang paglilitanya ko nang takpan ni Rome ang bibig ko. "BnwaanMokoRome!"

"He-he," peru hindi talaga inalis ni Rome ang kamay niya sa bibig ko. Takte! Mapapatay ko talaga ang Kai na ito. "Pasensiya na fafanez peru okay, kung iyan lang ang paraan na maka-exit kami sa iyung world ay hahayaan kitang payamanin ang sarili mo."

Huwag mo yang payamanin ang mukhang perang iyan!

"Saan po ba ang palabas dito?"

"Pay me first,"

"Gago ito ah!" Bigla akong pinakawalan ni Rome at naging lalaki siya ulit. Susuntukin na sana niya si Kai nang mahawakan ko siya. "Bitiwan mo ako Julie. Naasar na ako sa isang ito."

"Are you gonna pay or not?!"

"Oo na! Magbabayad na kami." Sigaw ko kay Kai. Peru dahil wala naman akong dalang pera ay kinausap ko si Rome kung meron siya. Luckily mayaman pa din siya. "Oh hayan! Isaksak mo sa baga mo."

"Doon kayo dadaan sa balon." Sabi ni Janna sa amin. "Sumama kayo sa akin at dadalhin ko kayo kung saan makikita ang balon." Sumunod kami kay Janna dahil ang amo niyang mukhang pera hayun at nagbibilang ng milyones.

"Wala bang Sadako doon Jinggle Bills?" Naging bakla ulit si Rome.

"Hindi ko alam," at sa wakas nakita na nga namin ang balon na sinabi niya. "Bumaba kayo sa balon na ito at makakalabas na kayo sa mundo namin."

"Salamat Janna Bill Gates," sasampa na sana kami sa balon.

"Aherm," nilingon namin si Janna Bill gates. "Tip ko?"

"Wala bang nabubuhay na tao dito na hindi mukhang pera?!"

"Huwag mo ng pansinin iyan sister at mag-waaaaa! Julie bakit mo ako itinulak! Bruha kang babae ka!"

Para matakasan si Janna ay tumalon nalang kami sa balon. Peru kung ako naka-move on na sa pagbulusok namin pababa ay itong si Rome tili parin ng tili at hanggang ngayon hindi parin kami nakakatapak ng lupa.

"Bruha ka talaga Julie!"

"Tumahimik ka! Ang ingay mo – aww!" Sakit ng pwet ko.

"Inuyasha!" Sigaw ni Rome at ganoon nalang din ang pagkagulat ko nang makita ko in person si Inuyasha. Peru bakit magkamukha sila nung isa sa mga kambal? Wait, huhulaan ko! Siya si Hikaru! Takte! Saan na naman kami? Wala na bang katapusan ito?

"Hindi ako si Inuyasha ako si Hikasha uh-uh-uh." Biglang inatake ng hika si Hikaru. Peru bakit ang Inuyasha naman na ito ay masyadong madungis. "Sorry, may hika ako uh-uh-uh, hindi kayo taga rito?"

"Like duh?" Maarteng tinignan ni Rome si Hikasha. "Minsan ba sa life mo naisipan mong maligo or mag-take a bath? You're so nakakasuka na kaya." Sinaway ko naman agad si Rome.

 "Teka!" Biglang nalang nag-change ang expression ng mukha niya na parang naka drugs at itinutok yung espada niya sa amin. "Nasa inyo ba ang makapangyarihang crystal na bato!" Knaaa! Lumipat ako sa likod ni Rome.

"Ay meron akong bato, kaso di naman ito crystal."

"Akin na iyan!"

"Fake iyan, warning." Hinablot iyun ni Hikasha at biglang nag-evil laugh.

"SA WAKAS!"

"Opo, wakas na po ba? Mamaya ka na magsaya okay? Saan ba ang lagusan palabas Hikasha?"

"Sa balon," turo niya doon sa balon.

"Sa balon na naman?! Baka sa susunod doon na talaga kami dalhin niyan kay Sadaku." Itunuon na naman niya sa amin ang kanyang sword. Scary! "Chillax!"

 "Aalis ba kayo o hindi?!"

"Sayonara!" Hinila na ako ni Rome at tumalon na naman kami sa balon. Kailan pa ba tayo matatapos? Naloloka na ako.

"Ang mahiwagang –"

"Doremon!"

Humaygaad! Si Doremon na kita ko na rin sa personal. Eh? Bakit si Doremon kamukha ni Kuya Marco at si Nobeta kamukha ni Kuya Tobby?

"Sino kayo? Hindi ako si Doremon ako si Mamon at ito naman ang master ko na si Tobeta."

"Sige na Mamon promise hindi ko na talaga wawalain."

"Ayoko na Tobeta! Mapapahamak na naman ang mundo! Pagagalitan ako nila Mommy at Daddy." Yumakap si Tobeta kay Mamon at yung luha niya parang waterfalls lang.

"Sige na Mamon kailangan mo akong iligtas."

"Bakit mo ba kailangan ang mahiiiiiiwagang radyo!"

"E kasi kailangan kong kantahan si Parisbulag ng favorite song niya kaso 'di ko alam ang lyrics kaya sa radio nalang." Balik ulit sa waterfalls na luha. "Ilabas mo na ang mahiiiiiiiwagang radio para 'di na ako mabugbog ni Parisbulag.

"Stop in the name of love!" Biglang pose ng Charles Angel si Rome. "Marunong akong kumanta."

"Wee?"

"OO nga! Best in talent ako kaya karey lang iyan etech."

"Hayan Tobeta may tutulong na sayo. Hindi muna kailangan ng mahiiiiiiwagang radyo!" Kailangan ba talagang prolonged ang pagkakasabi ng mahiiiiiiiwagang radyo?

"Yeepey!" Nagtatalon-talon si Tobeta sa tuwa.

"Hoy Tobeta!" At bakit kamukha ni Parisbulag si Paris? Paki-explain. "Diba kakantahan mo pa ako ng favorite song ko?!"

"Ah, ano, Parisbulag... si Rowena ang kakanta sayo."

"Iyang baklang iyan?"

"Hoy! Matabang gusgusin na mukhang baboy maganda aketch voice noh. Chaka mo!"

"Tama na iyan! Kumanta ka nalang."

Bakit ba feeling ko hindi bagay ang boses ni Paris dito sa totoong buhay. Parang hinugot pa niya ang boses from 8 feet under. Ang lalim lang eh.

"Hit it maestro!" Pose muna bago kanta.

Aketch ay may lobing...  nagflylalu sa heaven

'Di ko na ma sighting nag-explode na paler

Sayang lang ang anda ko pambili ng lobing

Kung lafang pa sana nabusog pa aketch

Ooooh! Woah!

"Wooah! Galing mo Rowena." Bigyan ng retarded seal na clap. Wow! Iyun na ba ang bekeng version? Nakakabuwesit na nakakatuwa lang.

"Julie nandiyan na ang liwanag!" Hinawakan ako ni Rome sa kamay. Grabeh naman! Kung saan-saan pa kami pumasok sa liwanag lang pala kami pupunta. "Hoy Julie!"

"Julieta!"

Papunta na ba kami sa heaven?

"HOY JULIETA! GISING!"

"R-Rowena?" Hinawakan ko yung mukha niya. Medyo disoriented pa ako at blury pa ang vision ko. "Rowena naka-uwi na ba tayo?"

"Sinong Rowena? Adik ka ba Julieta?!"

Bigla akong nagising. Woah! Hinawakan ko yung mukha niya, yung buhok niya, sinipat iyung damit niya, kung may make up ba siya. Tapos kung nasa gubat pa ba kami? Humaay!

"Hindi ka na baklosh?"

"Kini-question mo ba ang pagkalalaki ko?"  Ang sama lang tingin sa akin eh. "At tiyaka Rowena? Ano bang klaseng pangalan iyun pang matanda."

"Eh? Akala ko kasi..." panaginip lang ba lahat ng iyun?

"Gusto mo subukan natin ng malaman mung lalaki talaga ako" Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya peru pinigilan ko siya. "Oops, diyan ka lang kung ayaw mong patayin kita ng hindi oras."

"Ewan ko sayo!" Tumayo na siya. "Inutusan lang kitang kunin ang naiwan kong libro sa library tapos inabot ka ng isang oras. Nandito ka lang pala natutulog. Tumayo ka na diyan at grand rehearsal na natin. Bukas na ang play."

Tapos biglang nag-whistle si Rome nung 'Ako'y May Lobo' na kanta. Ang weird? Ano kayang sound nun kong kakantahin niya iyun in beke version? Yikes! Eww. Ayoko nga sa baklang si Rome nakaka-stress ng eyebags.

"Ano tutunganga ka na naman diyan?!"

"Oo na!"

Hmmp!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro