Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

"'Langya naman kayo kung mag plano!" Narinig ko pang sigaw ni Ethan habang papasok ako ng SC office. "Gago talaga kayong kambal. Tignan ninyo nga ang ginawa sa akin ni Rome?"

Pinakinggan ko lang sila. Ano na naman kayang ginawa ng apat na ito? At bakit na dawit naman yata ang pangalan ko?

"Eh kasalanan ba naman naming lampa ka, diba Kauro?"

"Tama ka Hikaru, kita mo nga si Gobernador Kai ni hindi man lang pinawisan."

"Dude magpasalamat ka nahila ka pa ni Kauro dahil knock out ka na agad, diba Kauro?"

"Bigat mo! Makasalanan ka kasi kaya hayan ang napala mo."

"Baliw!" Sigaw ni Kai. "Your plan sucks, and I couldn't believe I agreed with the three of you. You just wasted my time."

"Pwede ba Kai huwag kang mag English dahil nauumay na kami."

"Kalabad ba aning bataa."

"Ano na namang linggwahe iyan?"

"Ni ana ka 'di ka ganahan mag-English ko? DMD lagi kay ka!"

"Ahh! Ewan ko sa inyo."

"Anong tungkol sa akin ang pinag-uusapan ninyo?" Nagulat silang lahat ng pumasok ako, este maliban kay Kai. Hindi naman iyan natatakot sa akin. "Hoy Ethan! Bakit may black eye ka sa mukha mo?"

"Eh?"

"Kasi Haring Rome kami po yung,"

"Tagapagtanggol ng Suzaku na nakipag-away sa inyo."

"Ano?!" Sigaw ko sa kanila. "Baliw ba kayo?! Sino bang may sabi sa inyong gawin ninyo iyun?" Uminit bigla ang ulo ko. "Tinakot ninyo si Julieta dahil sa mga kalokohan ninyong apat!" Binato ko sila ng kung ano-ano na nahawakan ko. Kaya lang magaling talaga sa ilagan itong si Kai dahil kahit na naka paste ang mga mata sa laptop niya ay mabilis parin ang mga senses niya. Kaya pala hindi ko matamaan si Hotohori noon.

"Aray! Aw – Ano ba, eey! Sakit!"

"Kauro ilag!"

"Hikaru ilag – aww!"

"I did not do something to Julie," ni Kai. "Sumama lang ako sa kanila."

"Aish," nahilot ko ang sentido. "So sinong nagpakana ng lahat?"

"Ang kambal!"

"Si Ethan Yu!"

Nagturuan pa ang kambal at si Ethan. Aish, talaga naman. Ngayong nahuli na wala ng aamin. Ang sarap sapatusin ng tatlong ito.

"Ano ba naman Sushi Twins!" Frustrated na sigaw ni Ethan. "Ako na nga iyung binantaanan ninyong papatayin ang gold fish at si Bachuchay kapag hindi ako makisama sa inyo, ako pa itong sisihin ninyo?! Grabeh na talaga kayo!"

"Umiiyak ka?"

"Hindi nakatawa,"

"Tigilan ninyo na nga iyan," binalingan ko si Kai. "At ikaw Kai pwede bang patayin mo muna iyang laptop mo at hindi ko makausap ng matino ang tatlong ito."

"Rome I'm the middle of my transactions,"

"At kapag hindi mo iyan ititigil ewi-withdraw ko lahat ng pera mo sa banko."

"You can't do that,"

"Alam ko ang account number mo."

"Nabuang na," Pinatay na niya ang laptop. Oh, he's speaking Bisaya. Taga Cebu kasi yang si Kaiser. "Fine, ang kambal ang may pakana ng lahat ng iyun."

Lumapit sa akin ang kambal at ibinigay sa akin ang cellphone nila. Kumunot lang tuloy ang noo ko sa kanila. "Ano ba ito?"

"Cellphone,"

"I know," asik ko sa kanila. "Peru bakit ninyo ibinibigay ito sa akin?"

"Susuko na kami."

"Pakitawag nalang ang mga Police."

"Ano bang kasalanan ninyo?"

"If being handsome is a crime, then arrest us."

"Ugok!" Ibinalik ko sa kanila ang cellphone nila. "Bakit ba ang OA ninyong dalawa? Fine, galit ako sa ginawa ninyo, but at the same time ay nakatulong din naman iyun para maging okay kami ni Julieta."

"So hindi ka,"

"Galit sa amin?"

"Kakasabi ko lang diba?" I sighed. "Peru huwag na huwag na ninyo iyung gagawin kong ayaw ninyong ipalapa ko kayo sa mga buwaya sa susunod."

"Naman," nakangiwi si Ethan habang hawak iyung nasaktang mata. "Tanga lang ang magpapa-black eye sayo ulit noh! Sakit. May araw din kayong kambal sa akin!"

"Kauro maiisingit pa ba natin si Ethan Yu sa schedule natin?"

"Malabo Hikaru, puno na kasi ang schedule natin."

"Go to hell!"

"Sama ka?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro