Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

"Na saan na ba ako?" Patingin-tingin ako sa paligid ko. Hindi na pamilyar sa akin ang street na ito. Sobrang dumi pa at wala namang tao sa paligid. Parang ganito din iyung mga scary street sa mga American Movie na nakikita ko sa TV. Peru nilakasan ko lang talaga ang loob ko. Walang masasamang tao dito.

At sigurado akong dito dumaan iyung snatcher.

"Hoy! Mga snatcher na pangit lumabas na nga kayo diyan at ibalik ninyo na ang cellphone ko." Sigaw ko. "Bumili nga kayo ng sa inyo!" Sigaw lang ako ng sigaw doon hanggang sa makarating na ako sa isang dead end. Mukhang nakawala na talaga ang mga kulokoy na snatcher na iyan.

"Meow!" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko yung sosyalen na pusang dumaan sa harap ko. "Meow, meow." Ano namang ginagawa ng isang mamahaling pusa dito? Kakambal ba niya si Garfield?

"Look who's here," napaatras ako sa gulat nang may mga apat na lalaking kahina-hinalang may suot na maskara ng mga tagapagtanggol ni Miaka sa Fushigi Yugi. Takte, ano bang trip ng apat na ito? May naka-Tamahome, Hotohori, Tasuki, at Mitsukake. Naka-drugs ba ang apat na ito?

"Pwede ba Hotohori huwag kang mag-English." Sabi nung si Tasuki.

"Sorry, nakapag-aral kasi ako sa isang mamahaling skwelahan bago naging official gangster."

Dapat na ba akong matakot o matawa sa dalawang ito. Inilabas nung isa ang isang kutsilyo. Okay mag-umpisa ka ng matakot Julie dahil naka-druga ang apat na iyan. Uwaaa! Hindi ko na nga makukuha ang cellphone ko papatayin naman ako ng apat na tagapagtanggol ni Miaka. Wait parang kulang sila ng tatlo? Eyy! Bakit iyun pa ang ini-una ko?!

Tumawa ng super evil yung si Mitsukake. "Kapag siniswete ka nga naman," he bent down in one knee. "Halika dito Batchuchay." Lumapit sa kanya iyung sosyaleng matabang pusa. Pusa niya ba iyun?

Lumapit sa akin yung may maskarang si Tamahome at nilaro-laro pa sa isang kamay ang isang baseball bat. Hahampasin niya ba ako ng hawak niyang iyan? Napaatras ako. "Ganda mo naman," sabi niya. "Kung gusto mo sumama ka nalang sa amin."

"Hindi ako sasama sa inyo! Lumayo na kayo sa akin." Paano ba ako makakatakas dito? Natatakot na talaga ako. "Wala naman akong ginagawa sa inyo ah."

"Huwag ka ng matakot sa amin dahil dadalhin ka namin sa langit."

"Mauna kayo!" Kailangan ko na talagang makaalis dito. "Hindi ako sasama sa inyo!"

"Ang tapang mo naman," lumapit na sila sa akin.

"Huwag kayong lalapit sa akin kung hindi sisipain ko kayo!"

"Ang tapang mo naman,"

"Huwag ka ngang paulit-ulit Kau-Tasuki! Mag-isip ka ng ibang sasabihin. Wow! Ang tapang mo naman."

"Mga baliw!" Binunggo ko sila at lumusot doon sa gilid nung isa sa kanila at nang nasa likod ko na sila ay tatakbo na sana ako nang biglang may humila sa isa kong paa kaya na tumba ako. Napangiwi ako sa sakit. "Argh,"

"Not too fast," pagtingin ko ay yung mukha ni Hotohori ang nakahawak sa binti ko. "You're not going to leave us here ng hindi ka napapakinabangan." Naiiyak na ako kasi natatakot na ako sa kanila, nasugatan pa ang isang siko ko at dumudugo na iyun.

"Bitiwan ninyo na ako! Wala naman kayong makukuha sa akin eh!" Tumulo na ang luha ko sa mga mata. Bigla ko namang naalala ang lahat ng inis ko. Lalo na iyung inis ko kay Rome. Kung hindi sana siya nagbago may kasabay sana akong umuwi at hindi ako sumama kay Kai na mukhang pera na iyun!

"Meron!"

"Wala nga sabi eh!"

Rome tulungan mo ako. Please, sana dumating ka.

"Ang tagal naman –"

"Bitiwan ninyo si Julieta!"

"Andiyan na pala siya!"

"Rome!" Sigaw ko. "Rome tulungan mo ako!"

"Julieta huwag kang mag-alala." Lumapit si Rome sa apat at pinagsisipa sila peru yung si Hotohori lang ang hindi natatamaan sa kanilang apat. "Gago kayo! Anong ginawa ninyo kay Julieta ha?!" Sinuntok naman niya ang apat peru nakakailag talaga si Hotohori eh.

"Ano ba?!" Sigaw nung si Mitsukake. Belib naman talaga ako sa maskara nilang hindi natatanggal. "Huwag mo namang lakasan ang pagkakasuntok mo sa akin."

"Hindi ko lakasan? E sinaktan ninyo si Julieta? Gago ka!" He punched Mitsukake on his face kaya na knock out siya. "Wala kayo karapatang saktan si Julieta!"

"Batse na tayo!" Hinawakan nung si Tasuke ang paa nung si Mitsukake at hinila na. "Mamamatay tayo diyan kapag hindi pa tayo umalis." Kumaripas na ng takbo ang tatlo.

"Rome?" Tumayo ako at pinahid iyung mga luha ko sa mukha. "Rome!" Tumakbo ako sa kanya at yumakap. Doon na talaga biglang nag-sink in sa akin ang lahat. Yumakap din siya sa akin.

"Julieta okay ka lang ba?"

"Rome buti nalang dumating ka." Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating." I sobbed.

"Shsh," hinagod niya ang buhok ko. "You're safe now."

"Rome please huwag ka ng mabait sa akin. Please huwag mo na akong tawaging Julie. Ayoko na ring hindi mo ko inaasar at pinapagalitan dahil sa kabobohan ko. Ayoko ng mabait na si Rome. Gusto ko yung dating si Rome na kinaiinisan ko. Please, huwag kang magbago." Ayoko nun.

"Gusto mong mag-away tayo lagi?"

I nodded on his chest. "Hindi ako sanay na hindi tayo nag-aaway at nagbabangayan. Naisip ko na hindi ko pala kaya ang maging tahimik sayo at ikaw naman hindi ako pinapansin. Sinadya ko ang makatulog sa klase kanina peru hindi mo naman ako pinarusahan tapos kapag tinataasan kita ng boses nanahimik ka. Ayoko nun!"

"Hindi ko alam kung sadista ka o iba lang talaga ng ikot ng utak mo." He chuckled tapos natawa naman ako. Niluwagan niya ang pagkakayakap ko sa kanya para makita ako. "Oo na, mahal na reyna Julieta hindi na po ako magiging mabait sayo." Pinahid niya yung mga luha ko sa mata.

"Rome,"

"Baliw ka ba?!" Sigaw niya bigla sa akin. Kumalas tuloy ako sa pagkakayakap sa kanya. "Takot ka sa dilim at multo peru hindi ka takot habulin ang mga snatcher?! Saan mo ba nilalagay ang utak mo ha!"

"Bakit mo ba ako sinisigawan ha?!"

"Kasi naiinis ako sayo dahil muntik ka ng mapahamak dahil diyan sa katangahan mo. Paano nalang kung hindi ko nalaman na sinundan mo pala iyung 'lanyang snatcher na iyun? Paano kung hindi ko alam kung na saan ka ngayon? Paano nalang kung nahuli ako? Julieta naman!"

Peru sa halip na magalit ako sa kanya ay ngumiti lang ako sa kanya.

"Oh bakit nakangiti ka pa diyan?"

"You're back,"

"Ewan ko sayo Julieta ha!" Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan at nabasa agad kami. Peru hindi naman kami nagpasilong. Basta nakangiti lang ako sa kanya. "Huwag mo kong ngingitian ng ganyan Julieta dahil hindi ako natutuwa sayo. Halika na," inakbayan na niya ako at ibinuka niya iyung payong na sobrang laki naman. Alam mo yung payong sa mga beach na rainbow. "Umuwi na tayo,"

"Bakit 'di ko na pansin na may payong kang dala?"

"Nakasubsob ka kasi sa lupa."

"Saan mo naman nakuha iyan?"

"Kinuha ko sa isang tinderong nagtitinda ng fishball."


****




 

Kumuha ako ng pushcart peru si Rome naman ang nagtutulak. Kami ang inutusan nila Mama na mag-grocery ngayon dahil naubos na ang lahat ng naka stock na pagkain sa bahay namin. Bukod sa malakas kaming kumain ni Rome ay mas may malakas pa palang kumain bukod sa amin. Walang iba kung hindi ang dalawang pinsan namin na hindi namin alam kung makaka-graduate sa College dahil sa panay inum ng iced tea.

Peru aside from that ay okay na ang lahat sa amin ni Rome. Nagkakasundo na kami peru nag-aaway parin kami minsan – I mean everyday. Hindi talaga miiwasan eh. Nagikut-ikot na kami sa mga shelves sa supermarket at kinukuha iyung mga kailangan naming bilhin.

"Hoy Rome!" Tinampal ko yung kamay niya kasi panay ang paghakut ng mga junk foods. Grabeh naman talaga ang kaadikan niya sa mga ganyan. "Kumuha ka peru huwag naman ng sobra. Masama iyan sa katawan."

"Konti lang naman ah."

"Anong konti diyan? E halos mapuno na yang cart natin dahil sa mga junk foods mo." Ibinalik ko na yung iba. "Ikaw itong matalino at may balak mag doctor peru wala kang awa diyan sa katawan mo."

"Ay sus," ngitian lang ba ako. "Concern ka lang sa akin eh."

"Concern ako sa katawan mo."

"Aanhin mo naman ang katawan ko? Aha, may balak kang ankinin ako noh?"

"Baliw! Hindi ah." Inihampas ko yung nahablot kong pagkain. "Nagmamalasakit lang ako dahil masyado kang pabaya sa katawan mo." Inagaw niya naman sa akin yung hindi ko alam kung ano yung pinanghampas ko sa kanya.

"Julieta para sa akin ba itong biscuit na ito?"

"Anong bis- Wafu?" Rome grinned. "Oh bakit nakabungis-ngis ka diyan?"

"Kasi binigyan mo ko nito."

"Hindi ko binigay iyan dahil kinuha mo iyan."

"Sus, kunwari ka pa eh." Inakbayan niya ako. "Sinadya mo itong ihampas sa akin dahil wafu ako. Naks! Pwedeng kiligin Julieta?" Natatawang inalis ko nga iyung braso niya sa balikat ko.

Isipin bang sinadya ko iyung ihampas sa kanya iyung biscuit. Peru inferness naman sa pangalan nung biscuit na iyun – Wafu. Katunog sa gwapo. Galing talagang mag-isip agad nitong si Rome. Sa bagay genius nga eh.

"Sige eh push mo iyan,"

"Julieta paano kaya kung naging close tayo noong mga bata. Sa tingin mo nag-aaway tayo ngayon?"

"Hmm, siguro hindi. Baka naging mag-bestfriend pa tayo."

"Ayokong maging bestfriend mo."

"Pansin ko nga," I glanced at him. "Kasi kung trip mo akong maging BFF hindi mo na sinimulan ang pagde-demonyo mo sa buhay ko."

He laughed, "May rason kasi ako kaya kita deni-demonyo."

"Ano naman iyun?"

"Secret,"

"Ewan ko sayo," na pansin ko namang kumuha ng pampers si Rome. "Hoy! Bakit ka kumukuha ng pampers?"

"Para sa baby natin,"

"Anong baby eh wala naman tayong anak."

"Wala ba?" He chuckled. "Akala ko kasi mag-asawa tayo, tsk."

"Baliw ito," kami mag-asawa? Err, hindi ko alam ang eri-react ko. "Kumuha ka na nga lang ng maliit na trash bin para sa banyo, isang pitsel, lalagyan ng sabon, at tabo." Sinunod niya naman lahat ng utos ko sa kanya kaso lang hindi ko gusto ang mga kulay na kinuha niya.

I put my hands on my waist. "Bakit puro naman blue iyan?"

"Favorite color ko, pakialam mo ba."

"Ayoko niyan! Dapat pink ang mga kinuha mo."

"Anong akala mo sa bahay natin mansion ni Barbie? Pink lahat?"

I glared at him, "Hindi mo ba talaga iyan papalitan?"

"Hindi,"

"Diyan ka lang." Ako na mismo iyung kumuha ng pampalit na iyun peru lahat pink. Daya niya, dapat pink iyun at hindi puro blue. Pagbalik ko sa pinag-puwestuhan niya ay inilagay ko lahat ng iyun sa cart. "Hindi mo talaga papalitan?"

Umiling siya, "Hindi nga sabi."

"Pwes hindi ko rin ito ibabalik."

Kaasar naman ng lalaking ito. Ayaw niya ibalik kaya tig-isa kami. Umiinit na naman ang ulo ko sa kanya. Pumunta na kami sa counter para mabayaran iyung mga bibilhin namin. Kaso hindi ko makita yung wallet ko sa bag.

"Rome ikaw na nga muna ang maglagay niyan sa counter."

"Okay," I gave him way para hindi mahirapan na ilagay ang mga pinamili namin. "Ano bang hinahanap mo diyan?"

"Yung wallet ko," nakita ko na. "Ito lang pala."

"Ang cute ninyo namang magkasintahan." Natutuwang sabi nung cashier sa amin. Ngi-ngiti naman itong si Rome sa akin habang pasimpleng inakbayan ako.

"Bakit kaya maraming supportive na tayo ang magkatuluyan, Tsokocrunch? Ito na ba yung sign ng langit na dapat tayo nalang talaga ang magsama habang buha –" siniko ko nga siya sa tigiliran niya. "Ouch!"

"Umayos ka kung ayaw mong gawin kitang oatmeal mamaya."

"Brutal mo talaga eh,"

"Galit pa ako sayo kaya tigilan mo ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro