Chapter 14
Pumasok muna ako sa banyo para kunin iyung lotion na ipapagamit ko kay Julieta. Ewan ko ba sa isang iyun at masyadong weirdo ang ikinikilos. Naiisipang manood ng Special A tapos magagalit sa babaeng bida dahil masyado daw manhid. Anong tingin niya sa sarili niya hindi? Peru sabi nga nila kung sino pa ang kinaiinisan natin ay siya namang totoo nating ugali. Bagay nga sila ni Hikari at ako naman ang kawawang si Kei, aish.
Ang pangit din talaga ng lasa nung cake ni Julieta kanina. Err, kung si Kei natitiis ang parang semintong rice balls ni Hikari puwes ako susubukan kong tiisin ang cake niyang lasang uling. 'Lanyang pagmamahal ito! Buhis buhay.
Lumabas na ako ng banyo at ganoon nalang ang gulat ko nang makita si Julieta na nagdadasal. Ito na ba iyung epekto ng pangit niyang cake. Praning lang eh. Maloko nga ang isang ito. I started taking off my shirt. Tignan natin kung 'di ka pa madala sa maganda kong katawan.
"Hoy!" Sabi ko na nga ba magre-react siya. "A-Anong ginagawa mo?"
Hinarap ko siya. "Naghuhubad?"
"Bakit ka naghuhubad?!"
"Kasi may gagawin nga tayo, diba?"
"Na naka hubad ka?"
"Yup, may problema ka?" Lumapit ako sa kanya. Syempre para naman asarin lang siya. Paminsan-misan ay dapat matututo din ng leksyon itong si Julieta. "Are you bothered?"
"Oo," Naks! Effective. Panay lang ang tingin niya sa katawan ko.
"Why?"
"Bakit wala kang abs Rome?" Nak nang! Kailangan talagang sirain ang moment sa tanong mong iyan Julieta? Asar ha. "Hoy!" Wala nga akong abs peru sexy parin ako.
"Kasi high school pa tayo at hindi bagay ang abs sa mga totoy pa!" Hindi ko na nga lang itutuloy ang balak ko. Lumapit ako sa kama ko at paharap na ibinagsak ko ang sarili ko. "Lumapit ka na sa akin."
"Ang weird mo naman Rome. Hindi mo ba alam na halos mga kwentong nababasa ko ay may abs ang mga bidang lalaki lalo na kapag naghuhubad sila."
"Welcome to the real world." Itinaas ko yung isang kamay ko para ituro iyung likod ko pagkatapos yung isa naman na may hawak ng lotion. "Sa totoong buhay walang seductive scene. Ang meron masahe at pang-aalila sa mga babae."
Darn, nakakabawas talaga ng pagkalalaki ang tanong niya kanina. Dapat na yata talaga akong mag-work out. Kaya siguro hindi ako napapansin kasi type ang mga lalaking may abs.
"Inuutusan mo ba akong masahein ka?"
"Oo, kaya kunin mo na itong lotion at masahein mo na ako."
"Bakit ba ang bossy mo?!" Kinuha niya iyung lotion sa kamay ko. "Para ka namang hari sa mga pag-uutos mo sa akin." Naramdaman ko na yung mga kamay niya sa likod ko. Naks, magaling pala itong si Julieta mag-masahe.
"Pagod lang ako," I closed my eyes. Totoong pagod ako, medyo busy lang talaga lately sa mga preparation sa Intrums at mga paper works bago ang semestral break. Kailangan ko na iyung matapos bago pa matapos ang semester. "Sige idiin mo pa."
"Sa dami pa naman ng mga responsibilities mo sa school at sa mga ka weirduhan ng mga kasama mo sa SC office hindi na nga ako magtataka kung mapagod ka ng husto."
"I love doing those things, kaya lang minsan nakakapagod din naman."
"Aaminin ko sayo Rome, kahit na naiinis ako sa iyo ay belib parin talaga ako sa dedikasyon mo bilang Student Council President, Commandant Officer ng CAT, President ng section two, at sa pagiging number one mo sa klase. Sa totoo lang, hindi ko naman kaya ang lahat ng iyun. Kasi hindi naman ako kasing talino mo. Tamad din ako at walang sense of responsibility." I heard her sighed. "Kaya nga minsan kahit hindi sabihin nila Mama alam kong gusto nilang baguhin ko ang buhay ko at maging katulad mo."
I pulled myself up and sat in lotus position. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Julie. Alam kong marami siyang itinatago sa sarili niya peru hindi ko naman siya pwedeng piliting sabihin iyun sa akin lahat.
"Alam mo," simula ko. "You can do better in Romeo and Juliet."
She pouted her lips. "Eh napilitan lang naman akong sumali doon dahil naiinis ako doon sa mga weenies na nasa section four. Gusto ko silang inisin dahil umi-epal sila sa buhay ko. It's not like I've been in a drama before."
"You've been in a drama before Julieta."
"Rome hamburger ako doon hindi si Juliet. Ikaw naman ang bida sa play na iyun eh."
Tukoy niya sa play namin noong grade three kami. She was the hamburger at nakasuot siya ng hamburger costume. Ang title pa nga noon ay When I Was Your Hamburger. Storya ng isang lalaking mahilig sa mga non healthy foods and eventually fell in love with the hamburger.Sa tuwing naalala ko iyun natatawa talaga ako. Ang galing ko pala talaga gumawa ng play he-he.
"See? Tumatawa ka nga sa akin dahil ako lang yung nag-iisang pagkain na hindi marunong sumayaw."
"Oh c'mon it's not like you're going to dance in the play. All you have to do is to memorize your lines and practice your expressions. Iyun lang."
"Bakit Romeo and Juliet? Pwede ka namang gumawa ulit ng ibang play gaya nung ginawa mong play noong grade three."
"Na gandahan ka ba doon?"
"Hindi, ang pangit nga eh. Sino namang tao ang mai-inlove sa isang hamburger? Tangeks ka ba? Pinalampas ko lang iyun dahil nga sa edad nating iyun masyado pang-wild ang imaginations natin."
"Hoy! May mga tao talagang naiinlove sa mga pagkain."
"Oo na, sige na. Peru wait, paano kung walang nage-exist na Romeo and Juliet na story. Anong play ang gusto mong e-act sa Intrums?" Hmm, siguro iyung Rome vs Julie: The tale of Julie's Kamanhidan. Papatok iyun sa mga taong enemyzone. Peru hindi ko iyun sasabihin sa isang ito at baka masipa na naman ako ng 'di oras.
"Iyung sequel nung When I Was Your Hamburger,"
"May sequel pa ba iyun?"
"Oo naman,"
"Ano naman ang title nun?"
"Hamburger Please Date Me."
Bigla ba namang tumawa si Julie. Sabagay nakakatawa nga naman iyun. Peru para sa akin may meaning ang mga ginagawa kong play kaso hindi naman niya talaga nage-gets ang mga iyun. Saan ba ako makakabili ng pampatanggal ng manhid?
"Ewan ko Rome peru I swear," natatawa talaga siya. "Natatawa talaga ako sa mga kwento mo. Alam mo dapat mong e-submit iyun sa mga publication malay mo naman sumikat."
"Right, tapos kapag gawan nila ng movie ikaw ang hamburger."
"Eww! Ayoko ng maging hamburger."
Minsan Julieta pangarapin mong maging hamburger ng buhay ko.
****
"Ahm, Julie?"
Tinitigan ko lang talaga si Paris, as in walang kurap pa iyun. Katatapos lang naming mag-practice at break time na. Ewan ko ba, peru bakit wala naman na yatang appeal sa akin si Paris. Kumpara kay Rome ay – Fine! Mas gwapo nga si Rome peru mas crush ko naman si Paris kaysa sa isang iyun noh.
Medyo magulo ang buhok niya, brown eyes, super friendly, super bait, super down to Earth, as in super nasa kanya na ang lahat. Hmm, hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Sabi nila kapag may na feel kang electric churba ay may spark kayo sa isa't isa. Peru ang pinagtatakahan ko ay bakit wala na yung electric na nafi-feel ko kapag napapahawak ako sa kanya o yung malakas na heartbeat ko kapag nakakasalubong ko siya sa hallway.
May abnormality na ba ang puso ko?
"Eh Julie, anong ginagawa mo?"
Napakamot ako sa noo, "Ang weird."
"What's weird?"
"Alam mo ba na may crush ako sayo Paris?"
Wow! Bakit parang wala lang naman sa akin yung sinabi ko sa kanya. Ito ba yung tinatawag nating confession or ka-echusan ko lang. He smiled.
"Really? Wow! I like you too."
"Wow! Too bad 'di na kita gusto."
"Why?"
"Hindi ko alam, siguro nga crush are meant to be broken." I tapped his shoulder. "But you're good in acting though," sabay thumbs up.
"Oh well," he smiled na ulit. "Alam ko naman na may nagmamay-ari na ng puso mo Julie."
"Actually wala pa naman,"
"Feeling mo lang iyun," he messed my hair. "Lucky him."
"Lucky who?"
"Can I hug you instead?"
"Bakit ka naman yayakap sa akin?"
"Hindi lang kasi ako makapaniwalang na busted ako ng isang babaeng hindi ko pa naliligawan. I also like hugging. I know, I'm weird, but can you pass this hug to Maria." Bago pa man ako makasagot ay yumakap na siya sa akin. "I like your friend."
"Eh akala ko ba ako ang gusto mo?"
"I move on a lot."
"You're weird,"
"I know, I get that a lot."
Hindi ako makapaniwalang nagkagusto ako sa isang lalaking kasing weird ni Maria. Mukha niya lang pala ang anghel peru ang ugali hard to understand and it's very complicated. Peru masaya na rin ako dahil at least hindi na ako mag-aalala na tatandang mag-isa si Maria. Kumalas na rin ako sa yakap niya.
"Bakit 'di natin puntahan si Maria sa canteen?"
"Hindi ba iyan masamang idea?"
"Nah, lahat ng idea ko maganda."
Tsk, mukhang mawawala na ang pag-asa kong magka-boyfriend bago grumaduate ng high school. I'm still not marrying Rome.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro