Chapter 13
Hindi pa naman siguro nakakauwi ang mga magulang namin mula sa restaurant na sinabi nilang pupuntahan dapat namin kaya nagmadali kaming pumunta doon ni Rome. Pagdating namin doon sa restaurant mismo ay kakalabas lang nila Mama.
Hinihingal na lumapit kami sa kanila.
"Mom!"
"Saan kayo galing na dalawa ha?"
"Long story,"
"Make it short."
"Ahm Tita ako na ho ang mage-explain." I smiled at Rome. "Natagalan po kasi kami kasi po medyo nagka-problema sa school, then nakalimutan ko pong bumili ng gift ko para sayo kaya pinilit kong sumama sa akin si Rome. Pasensiya na po talaga kung na huli po kami."
Wala naman akong balak na takpan ang hindi pagbili ng maaga ni Rome ng gift niya peru ewan ko ba, gusto ko lang na maging special ang araw na ito para sa kanya at kay Tita Cathy. Besides sa wala na akong utang sa kanya ay pinakain niya sa akin iyung mga dala niyang chicherya at doon sa pag-comfort niya sa akin nang ma trapped kami sa loob ng creepy na auditorium na iyun.
"Aw Julie," niyakap ako ni Tita Cathy. "Hindi mo naman kailangan akong bilhan ng gift. Oh wait, hindi kayo nag-away ni Rome papunta dito?"
"Well, medyo po, peru we're in good terms na po."
"Wow! That's bad." Kumunot naman yung noo ko sa reaction ni Tita. "You know, you should fight often. Okay lang naman sa amin na sunugin ninyo ang bahay basta mag-away lang kayo lagi. Diba mga kumpare at kumare?"
"Agree!"
"Mom?!"
"What? Masama bang hilingin ko sa birthday ko na magkatuluyan kayo? Hindi naman diba? Peru don't worry, hindi namin kayo pipilitin. Kaya chill lang kayo." Phew! Relief.
"Okay, since late na late kayo sa birthday ko balik tayo sa restaurant." Hinila na kami nila Tita sa loob. "Magpakasaya tayo ulit."
Pagpasok namin sa loob ay hindi naman siya yung klase ng resto na sosyalen. Sosyalen pa naman siya peru may makeshift stage sila na may nagpe-perform ng ballad habang kumakain ang lahat. Actually, hindi ito yung ini-expect kong setting para sa family dinner namin kasi nga puro naman popcorn, juice, at finger foods ang in-order nila Tita.
Ngayon ko lang din na pansin na naka casual na damit lang din sila. Naks! Belib na talaga ako sa kakaibang trip ng pamilya namin ni Rome.
"Alam ninyo kanina pa kami dito at naka ilang popcorn at kain na kami sa paghihintay sa inyo. Nakakanta na nga itong dalawang ito oh." Natatawang itinuro ni Tita sila Tito Ralph at Papa. "Grabeh, buti nalang talaga mataas ang mga respeto ng mga kabataan dito sa dalawang matanda na iyan."
"Syempre naman dahil talented kami! Oh and speaking of talent," pinatayo ni Tito Ralph si Rome. "Naku, magaling kumanta itong anak ko."
"Oh," Tita clasped her hands. "Tama, Rome is a good singer. Namana niya ang talent na pinagkait sa amin ng tadhana. Sige na anak, make your mom proud."
"Eh Mom?"
"Ano ba Rome late ka na nga sa birthday ko hindi mo pa ako pagbibigyan."
"Oo na! Sige na kakanta na po."
Tumayo na si Rome at pinuntahan iyung music in charge sa harap. Ako naman ay nakasunod lang ang tingin sa kanya. Grabeh, ano pa kaya ang hindi ko alam sa isang iyan? Inihanda naman ni Tita Cathy ang cellphone niya para videohan si Rome.
"Ma," tinawag ko si Mama. "Bakit po wala sila Kuya Tobby at Marco?"
"Pinagbantay ng Tita mo sa bahay. Lagi nalang daw kasing gumagala ang dalawang iyun at hindi nagse-seryoso sa pag-aaral kaya may mga bagsak. Pinarusahan mo na." Natawa naman ako doon sa sinabi ni Mama.
"Sa bagay, dapat na ngang mag-seryoso ang dalawang iyun."
"Ahm, Hello Guys," na sa stage na si Rome at nakaupo doon sa stool na nakalagay doon. May hawak pang-guitara. Wow! Hindi ko talaga ini-expect na may alam siya sa mga instruments na ganyan. "I'm Rome, I'm here to sing a song for that birthday celebrant over there," kumaway sila Tita nang itinuro kami ni Rome. "Happy birthday Mom, hope you like it."
He started strumming the guitar.
Ilang beses ng nag-away, hanggang sa magkasakitan,
na 'di alam ang pinagmulan... Pati maliliit na bagay
na napag-uusapan... bigla nalang pinag-aawayan.
Bakit feeling ko hindi para sa Mama niya ang kantang iyan. Infernes, maganda nga ang boses niya. Peru baka favorite song iyan ng Mama niya. Okay, makikinig nalang ako.
Ngunit kahit na ganito... madalas tayong hindi magkasundo
Ikaw lang, ang gusto kong makapailing sa buong buhay ko
Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano, ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin walang iba, ang gusto kong makasama
Walang iba,walang iba
I like the lyrics. Wait, is the song for me?
****
Weekend na naman at gaya ng dati wala na naman sila Mama at Papa. Sila Kuya Tobby at Marco naman hayun ay gumala na naman. Bakit ba lagi nalang kaming iniiwan nila sa bahay na ito? Inihanda ko nalang iyung mga baking equipment na gagamitin ko dahil magbe-bake ako ng cake! Right, sana hindi maging epic fail. Wala pa naman din akong alam sa kusina.
Tinignan ko yung instructions mula sa cellphone ko. "Mukha namang madali lang ito. Karey ko naman siguro itong gawin." Wait, bakit ang tahimik ng bahay? Baka sumama din iyung si Rome kina Kuya Tobs and Marcs.
Sinimulan ko na iyung dapat kong gawin. Okay naman siya, mukha naman siyang cake. Ipinasok ko na sa oven at ng maluto na. Habang naghihintay ay bigla nalang nag-replay sa isip ko yung moment na kumanta si Rome. Bakit ba masyado akong affected sa kanta niya? Hindi naman siguro para sa akin iyun diba?
Ting – sakto namang tumunog na yung oven. Inilabas ko na ang master piece ko peru sa gulat ko ba naman ay bakit mukhang sunog naman yata itong cake ko. Wala pa naman akong natatandaan na nilagyan ko na siya ng chocolate icing.
Inilapag ko na iyung cake sa table.
"Bakit ang pangit mo namang cake?"
"Talaga?"
"Hala!" Inilapit ko iyung mukha ko sa cake. "Nagsasalita ka?!"
"May problema ka?!"
"Suplado!" Sungit ng cake na ito ah. "Hiwain kaya kita diyan?! Ako kaya ang gumawa sayo."
"Eh ano?!"
"Hindi ka naman masarap! Ang pangit mong cake."
"Ikaw kaya gumawa sa akin. Kaya mas pangit ka!"
"Kung itapon kaya kita ha?! Manahimik ka wala kang bibig." Peru iyung cake na pangit tinawanan lang ako. Kaloka ang cake na ito ah! "Ano ba?! Huwag mo nga akong tawanan. Cake lang kita! Pangit mo!" Akmang tutusokin ko pa yung cake gamit nung kutsilyo ko.
"Ano ba Julieta makipag-away ba sa cake."
"Hoy pangit na cake! Huwag na huwag mo kung tawaging Julieta.Si Rome lang tumatawag sa akin nun kaya huwag kang epal. Shut up!"
May tumapik sa balikat ko. "Mamaya ka na umistorbo sa akin at papatayin ko muna ang pangit na cake na ito."
"Hoy Julieta awat na nga diyan sa cake na iyan." Paglingon ko nakangiti sa akin si Rome at parang amuse na amuse sa akin. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay. "I smell something fishy."
"Ano ka ba ako lang iyun"
"Amoy isda ka?"
"No! I mean, hayaan mo na iyang cake na iyan dahil hindi naman iyan yung nagsasalita. Ako lang iyun." He chuckled. "Ang saya-saya mo kasi kanina.Tinanong lang kita 'di ko naman aakalain na iisipin mong ang cake ang nagsasalita. You're really something. Pati cake pinapatulan mo."
"Che! Lagi mo nalang akong binibiro." Hiniwa ko yung cake at isinampal yung kalahati sa mukha niya. "Iyan magsama kayo ng pangit na cake na iyan!"
"Heck! Ano ba ito?" Inalis niya yung cake sa mukha niya. "This taste awful? Uling ba ito?"
"Gago ito!" Tinapakan ko yung paa niya. "Masterpiece ko yan! Anong uling?"
"Nak nang!" Tumatalon-talon siya habang hawak ang isang paa. "Julieta namimihasa ka na talaga sa akin ah. Aish, kailan mo ba talaga akong saktan lagi!"
"Hindi naman kita sinasaktan lagi ah!"
"Akala mo lang hindi peru lagi! Lagi! Lagi!"
"Tahimik!" Nagsukatan kami ng tingin. "Magwo-walk out ako!" Dinala ko yung pangit kong cake at yung na timpla ko ng isang pitsel na juice. Wala akong gana makipag-away sa kanya ngayon.
"Hoy Julieta huwag mo nga akong layasan!"
Sumunod naman sa akin si Rome hanggang sa living room. Hindi ko naman siya pinansin at inilapag ko iyung cake at juice sa table bago ko ipinasok ang CD sa DVD player. Magma-marathon ako ngayon at hindi makikipag-away. Sumalampak na ako ng upo sa sofa at ipinatong ang dalawang paa sa table.
Tumabi naman sa akin si Rome. "Kung gusto mong hindi kita sipain diyan manahimik ka nalang at manood." Kinamay ko yung cake peru iniluwa ko rin iyun. "Blee, ano ba ito uling?!"
"I told yah, but wait nanonood ka ng Special A?" Itinabi ko na yung lasang uling ko na cake at mukhang magkakasakit pa ako sa intestines sa mga iyun. "Wow! Nakaka-relate ka?" Alam mo yung mukha niyang amuse na amuse? Watsso problem men?!
"Ano bang pakialam mo eh crush ko si Kei Takishima!"
Hindi ko na siya pinansin at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pinapanood ko. Hindi din naman siya nagsasalita kaya may marathon akong peaceful. Peru habang tumatagal naiinis na ako kay Hikari. Grabeh naman talaga! Bakit ba ang manhid-manhid niya? Obvious na obvious naman na may gusto si Kei sa kanya hindi pa ma gets.
"Bakit ba may taong sobrang manhid?!" Pasigaw na tanong ko.
"Naks! Na itanong mo pa talaga iyan sa sarili mo, ano?" Marahas na napatingin ako kay Rome. Ano bang issue ng lalaking ito? "What?"
"Masamang itanong iyun? At saka nakakainis naman iyang si Hikari. Ang manhid-manhid hindi ma gets na inlove si Kei sa kanya. Ang tali-talino sobrang manhid naman!" Ipakain ko kay Hikari itong pangit na cake na ito eh.
"Subukan mo kayang magalit sa sarili mo dahil sa kamanhidan mo."
"May sinabi ka sa akin Rome?!"
"Wala! Sabi ko may mga tao talagang sobrang MANHID. Nakakainis kasi obvious na nga hindi parin makuhang GUSTO MO SIYA. Sarap sipain ng mga taong ganyan, ano?"
"Agree ako diyan, bakit kaya may mga taong ganyan?" Buti nalang talaga hindi ako manhid.
"Isa ka nga doon eh."
"May sinabi ka Rome?!" May sinasabi talaga siya eh kaso 'di ko naman masyadong naririnig. Bahala nga siya sa buhay niya. Basta naiinis ako kay Hikari.
"But at least naman yang si Hikari nalaman niyang mahal siya ni Kei." Sa bagay, at least naman may happy ending parin sila. "Ako kaya kailan mo malalaman na mahal kita." At saka in the end hindi na rin siya naging manhid sa – wait! May sinabi ba si Rome sa akin?
"Rome may sinasabi ka talaga sa akin eh."
"Wala, guni-guni mo lang iyun." Para kasing meron talaga eh. "Manhid na nga bingi pa." Marahas na napatingin ulit ako sa kanya.
"Rome may sinasabi ka talaga sa akin eh! Huwag ka ngang bulong ng bulong sa hangin."
"Wala nga sabi," tinungga niya ang isang pitsel kong juice. "Naiinis lang ako kay Hikari."
Basta wala akong narinig. Isinandal ko yung likod sa sofa. "Peru come to think of it Rome, may problema din kay Kei."
"Paano mo naman nasabi?"
"Kasi ang torpe niya ng slight. Bakit 'di niya nalang sabihin ng diretsa kay Hikari na mahal niya ito o hindi kaya yayain nalang siyang lumabas at mag-date sila."
"Bakit sa tingin mo ba madaling magtapat? Eh hindi mo nga masabi kay Paris na crush mo siya, though wala akong maisip na dahilan kung bakit crush mo ang pangit na iyun."
"Hmp! E ina-ano ka nung tao, ha?" On the other hand tama naman din si Rome. Mahirap ngang magtapat ng feelings sa ibang tao. Minsan ko na rin iyung ginawa peru nasaktan lang din ako. Aissh! Bad memories. "Peru maga-agree ako sayo diyan."
"Na pangit si Paris?"
"Hindi! I mean, yung mahirap magtapat ng feelings sa taong mahal mo. Siguro nga si Kei dinadaan nalang niya sa pa-simpleng kilos niya peru Rome," tinignan ko siya. "Hindi naman siguro makatarungan ang pagka-manhid ng babaeng iyun noh!"
"Aba'y magtayo ka ng organisasyong magsusulong na puksain ang mga taong manhid sa buong mundo. Pagkatapos ay saka ka bumalik sa akin. Well, kapag nagamot mo na rin ang sarili mo."
"Bakit ko naman gagamutin ang sarili ko? Hindi naman ako manhid!" Umakto pa siyang nasamid ng kung ano. Kainis din ang isang ito eh. "Huwag ka ngang pa uso diyan Rome. I'm completely not a manhid human being."
"Oh sige nga," inilapit niya yung mukha niya sa akin. "Ano bang nararamdaman ko para sayo?"
Tinitigan ko yung mukha niya. Sabi nila the best way to know ones feelings is to look into his or her eyes. Kaya kinarer ko ang pagtitig sa mga asul na asul niyang mga mata. Focus, focus, peru bakit habang tumatagal ay nag-iiba naman yata ang tibok ng puso ko.
Thud... thud... thud, thud, thud! Humaygaad! Bigla akong napalayo sa kanya at hindi ko talaga siya tinignan. Nasapo ko yung dibdib ko. Bakit ganoon yung tunog ng tibok ng puso ko? Normal lang ba iyun o abnormality?
"Oh ano?"
"W-Wala! A-Ano lang," shuks! Why am I stammering? "Nakikita kong naiinis ka sa akin! Tapos gustong-gusto mo na akong gilitan ng leeg. Ganun!" Relax Julie, wala lang iyun. Hindi mo iniisip yung nang-aakit niyang blue eyes or kung gaano ka pula ang mga labi niya, pati yung ngiti niya na – waaaa! Humaygudness! Relax Julie.
"Tumingin ka nga sa akin Julieta!" Pinihit niya ako paharap sa kanya. I gulped, please don't make my heart beat fast. "Ano bang nangyayari sayo ha?"
Wait! Wow! Hindi na malakas ang tibok ng puso ko. Big relief, baka acidic lang ako lately kaya lumalakas ang tibok ng puso ko. Hindi na muna ako magso-softdrinks.
"Wala," ngumiti ako sa kanya peru feeling ko para akong tanga sa ngiti ko kasi masyadong pekeness. "Pinagninilayan ko lang ang ka manhidan ni Hikari."
"Ang lalim ah,"
"Yah, namana ko iyun kay Maria. Ang aking butihing kaibigan na hindi ako iiwanan hanggang sa gumuho ang mundo. Wew, ang lalim nga." Bakit ba ang weird ng mga sinasabi ko?
"Right," tumayo na si Rome. "Ahm, Julieta are you busy?"
"Bakit?"
"I'm bored," hinila niya ako patayo. "Let's do something in my room."
"Haaa?!" Teka anong gagawin namin sa kwarto niya? "Wait sa kwarto natin?"
"Hindi, sa kwarto ko lang." Hinila na niya ako papunta sa taas. "Dali na! Ang kupad-kupad eh."
Bakit kaya nakalimutan kong nasa iisa kaming kwarto at may dalawang kama sa loob? Pero bakit kaya bigla naman akong kinabahan. Humaaygaad!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro