Chapter 12
Nakita ko si Rome na naka tayo sa labas ng SC office kaya huminto ako sa tapat niya.
"Rome sasabay ka ba sa akin?" Mabait ako ngayon dahil pinakain ako ni Rome tiyaka birthday ni Tita Cathy, ang mama niya. "Sabay na tayo." Kailangan kasi naming umuwi ng maaga. Mukha nga siyang bad mood eh.
"Mauna ka na may gagawin pa kasi ako." Well, at least inalok ko siya. "Okay, una na ako." Akmang aalis na ako nang tawagin niya ulit ako.
"Bakit?"
"Favor sana, pwede mo ba akong samahan na e-check lahat ng mga classrooms? Kailangan ko kasi ng katulong, pambayad mo na rin sa utang mo kanina."
What the heck! Umutang lang ako aalilain niya agad ako? Asar ito ah. Hoy - "Please don't shout Julieta." Mind reader ba siya?
"Paano mo nalaman?"
"Kilala na kita," inabot niya sa akin ang isang clipboard. "Check the second and first floor tapos magkita tayo sa auditorium." Pagkatapos ng instruction niya ay iniwan na niya ako.
"Hoy bayad na ako sa utang ko sayo ha!"
"Oo na! Opurtunista mo masyado."
"Syempre!"
Inuna ko muna ang second floor bago ang first floor. Kasi nasa ibaba lang naman ang auditorium nakakapagod lang magpapabalik-balik. Okay naman, naka-lock na lahat ng mga classrooms at malinis na rin. Nilagyan ko ng check mark ang mga classrooms.
Pagkatapos ay dumiretso na ako auditorium dahil doon daw kami magkikita ni Rome. Peru bago pa ako makarating doon ay nag-text na sa akin si Mama kung na saan na kami. Peru wala akong load kaya hindi ako naka-reply. Hindi bale, baka may load si Rome. Mayaman naman iyun everyday.
Pumasok ako sa auditorium at nakita ko doon si Rome nakasampa sa stage habang may kung anong isinusulat sa clipboard niya. Pagtingin ko sa watch ko sa wrist ay maga-ala sais na pala. Tapos may family dinner kami ng 7 pm.
"Ro-" tawag ko sa kanya nang biglang namatay lahat ng ilaw at nasara lahat ng pintuan. "Ahhh! Rome!" Napapikit ako at napatili. Takot ako sa dilim. "Romeee!"
"Julie, Julie!" Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. "Julie are you okay?"
"Rome bakit namatay lahat ng ilaw?" Naiiyak kong tanong. "Natatakot ako sa dilim. Bakit na lock lahat ng pinto? Rome ayoko dito!" Ayoko dito.
"Shsh, calm down. I'm here." Naramdaman kong kakalas siya sa pagkakayakap niya sa akin kaya hinawakan ko agad ang kamay niya. "Stay here, titignan ko lang kung may bukas pa na pinto."
"Huwag mo kong iwan. Wala akong makita."
"Don't worry," Inalis niya yung kamay kong nakahawak sa isa niyang kamay at pinisil iyun. "Babalik din agad ako."
"Siguraduhin mo lang na babalik ka kung hindi papatayin talaga kita!" He just chuckled. "Seryoso ako Rome!"
"Oo na,"
Ilang segundo akong nakatayo doon sa puwesto ko habang hinihintay si Rome na bumalik. Peru habang tumatagal lalo lang akong natatakot. Saan na ba kasi ang lalaking iyun? Asar! Kung ano-ano nalang ang naiisip ko. Paano nalang kung may lumabas na momo at patayin ako o hindi kaya ay hilahin ako deep down under. Waa, ayoko nun!
"Julie!" Bumalik si Rome na may dala-dalang flashlight. "Bad news," sabi niya nang makalapit na siya sa akin. "We're trapped."
Bumagsak naman ang mga balikat ko. "Anong gagawin natin?"
"I'll try to call Mom," Kinapa niya ang pocket ng pants niya ng paulit-ulit. "Guess I didn't bring my phone."
"Great! Alam mo kung anong tingin ko sa situation na ito?"
"Ano?"
"Pang-teleserye," inagaw ko sa kanya ang flashlight at naupo sa isa mga upuan doon. "Tiyak akong magagalit si Tita dahil wala parin tayo." Umupo naman siya sa tabi ko.
"Wala pa nga akong nabibili na gift kay Mom." I glanced at him. "Ang yaman-yaman ko hindi ko pa pala siya nabibili ng gift."
"Hindi naman siguro magagalit sayo si Tita kung wala kang maibigay."
Ilang minuto yata kaming hindi nag-usap pagkatapos nun. Para nga kaming ewan sa sobrang tahimik naming dalawa. Iyung mukha niya sobrang seryoso parang may malalim siyang iniisip. Ako naman naloka dahil nagugutom na ako. Binuksan ko ang bag ko at sa kamalasan ba naman ay walang laman ang bag ko kung hindi libro.
Kapag kinain ko ba ang mga libro ko tatalino ako?
"Nagugutom na ako."
"Gutom ka na?" Binuksan ni Rome ang bag niya at sa shock ko ba naman ay sobra-sobra ang laman ng bag niya. As in hindi mga libro ang dala niya kung hindi puro pagkain. "Pili ka," nakatingin lang ako sa kanya.
"Bakit puro pagkain iyang nasa bag mo?"
"I eat a lot,"
"Bakit 'di ko alam iyun?"
"Kasi nga wala kang pakialam sa buhay ko."
"Nauubos mo iyan? Na saan ang mga libro mo?"
"I don't bring them," binuksan niya ang isang Piatos. "Saulodo ko naman ang laman ng mga libro ko. You want?" Inalok niya saken yung kinakain niya. Umiling ako at yung Mr. Chips ang binuksan ko. Ang genius lang eh!
"So ano pang hindi ko alam sayo?"
"You're asking me? Wow! Hindi nga?"
"Ano namang masama?"
"Well, I like cooking, peru I'm not interested in being a chef. Pinag-iisipan kong maging doctor, peru I'm not sure kung magagawa ko nga iyun after high school."
"Bakit naman? Mayaman ka naman, diba sabi mo nga?"
"Noon kasi bago kami lumipat sa Pilipinas nanirahan mo na kami sa bahay ng lola ko. My grandma doesn't like my mother, but because Dad loves her sumama si Dad kay Mom. Ang totoo niyan sa sobrang yaman ng pamilya ni Dad considered na ang pamilya nila na isa sa mga pinakamayaman sa Italy."
"Ano namang connection nun sa pagiging doctor mo?"
"I promised something to her..."
"Anong ipinangako mo sa Lola mo?"
Toghs! Biglang natigil kaming dalawa nang may marinig kaming kung anong bumagsak sa kung saan. Napatingin ako sa paligid habang tinitignan naman ni Rome ang paligid gamit nung flashlight. Bigla namang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan.
"Ano iyun?"
"I couldn't see something," ibinaba niya ulit ang flashlight peru hindi pa nga kami nakaka-move on sa ingay ay naulit na naman yung togsh na sound. "This is creepy,"
"Rome?" I reached for his hand. Natatakot talaga ako. "May ipagtatapat ako sayo."
"You love me... too?"
"Hindi ah!" Binitiwan ko nalang ulit ang kamay niya. "Iba ang tinitukoy ko, ano kasi, may ikinuwento kasi sa akin ang bruhang Maria na iyun. Kung bakit kasi ikinuwento pa niya saken iyun eh."
"Ano bang sinabi niya?"
"Ito daw kasing auditorium na ito may past history –"
"You can eliminate past 'cause history already means before kaya redundancy na siya, so pwede mong sabihing may history and -."
"Rome! Pwede ba makinig ka muna sa akin mamaya na yang grammar lesson mo."
"Sorry, sige magpatuloy ka na."
"10 years ago may isang bading na estudyante daw ang sobrang dedicated sa theater club at noong hindi siya nakuha sa dream role niya ay nagbigti daw iyun dito mismo." Biglang ang tahimik lang ng paligid. "Sinabi sa akin na Maria na kapag pumapatak ang alas-otso,"
"Hindi alas-dose?"
"Ewan ko, baka may sariling oras ang mga momo kaya trip-trip lang din." Ting, bigla namang tumunog ang cellphone ko sa bulsa kaya dali ko iyung tinignan. Ganoon nalang talaga ang panlalaki ng mga mata ko. "R-Rome?"
"Bakit?"
"Alas otso na..." Togsh! Hayan na naman ang tunog na iyun. "Mababaliw ako dito. Paano kung totoo nga ang sinabi sa akin na Maria na tuwing alas otso ng gabi ay may nagpapakitang momo dito?"
"Huwag ka ngang manakot Julieta. Meron na bang nakakita sa multo na iyun?"
"Yung mga dating guards at janitor daw. Kaya nga hanggang 7 pm lang ang mga janitors sa school at ang mga guards ay nasa guards station na before 8." Bakit ba nakakatakot kapag ikaw ang nagku-kwento. Hindi ko na talaga karey ito.
Pluck, pluck, pluck, bigla nalang akong nanigas at tumaas ang balahibo ko sa batok.
"Rome narinig mo ba iyun?"
"Kung totoo nga iyang bading na multo na iyan hindi naman siguro siya nangangain ng tao diba?" Panay na ang pagtingin ni Rome sa paligid gamit nung flashlight.
"Paano nalang kapag kinain niya tayo? Oh my, ayoko pang mamatay Rome." Hinila-hila ko yung isang braso niya. "Rome gumawa ka ng paraan para makalabas tayo dito."
Pluck, pluck, pluck, naulit na naman iyung tunog foot steps na iyun. Para talagang may naglalakad palapit sa amin. Dios ko!
"Ano ba Julieta huwag ka ngang malikot tinatakot mo naman ako eh!" May na pansin akong anino peru dali din yung nawala. Kaya kinakalabit ko talaga ng todo si Rome dahil walang boses na lumalabas sa bibig ko. "Bakit ba?"
"Rome may... may anino... may anino doon."
"Julieta relax ka lang nga at ako talaga ang kinaki –" biglang may nag-play ng classical music na sobrang creepy talaga. "Waaaa!" Napasigaw kami pareho ni Rome. "Julieta mukhang totoo nga ang bading na multo."
"Rome uwi na tayo!" Naiiyak na talaga ako dahil ayaw parin tumigil nung tugtog. "Mababaliw na ako dito! Ayoko na! Waaa, ayoko na!" Gusto ko ng umuwi! Ayoko na dito! "Rome ilabas mo ko dito please!"
La, La, La, La, La, La ...
Nanlaki pareho ang mga mata namin ni Rome. Waaa, ayoko na! Sino na naman iyang kumakanta? Ayoko na talaga! Ayokooo na!
"Huminahon ka nga Julieta."
"Paano ako hihinahon?" Para na akong mauubusan ng hangin. "M-may multo sa paligid natin at ano mang oras pwede tayong katayin. Hindi ako kakalma!"
"Aish, ang likot mo kasi kaya hindi ko mahanap kung na saan galing ang tugtog."
"Ayoko na! Lalabas na ako! Hindi ko na kaya ito!" Tumayo na ako at akmang aalis nang biglang mapasigaw ako. "WAAA! ANG BADING NA MULTO!" Sumigaw din si Rome sa likod ko. Ang pangit-pangit niya. Yung mukha niya ang puti at medyo hindi pa pantay. Tapos ang leeg niya may mark ng lubid. Humaaygaad mamamatay na ako!
"Hoy!"
"Eh?"
"Bakit ba sigaw kayo ng sigaw!" Sumasaway na pala ang mga multo ngayon? Peru nakakatakot parin. Waaa! "Kanina pa kayo ah!"
"S-Sorry po," hinging paumanhin ni Rome.
"Teka kilala ko kayong dalawa ah."
"Sikat din ba kami sa purgatoryo?"
"Anong purgatoryo?" Itinaas ni bading momo ang flashlight niya sa mukha namin. Wow! Gumagamit din pala sila ng flashlight. "Rome and Julie?!"
"Kilala ninyo po kami?"
"Alangan," inalis naman niya bigla iyung puti na nasa mukha niya. "Ako ang caretaker ng auditorium kapag gabi."
"Ha? Hindi po ba kayo ang bading na baklang lumalabas tuwing alas otso ng gabi?"
"Anong bading na bakla?" Tumaas tuloy ang kilay niya. "Bading ako peru hindi pa ako multo. Diyos kong mga batang ire. Ako'y nalulurkey sa inyee. Kaloka!"
"Eh ano po ba yang nasa leeg ninyo?" Tanong ni Rome.
"Hindi pa ako nakapaglugod since Monday. Peru teka nga muna, ano bang ginagawa ninyo dito ha? Dapat kanina pa kayo nakauwi mga batang ito."
"Eh kasi naman po bigla nalang namatay ang ilaw saka na lock ang mga pinto. Hindi po kami makalabas." Explain ko sa kanya. "Kanina pa nga po namin kailangang umuwi dahil birthday ng mama ni Rome."
"Ay naku, pasensiya na kung na trapped kayo sa loob. Akala ko kasi wala ng tao kaya ini-lock at pinatay ko muna ang ilaw dahil kumain muna ako. O siya sige, gora na kayo."
"Thank God!"
"Salamat po,"
Kinuha na namin ang mga bag namin at lumabas na ng auditorium. Relief! Akala ko talaga totoo na iyung kwentong multo ni Maria. Speaking of her – Mariaaa! Patay ka sakin talaga. Saan na naman kaya iyun galing ang kwentong iyun.
"Mauna ka na Julieta at may bibilhin lang ako."
"Hindi, sasamahan na kita."
"Sure ka?"
"Oo nga, ayokong umuwi mag-isa at baka ako ang ma-unang magisi ng mama mo. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para sa birthday ni Tita Cathy."
Buti nalang talaga hindi totoo ang bading na multong iyun!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro