Chapter 10
"You've gotta be kidding me?!" Muntik ng mahulog ang mga panga ko pagkabasa ko palang sa script ng gusto nilang ipa-act sa akin. I mean seriously sinong matinong tao ang gagawa ng mga ganitong ka-adikan? Oh I know – ROME!
"Kung ayaw mo huwag. Hindi ka naman namin pinipilit."
"Ipagawa ninyo lahat sa akin huwag lang ito!"
"Julie, trust me masaya ito."
"Masaya?" Nilingon ko si chinito. "Sino ka naman?"
"Hindi mo ako kilala?" Pumagitna naman si chinito sa amin ni Rome. At dahil matangkad siya ay hindi ko masilip si Rome.
"Julieta bakit ang dami mong reklamo eh mag-audition ka lang naman?"
"E ang pangit ninyong magpa-audition eh!"
"Hindi mo talaga ako kilala?" Bakit ba bina-block niya si Rome kapag nag-uusap kami? Asar ha, kita na ngang pinagtaksilan ako ng height ko. "Hey, I'm Ethan Yu, the auditor in the Student Council? The handsome guy with the chinky eyes?
"Gawin mo nalang kasi ito Julieta aish," mukhang naiinis din si Rome sa paghaharang-harang ni chinito kaya itininulok niya iyun sa gilid. "Next time Ethan don't stand between us."
"Kailangan ba talaga akong itulak?"
"Julieta just do it, okay?!"
Nanlilisik na talaga ang mga mata ko sa inis. This is stupid! Ayokong umakto na batang ang tingin sa mga boyfriend ay tagabili lang ng French fries. Hindi ba pwedeng mas creative pa sa paggaya sa commercial ng Mcdonald?
"Siguraduhin mo lang na makukuha ko ang role ni Juliet kung ayaw mong e-lata kita sa condensada." I hissed on him.
"Then make me proud," siniyesan ni Rome si Chinito. "You make the screen check." Pumwesto naman agad si chinito sa likod ng camera. Talagang kinarer ang audition.
Umupo na ako sa bench na naka-display na doon at sumunod naman si Rome.
"Okay, in my count, five, four, three, two, one, action!"
"Girlfriend mo na ba ako?!" Galit kong tanong.
"Ayoko nga! Di pa ako ready!" Galit ding balik sa akin ni Rome.
"Huh?!"
"Demanding ang girlfriend! Gusto ganito! Gusto ganyan! Ewan!"
"Gusto ko lang naman ng Mcdofries eh! May problema ka doon!"
"Wala! Bumali ka ng sayo!"
Biglang humarap si chinito sa camera. "Mcdonald Savers Everyday 25 pesos lang!" Biglang bow at wacky pose. "And cut!" Lumapit sa akin si chinito at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm Ethan Yu, siguro kaya hindi mo ako kilala dahil lagi akong nasa labas ng eskwelahan."
"Nakikipag-date?"
"Kumakain ng kwek-kwek."
"Bukod doon?"
"Nakiki-tambay kay Manong Guard."
"Bukod doon?"
"Lalayas na siya dito," inalis ni Rome ang kamay ni Ethan sa kamay ko. "Umuwi ka na at e-encode muna ang mga cast natin."
"Akala ko sabay tayo?"
"Akala mo lang iyun," ibinato ni Rome ang camera kay Ethan. Yikes, muntik pang hindi masalo. Shunga din itong taong ito eh, ano? "Hayan ng camera mo. Umuwi ka na."
"I've been betrayed!" Umakto pang nasaktan si Ethan bago nag-alsa balutan bago umalis.
"Julieta?"
"What?!"
"You sucks in acting."
"Hayaan mo't ipapasama ko ang sarili ko sa Star Magic." Kinuha ko na ang bag ko at iniwan na siya. Umiinit na naman ang bumbunan ko sa kanya. "Uuwi na ako!"
"Sabay na tayo!"
****
"Mama," pumasok na ako sa kwarto nila pagkatapos kong kumatok. "O hija, may kailangan ka ba?" Lumapit ako sa kama kung saan naka-upo si mama.
"May problema ka ba Julie?"
I sighed, "Mama, bakit po ba ang dali-dali para sa inyo ni Papa na ibigay ako kay Rome?"
Ngumiti lang siya sa akin pagkatapos ay hinaplos niya ang buhok ko. "Anak, hindi ka naman namin ibinibigay kay Rome. Besides, he is good man kaya madali sa amin na ibigay ang trust sa kanya. Matagal na naming kilala si Rome kaya sasaya kami ng Papa mo kapag kayo ang nagkatuluyan."
"Peru lagi niya naman akong iniinis. Lagi niya akong ginagalit. Gumagawa siya ng mga bagay na kinaiinisan ko."
"Kahit ba minsan Julie wala kang napapansing kakaiba kay Rome?"
"Napapansing kakaiba? Wala naman, lagi lang siyang praning at minsan natatahimik bigla. Minsan mabait tapos mayamaya niyan nakakainis na naman siya."
Tumawa si Mama, kumunot lang tuloy ang noo ko. "Bakit po kayo nakatawa Ma?"
"Wala lang," hindi pa rin naalis ang ngiti sa mukha niya. "Hindi ko lang talaga lubos maisip na wala ka paring napapansin sa mga ikinikilos ni Rome. Kawawa naman talaga ang batang iyun."
"Ano pong ibig ninyong sabihin sa akin Ma?"
"Just give the poor guy a chance."
"Tina-try ko naman po Ma eh. Peru umiinit po talaga ang ulo ko sa kanya."
"Subukan mo kayang huwag mainis sa kanya. Like, alisin mo sa sistema mo na galit ka sa kanya. I'm sure that will work. Rome's a good man. I hope you can see that part of him too Julie."
Pagkatapos kong kausapin si Mama ay bumalik na rin ako sa kwarto namin ni Rome. Naabutan ko naman siya na naka-salampak sa carpeted floor habang nakakalat ang maraming crayon sa paligid niya. Ano na naman kaya ang ginagawa ng isang ito?
Lumapit ako sa kanya and bent down on my knees para makita ko iyung ginagawa niya. "Hoy, ano bang ginagawa mo diyan?" Inaangat niya ang mukha at ipinakita sa akin ang patapos na pagkukulay niya ng isang malaking puso.
"Bakit itim yung kalahati ng puso mo at pula naman iyung kalahati?"
"Fifty-fifty iyan," ipinagpatulay na ulit niya ang pagkukulay sa itim na bahagi ng puso. "Iyan kasi ang status ngayon ng puso ko."
"Mamamatay na ba iyang puso mo?" Nag-lutos position ako sa harap niya.
"Hindi pa naman," inabot niya sa akin yung isang coloring book. "Kuha ka ng isa at kulayan mo rin. Nakakaalis iyan ng stress sa buhay."
Pinili ko yung mukha ni Cupid at sinimulan na iyung kulayan na hindi sumusunod sa linya. Wala lang trip. "Rome naniniwala ka ba kay Cupid?" Kinulayan ko ng yellow ang buhok ni Cupid.
"Hindi,"
"Bakit naman?" Ginawa ko namang chocolate brown ang skin niya. "Kasi hindi niya naman nagagawa ang trabaho niya ng mabuti." Itinigil ni Rome ang pagkukulay ng puso niya nang mapansin ang negro kong Cupid. "Bakit mukha namang tae yang si Cupid?" Tanong niya sa akin.
"E pakialam mo ba kung type kong maging negro si Cupid? Sige na, sagutin mo na yung tanong ko kung bakit hindi ka naniniwala kay Cupid." Ginawa ko namang pink ang pampers niya. Ay ang cute! He-He
"Hindi ako na niniwala sa kanya 'cause if he's real wala na sanang umaasa na mga tao ngayon dahil napapana niya ang mga taong mahal nila. Wala na sanang nahihirapang magpa-cute sa mga taong mahal nilang masyadong manhid. In short, walang naka-nga-nga sa pag-ibig kong magaling umasinta iyang si Cupid. Pinambibili lang niya yata ng bagong pampers ang mga pana niya eh."
"Eh baka naman kasi hindi siya ang naka-tuka sa mga love story." Itinigil ko na muna ang pagkukulay at tinignan si Rome sa mata. "Malay mo naman tayo lang talaga ang gumagawa ng sarili nating love story. Malay natin si God lang ang tumatadhana sa mga tao peru dahil binigyan niya tayo ng maraming freedom kaya tayo na rin ang mismong gagawa ng gusto nating happy ending. Hindi din naman siguro lahat naaayon sa gusto natin, minsan dapat din nating tanggapin ang katotohanang hindi kayo para sa isa't isa."
"Paano kung kaya mo namang ipaglaban ang pagmamahal mo sa kanya?"
"Paano kung ayaw niya?"
"Paano kung kayang tiisin lahat ng pangdi-deadma at sakit na nararamdaman niya maipaglaban lang ang isinisigaw ng puso niya."
"Iisipin kong martyr siya."
"Maiisip mo pa kaya iyun kung handa mong isugal lahat ng meron ka malaman niya lang na mahal mo siya."
"Paano niya naman malalaman na mahal mo siya?"
"Mahirap sabihin ang I love you, peru sana hindi siya ganoon ka manhid para malaman na may pagmamahal ang bawat ikinikilos niya."
Bakit parang ako naman yata ang pinagsasabihan niya ng mga sinasabi niya? Titig na titig kasi siya sa akin habang sinasabi niya iyun. Magtatanong pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Rome at sagutin niya iyun.
"What do you need Ethan?!" Ang weird naman nitong si Rome. Baka naman kasi inlove lang siya kaya medyo bitter siya pagdating sa mga ganyan. Peru sino naman ang mahal niya? "Ikaw na ang kumausap kay Julieta." Iniharap niya ang cellphone sa mukha ko.
"Hoy Ethan anong sasabihin mo sa akin?!"
"Hi Julie kumusta?"
"Just say it Ethan!" Sigaw ni Rome. "Malapit ng gumuho ang mundo."
"Oo na! Sungit naman ng isang ito." Oo nga, masyado pang moody. "Well, actually tumawag ako para personal na sabihin sayo na ikaw ang gaganap na Juliet kaya cong – beep, beep, beep."
"Hoy bakit mo naman pinatay!"
"Nasabi na niya sayo kaya tapos na."
"Sama talaga ng ugali mo."
"Mabait ako,"
"Sino may sabi?"
"Ako," pasimple naman niyang tinignan ang negro kong Cupid at natawa. "Nice pink pampers."
"Kaysa naman sa itim at pula mong puso. Mas pangit ang sayo!"
Malalaman ko rin kung sino ang babaeng iyun!
****
Kinabuksan ay kinulit ko talaga si Maria kung sino nga iyung gusto ni Rome. Naiinis na kasi ako sa paiba-iba niyang ugali. Ang sarap ng prituhin at ipakain sa mga piranha.
"Uy Maria sabihin mo na nga sa akin kung sino ang gusto ni Rome."
"Wala nga akong alam."
"May alam ka, sinasabi mo lang sa akin na wala kasi na fe-feel mo lang na kailangan siyang itago. As in to the highest level na pagtatago."
"Ang kulit mo rin eh," hinarap niya ako. "Subukan mo kayang manalamin baka malaman mo pa ang sagot kung sino."
"Buti sana kong hawak ko ang mirror-mirror ng stepmother ni Snow White."
"Manalamin ka nalang kasi, malay mo naman magpakita iyun doon." My shoulders dropped. Mukhang wala na talaga akong pag-asa na malaman kong sino ang gusto ni Rome.
Pagkauwi ko naman sa bahay ay nakita ko sila Kuya Tobby at Marco na nag-iinuman ng isang pitsel ng iced tea. Nilapitan ko naman sila.
"Kuya Tobby pwedeng magtanong?"
"Sure, basta ba may kinalaman sa pagpapaunlad ng bansang ito suportado ko iyan." Tumawa naman siya at nakipag-high five kay Kuya Marco. "Ano ba iyun?"
"It's about Rome,"
"About my cousin?" Tumango ako kay Kuya Marco. "Namatay na ba siya?"
"Yung puso niya malapit na." Nagkatinginan naman sila tapos biglang napatingin sa akin. Alam mo yung mukhang shock na shock.
"ALAM MO NA?!" Sabay pa nilang tanong sa akin.
"Kilala ninyo kung sino ang gusto ni Rome?"
Sabay pa silang nagsalin ulit ng iced tea sa mga baso nila at sabay din iyung ininum. "Wala, hindi ko karey ang pagka-shunga mo Julie." I glared at my cousin. "Seriously?!"
"Ano ba kasi? Kilala ninyo ba o hindi ang gusto ni Rome?" Inabot naman bigla sa akin ni Kuya Marco ang isang salamin na hindi ko alam kung bakit meron siyang ganoon. "Ano ito?"
"Salamin,"
"Alam ko, peru bakit ninyo ako binibigyan ng salamin?"
"Kausapin mo yang salamin."
"Anong tingin ninyo sa akin baliw?"
"Hindi!" Sabay pa nilang sigaw sa akin. "Serious case ka na. Oh hayan juice," inabot ni Kuya Tobby ang isang baso. "Inumin mo yan at baka malinawan ang utak mo."
"Hmp! Wala naman kayong naitulong sa akin."
"Manhid mo kasi,"
"May sinabi ka Kuya Tobby?"
"Wala, sabi ko namamanhid ang binti ko. Damn! Ang manhid talaga. Hilutin mo nga Marco at mamamatay na ako."
"Magpa-spa nalang tayo sagot ko."
"Oo nga pala mayaman pala tayo. Sige," tumayo na silang dalawa peru binalingan muna ako ni Kuya Marco. "Gusto mo sumama Julie?"
"Ano bang makukuha ko sa pagsama sa inyo?"
"Nakakawala ng ka manhidan ng katawan."
"No thanks, I'm good."
Umakyat nalang ako sa kwarto ko at padabog na isinara ang pinto. Kainis naman ang mga tao ngayon hindi man lang nakatulong sa akin! Ibinagsak ko ang katawan sa kama ko. Itinaas ang salamin at tinitigan ang mukha ko doon.
"Anong bang meron sa salamin na ito? Hmp!" Nag-lutos position ako sa kama ko at sinipat pang mabuti ang mukha ko sa salamin. Nag-smile ako, nagpa-cute, nag-peace sign, angas pays. Naks! Magamit nga ang salamin na ito kapag nagpa-practice ng selfie looks. "Ang ganda ko naman talaga. Walang katulad."
"Oo nga," napatingin ako sa nag-salita at sakto namang nag-flash ang camera ni Rome. Argh! "Ganda ng pagkakuha, garantisadong matu-turn off sayo si Paris."
"Ang pangit mo!" Ibinato ko sa kanya ang salamin peru ang loko na salo niya. "Bakit mo sinalo?!"
"Baliw! Kapag hindi ko iyun nasalo matatamaan ang gwapo kong mukha." Sinipat niya ang mukha sa salamin. "Naks! Ang gwapo ko talaga."
"Biglang humangin." Inilapag niya ang isang paper bag na may logo ng Mcdonald. "Para sa akin ba ito?" Tinignan ko kung anong laman.
"Sure, basta magpapakasal ka sa akin."
"Ew!" Ibinalik ko nalang ulit yung paper bag. "Afford ko naman iyan kaya sayo nalang iyan." Ginulo naman niya ang buhok ko bago inalabas sa paper bag ang isang mcdofries.
"Here," pinahawak niya saken iyun. "My treat."
"Bakit?"
"Kasi mayaman ako at nagwawaldas ako ng pera ngayon." He winked, "Mahangin pa ba?"
"Oo, sa sobrang hangin liliparin na bahay natin." I smiled. "Thanks, don't worry hindi ako naiinis sayo ngayon."
"Relief, double selfie!" Itinass niya bigla ang camera. "Nice!" Pinakita niya sa akin ang kuha namin. Napangiwi naman ako sa kuha naming dalawa. Bakit ang pangit ko naman doon. Inagaw ko sa kanya ang camera.
"Delete natin ang pangit ko diyan!" Na delete ko na bago pa makuha ulit iyun ni Rome. "Picture na lang tayo ulit." Itinaas ko na yung camera. "Oh, anong tinitingin-tingin mo diyan? Lumapit ka na sa akin."
"Papayagan mo akong magpa-picture kasama mo?"
"Oo," ang weird naman ng isang ito. "Lumapit ka ba magbago ang isip ko."
"Wow!" Lumapit siya sa akin peru sobrang close naman dahil naka-akbay pa siya sa akin. "This is great!"
"Kailangan talagang naka-akbay ka pa?"
He smiled, "Minsan lang ito kaya let's grab the opportunity. Smile!" Pagka-click ko sa camera ay bigla ba namang hinalikan ang pisngi ko. Takte! "Hoy! Bakit mo ko hinalikan?!" Sinipa ko yung katawan niya kaya nahulog siya sa kama.
"Talaga naman oh!" Nayakap niya ang katawan. "Kailangan mo ba talaga akong e-hulog sa sahig. Aw, sakit! Baliw ka talaga Julieta!"
"Magtino ka kasi!"
"Para kiss lang sa pisngi! Damot mo naman."
"Hindi ko iyun pinamimigay! Baliw ka."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro