
CHAPTER TWO: LOVE
CHAPTER TWO: LOVE
-DOMINIC-
MOVING on was the last resort I had in my mind now that I'm back here at my hometown - Scotland. Mahirap pero susubukan ko pa rin lalo't may kailangan ako asikasuhin dito bukod sa pagsisimulang muli. Scotland, the land where I was born and raised until teenage years. The country where my family resided since Mama married Papa – a Scottish man whom she met in a bar back when they were young. After almost twenty-four hours flight, ang gusto ko lang gawin ay matulog pero hindi ako hinayaan ng kaibigan ko.
Kailangan daw naming i-celebrate ang pagbabalik ko sa bansang iniwan ko nang tumuntong ako ng edad na disi-otso. Sa Pilipinas na ako nag-aral ng kolehiyo, pre-law course tapos nagtuloy-tuloy sa law school, nakatapos at nag-top sa bar exam. I established a law firm there where I leave in the care of my friend, Trevor. Babalik din naman ako doon pero hindi ko alam kung kailan. Mukhang matatagalan dahil iyong kailangan ko asikasuhin ay may kinalalaman sa adoptive daughter ko na si Venice.
"Venice will love to know that her adoptive father is enjoying a bit after a long flight," Travis said, handing me a glass with whisky in it.
Tinanggap ko iyon saka agad na ininom ang laman na kinagulat ni Travis. Napangiwi ako nang may gumuhit na init sa aking lalamunan. Agad ko dinampot ang isang slice ng lemon sa platitong nasa harapan namin ni Travis at sinipsip pang-alis ng pait na gumapang sa aking lalamunan. Hindi na ako sa sanay sa matatapang na whisky dito Scotland. And this country possesed the best of it.
"I bet you're wrong. We had a video call a while ago, and Venice is excited to see me," pagkuwa'y aking sagot sa kanya.
At least someone, aside from Bia and Mom, was excited to see me – looking forward to be with me. Damn! I shouldn't be thinking Bea's decision right now. Pinili niya ang New York at iyong lalaking hindi ko magawang mapantayan kahit ano pang offer ang ialok ko.
"You have a problem?" Napatingin ako kay Travis.
He's the psychologist friend I have since childhood. Siya ang iyong isa pang pumipilit na bumalik at i-practice ang profession ko dito sa Scotland. Kailangan daw ng bansang ito ng magaling na abogadong gaya ko na alam ko namang bola lamang.
Umiling ako saka muling humingi ng isang baso ng whisky sa bartender sa aming harapan. Dito sa bar ako dinala ni Travis pagkalapag ko ng gamit ko hotel na pansamantala ko tutuluyan. Nagsabi ako kay Mama na maghahanap lang ako ng pwedeng makatulong kay Venice bilang speech tutor dito sa Edinburgh bago umuwi sa Glasgow. Forty-two minutes lang naman ang layo ng dalawang lugar kaya hindi problema ang magiging biyahe kung sakali na maisipan kong umuwi na lang kapag walang nahanap.
"You regret coming back home, right?" tanong pa niya uli sa akin.
"No." Mabilis ko na tanggi.
Buo ang loob ko nang maisipan ko na bumalik dito saka itong pag-uwi na ito'y para na rin kay Venice na gustong-gusto na akong makasama. Alam ko na malaking factor sa pagka-antala ng pagsasalita niya ang absence ko bilang magulang sa kanya. Like what I've said, at eighteen, I live in the Philippines alone. Umuwi lang ako nang biglaang mamatay sa isang aksidente si Ate Paola – ang nanay ni Venice at nakatatanda kong kapatid. My older sister left Venice at very young age due to some unforeseen events.
The court granted her custody to us after all the hearing we attended together with her father due to his incapability to raised a child because of alcoholism. Pinakulong din namin siya bilang pagbabayad siya sa ginawa sa kapatid ko. That man was the reason why we're holding my sister's lifeless frame now. Minahal siya ng kapatid ko sa kabila ng pagiging alcoholic niya at 'di iyon napagtanto agad. Huli na ang lahat, nangyari ang aksidente ng walang pasabi. Receiving a call about her death broke me down, and all I did when I came back home was to hugged Venice who's very young that time.
Now, Venice was a grown-up kid who loved coloring books and fairytales books but struggled in speech. Isinusulat niya sa hawak na tablet ang gusto sabihin sa akin kapag may pagkakataon na mag-video call kaming dalawa. Sa ganung paraan din siya nakikipag-communicate kay Mama at Bia na maituturing na naming improvement kahit paano. Before she wasn't responding nor expressing herself to us despite of her current age. Venice was seven years old now and currently attending a homeschooling program.
"You cannot fool me, Dom."
"I'm okay, Travis. Stop being a shrink there."
"Please know that I got you no matter what happens, right?"
"I know." Naiiling ko na sagot sa kanya. Inisang lagok ko ulit ang lamang whisky ng baso ko saka dumampot ulit ng lemon. Sapat na siguro itong nainom ko ngayon at tingin ko makakatulog na ako pagbalik sa aking hotel room. Magpapahinga muna ako sa kinabukasan na gagawin iyong paghahanap ng tutor. "I'm done here. See you tomorrow."
"Hey, I have a gift for you."
"For what?"
"Welcome gift. You can claim it tomorrow at this address."
Kunot noo kong kinuha iyong inabot ni Travis na card kung saan nakasulat ang address kung saan ko kukuhain iyong regalo niya. Ngumiti siya na para bang siguradong-sigurado na magugustuhan ko anuman iyong regalo niya sa akin. Muli akong nagpaalam sa kanya bago bumalik sa hotel na pansamantala ko tutuluyan. The weather in Scotland was bit chilly and I must admit that my skin got used to the Philippines' hot weather. Ang tagal ko rin kasi nanatili sa Pilipinas matapos iyong mga custody trial para mag-focus sa law firm ko na unti-unti nang nakikilala.
"I hate being alone," I said, heaving a deep sigh after.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa kahabaan ng 1 Princes Street habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ng suot ko na coat ang dalawang kamay. Ang tinutuluyan ko na hotel ay twenty-five minute drive ang layo mula sa airport kung kaya nagawa pa akong ayain ni Travis na uminom na agad ko naman pinutol. Hanggang dalawang baso lang ako sa ngayon dahil hindi iyon ang paraan na aking naisip upang makalimot. A good companion in bed will be enough but I'm not in the right mood now. Matulog lang talaga ang nais ko gawin ngayon at pinagbigyan lamang si Travis na ilang taon ko rin hindi nakasama.
I could say that it's nice to be back, back to a place where there's no memory of her nor smell that I already memorized.
Damn!
***
THE NEXT DAY, I woke up feeling hopeful that I would finish what I had planned while on the airplane yesterday. It was past noon, and people outside were all busy. Busy with their phones while walking. Busy chatting with their companions, and some were just in a hurry. I walked past through the Signet Library – one of Edinburgh's finest Gregorian buildings. They offered exclusive and utterly exquisite settings, whether for a formal occasion or just a most refined Afternoon tea party in Edinburgh.
Maraming lugar na pwedeng puntahan dito sa Edinburgh palang kaya lang panghuli ang pag-gala sa mga na-i-plano kong lakad. Paghugot ko ng kamay bulsa ng aking coat, sumama iyong card na inabot sa akin ni Travis kagabi.
Le Grant Ale House
Sa Glasgow ang address noon at alam ko ang daan papunta sa lugar na sinasabi sa card na aking hawak. Nag-isip ako ng mabuti kung ipagpapaliban na ba muna iyong lakad ko ngayon. Ano bang makukuha ko kapag pinuntahan ko itong lugar na sinasabi sa card?
Travis' gift, of course.
I'm meeting someone today and she applied days ago. Wala pa ako sa Scotland ay nag-post na ako ng dalawang job vacancy; isa bilang assistant ko sa firm ni Travis at iyong isa pa ay tutor ni Venice. Ang kikitain ko ngayon ay nag-apply bilang tutor ni Venice at base sa pinasa niyang curriculum vitae sa akin, may background siya sa pagtuturo sa Pilipinas. Pasado din sa LET kaya tingin ko ay ma-i-ha-hire ko siya agad kahit wala pang interview. I'm not into any other credentials. Basta ang mahalaga ay walang criminal record at may experience sa paghawak sa mga batang nasa edad ni Venice.
A text vibration halted my thoughts. Agad ko inilabas sa bulsa ang aking cellphone at binasa ang pumasok na mensahe doon ng nag-apply sa position ng tutor ni Venice. She's cancelling her appointment today which disappoint me a bit. I guess, I have to altered my schedule too. Doon napag-desisyunan ko na magtungo na sa Le Grant Ale House agad.
***
WHEN I arrived at the Le Grant Ale House, I parked my car carefully on the sidewalk. Paid for it's parking fee then walked in big step towards the pub house. Pub house like this was very popular here in Glasgow and this place was three streets away from my house. But, I still have no plan of coming home there. Siguro susundin ko muna iyong sinabi ni Travis na mag-enjoy habang nasa bakasyon pa ako dahil baka malabo ng masundan pa ito kapag naging abala na ako. Sumalubong sa akin ang pinaghalong amoy ng alak at usok sigarilyo pagpasok ko sa loob.
I couldn't see any vacant table around. Lahat okupado at may kanya-kanyang pinagkaka-abalahan bawat guest. Sa maliit na entablado, naroon sumayaw iyong dalawang babae na halos nahuhubaran na sa tingin ng ilang kapwa ko lalaki sa bandang harapan. Naiiling akong tumungo sa reception area ng pub house at doon sinabi iyong tungkol sa reservation na meron sa pangalan ni Travis MacTavish. Nang sabihin ng isang staff na umakyat na ako, agad akong sumunod sa kanya. I didn't expect that this place has a VIP rooms.
Sa bawat madaanan ko na kwarto ay hindi ko maiwasang mapamura. Girls in animal costumes such as cat were kneeling and dancing erotically to a guy inside the room. Lintek na kaibigan itong si Travis. Talagang ito pa ang naisip na i-welcome gift niya sa akin. Hindi na ako maka-back out lalo't narito na ako ngayon at palapit na sa kwarto sinabi ng staff na naka-reserved para sa akin. Kailangan ko na lang gawin ay i-enjoy kahit labag sa kalooban ko ang anumang mangyayari ngayon sa lugar na ito.
When I reached the room reserved under my friend's name, I immediately opened the door. Doon bumulaga sa akin ang isang babaeng nakatayo sa harapan ng isang whole body mirror at naka-rabbit costume, naka-mask at may suot na pulang stilletos shoes. Base na nasipat ko na repleksyon kanina ay nakapulang lipstick din siya na bumagay sa kulay ng kanyang balat. Naka-pusod paitaas ang buhok nitong kulay brown na kulot sa dulo ngunit mas natuon ang atensyon ko sa kanyang katawan. She had a body curve that gave me unexplained heat on my spine.
My brow shot up when she walked towards my spot and immediately untie the scarf I'm wearing. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa ngunit kapansin-pansin ang panginginig ng kanyang mga kamay. When she finally removed the scarf, I wrapped my arm around her waist and pulled her closer to me.
"You're new to this," I said, pulling her a bit closer against my body. Rinig na rinig ko ang naging pagsinghap niya nang gawin iyon at napakapit pa siya ng mahigpit sa kwelyo ng suot ko na coat.
Ang nakakapit niyang kamay sa aking damit ay dahan-dahan ay dahan-dahan na lumapat sa malapad dibdib ko. I know she felt my heart beating fast like hers. Tumingala siya at sinalubong ang aking tingin habang ang isang kamay niya'y binaklas ang pagkakahapit ko sa kanyang baywang. Our gazed met and all I could see was a mixture of fear and desire. Right there I knew already that there's a question running into our head. I couldn't read hers but mine was all about pleasure. An image of her under the white bed sheets inside the hotel room of mine undress played in my mind that very moment.
"You cannot touch me, Sir," she hissed.
"What can I do, then?" I asked.
"Watch me,"
Ngumiti siya sa akin bago nag-umpisang gumiling sa saliw ng kantang pumapailanglang sa loob ng kwartong kinaroroonan namin. Ang kamay niya'y dahang-dahang humaplos palakbay sa likuran ng aking leeg na nagbigay sa akin matinding pag-aasam na hawakan siya ulit. Her fingers ran through the skin behind my ears, caressing it which made me cursed.
'Cause, girl, you're perfect,
You're always worth it.
Like those erotic dancers I saw a while ago, she threw her two hands in the air, rolling her belly and undulating her hips as the song kept playing in the background. Sa bawat pagkiskis ng kanyang katawan sa akin, bumabalong iyong init na kanina ko pa naramdaman. I couldn't believe myself right now. I got easily aroused by her wild swift move against my body. Why am I not allowed to touch her? Ano bang patakaran meron ang pub house na ito? Was it her rule? No touch, but she'll seduce me in all possible away. If that's the case, she won already. I could feel my member having a hard time which I think she already noticed.
And you deserve it,
The way you work it.
'Cause, girl, you earned it,
Shit
Girl, you earned it,
Yeah
Mas sensuwal pa siyang gumalaw habang iniikutan ako. I couldn't help it anymore and she's almost done with her routine. Doon agad ko siyang hinapit ulit sa baywang hanggang sa maging gahibla na lamang ang pagitan sa aming dalawa.
"Let's get out of here." I said, pulling her outside the room after I covered her with my coat. Walang lingon-likod kaming umalis sa lugar na iyon. Lugar na hindi karapat-dapat sa isang katulad niya na tingin ko'y gugulo na sa aking isipang simula ngayon.
***
THE DRIVE was dreadful and I felt like I have a dead companion the entire time. Kahit isang oras lang ang biyahe mula Glasgow pabalik ng Edinburgh, parang napakabagal pa aking pagmamaneho. When I reached The Balmoral Hotel, I pulled over the hotel's main entrance and unbuckled my seatbelt immediately. I leaned over to the woman whom I'm with and tried to removed her mask but she didn't let me. Nag-alis din siya ng seatbelt at nauna pang bumaba sa akin dahilan para dali-dali akong bumaba ng aking sasakyan. Halos pabato ko na nga naibigay sa valet attendant ang susi ko dahil sa bilis ng kanyang paglalakad papasok ngunit huminto din sa bandang gitna. Dinaig pa iyong nawawalang bata.
"This way," I said, guiding her way towards the elevator lobby. Nawala iyong init na naramdaman ko kanina ng sinasayawan niya ako at napalitan ng malamig na pakiramdam dulot ng centralized airconditioning system na meron itong hotel.
Una siyang sumakay sa bumukas na elevator na sinundan ko naman at pinindot iyong floor kung nasaan naroon ang aking kwarto. Tahimik lang kaming dalawa at tila ba wala misking sino sa amin ang may nais na magsalita. Sa buong tanang ng aking buhay, ito na yata ang pinaka-mahabang elevator ride na aking naranasan. Kaya naman ng bumukas iyon sa wakas sa floor na pinindot ko, halos tumalon na ako palabas. She followed me until we both reached my hotel room. I asked her to come inside first before me.
I immediately went to the bar side of my hotel room to get something to drink. I choose the expensive champagne on the racks while I stick to my whisky. Every Scottish man has space for whisky, for it was part of our lives. Some were possessed a flask with whisky in it everywhere they go.
"You can now remove your mask, Miss." Agad niya akong tinapunan ng tingin pagkarinig sa aking sinabi. Hindi pa rin niya ako sinunod at nanatiling suot iyong mask na tumatabing sa halos kalahati ng kanyang mukha. Ngunit kahit suot iyon ay alam ko na agad na maganda siya. Her eyes behind that fancy mask were the sweetest pair I've seen my entire life. "You prefered to be mysterious, huh?"
"Yeah," she answered, then took a sip from the champagne flute which I handed to her. "Why did you bring me here?" tanong ko sa akin.
"That place; you don't belong there."
"How do you say so?"
"I just know."
"You didn't bring me here as a hostage, right?" Umiling ako saka uminom sa basong may lamang whisky. "Can I use the phone?" she politely asked.
"Go on,"
"Are you sure? I can call the police and have you arrested for dragging me here against my will."
I chuckled softly. Inilapag ko sa center table ang basong hawak saka lumapit sa kanya. My head leaned down to her, and I planned to kiss her on the lips. Behind us was a lovely view, but my focus remained on her eyes underneath the mask.
She gulped when my hand start to caressed the skin of her cheeks. Pinigil niya ang aking kamay at marahang pinalis iyon.
"Am I still not allowed to touch you?"
"Yes, you are." Binalingan niya iyong telepono saka nag-dial doon ng numero na tila kanya nang saulado. Hindi ako umalis at tinuon ko lamang iyong dalawang kamay sa armrest ng couch na kanyang kinauupuan. She asked me the name of the hotel which I gladly gave to her. Narinig ko na sinabi niya iyon sa kasalukuyang kausap bago tinapos ang tawag. "I have to go,"
"That fast?"
Nagsalubong ang aming mga mata. This time, she didn't look away, which made me bring on my knees. Nilabanan niya ang tingin ko hanggang sa awtomatikong pumapalupot sa aking leeg ang kanyang kamay. I needed closure before she could leave me hanging, but I didn't want to be a rude guy. With that in mind, I didn't expect her next move. She kissed me on my lips that I managed to answer and make it on my way, not hers.
Ngunit hindi nagtagal iyong halik. Napangiti siya ng makitang nakaawang ang labi ko matapos ang halik na binigay niya sa akin. Tumayo siya at marahan akong tinabig saka dinampot iyong wallet ko. Kumuha siya doon ng cash na tingin ko'y bayad ko na sa kanya.
"For the hassle that I experienced a while ago," I said, waving a pile of cash that I pulled out of his wallet.
"What about your name?"
Ngumiti siyang muli saka humarap sa akin.
"Call me, Love," she said, then walked out the door.
I scoffed and dropped myself on the couch. Love – that's her name but I forget to asked where I could contact nor find her again. Scotland was a huge country and tomorrow, I'll leaving Edinburgh. Babalik na ako sa Glasgow, sa bahay kung nasaan ang pamilya ko na matagal ko rin hindi nakasama. I've been living alone since I decided to pursue studying in the Philippines. Bumabalik lang ako sa lugar na ito kapag holiday season at kung minsan ay hindi pa nga nagagawang umuwi.
A phone call halted my thoughts. Nang hugutin ko iyon sa aking bulsa, hindi na ako nagulat ng mabasa kung kaninong pangalan ang naka-rehistro sa screen. It was Travis and I think he was calling because I dragged his gift out of its den without a word. I pressed the answer button.
"Dude, where did you bring the woman?" tanong ni Travis sa akin.
I chuckled. "The woman had left."
Tumayo ako saka lumakad patungo sa floor to ceiling na bintana ng hotel room ko. Mula doon nakita ko si Love na nakatayo sa main entrance ng hotel na tila may inaabangan. She forgot to leave my coat which covering her almost naked body. The same body which gave me a hardest time ever. Ngayon ko lang naramdaman itong pagkakaroon ng sexual compatability sa isang babae na kakikilala ko pa lamang.
What had just happened? I couldn't believe that a woman like Love swooned and had me on my knees instantly.
"What do you mean by she's gone? What happened?"
"She left, riding a motorcycle and forgot to gave back my coat." Sinundan ko ng tingin iyong papalayong motor na sumundo kay Love hanggang sa tuluyang mawala na sila sa aking paningin. "Love - she said that's her name."
"I don't know if that's a real name, dude. I bought that woman without knowing anything about her identity. Did she steal something aside from the coat?"
"Yes,"
"What is it?"
"My attention."
Korny pakinggan pero talagang nakuha ni Love ang atensyon ko simula't-simula pa lamang. Love's brown curly ended hair smelled nice. Iyong pabango niyang amoy prutas na hanggang sa mga oras na ito'y naamoy ko pa rin. After Bea, hindi ko na inasahan na magiging ganito ka-interesado sa isang babae. Sabi ko nga magsisimula akong muli dito at walang balak pumasok sa seryosong relasyon. Muli akong lumakad pabalik sa couch at doon nakita ko ang isang butterfly hairpin na nakasingit sa gilid.
"Did she leave any contact?"
"No. Only a butterfly hairpin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro