Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TWENTY-NINE: TWO RED LINES

CHAPTER TWENTY-NINE: TWO RED LINES

Heart

KAHIT MASAMA ang pakiramdam ko ay pinilit ko bumangon para mag-impake ng mga natitira ko pang gamit dito sa apartment namin ni Leyn. Mas lalo lang ako magkakasakit kung mananatili pa ako sa bansang ito. Itong bansa na itinuturing ko pangalawang tahanan ang siyang nagparanas sa akin ng masakit na karanasan. Huminto ako sa ginagawa at matamang pinahiran ang aking mga luha. Hindi na nagulat si Leyn ng umuwi ako dito kagabi at alam ko na gusto niya ako tanungin ay pinili pa rin na manahimik muna.

Sasabihin ko din naman sa kanya kapag kaya ko na. Sa ngayon mas importante na maka-alis ako sa lugar na 'to. I booked a one way ticket back to the Philippines immediately when I arrived here last night. Ayoko na kasi talaga mag-aksaya pa ng oras at gumising dito na kinaawaan ang sarili. I badly want to go home now, hoping that I can restart my life there.

"Heart..." anang tinig na pumukaw sa akin. Muli ko pinahiran ang lugar sa aking mga mata saka hinarap si Leyn. "Nasa labas na iyong taxi, ready ka na ba?"

"Almost." Huminga ako ng malalim saka tinapos na ang pag-ayos sa mga gamit ko. "Salamat, Leyn. I'll contact you when I arrive home. Iyong ibang gamit ko padala mo na lang sa akin. Mag-send ako agad ng address sayo kapag nakahanap na ako apartment."

"Sobrang biglaan naman kasi ito. Sasamahan dapat kita umuwi kaso hindi pa ako nakapag paalamm" Bakas na bakas sa mukha ni Leyn ang lungkot dahil sa biglaan ko na pag-alis. Sinabi ko lang kasi sa kanya na uuwi na ako at sinubukan pa niya ako pigilan pero hindi nangyari. Buo na talaga ang desisyon ko na umalis sa bansang ito. "Sigurado ka na ba talaga dito sa desisyon mo? Wala ka pang apartment sa Pilipinas saka trabaho. Alam mo na mahirap buhay doon."

"Okay lang. Tatawagan kita pag nakauwi na ako mapanatag ka lang." Huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti kahit pa panay-panay ang pagtulo ng aking mga luha. "Kaya ko naman huwag ka mag-alala sa akin masyado. Basta tatawagan kita kapag naka-settle na ako doon."

Niyakap niya ako ng mahigpit bago sinamahan ihatid sa labas. Hindi din ako mahahatid ni Leyn sa airport kaya kung ano na lang iyong kaya ko bitbitin ang dinala ko. I gave Leyn one last hug before I got into the taxi. Pinaalalahan pa ako ni Leyn ng ilang beses bago hinayaan na umalis ang taxi na maghahatid sa akin sa airport. Today I experienced this kind of feeling once again. Akala ko talaga sasaya na ako pero mali ako dahil ang lahat ay may katapusan. May hangganan ang lahat na akala ko'y wala.

Pinilit ko ang sarili ko na huwag umiyak pero ayaw paawat nitong mga mata ko. Wala rin naman magbabago kapag patuloy akong umiyak. Maling akala lang naman ang lahat at tingin ko hindi para sa akin ang pag-ibig talaga. Hindi pala talaga ako iyong babaeng kamahal-mahal at kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang ang lahat. Kailangan ko na ihinto ang pag-iyak ngunit paano kung ayaw naman huminto ng mga luha ko sa pagtulo?

Hanggang sa makarating ako sa airport umiiyak pa rin at tingin weirdo na ang tingin ng iba sa akin. Wala na akong pakialam ngayon kasi may mas worst pa ako naranasan kaysa sa pag-iyak ko na 'to. Sino mag-aakala na mararanasan ko na ma-detained ng buong araw at pilitin umamin sa kasalanan na 'di ko nagawa? Hanggang sa mga oras na ito ramdam ko pa rin sa mga kamay iyong posas. Pati sa panaginip sinusundan ako ng masalimuot na karanasan na iyon.

Karanasan na nais ko na lang kalimutan na kahit imposible...

I DEACTIVATED all my social media accounts before leaving Scotland. Pagdating ko dito sa Pilipinas bumili ako ng bagong cellphone, simcard at gumawa ng chat messaging account para ma-contact ko si Leyn. Alam ko na nag-aalala ang isang iyon kaya kahit ayoko mag-online ay gagawin ko para lang ma-update siya. Nag-check in ako sa isang hotel at doon nagpahinga buong araw. Tanghali kinabukasan ako lumabas at sa ospital ako unang tumungo dahil hindi pa rin nawawala ang sama ng pakiramdam ko.

Gusto ko rin isanguni kung dapat na ba akong uminom ng sleeping pills dahil hindi pa rin magawang makatulog ng maayos. Buong biyahe mula Scotland hanggang sa Dubai gising ako. Nakatulog lang ako pero sandali at may masamang panaginip pa kaya dilat na dilat din ako noong bumiyahe na mula Dubai pauwi dito sa Pilipinas. Pabiling-biling lang din naman ako kahapon sa hotel at kung ano-ano ang iniisip. Naghahanap ng mga sagot sa tanong na paikot-ikot sa isipan ko.

"Breast swelling, lower back pain, headache and dizziness, iyon po ang madalas ko maramdaman lately." Huminga ako ng malalim matapos masabi sa doktor na nasa harapan ko ang lahat ng aking nararamdaman.

"Are you sexually active?" tanong na nag-aalangan ko na sagutin. Kailangan ko ba i-disclose iyon sa kanya. Hindi na nga ako makatingin ng diretso sa kanya dahil namumugto pa rin ang aking mga mata. "You need to tell me everything, Ms. Pineda. May doctor-patient confidentiality naman kaya huwag ka mag-alala."

"No. I broke up with my... we're done already." Hindi ako sigurado kung ano kami hanggang ngayon pero 'di na rin importante pa. Naka-alis na ako doon at dito ko sisimulan ulit ang lahat.

"Okay..." Tumalikod sa akin ang doktor na kausap ko at pagharap niya, may inabot siya sa aking container. "Pakipuno nito para ma-test natin urine mo at malaman ang root cause nitong nararamdaman mo,"

Tinanggap ko iyon saka sinunod ang inutos niya sa akin. Alam ko na mali na nagpunta ako dito dahil lalo ako narakaramdam ng matinding kaba. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano lalo't bihira naman ako magkasakit. Sa ilang tao ko sa Scotland, mabibilang sa kamay kung ilang beses sumama ang pakiramdam ko. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Naantala tuloy ang plano ko na agarang humanap ng bahay na matutuluyan.

Pagkalabas ko sa banyo agad ko inabot sa doktor ang urine sample ko at sinabihan niya ako mag-intay sa labas para sa resulta. Muli ko sinuot ang shades upang wala masyado makakita sa mugto ko pa ring mga mata. I contacted Leyn already but I don't received any reply. Baka hindi pa niya nababasa o nasa spam ang message ko. Gumawa kasi ako ng account na hindi siya in-add kaya malamang mapunta sa spam ang mensahe ko.

Nalipat ang atensyon ko sa isang bata na halos kaedad ni Venice. She's running back and forth holding a fairy wand. May unicorn icon din sa suot niyang damit na isa sa mga favorite ni Venice. Agad ko pinahiran ang luha ko at tinigil na ang panonood sa bata. Tinawag na rin naman ako pabalik ng doktor para sa resulta.

"What's the result, doc?" tanong ko agad pagkapasok sa loob.

"Here is the result, Ms. Pineda," tugon niya saka inabot sa akin ang pregnancy test kit na may dalawang pulang linya.

I was indenial at first and demand for another test. Pinagbigyan naman nila ako pero pareho lang ang resulta na lumabas. Buntis ako at hindi ko alam ang dapat na gawin. Umalis ako sa ospital matapos pakinggan ang mga bilin ng doktor sa akin na hindi ko naman talaga inintindi. Dumiretso ako sa simbahan - iyong lugar na least ko puntahan dahil wala naman Siyang ibang binigay sa akin kung 'di problema.

How am I going to raise this child alone? Sarili ko na nga lang at kabiguan ang hirap na tugunan, idadagdag pa ito. Mariin akong pumikit at patuloy na umiyak habang nakaluhod. Napuno ng galit ang dibdib ko at mga tanong na bakit ganito, bakit andaming kabiguan, bakit lagi na lang akong mag-isa? Everyone said that God always has a greater plan for His children but do I need to deal everything all alone?

There I found myself hoarding a lot of medicines that could rid the life inside of me. This was a mistake and I cannot raise a life in this kind of situation. Pareho lang kami na magiging miserableng dalawa na siyang kinatatakutan ko sa lahat. Ayos lang kung ako lang ang magiging miserable pero kung may madadamay pa, masyado nang unfair ang buhay. Bakit ba sa akin ito ibinigay? What's the reason behind all of this?

IYONG mga sumunod na araw ay ginugol ko sa paghahanap ng apartment na pwedeng tirahan saka trabaho. Hindi ko pwede sairin ang ipon ko kaya kailangan ko na makahanap ng pandagdag ipon. Kung saan-saan na ako nakarating para lang makahanap ng apartment at 'di ko na nga inalintana ang pagod. Wala pa rin akong gana kumain at ayoko naman pilitin ang sarili ko. Hindi pa ako nakakabalik ulit sa hospital para magpatingin.

Nang wala pa rin ako mahanap, bumalik na muna ako sa hotel para magpahinga. Matama akong humiga sa kama at marahan sinapo ang aking tiyan. Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung kaya ko ba itong buhayin mag-isa. Ngayon pa nga lang ay nahihirapan na ako paano pa sa mga susunod? Ipipikit ko na dapat mga mata ko kaya lang sunod-sunod ang naging pagtunog ng cellphone ko. Kinapa ko iyon mula sa bedside table at tiningnan kung sino ang natawag.

It was Leyn who was calling, so I immediately answered her call.

"Nasaan ka ngayon?" Iyon ang bungad na tanong sa akin ni Leyn. Nagmessage ako sa kanya tungkol sa pagbubuntis ko at tingin ko naalis na ang pangalan ko sa spam folder niya.

"Hotel, resting." Leyn turned our call into a video call.

"Bakla ka bakit ganyan itsura mo? Uuwi na ako ngayon at may nahanap na akong apartment para sa atin. Hintayin mo ako diyan,"

Ang totoo, hindi ko na sinisipat ang sarili ko sa salamin simula ng umalis ako at ayoko na rin naman intindihin pa ang sarili ko.

"Leyn..."

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na umiyak at wala naman akong nakuhang miski anong sumbat galing sa kaibigan ko. Sinabi lang niya na hintayin ko siya at siya na ang bahala sa akin, sa anak ko at sa lahat. Akala ko na naman magkakapagsimula ako agad dito kaso ang hirap pala lalo't nasanay na may katuwang sa buhay. Sinanay niya ako at kung alam ko lang ma magkakaganito hindi na sana ako sumugal pa. Naniwala ako at dito ako dinala ng paniniwala na ginawa ko.

Mag-isa, umiiyak at sinisisi ang sarili sa mga nangyaring kapalpakan na ito sa buhay ko.

"Huwag ka na umiyak. Hintayin mo ako diyan at tutulungan kita, kayo ng magiging anak mo. Don't let your mistake define you as a woman, Heart. That child is your new start. Kahit mahirap at masakit ayos lang dahil may pamilya ka na. May kasama ka na bukod sa akin na yayakap sayo sa tuwing malungkot ka." Tumango lang ako kay Leyn saka tinapos na ang tawag naming dalawa.

Muli ko sinapo ang aking tiyan. Baka tama si Leyn. Baka ito nga ang bagong simula ko. May matatawag na akong pamilya na hindi ako huhusgahan o magpaparamdam na iba ako sa lahat. Hindi ko na kailangan ikumpara pa ang sarili ko sa iba.

Marahan akong bumangon at isa-isa kong tinapon iyong gamot pampalaglag na nabili ko sa labas ng simbahan. Hindi ko alam kung bakit umabot ako sa ganito punto na aalisan ko ng buhay iyong walang kamalay-malay na sanggol sa aking sinapupunan. Malalim akong huminga matapos ko maitapon lahat saka sumilip ako sa labas. Kaya ko naman ito. Kaya naming mag-ina at kahit mahirap lalaban kami.

"Pasensya ka na kung lalaki ka na walang ama. You're not a mistake. Patawarin mo ako kung iyon ang inisip ko. Nagkamali si Mommy pero pupunuan ko ang anumang pagkukulang niya. Hindi titigil si Mommy pagkayod para sayo. Your happiness is what matters the most for me, my Camilla. You're my new beginning and my new hope."

Camilla, matagal ko na naisulat ang pangalan na iyon sa diary ko. Sabi ko kapag nagka-anak ako iyon ang magiging pangalan niya. A servant for the temple, noble and free-born ang ilan sa mga meaning mahahanap online ngunit para sa akin iba ang ibig sabihin ng Camilla. And I'll stick to that meaning forever and always. Hindi 'man ako swerte sa pag-ibig, naniniwala akong itong bata sa sinapupunan ko ang magdadala sa akin noon.

I will be the luckiest mother in the world. I will promise to love this child even through thick and thin. A mother's love will have no end.

===

I will detail Heart's journey in life in the published version. Up next, five years later iyong kadugtong ng Simula part :) 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro