Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TWENTY-FOUR: SICK

CHAPTER TWENTY-FOUR: SICK

Dominic

"BE GENTLE, Heart." Daing ko ng basta na lang itapal ni Heart sa noo ko ang cooling patch na nabili niya. Makakatulong daw iyon para bumaba ang lagnat ko pero pinainom na rin niya ako ng gamot kanina. Para tuloy akong batang may sakit dahil sa nakatapal sa aking noo. Kami lang ang nasa bahay ngayon dahil nag-check in si Mama sa hotel kasama si Venice para 'di mahawa sa akin. Viral infections daw dahilan ng lagnat ko sabi ng doktor at since contact ko si Heart, kailangan niya mag-stay sa aking tabi. "Do we still have a problem? I remember that I said sorry to you in my delirious state."

Naalala ko pa iyon at malinaw na malinaw pa sa akin ang lahat bago ako makatulog. Hindi ko sukat akalain na magkakasakit ako. Kilala ako sa pagiging workaholic kaya imposible dahil sa pagod itong pagkakaroon ko ng lagnat. I consider this a seasonal flu but when the doctor said it's viral, I started to feel anxious. May anak ako at nanay na kasama sa bahay tapos si Heart pa kaya kung ano-ano pumasok sa isip ko na bahagya lang kumalma nang bumaba na ang lagnat ko. I refused to go to the hospital and ask our family doctor to come and check me.

"Sinadya mo na magkasakit para magkasama tayo, ano?" Hinala ni Heart na dahilan ng pag-ngiti ko.

"You're so full of yourself, hun." Umirap siya sa akin pero inayos ang kumot na nakabalot sa akin bago naupo sa may paanan ko. "We can still be together even if I don't get sick."

"Lakas naman air con banda dyan," ngumisi ako at marahan na bumangon saka umiba ng pwesto. Ginawa ko ng unan ang hita niya para hindi na niya maiiwasan ang tingin ko. "you should be lying in your bed not here."

"You won't get inside my room,, especially now that we're all alone here."

"Delikado ka kasi kahit may sakit ka. Nag-iingat lang ako,"

"Take all the possible precautions you need and I'm fine with it as long as you're with me."

"Paki-tone down naman, Atty."

"Why? You're blushing, Heart." Tinakpan niya ng throw pillow ang mukha ko na agad ko naman napalis. Heart has a criminal minds and I think I need to remain a lawyer so I can defend her in court. Kahit gusto ko na lumipat sa prosecutor's office hindi ko muna gagawin para kay Heart. "Can you at least be sweet to me?"

"Gusto mo i-baby kita kasi may sakit ka?" Tumango ako bilang sagot sa kanya. "Never. Bahala ka diyan."

Being with an independent woman is difficult. Now, I understand Max for keeping up with Bea whose known for being independent. Kaso kaya ko ba na maging pasensyoso gaya ng isang iyon? Magkaiba kami ng love language ni Max at hindi ko na alam iyong akin. Was wanting and giving an affection my love language. Ngayon ko nga lang napagtanto na sobrang affectionate ko palang tao. Heart unleashed that side of me out of the blue.

"You seem pissed off last night."

"I'm not pissed off," Akala ba ni Heart makalusot siya sa akin? "Iniwan mo kasi ako kagabi tapos noong may kausap na ako, ang attitude mo naman." Reklamo niya sa akin na hindi ko naman maalala. But I felt bad when Heart said that I left her alone last night. "Alam mo naman na magkaiba ang status natin sa buhay. You belong in a high society while I don't, so don't expect me to fit your world easily. Mahirap, Dominic at nag-aalangan pa rin ako."

Hindi ko inaasahan ang pagiging honest bigla ni Heart sa akin. May ganito pala siyang nararamdaman na ngayon lang nasabi sa akin. I think being sick was a blessing in disguise because we can talk honestly to each other just like now.

"Haven't I made myself obvious, Heart? I don't want other guys talking to you. Call me possessive or what. It doesn't matter because that's my way of expressing my love for you."

I have never been this vocal with my feelings before. Iyong confession ko kay Bea ay iba sa ngayon at alam ko na si Heart ang dahilan ng mga pagbabago na ito sa akin. This all started when she said she wanted an assurance which I'm giving her now.

"You don't need to try to fit into my world. You have to be yourself always and be the Heart who ruined my goodnight sleep up until now. The one who keeps on bothering me, but I don't mind it, so keep doing it."

Sinapo niya ang aking noo bigla.

"Tingin ko mas mabuti na magpahinga ka na muna, Atty. I'll be in the kitchen preparing our food."

I shot my brow up, "don't put poison on mine." Paalala ko pa sa kanya.

"Noted!"

Maang akong napatingin sa pigura niyang papalayo. May balak talaga siya? Am I doing the right thing of singing my love for Heart? She's one of kind and I shouldn't forget that. Naiiling akong nahiga ulit saka marahang pinikit ang aking mga mata.

PAHINGA lang ang kailangan ko maghapon kaya kahit paano ay nakakagalaw na ako ngayon. Hindi ako sanay na nakaratay buong araw kaya kinukulit na si Heart na abala sa paggawa ng activities ni Venice. I already sent my daughter to a regular school but Heart is still doing her job as if I'm requiring her. Unti-unti na nasanay ang anak ko sa mundo sa labas ay may mangilan-ngilan na siyang kaibigan. Ito nga lang at naka-receive ako ng invitation mula sa kapwa magulang ko sa section ni Venice.

"It's Celine's birthday, Heart." sambit ko.

Binalingan niya ako ng mabilis na tingin bago muling binalik sa ginagawa ang atensyon.

"Who's Celine?" tanong niya. "Bakit hawak mo iyang cellphone mo? Pahinga nga 'di ba?"

"Celine is Venice's classmate, and her mom invited us to her birthday." Paliwanag ko sa kanya. "what will I do when you're not paying attention to me?"

"Alam mo ikaw lang iyong may sakit na napaka-attitude pa rin," she said, cupping my face then pinching my cheeks. "Is Celine's mom the model-like lady who loves to flaunt her curves and all at school?"

"Yeah, that's Ruby." Sumimangot siya at akmang ibabaling sa ginagawa ang atensyon ngunit hindi ko hinayaan. "You're more beautiful than her. With your small heart-shaped face, beautiful eyes, and smile, I love everything about you. These lips..." I halted and touched her lips. "I badly want to kiss them, but I have to control myself."

"Bwiset ka, alam mo iyon?"

I chuckled, "why? What did I do?" Hindi siya kumibo bagkus ay binalik na sa ginagawa ang atensyon. I rest my chin on top of her bare shoulder, trying to ruin her focus. I gently snaked my arm around her waist and pulled a little closer to me. "Anong magandang regalo kay Celine?"

"A doll? I don't know. Si Venice kasi masaya na sa chocolate lang,"

"And Venice's dad will be happy if someone will kiss me...."

"You're going to push that?" Tumango ako saka ngumiti sa kanya. "Fine..." she said, planting a soft kiss on my cheek. "Happy?"

"Slight." Ginulo niya ang buhok ko saka muli akong hinalikan sa pisngi. "We'll go for a doll then?"

"Ask Venice first before buying." Marahang kinalas ni Heart ang pagkakayakap ko sa kanya saka tumayo. Pinagsama-sama ni Heart ang mga activities na ginawa saka nilagay sa isang folder.

"Since Bia is out of nowhere, I need an assistant in our office."

"Hindi pa rin siya natawag?" Umiling ako. "I don't want to work in your office. Dito na lang ako kahit bawasan mo ang sahod ko o ako na lang maghahatid sundo kay Venice sa school."

"So, her teacher can see you every day?"

Humalukipkip siya sa harapan ko at sinalubong aking mga tingin. "He's nice Dominic so stop acting like that. Teacher siya ni Venice, okay? Iyon lang siya."

"Okay."

Nawawala talaga ang pagka-astig ko sa korte kapag kaharap si Heart pero wala namang kaso iyon. Marahan ko siya hinila pakandong sa akin saka muling pinatong ang baba ko sa balikat niya. Another love language unleashed, I guess?

DAYS passed and I'm slowly regaining my strength. Nagawa ko na mag-exercise kanina sa treadmill at tingin ko mas lumakas pa ako lalo simula ng mapahinga. Venice and my mother will come home tonight since I'm feeling better now. Wala ng sipon at ubo na gumaling dahil sa mga kung ano-anong tsaa na pinainom sa akin ni Heart. Speaking of her, nasa baba siya at minamandohan ang cleaning agency na kinuha ko para maglinis ng buong bahay.

Pinatay ko ang treadmill saka kinuha iyong towel na nakasampay sa gilid at pinunasan ang pawis ko sa noo. I grab my water bottle and drink from it while staring outside through my window.

"Hey, patapos na ang cleaning agency sa paglilinis." untag sa akin ni Heart.

"Great. I can now be alone with you,"

"Uuwi ako pagkatapos nila, Atty." Heart smiled widely. Gustong-gusto niya talaga inaasar ako sa ilang araw naming pagsasama dito sa bahay, mas lamang napikon ako. But Heart knows how to get my attention and ended up teasing me. "Huwag ka magpatuyo ng pawis. Kagagaling mo lang kaya sa sakit,"

Sa paglipas din ng araw, mas lalo ko nararamdaman na parang bata niya ako kung alagaan. Parte pa rin ng pang-aasar niya sa akin.

"Come here," lumapit si Heart sa akin at agad ko siyang niyakap. "Stay here with us," bulong ko sa kanya.

"Kailangan ba talaga?"

"Your fault. Sinanay mo ako na lagi ka nandyan,"

"Bakit parang kasalanan ko?" I buried my face on the crook of her neck and planted small kisses into it. "Go get change na. Baka tapos na sila baba at hinihintay itong bayad mo,"

Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya saka lumabas na para ibigay iyong bayad sa house cleaner. Hindi kasi nagana ang credit card nila kaya nag-cash na lang ako mula sa savings bucket ni Mama. Papalitan ko na lang kapag nakapag-withdraw na ako. Malalim akong huminga saka tumungo na sa banyo para maligo. Mahaba pa ang bakasyon ko at sa susunod na linggo pa ako babalik sa opisina. Problema ko iyong assistant na dapat kay Bia na trabaho kaso hindi pa rin siya ma-contact hanggang ngayon.

"Hey..." reklamo ko ng kunin ni Heart ang cellphone ko.

"You're not allowed to work, remember?"

"I'm not working. I'm checking out if Bia has a dummy account where I can contact her." Tiningnan niya ang cellphone ko at nakita ko ang pag-iiba sa ekspresyon ng kanyang mukha. The lock screen was her photo with Venice taken in Edinburgh. While my phone homepage wallpaper was our picture together - a stolen photo of us taken by the photographer we met in Edinburgh. "Didn't expect that?"

"Konti pero bawal ka pa rin mag-trabaho." giit niya. "You're the hardest person to talk to, Dominic."

"Am I?"

Tumango si Heart. "Madali mag salubong iyang mga kilay mo kahit lalapit palang ang kapatid mo. Bia is playful, but that's normal. Don't expect your sister to mature at twenty like you did before. Experimental age iyon at habang hinigpitan mo lalo kumakawala."

"I thought I knew everything, Heart."

"Kaya ka takot magkamali?"

"I was born and raised differently. Love language ni Papa iyong lagi akong ipinagmamalaki sa lahat. If Mr. Trinidad was here, do you think I would be the man who I am today?"

Umiling si Heart na dahilan ng pag-kunot ng aking noo.

"Kung nandito pa ang tatay mo, malamang gaya ka rin ni Bia. Lagalag at naghahanap ng kung ano-ano sa labas ng pamilya niyo. Your father knew that would happen so he trained and controlled immediately." Ngumiti si Heart sa akin. "But, I know wherever he is now, sobrang proud iyon sayo. He trained and raised a dignified, caring though a little possessive and almost perfect son."

"Why don't you try changing your career?"

"Maging manghuhula?" Tumango ako. "Naka-tsamba lang ako, ano ka ba? Ako lang ito." Binangga niya ang braso ko na para bang mag-tropa kaming dalawa.

"Or do you want to change your surname instead?" Nanlaki ang mga mata niya saka hinampas ako ng ilang ulit sa braso. Para akong magkakasakit ulit dahil sa bigat ng kamay ni Heart. Hinuli ko ang kamay niya saka hinawakan iyon.

"I prefer to keep my surname, Atty."

"Request denied."

"Desisyon ka na naman pero pag-iisipan ko,"

"Venice got that word from you." Ngumiti siya sa akin na senyales ng pag-amin. Tinuruan nga talaga niya ng Tagalog words si Venice at iyon pa ang unang natutunan. "I'm just kidding with the surname thing, you can keep your surname or have my name hyphenated to yours, you decide because what's most important is you're mine, Heart Chrissa Pineda."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro