Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TWENTY-FIVE: FALLING

CHAPTER TWENTY-FIVE: FALLING

Heart

IT'S ANOTHER day dealing with Dominic's sweetness ang peg ko ngayon na magkasama na naman kaming mamasyal. Naisipan namin mamasyal pa-London kasama si Venice. Sigurado naman ako na may isa pang agenda itong pag-punta namin dito at may kinalaman iyon kay Bia na hanggang ngayon ay tinitikis ang pamilya niya. Ma-attitude din talaga ang isang iyon at siya palang ang nakikilala ko na kayang tumikis ng ina at kapatid. Ilang buwan na silang clueless kong ano na ba nangyari sa kanya dito sa lugar na ito na kahit malapit lang sa Scotland ay nakakapanibago pa rin.

"Mommy, I want unicorn." Napukaw ako ng sinabi na iyong ni Venice at agad ko siya tiningnan. Kasalukuyan kaming nasa isang park at hinihintay na makabalik si Dominic na bumili ng pagkain. Nakita ko na nakatingin si Venice sa batang babae na mula ulo hanggang paa ay may unicorn icon ang suot.

Hindi naman siya masyadong fan ng unicorn?

Hinayon ko ang tingin sa kasama nito na may unicorn headband din na suot.

Hindi nga halatang fan sila ng unicorn...

Binalingan ko si Venice saka inayos ang bangs. "Hintayin natin si Daddy tapos hahanap tayo ng mabibilhan ng unicorn, okay?" Ngumiti si Venice sa akin at tumango. Kahit hindi ko sure kung naintindihan ba niya ako talaga. 

Madali naman siya kausap kapag walang sumpong gaya ng tatay niya. Nitong mga nakaraang araw sobrang sweet ng lalaking iyon at kahit nagsakit ay hindi 'man nabawasan kaya nadadala ako. Mahirap naman kasi hindi maging marupok sa gaya ni Dominic na sa umpisa lang pala g*g*. Noong mga panahon na ayaw pa niya pakawalan ang alaala ni Bea at ngayon, malaki na ang pinag-iba ng lahat. Tingin ko tuluyan na nga siyang naka-move on at ilang beses na rin naman niya nasabi sa akin na hindi na nga iniisip ang dating minamahal. Napatunayan ko rin naman iyon kaya dapat tinigilan ko na ang pag-o-overthink.

"Daddy!" sigaw ni Venice nang makita na papalapit sa amin si Dominic bitbit ang mga pagkain na na-order. Marami siya in-order at hindi ko sigurado kung kaya ba namin ubusin ang lahat. Unang nilantakan ni Venice ang rice meal at tinago na rin niya sa amin iyong cake slice na nakita. May unicorn kasi sa label at iyon ang gusto niya.

"Huy, okay ka lang? Pagod ka na?" Sunod-sunod kong tanong kay Dominic nang maupo siya sa tabi ko. Kanina kasi ng lumabas kami ng hotel na tinutuluyan, nag-umpisa na siyang habulin ng habulin si Venice na sobrang excited gumala. Ang bata pa nga ang gumising sa aming dalawa ni Dominic kanina.

"I think I saw Bia," aniya sa akin.

"Saan?"

"She passed by the restaurant where am I a while ago. Iba ang kulay ng buhok niya pero sigurado akong kapatid ko iyon."

"Baka she's staying nearby o baka naman feeling mo lang na si Bia."

"I'm really sure, Heart. Hindi ko lang nasundan dahil tinawag na ako para sa order ko."

"Pamilyar ka sa kasabihan na kapag hindi hinahanap, lumalabas?" Tumaas ang isang kilay ni Dominic. Akala ba niya babanat ako? Seryoso kaya ang sasabihin ko sa kanya.

"Parang ikaw, hindi kita hinanap pero dumating ka?" Binatukan ko siya agad. Sabi ko na ng aba akala niya talaga babanat ako.

"Parang sira 'to." Hinawi ko ang buhok ko at sinuntok siya sa braso. "Seryoso na nga kasi. Huwag mo na muna hanapin ang kapatid mo kahit alam mo na narito siya. Babalik din iyon kaya huwag ka mag-alala."

"I can't just let that kid deal with her problems alone. Babae siya at kailangan niya ako."

"Sometimes a woman doesn't need a man. She can, we can even without you in our lives. Kung kaya niyong mga lalaki, kaya din namin."

Tumango-tango siya indikasyon na wala nang masabi pa na iba. Hinuli niya ang kamay ko saka hinawakan iyon. "Totoo naman ang sinabi ko kanina. I didn't look for you even if you bothered my good night's sleep. I tried to find you but you were nowhere to be found. Iyon pala kasa-kasama ko na lagi sa bahay."

"You didn't suspect?"

"At first. The girl I met in the pub house and you share the same voice. Pati iyong way ng pag-ta-tagalog pareho pero inisip ko agad na hindi mo magagawa iyon. Heart is different from Love."

"Paanong iba?"

Dominic chuckled then asked me to come closer to him. "Love is sexier." Bulong niya sa akin. Sinamaan ko siyang tingin ngunit imbis na tumigil ay tumawa lang ang loko.

"Ewan ko sayo!" sigaw ko.

"Ewan ko sayow!" ulit ni Venice sa sinabi ko. I laughed and helped Venice to open the cake slice box. Kitang-kita ko kung gaano niya kaingat buksan dahil may unicorn iyon sa pabalat.

"See? She got these words from you," reklamo sa akin ni Dominic.

"Matalino anak mo, nagtataka ka pa."

"You mean our child?"

Natikom ko ang bibig ko at pilit tinago sa kanya ang kilig na naramdaman. Venice is our child even if this smart kid didn't came out of my womb. She is our child and no one can changed that fact. Kumandong sa akin si Venice at kinuha na iyong box na may unicorn saka pinakita kay Dominic. Paulit-ulit niya hiniling kay Dominic na gusto niya ng unicorn. Nangako naman ito na ibibili nga kapag naubos na ang kinakain at dahil madali kausap si Venice, kinain niya nga lahat ng pagkain na ibigay ko.

Pagkatapos sa park, bumalik na kami sa paggala kung saan-saan. We walked the infamous London Bridge and took some selfies there. Someone volunteered and took us a photo as a family. Tuwang-tuwa pa rin si Venice sa mga nakikita at hindi nababakasan ng pagod ang kanyang mukha. Nakarami din kami ng kuha ng picture doon bago nagpatuloy sa pag-iikot.

I am happier... and Dominic is right. We didn't look for each other, but we found ourselves falling deeply in love with one another. We're kissing sadness a goodbye now and I have to admit that I'm falling for Dominic now. Mahirap na umiwas lalo't nasanay na ako na nandyan siya para sa akin. I hope that this relationship of ours is for keep. Mukhang itong damdamin na talaga na 'to ang pipigil sa akin na bumalik ng Pilipinas...

GABI na nang makabalik kami sa hotel. Tulog na tulog na si Venice kaya hindi ko na nagawang palitan pa ng damit. Inalis ko na lamang ang pang-ginaw na suot at pinalitan ang medyas niya saka pinunasan ang mukha ang kamay gamit ang wet wipes na baon namin. Kapag may kasamang bata, hindi talaga mawawala iyon at may tissue pa ako baon para lang sa kanya kasama ng mga snacks na pwede kainin ni Venice kahit naglalaro. Sinubukan ko maging nanny sa Scotland kaya hindi kasing bait ni Venice iyong aalagaan kaya nag-back out ako agad.

"I ordered food for us," pukaw nasa sabi sa akin ni Dominic. Nilingon ko siya saka tumayo na at niligpit ang mga inalis ko na damit kay Venice.

"Dom..." tawag ko kay Dominic.

Saglit niya ako tiningnan at muling tinuon ang atensyon sa cellphone na hawak. Mukhang may ka-chat siya at hindi yata pwedeng ma-istorbo. Sumimangot ako. Bitbit ang mga marumi ni Venice, sumalampak ako sa sahig at maayos pinasok sa laundry bag na dala ko ang mga iyon. Next weekend pa kami uuwi dahil may client na i-me-meet dito sa Dominic kasama ni Travis. Sinama niya lang kami dahil nakabakasyon naman si Venice sa school pero nagdala pa rin ako ng mga pwede niyang aralin at basahin para hindi naman mawala sa focus ang bata.

"You were calling me," ani Dominic nang tabihan ako sa sahig.

"Hindi kaya. Guni-guni mo lang iyon." Tumayo ako saka itinabi ang mga bag namin sa isang sulok. I heard Dominic chuckled softly. Nakita ko na tumayo rin siya at sinundan ako kahit saan ako magpunta. "Ano ba? Ano na namang trip iyan?"

"Sabihin mo na," pilit pa niya sa akin.

"Wala nga iyon. Nakalimutan ko na iyong dapat na sasabihin ko." Palusot ko pero ang totoo hindi naman talaga. Tatanungin ko siya dapat kung ano ba kami at kung tuloy pa rin ba ang offer niya na tumira kami na magkasama sa loob ng iisang bahay. I want to consider it now but since he was busy chatting to someone a while ago, I quickly changed my mind.

"Are you mad?" Umiling ako. "You are." Kumunot ang noo ko dahil parang sinagot niya rin iyong tanong niya. Kasama ba sa pagiging lawyer ang trait na iyon? Infairness, hindi naman pala siya gano'n kamanhid kung tutuusin. Itatanong ko na ba? Sasagutin kaya niya? Paano kung hindi?

Lower your expectation first, Heart. Lower your expectations...

Huminga ako ng malalim saka naupo na sa couch. Nakakapagod umikot-ikot dito sa hotel room namin. Dominic followed and took the space beside me. At dahil sa sobrang lapit niya sa akin, hindi ko maiwasang maamoy ang kanyang pabango. Nakahalo na yata iyon sa pawis niya hindi ako mananawang amuyin iyon kahit panakaw. Wala pa iyong in-order niya kaya nagdesisyon ako na magsalita na para naman hindi kami mapanisan ng laway dalawa.

"What are we now?"

"Humans?" Piningot ko isang tainga niya. Alam ko na tao ako pero siya hindi ko pa rin sure. Para siyang anghel na bumagsak sa lupa... teka, si Lucifer iyon. "What are talking about really? Can you enlighten me?"

"Ano tayong dalawa?" Kailangan ko ng confirmation pero sabi ko nga kanina, mas mababa dapat ang expectation ko para kung ano 'man ang isagot niya ay hindi na mahirap tanggapin. "Is commitment still a taboo for you?"

"That's the hardest question I ever encounter, Heart." Sabi ko na nga ba. Buti na lang napaalalahan ko na ang sarili ko na babaan ang expectation na meron ako.

"Hindi ka pa ba handa?"

"Woah, Heart, what's up with these serious questions?"

"Sagutin mo na lang kasi."

Maang siyang tumingin sa akin sandali. Nang makabawi ay umayos siya ng upo at ginagap ang kamay ko. Masuyo niya iyong hinawakan at doon lang tinuon sandali ang tingin bago binalik sa aking mga mata.

"I am ready to commit now. In fact I will offer you to move in with us again. I recently renovated my room, changed its wallpaper and the curtains. Nagdagdag din ako ng closet cabinet para sa mga gamit mo. I have a big and spacious bed with a pink sheet cover because that's your favorite color. Bumili rin ako ng maraming unan dahil sabi mo hindi ka makatulog ng konti lang. I also changed my comforter. Mas magiging komportable ka na doon ngayon."

Damn this guy! Lahat ng reklamo ko naalala niya at wala akong ibang masabi ngayon.

"Are you still not convinced? What I've said was like a proposal, you know?"

"Convince me more, Atty."

Dominic chuckled once again. "Ayaw mong palitan ang apelyido mo kaya hindi ko na ipipilit pero incase na magbago ang isip mo, madali lang ako kausap." Sandali siyang tumahimik at nag-isip pa ng sasabihin sa akin bilang pangungumbinsi na tumira ako kasama nila ni Venice. "Kapag nakabalik na tayo, ipapagawa kong parang library iyong study room ni Venice. Hati kayong dalawa dahil nasabi mo sa akin na mahilig ka magbasa kaso mas prefer mo na sa device muna sa ngayon."

"Kasi mag-e-excess baggage ako kapag bumili ako ng maraming libro sa Scotland."

"Do you still want to go back to the Philippines even if I changed a lot at home now?" Marahan niya ako hinila hanggang sa maupo ako sa kandungan niya. Dominic rested one hand on the side of my left thigh. "How's my offer sound like?"

"Tempting."

Sa isang iglap nawala ang inis ko sa kanya dahil sa mga offer niya. Ang buong akala ko ayaw pa niya mag-commit pero handa na rin naman ako kung sakaling iyon ang isagot niya kaso kung kailan ko naman binabaan ang expectation ko saka naman siya nag-offer ng higit sa inasahan ko. Para tuloy gusto ko na siyang ayain umuwi para makita ko na ang kwarto niyang pinabago na aayon sa gusto ko. Iba din iyong adjustment na ginawa niya para lang makasabay sa akin lalo't kilala niya ako bilang napaka-independent na babae.

"So, ito lang ba iyong dapat na sasabihin mo kanina?"

Tumango ako. "Masyado ka kasing tutok sa cellphone mo kaya hindi ko sinabi agad."

"I was talking to Bea. She and her husband will come and visit us on July." Balita niya sa akin na naglagay ng kaba sa aking dibdib. Paano kung kapag nagkita sila ni Bea ay bigla magbago ang isip niya? Kahit na buntis at parang nakalunok ng pakwan ang isang iyon ay maganda pa rin. Ano ang gagawin ko kung sakaling gano'n ang mangyari? Parang ayoko na dumating ang July, ah. I want to hide Dominic so he wouldn't changed his mind. He say he'll commit with me and if it's shallow, Dominic easily forget about it for sure. "What were you thinking again?" Hinawi ni Dominic ang buhok ko na humarang sa aking mga mata.

"Wala. Iniisip ko lang mag-ki-click ba kami ni Bea,"

"Of course you will. You both have something in common."

"Hindi mo naman ako nilandi dahil may pagkakapareho kami 'di ba?"

"Wait, you flirted with me, Heart."

"Hoy, kailan iyon?"

"Now," binitawan niya ang kamay ko dinala iyon sa aking baywang saka hinapit ako palapit sa kanya. "I will not ask you to depend on me, Heart. I'll keep trying to make it with you even if it's hard for me. Ginagawa ko ito dahil gusto kita at kung natagalan 'man o naipakita ko una ang side ko na pangit, hayaan mo akong bumawi. This time, I want to commit with you, Heart. I want you all for me."

Hinalikan ko siya sa kanyang labi na agad din naman niyang tinugon. Panay ang paghawi niya sa aking buhok kaya naman itinali ko na iyon at muli siyang hinalikan. Mabilis na pinagpalit ni Dominic ang pwesto naming dalawa. He hoovered me and hungrily kissed me on my lips. Huminto siya nang may marinig na kumatok. Hinabol ko pa ang mga labi niya pero hindi siya nagpapigil at umalis na sa ibabaw ko.

"We'll continue later," he said, then winked at me. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro