Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TWENTY-EIGHT: GREATEST DOWNFALL

CHAPTER TWENTY-EIGHT: GREATEST DOWNFALL

Dominic

I HAVE a feeling that Heart is hiding something from me. Kapag tinatanong ko siya kung saan nagpupunta lately, lagi na diyan lang sa tabi ang sagot niya akin. Hindi naman ako mausisang tao lalo na sa mga malalapit sa akin. I respect their decision not to tell me something but sometimes secrecy sucks especially to Heart and I. Engaged couple kami at nito lang ay nag-uusap na kami tungkol sa mga plano namin na may kinalaman sa kasal.

Madalas involve si Mama pero hinihintay niya na makapag-desisyon kaming dalawa ni Heart bago kumausap ng mga tao na may kinalaman sa paghahanda ng isang kasal. Gaya ngayon, iyon ang topic nila ni Mama habang ako ay nakikipaglaro kay Venice hindi kalayuan sa pwesto nila. As much as I want to ask Heart, I cannot do it. Gusto ko na siya mismo ang masabi sa akin kung ano ba ang gumugulo sa isipan niya nitong mga nakaraang araw. We agreed to be honest at each other yet secrecy engulfing and put separation line between us.

"Daddy, look!" pukaw na sigaw sa akin ni Venice. Sinundan ko ang tinuro niya at nakita ko na may dalawang itim na sasakyan ang huminto sa harapan ng bahay namin. Kumunot ang noo ko at marahang tumayo mula sa pagkakasalampak sa playing mat ni Venice.

"Go with Mamita and asked her to go inside with you," utos ko sa anak ko na dali-dali namang pumunta kay Mama. Huminga ako ng malalim saka lumakad patungo sa gate upang pagbuksan ang mga hindi inaasahan na bisita. I knew these guys and they're from the federal. Alam ko na tungkol ito sa kasong hawak ng law firm ngayon na may kinalaman kay Dylan Spencer. "Good day gentlemen, how can I help you?"

"Good day, Atty. Trinidad. We have summoned documents addressed to your fiancé, Heart Chrissa Pineda." Inabot sa akin ng isang federal agent ang papel at binasa ko iyon. The federal wants to invite Heart for questioning for the recent burglar incident involving two casualties. Napatay ng mga nanloob sa isang jewelry shop sa Glasgow ang may-ari at security guard kaya mas pinaigting na ang manhunt operations ngayon. "We will ask a few questions, and I hope you will cooperate with us."

"As much as I want to, but it stated here a wrong address, Detective." Binalik ko sa kanila ang papel na binasa ko.

"Atty. Trinidad, can we not complicate things here?"

"No. I'm not doing that. We will cooperate once you change the address." Wala silang nagawa lahat kung 'di umalis bitbit ang papel na binalik ko sa kanila. I heaved a deep sigh then locked the gate. Tumalikod ako at nakita ko si Heart na nakatayo sa front porch ng bahay. Bakas na bakas sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na ekspresyon. Hindi ako sigurado kung natatakot ba siya pero malinaw na may tinatago siya sa akin. "Let go inside and talk." Inaya ko siya papasok at dinala sa home office ko.

Inilabas ko ang case file na may kinalaman kay Dylan Spencer at sa mga kasama pa nitong tinutugis na ng mga pulis. Nilapag ko iyon sa harapan ni Heart at pinakita ko sa kanya ang lahat.

"What is this? Ito ba ang dahilan kaya may mga pulis kanina?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Nakita ko na matama niyang pinagmasdan ang mga larawan pati na ang pangalan ng mga suspects. Hindi iyon ang updated na case file dahil kasama pa siya sa suspected members noon. But Travis and cleared everything about it and had it removed now. Hindi ko lang maintindihan ngayon bakit may summoned documents ang pulis para kay Heart. May bago ba silang lead na hindi namin alam kahit ang law firm naman ang opisyal na law partner ng mga biktima. "Why am I here?"

"Dahil acquainted ka kay Dylan, sinama nila ang pangalan mo sa mga maaaring makapagturo sa kanila kung nasaan ito ngayon."

"And do you believe that, Dominic?"

Umiling ako agad. "May summoned documents para sayo na hindi ko tinanggap dahil mali ang address. They will correct it and comeback to get you,"

"Why?"

"They will ask few questions about the recent burglar incident, about Dylan and your relationship with him." Umupo ako sa pang-isahang couch at inabot ang kamay niya. "I will drop the case and be your lawyer. Kapag bumalik sila, hindi ka magsasalita at ako na ang bahala sa lahat. Gusto ko lang na maging honest ka sa akin, Heart. I want your full cooperation so we can end this ruckus."

"Wala akong alam sa mga ito, Dominic. Binibigyan lang ako ni Dylan ng trabaho na hindi ko na tinanggap simula ng iwanan nila ako noong huli. That was four months ago." Mas humigpit ang hawak ko sa kamay niya. "We met him, sa party niyo sa bahay ni Travis pagkatapos noon wala na talaga."

"Sasabihin ko na hindi kayo acquainted ni Dylan at naging maka-trabaho lang. You don't need to talk in case they will summoned you today,"

"Paano kung walang maniwala?"

"Don't think that. I will prove you're innocent."

"Naniniwala ka ba sa akin, Dominic?"

Tumayo ako ay niyakap siya nang mahigpit. Naniniwala ako sa kay Heart pero bakas pa rin sa mga mata niya na may tinatago siya sa akin. I don't want to force her to tell it to me. Gagawa na lang ako siguro ng paraan paano namin malulusutan ang dagok na ito. Sandali ko siyang iniwan ng tawagin ako ni Mama sa labas.

Sinabi ni Mama na bumalik iyong mga pulis kanina dala na ang updated na summoned documents na hindi ko tinanggap. Sobrang bilis nila kumilos at mukhang gusto na talaga nila matapos ito. Tinanong ako ni Mama kung ano ang nangyayari pero pinili ko na huwag magsalita muna. Inaya ko si Heart na sumama sa mga pulis pagkatawag ko kay Travis. Kailangan ko muna i-drop ang case bago maging lawyer ni Heart. But Travis told it will be more complicated because I'm in a relationship with Heart. Kaya si Heart lang umalis at naiwan ako sa bahay kasama ni Mama at Venice, clueless sa mga nangyayari. Naghihintay ng tawag na napaka-imposibleng dumating para malinawan kami.

I know that this is just a phase. Malalampasan din namin ito ni Heart...

"JAIL? What do you mean by that, Travis?" Napatingin ako kay Mama matapos marinig mula kay Travis na naka-detained nga si Heart ngayon. "I'll go there."

Final ko na sabi saka tinapos na ang tawag. Alam ko na hindi pwedeng mag-kwento si Travis ng tungkol sa kaso lalo't hindi naman na ako involve. Hindi ko lang lubos maisip na kinulong nila si Heart. Habang nasa biyahe, may mga colleagues akong tinawagan at kinuha ang serbisyo nila para may mag-represent kay Heart. Kung hindi ako pwede, gagawa ako ng paraan para makalabas siya ngayon. May isa akong nakausap at pumayag agad kaya sinabi ko na i-meet niya ako sa police station.

Nang dumating kami ni Atty. Murray sa police station, sinabi niya sa akin na nakitang nakipagkita si Heart kay Dylan noong gabi na nangyari ang insidente ng panloloob at pagkamatay ng dalawang biktima. Bagay na dahilan ng aking panlulumo. Sinasabi ko na nga ba't may nililihim sa akin si Heart hindi ko naman alam na tungkol pala iyon doon. Atty. Murray managed to get Heart out of the detention cell and removed her name from the person of interest list. May alibi si Heart at si Leyn ang nagpatunay noon na inimbitahan din para magpaliwanag. Abot langit ang pasalamat ko kay Atty. Murray dahil sa mabilis niyang aksyon at serbisyo na niya ang kinuha dahil hindi pa natatapos ang lahat kahit napatunayang inosente si Heart.

Pinapanood ko lang na magpaalam si Heart kay Leyn ngayon. Marami siyang dapat ipaliwanag sa akin dahil nangako siyang magiging honest sa akin. Nilapitan ako ni Heart at panay ang himas niya sa magkabilang pulsuhan na matagal nakaposas kanina. Isa iyon sa mga ni-reklamo ni Atty. Murray dahil hindi pa naman primary suspect si Heart pero pinosasan na nila. The eagerness to close the case and catch the real culprit is there but to pin an innocent woman was wrong.

"Why didn't you tell me that you met Dylan?" tanong ko nang ma-i-park ko na sa garahe ang sasakyan ko.

"Can we not talk about it? Pagod na ako, gusto ko na magpahinga," aniya saka nag-alis na ng seatbelt. Nag-alis din ako ng seatbelt at hindi siya hinayaan na makababa ng sasakyan. "Dominic please? Ang dami na nangyari at hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ang lahat ng ito."

"Kung naging honest ka lang sa akin, hindi ka ma-de-detained doon, Heart."

"Kasalanan ko pa ngayon? Hindi ba pwedeng kaya hindi ko sinabi dahil ayoko na mag-away tayo?" Heart scoffed. "Dapat pala sinabi ko na lang kasi nag-aaway din naman tayo ngayon. Napapagod na ako mag-explain kaya pwede bang pagpahingahin mo muna ako?"

Hindi ako kumibo kaya nagkaroon ng pagkakataon si Heart na lumabas ng sasakyan. Mabilis ko siya sinundan at pinigilan na makapasok sa loob ng bahay. Kailangan namin pag-usapan dito lahat imbis na sa loob ng bahay. Hangga't maari nga gusto ko sa loob ng sasakyan para hindi masyadong rinig kaso narito na kaming dalawa sa labas ngayon.

"Why do you need to meet Dylan?"

"What I need the most right now is your understanding, Dominic, not your doubts."

"Answer me! Bakit kailangan mo kitain ang kriminal na iyon? Bakit noong gabi pa na nangyari ang insidente? Hindi mo ba alam kung paano ko pinilit si Atty. Murray na magkasama tayo noong gabi na iyon para lang maka-alis ka na sa impyernong lugar na iyon?"

"Akala ko ba naniniwala ka sa akin?"

"Anong gusto mong paniwalaan ko kung hindi ka naman nagsasabi sa akin ng totoo?"

"Do you want the truth? Fine!" Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "I was with Leyn that night and I forgot to tell you about our little night out. We were a little drunk and heading home when we met Dylan. Hindi niya kami kinausap at tumakbo lang siya kasama ng ilan pa niyang kasama." Hindi ako kumibo dahil 'di ako sigurado kung paniniwalaan ko baa ng kwento niya kung nakikita ko sa mga mata niya na may tinatago pa siya sa akin. "Hindi ka naniniwala?"

"Tell me how to believe you, Heart."

"Believe what you want to believe, Dominic. Hindi mo na kailangan magtanong sa akin." Akma siyang tatalikod ngunit muling humarap sa akin. "Let's end this act that I cannot call a relationship. Lagi naman natin issue ang put*ang-inang honesty na iyan. Kahit anong sabihin ko hindi ka pa rin maniniwala sa akin kaya tapusin na natin ito. Pagod na pagod na rin ako kakaintindi sayo at halata namang takas mo lang mula sa hindi mo malimutang pag-ibig kay Bea."

Nakita ko na hinubad niya ang singsing na bigay ko at binato iyon sa akin. Damn! This is not about Bea. Bakit hindi siya naniniwalang tapos na ako kay Bea? 

"Itatapon mo ang lahat ng gano'n lang, Heart?"

"Hindi ako ang sumira sa relasyon na ito – kung may relasyon nga ba tayong dalawa. It's clear that you cannot trust me just because I lied to you once. Isang beses lang ako hindi nagsabi sayo pero big deal na agad. Kahit kailangan hindi ko binilang ang hindi mo pagsasabi ng totoo sa akin kahit masakit ayos lang kasi mahal kita. Dahil lang sa insidenteng ito, mag-iiba na agad ang tingin mo sa akin. Minahal mo ba talaga ako? Kasi kung minahal mo ako, hindi mo ako pagdududahan."

"I never doubted you,"

"You just did, and you refused to own your mistakes again, Dominic. I'm done here. I'm done with you,"

Iyon lang at tinalikuran niya na ako. Diretso siyang pumasok ng bahay habang ako ay narito sa labas at kasalukuyang pino-proseso ang mga sinabi niya. Mariin akong pumikit nang alalahanin ang mga sinabi ko kanina. Hindi ko sinasadyang maipadama sa kanya na nagdududa ako sa mga paliwanag niya. Dali-Dali akong pumasok sa loob at naabutan ko siyang inaakay na pababa ang mga gamit.

"Heart, let's talk. Don't do this, please?" Pigil ko saka hinila ang maleta niyang dala na agad naman niya binitiwan dahilan upang kumalat iyon.

"Take it. Lahat na lang sayo. Lahat na kinuha mo." Tumalikod siya "Siguro naman akin na iyong passport ko saka savings? Wala akong ninakaw sayo at kung gusto mo ibabalik ko pa ang lahat ng pera na pinasahod mo sa akin. Dinala mo ako dito at pinangakuan nang kung ano-ano. Ginulo mo ang tahimik ko na mundo at pinili kita kaysa pangarap ko." Iniwan niya ang mga gamit na nakalat sa sahig at dire-diretsong lumabas. Binalewala ko iyon at muling sinundan siya palabas para pigilan na umalis.

"I'm sorry, Heart. Don't leave us,"

Hindi ko sukat akalain na darating ako sa puntong ito na magmamakaawa ako sa isang tao na huwag kaming iwan. Alam ko na hindi ito para sa sarili kung 'di para kay Venice. Higit namin siyang kailangan ng anak ko at lahat gagawin ko huwag lang siya umalis. Kaya ko maka-cope up agad pero hindi ang anak ko at natatakot na baka bumalik ulit sa dati kaya kailangan ko siyang pigilan.

"Ayan ka na naman, mag-so-sorry tapos mangangako na hindi na ito mangyayari ulit. Ako naman si tanga na maniniwala kasi nga mahal kita. Ilang beses na tayong nagtalo tungkol sa honesty na dine-demand mo na hindi mo naman mabigay sa akin pabalik. Hindi mo na ako makukuha sa sorry mo, Dominic. Pagod na akong patunayan ang sarili ko sayo. Pagod na akong tumbasan si Bea diyan sa puso mo. Pagod na ako kaya tama na, tigilan na natin ito. Mahirap makipagkompetensya sa nakaraang ayaw mo naman kalimutan."

"Paano si Venice?"

"You made me stay because of Venice, not because you love me. You need me more than you love me, Dominic. That's the truth that you've been looking for."

Tuluyang umalis si Heart at kahit ilang beses ko siya tawagin ay hindi 'man lang niya ako nilingon. Ang buong akala ko siya na ang simula ko pero nagkamali ako at dahil sa akin naging ganito ang lahat. Heart becomes my greatest downfall instead of a promise of a new beginning. And I'm the one to blame and if only I showed her how much I love her more than I need her, she'll choose to stay. Once again I failed and I think love isn't for me...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro