CHAPTER THIRTY-TWO: HILING
CHAPTER THIRTY-TWO | HILING
Dominic
BEA AND MAX invited me to their humble home in Connecticut. Kasalukuyang nagpapalakas si Bea ngayon dito dahil ilang buwan palang ang nakalipas magmula ng manganak siya. I smiled when Brooklyn - one of the twins open his eyes slowly. Ngumiti rin ang sanggol matapos akong tingnan. I cannot move properly because Brooklyn is small and soft. It feels like I'm just holding a bundle of towels.
“He likes you. Pareho sila ni Summer sa tuwing may kakalong sa kanila na kakilala.” Kwento ni Bea sa akin saka marahan hinaplos ang ulo ni Brooklyn. “Do you heard any news about Heart?”
Huminga ako nang malalim. Naging dahilan iyon ng pag-iyak ni Brooklyn na para bang nakikisimpatya siya sa nararamdaman ko. Ngumiti si Bea at kinuha sa akin ang anak niya upang patahanin.
“I haven't heard any news about her. Deactivated ang social media niya.” I said as I took a seat beside Venice. Tumayo ang anak ko at lumapit kay Bea para abutan ng candy si Brooklyn.
“Thank you, Ate Venice. You're so sweet!” Bea said, pinching Venice's cheeks lightly.
“Welcome!” Venice giggled and then went back beside me. Sumampa siya sa couch at umupo sa kandungan ko. “Mommy told me to share my food with everyone.” Pabulong na sabi ni Venice sa akin.
“She misses Heart,” Bea said,
“Always,” I answered then caressed my daughter's back. “Maaga ba uuwi si Max ngayon?”
“Oo pero bawal kayo uminom ng marami,” paalala niya sa akin.
“I know. We still have to go back to our hotel later tonight,”
“Stay here instead and have Venice sleep beside me. Sabi mo 'di ba hindi siya makatulog ng walang katabi?”
“Nasanay siya na katabing matulog si Heart sa gabi. Kapag gigising pa ay si Heart din ang unang nakikita sa umaga.”
“Does Heart's absences affect her speech disorder?”
“Nope, pero nauubusan na ako ng dahilan. The last option I have is to tell her about what happened to Heart and me.”
“You can't, Dom. Venice is too young for that.”
“What shall I do next?”
“Be the best Dad for your daughter.”
Napatingin ako sa kay Venice na abalang sinisilip si Summer sa crib bitbit paborito niyang bunny flushie na gawa ni Heart. There's a huge void left in my daughter's heart since Heart and me separated. Hindi ko na alam kung ano pa ang pwede ko idahilan kung sakaling magtanong na naman sa akin si Venice. And the last straw that I can do is to tell her the truth.
Kahit masakit...
Bea gently tapped my shoulder, assuring me that what's happening is just a phase. Sana nga phase lang ito at hindi magtatagal ay magkikita kami ulit ni Heart. I never stop loving Heart even if she's not around. Wala akong karapatan na sumbatan siya dahil ako naman ang nagkamali ngunit may mga araw na iniisip kong hindi patas ang langit. Madaya ang tadhana dahil hindi 'man lang ako pinagbigyan na itama ang mga mali kong nagawa.
Masama na ba ang humiling ngayon?
Mapagbibigyan pa ba?
Sana.
LATER THAT NIGHT, Max and I decided to have a drink outside their huge lawn. Pinatulog ko lang si Venice at siniguro naman ni Max nakatulog na rin ang mag-ina niya.
“You have a sweet and caring daughter, Dom.” Simula ni Max na dahilan nang matipid ko na pag ngiti. “This trip of yours will help Venice a lot. I know she misses Heart so much, and this is the easiest way to divert her attention.”
Dinampot ko ang isang lata ng beer at inisang lagok ang laman noon.
“It'll be hard for both of us, Max. If only I assured Heart that she has nothing to worry about my feelings with Bea before.”
“Wala nga ba talagang dapat ipag-alala?”
Hindi ako kumibo. I think now is the best time to tell Max the truth. When I met Heart, I only felt nothing aside from lust and great desire - feelings I mistaken for love. Sumungab ako kasi akala ko wala na akong nararamdaman para kay Bea. Kasal na siya sa ibang lalaki at iyong lalaki na 'yon ay ang kausap ko ngayon.
“Let's not talk about it, Max.”
“No, I wanna hear it, Dom. Overdue na rin ito at dapat noon pa natin pinag-usapan. I know that you did lure Bea while I'm far away. Why did you do that?”
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Because I love Bea,”
“You love Bea to the point of ruining our relationship, and you used a woman who falls hardly with you,”
“I didn't use Heart. Stop accusing me bluntly.” Tumayo ako at malalim na napabuntong-hininga. “I told myself that I will never loved again after Bea, but Heart happened. Noong una, wala akong naramdaman kung 'di libido lang kasi akala ko nawalan na ako ng kakayahan na umibig ulit. I focused too much on Bea and ignored the fact that Heart changed my feelings slowly.”
“You're not blaming my wife, aren't you?” Muli akong hindi nakakibo. “You cannot blame your misery on my wife, Trinidad. Heart left because you failed to express your love for her!”
Para akong nagising sa sinabi ni Max sa akin. Those words hit me to the core. Totoong nabigo akong iparamdam kay Heart na mahal ko siya. Na totoo itong nararamdaman ko para sa kanya at hindi basta dala ng init lang ng katawan.
What am I even thinking a while ago?
I did use Heart and refused to own up to my mistake.
“Matagal ko na ito gustong gawin, Dom.” Napalingon ako kay Max at siya namang bigwas niya sa akin dahilan para matumba ako. “That's for almost ruining my relationship with Bea.” Hinawakan ni Max ang kwelyo ng suot ko na jacket saka muli akong sinuntok. “That's for Heart for taking her for granted. Ako na ang gumanti para sa kanya at kung gusto mo talaga bumawi para bumalik siya, man up and be a good father to your daughter. Do not add to the huge void in Venice's heart.”
Tinulungan niya ako tumayo pagtapos masabi ang mga salitang binitawan.
“What are you two doing?” tanong na pumukaw sa aming dalawa. “Kayong dalawa talaga...”
I somehow pitied Bea for having guys like us in her life. Max did wake me up with his punch and sharp words. Saka na ako gaganti sa suntok na kanyang binigay sa akin ngayon. Dahil ang importante ngayon ay dapat ko na ayusin ang lahat hindi lang para sa sarili ko kung 'di pa rin kay Venice.
Uunahin ko muna ang dapat unahin at iyon ay walang iba kung 'di ang kapakanan ng anak ni Venice...
Four months later
“BAKIT nga tayo uuwi sa Pilipinas?” tanong ni Bia sa akin na dahilan upang tumigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.
Ilang beses ko na pinaliwanag sa kanya ang dahilan kaya kami uuwi ng Pilipinas ngunit 'di pa rin niya makuha. Hanggang ngayon ay 'di pa rin niya ma-gets. I don't feel safe anymore here after all the threats I've been receiving the past few months. I feared for Venice's welfare and Mom's and Bia's safety here.
“I don't feel safe here,”
“I'm studying, Kuya. Wala naman iyong course ko sa Pilipinas. What if I transfered to London and live there?”
“So you could be with your London Boy?”
“Ang KJ talaga pero hindi. Mag-aaral ako doon, promise. Nangako ako sayo 'di ba? Saka he assured you that he'll let me finish studying,” Humalukipkip ako at tinaasan pa ng kilay si Bia. “Huwag ka na masungit dyan at payagan mo na ako tumira sa London.”
“How can you assure me that you'll fulfill that promise?”
“Hm? I'll update you everyday or kung gusto every hour pa. Tapos mag-a-update din siya sa 'yo if you want.”
“Call him now, and we'll talk.”
“Payag ka na?”
“I said call him now. Kaming dalawa ang mag-uusap,”
“Hindi ako kasali?”
“No.”
Umirap si Bia at ginawa nga ang gusto kong mangyari. My sister called her boyfriend and we had a talk. Madali naman kausap ang boyfriend ng kapatid ko at sumang-ayon siya sa mga napagkasunduan naming deal dalawa. Para rin iyon sa kapakanan ni Bia na masyadong impulsive pa rin kahit sinabi na niyang nagbago na siya. Bia's boyfriend and I strike a deal to never feed my sister's wild curiosity.
Mas priority ang pag-aaral dahil iyon ang isang bagay na hindi makukuha ninuman sa kanya. Habang kausap ko ang boyfriend ni Bia, nahihimigan ko sa Papa sa akin. Sinabi ni Mama na huwag ko masyadong higpitan ang kapatid ko at hayaan sa kung ano 'man ang gusto nito gawin. Iyon naman ang ginawa ko pero ginagabayan ko pa rin siya.
“Pinayagan mo na daw si Bia na tumira sa London?” Patanong na salita ni Mama sa akin. “Ano nangyari at nagbago ang isip mo bigla?”
“I talked to her boyfriend and we strike a deal. Nangako sa akin na patatapusin niya muna si Bia sa pag-aaral bago sila magdesisyon para sa isa't-isa.”
“But they will live under one roof, Dom,”
“They will sleep in separate rooms.”
“You're such a wise man, Dom. Manang-mana ka sa tatay mo talaga.” Ngumiti ako at tinuloy na ang pagtitimpla ng gatas ni Venice. Matapos ko mag-ayos ng mga gamit, dito dumiretso para ipatimpla ng gatas ang anak ko. “How about you? Itutuloy mo ba ang paghahanap kay Heart sa Pilipinas?”
Umiling ako. “Kayo muna ang priority ko at ang safety niyo. Saka na iyong sarili ko kapag nasiguro ko na ligtas na tayo pare-pareho.”
“Ayan ka na naman, Dom. We talked already and you made a promise that you'll never be hard on yourself. Na hahayaan mo ako na protektahan din ang pamilya natin bilang nanay mo at lola kay Venice.”
“I know but it's quite a habit. Hindi ko maalis, 'Ma kasi nakatatak na siya sa isip ko na kailangan ko kayong protektahan kahit na anong mangyari.”
“Choosing yourself will never make you less as a son or father, Dominic.”
“I know, but for now, I'll give it a rest for a while. I still have all the time, and I may continue looking everywhere in the Philippines.”
“Sana isang araw piliin mo naman ang sarili mo na hindi mo kailangan mag-alala sa aming lahat.”
I smiled. “Soon... I will do that, Mama. For now, this is the best thing to do. Love can wait. It surely will wait for me...”
Pagkatapos namin mag-usap ni Mama, tumungo na ako sa kwarto ni Venice. Ito na ang huling gabi namin sa bahay at bukas, maaga kaming aalis. Bia already took the last flight to London and she promised to chat me when she got home there. Kay Travis ko na nga siya pinahatid dahil aalis na rin ng Scotland ang isang iyon at sa France muna maglalagi. Pareho kaming hinto muna at nag-iisip na magbago ng career.
“Venice...” tawag ko sa anak ko nang hindi ko siya nakita sa kanyang kama. Agad ko nilapag sa bedside table iyong gatas at hinanap sa kwarto ang anak ko. She was playing here when I left to prepare her milk downstairs.
“Daddy I'm here...” mahina at pabulong na sabi ni Venice mula sa loob ng malaking cabinet niya. Wala ng laman iyon kaya nagkasya siya sa loob.
“What are you doing there?”
“There's a monster under my bed,”
“Come on. We'll beat that monster under your bed.”
“You can't. Mommy told me that you're afraid of monsters, too.”
“I'm not, and it was a joke. Mommy loves to tease me and joke around, remember?” Venice smiled. Tumayo siya saka yumakap sa akin agad. Marahan ko siya kinalong at inilabas sa cabinet saka binalik sa kanyang kama. “Do you want me to read you bed time stories?”
Umiling si Venice. “Will I be going to see Mommy there? Does she lives there now?”
Sandali akong natigilan. Sinunod ko si Bea na huwag muna sabibin kay Venice lahat ng nangyari. And this isn't the last straw. Wala sa bokabolaryo ko ang sumuko at patuloy ako maghihintay kay Heart.
“I think so, but don't worry because Daddy will find Mommy there.” Kinuha ko ang gatas na tinimpla para sa anak ko. “Drink this so Mommy will be happy because you finish a glass of milk.”
“Are you happy too, Daddy?”
“Of course, and that's because of you. Ikaw ang source ng happiness ni Daddy.”
“I love you, Daddy, and Mommy loves you too.”
I smiled as I caressed my daughter's long hair.
Mahal na mahal ko rin ang Mommy mo at sana makita ko na siya para makabawi ako saka maitama ang mga mali kong nagawa.
I'm stupid to realize late her worth. Sising-sisi ako sa mga nagawa ko at pagbibigyan ako ng langit, lahat gagawin ko mabawi lamang ang babaeng pinakamamahal ko. Lahat ibibigay ko kapag pinagbigyan ako ng tadhana na itama ang lahat...
Pagbigyan lang ako talaga sana.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro