
CHAPTER THIRTY-FIVE: UNEXPECTED REUNION
CHAPTER THIRTY-FIVE | UNEXPECTED REUNION
Heart
TININGNAN ko iyong mga libro na may kinalaman sa business management at naghanap ako ng bukas na libro na pwedeng basahin. Simula nang magtrabaho ako sa convenience store ni Sir Bert, na-curious na ako kung paano siya naging successful. Galing din siya sa hirap at ngayon ay hindi na mabilang sa kamay kung ilang branch meron siya. Idagdag pa iyong advertising company nila at mga properties sa iba't-ibang lugar hindi lang dito sa bansa kung 'di sa iba pa. Ngumiti ako nang umahon si Millie mula sa pagkakahilig sa aking dibdib.
“What if Mommy return to school, will you be a good girl?” tanong ko sa anak ko.
“Black.” Millie said, pointing out the color black part of the I'm holding.
Nakaka-recognize na ng color si Millie ngayon gaya ng black, red, blue, green at yellow. Kinakanta niya rin iyong ending theme ng Barney at iyong sa Bear in the Big Blue House. Old TV shows but Millie loves them and I did too.
“Very good, my princess!”
Hinalikan ko ang matambok na pisngi ni Millie. My daughter giggles as I keep on kissing her cheeks. Hawig na hawig siya ni Dominic at ang unfair talaga! Ako iyong nagbuntis at nahirapan manganak tapos siya ang kamukha. Minsan tinatawanan lang ako ni Leyn kapag nag-ra-rant ako pero sa mga mata ni Doc Christy at Sir Bert, ako ang kamukha ni Millie.
Wala naman kasi silang ideya sa itsura ni Dominic. At maigi ng hindi nila alam ang tungkol sa kanya. Hindi kasama sa plano ko ang paghanap sa kanya para ipa-ako itong anak ko. Kinaya ko naman na wala siya at kakayanin ko pa pagdating ng panahon.
“Red.” Millie said again, which Doc Christy heard.
“She is a real smart girl. Mana kay Mommy 'yan, ano?” Tumawa ang anak ko bago sumama kay Doc Christy. “That's a business management book, Heart. Are you planning to study again?”
Napatingin ako ulit sa librong hawak. I smiled then shook my head. “Si Millie po ang first priority ko ngayo. Saka na ako kapag malaki na siya,”
“Do it if want to study again. Nandito naman kami ni Bert at aalagaan itong minime mo,”
Sa isang taon na lumipas, malaki ang naging tulong sa akin nina Doc Christy at Sir Bert. Pinatira pa nila kami ni Leyn sa bahay na malapit lang sa mansion at nagta-trabaho pa rin ako sa convenience store. They're helping me with some of my expenses too sometimes. Kadalasan kami ni Leyn ang nagtutulong lalo na sa mga gastusin na may kinalaman kay Millie. Pakiramdam ko nga ay gusto na nila kaming ampunin dahil sila lang talaga ang nakatira sa mansion.
I let Doc Christy borrow Millie while I worked 24/7 in their convenience store. Sa gabi o tuwing day off ko lang nakakasama nang matagal si Millie. Gayumpaman ay kilala pa rin ako ng aking anak at nasa may pintuan palang ay kilig na kilig na siya tuwing makikita ako. Hindi ko ito na-imagine noong malaman ko na buntis ako. Galit kasi ako noon at inisip ko pa nga na kitlin ang buhay niya.
Ngunit nagbago ang lahat nang marinig ko ang heartbeat niya. Nang sabihin sa akin na si Millie na iyong bagong simula ko'y walang pagsidlan ang aking kaligayahan. She's indeed my new hope. Everything about my life is a choice. A choice that ruined me in the end but gave me a ray of light through my daughter Millie.
“Pag-iisipan ko po, Doc. Maraming salamat po.”
“Hindi ka na iba sa akin, Heart. Parte na kayo ng pamilya namin ni Bert...”
Pamilya... iyon yung isang parte sa buhay ko na maagang nawala sa akin matapos na magkasunod na namatay ang aking mga magulang. Ngayon meron na ako ulit bagong pamilya na maituturing sa katauhan ng mga taong patuloy na tumutulong sa akin...
Five years later.
MULING nabuhay iyong galit matapos ko maka-usap si Dominic. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago at talagang sinabuhay niya ang pagiging asshole. Anong karapatan niya ma-frustrate dahil lang sa hindi ako tumawag sa kanya? Kung nalalaman lang niya ang struggles ko noon hanggang ngayon. Hindi ko talaga maiwasang mainis sa kanya!
Bumalik ako sa convenience store nakasimangot. I left Millie with Vicky a while but when I came back, my daughter is with Doc Christy now. Magkatulong silang nagkukulay sa isang sulok ng convenience store. Agad ako lumapit at binati si Doc Christy.
“Bakit hindi ka pumunta sa mansion at doon iniwan itong si Millie?” tanong agad sa akin ni Doc Christy. Hindi naman siya galit pero nahimigan ko ang pagtatampo sa kanyang tinig. Tinuring nila akong parte ng pamilya nila pero ako iyong alis ng alis.
Simula ng bumalik sa Scotland si Leyn, naiwan kaming mag-ina sa bahay na pag-aari ng mga Lorenzo. Hindi ko alam kung parte ba ng depression ko iyong pagpitik ko noon at basta na lang umalis sa pangangalaga nila. Gumuhit ako ng linya na naghihiwalay sa aming mag-ina at sa mag-asawang Lorenzo. Ngunit imbis na magalit sila sa akin ay heto at inuunawa pa nila ako. Gusto na nga ako sabunutan ni Leyn noong pinili ko na umalis pagka-alis niya.
Gumawa na naman daw ako ng bagay na magpapahirap sa akin at dinamay ko pa iyong bata. Hindi naging madali ang lahat para sa akin nang nagdaang mga taon. Nahirapan ako at nagpapadala si Leyn ay kulang pa rin talaga dahil sa taas ng mga bilihin dito sa Pilipinas.
“Pasensya na po,” mahina kong sabi.
“Bumalik ka na sa bahay at huwag mo solohin ang lahat. Tutulungan ka namin ni Bert. In fact, gusto ka namin maka-usap kaya sa bahay ka na umuwi ngayon. Kayo ni Millie.” Tumayo si Doc Christy at tinapik-tapik ang ako sa balikat. “Heart, hindi ka namin pangungunahan sa mga desisyon mo. Ang gusto lang namin ay nasa ligtas kayong mag-ina. You hardly knew the people in your new neighborhood. Dalawa pa kayong babae ni Millie kaya nag-aalala ako ng husto sa inyo.”
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at basta na lang yumakap kay Doc Christy. Naramdaman ko ang masuyong paghagod ni Doc sa aking likod.
“Why Mommy is crying?” tanong ni Millie.
“She missed granny so much,” narinig ko na tugon ni Doc Christy sa tanong ng anak ko. Granny, that's what she wanted Millie to call her. Anak talaga ang turing nila sa akin at apo kay Millie. Ganito lang sila palagi kahit ako pilit na lumalayo sa kanilang mag-asawa. “Do you miss me too, Millie?”
“Yes!”
“Shall we go home na?” Tumango ako bilang tugon kay Doc saka tiningnan si Millie. “Pack your daughter's things. Ako na bahala sa mga gamit niyo doon sa apartment at ipapalipat na sa main house ang mga iyon.” Doc Christy said and faced Vicky. May sinabi siya sa kasamahan ko ngunit hindi ko na inintindi at patuloy lang na tinulungan si Millie magligpit ng gamit.
“Mommy are we going to Granny's house?”
“Yes sweetie,”
“Yehey! I missed Granny and Pops so much!”
“I missed then too,” I said, caressing Millie's cheek.
“Don't cry, Mommy. Come here, I'll hug you.” Lumapit sa akin si Millie at niyakap ako. “Can we have chicken joy, Mommy? And ice cream too?”
I chuckled.
“Yes we will,”
LATER THAT NIGHT, I helped Doc Christy prepared for our dinner. Gusto niya raw mag-celebrate kasi napauwi na niya ako sa wakas. Invited si Vicky at partner niya sa maliit na salo-salo at sinabi sa akin ni Doc na sila na ang ookupa sa bahay na inalisan namin noon. Dito na kasi kami sa main house titira ni Millie at syempre tuwang-tuwa ang anak ko dahil may sarili na siyang kwarto. Kalaro ni Millie sa living room iyong anak ni Vicky na two years old na at nagkalat ang mga laruan ng anak ko sa sahig.
“You can re-design your daughter's room depends on your liking. Gano'n din sa kwarto mo at ni Leyn. Kailan ba uuwi ang isang iyon?”
“Next month with Travis. She found her Romeo there, Doc.” Nabitin ang pag-inom ni Doc nang marinig ang sinabi ko. “Planning na ng kasal nila. Isa sa Scotland at isa dito sa Pilipinas.”
Nagulat din ako noong malaman na si Travis ang nakatuluyan niya. Leyn reserved all the details for me and she plans to tell everything personally. Si Travis na kaibigan at kababata ni Dominic iyong nakatuluyan ng kaibigan. Hindi ako naniniwala sa kindred hearts pero iyong nga yata talaga kami ni Dominic. Laging may sitwasyon o tao na magko-konekta sa aming dalawa. Sa loob ng limang taon, akala ko wala mangyayari na ganitong eksena ngunit mali ako.
“Oh my God, I'm happy for Leyn. Finally, she found the one,” tinuloy na ni Doc ang pag-inom sa wine na nasa kanyang baso. “How about you Heart? Do you have any interest on dating?”
“Pass, but I met Millie's father a while ago.”
“Really? Did you two talked? What is his plan?”
“He has none. Ayoko na po umasa na magbabago ang isang iyon.”
“Don't close your door yet. Malay mo naman nagbago na at hindi lang prepared na makita ka ulit.”
Gusto ko na iyon ang isiksik sa utak ko pero hindi ko magawa dahil malinaw na malinaw na 'di pa rin siya nagbabago. Akala naman kasi niya ay madali lang na tawagan siya na parang wala nangyari. How could I do that when it's clear that he doesn't love me at all? Panakip butas lang niya ako para palabasin na nalimutan na niya si Bea. Naniwala at handa na ako magpakasal sa kanya noon.
“I think Bert is here now. Get your daughter now and Annie,” utos ni Doc Christy sa akin.
Sinunod ko naman siya at agad na hinubad iyong suot na apron bago lumabas ng kitchen area. May kasambahay na naghahanda ng lamesa at napansin ko na may sobrang upuan at plato na hinanda. Apat lang naman kaming at may sariling lamesa sina Millie at Annie. May bisita ba sila Doc na hindi sinabi sa akin. Tinigil ko muna ang pag-iisip at tinungo ko ang living room ngunit wala roon ang aking anak pati na si Annie.
Nasaan na iyong dalawa na iyon?
Lumakad pa ako palabas hanggang sa matagpuan ko sila sa garahe.
“Millie, Annie, what are you two doing there?” tanong ko agad saka patuloy na lumapit hanggang sa makita ko si Sir Bert kasama ni Dominic?!
“Mommy look what Pops gave to us. It's my favorite!” Masayang sambit ni Millie habang yakap-yakap iyong chicken bucket na favorite ng anak ko.
“Heart mabuti at umuwi ka na ulit dito. Miss na miss ko na itong makulit ko na apo,” untag sa akin ni Sir Bert.
“A-apo?” Bulalas ni Dominic.
Nakita ko na tumingin si Sir Bert kay Dominic. “Oo apo ko itong si Millie,”
Bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha ni Sir Bert dahil umuwi na ako sa bahay nila at makakasama na niya ulit si Millie. Nalilibang sila sa kadaldalan ng anak ko kahit na makulit at kung minsan ay maingay pa.
Pero ano muna ginagawa ni Dominic dito? Paano sila nagkakilalang dalawa?
Hindi ko magawang itanong itong mga tanong na 'to sa kanila dahil una, hindi alam ni Sir Bert na si Dominic ang tatay ng anak ko.
“Ay, oo nga pala, Atty. Trinidad, siya si Heart iyong anak ko at ito naman si Annie, anak ng empleyado ko,” pakilala ni Mr. Lorenzo sa akin kay Dominic. “Heart anak, this is Atty. Trinidad, legal adviser ng pamilya natin.”
Legal adviser?
“Heart...” Dominic said,
“You knew each other?” Sir Bert asked,
“S-she's -”
Hindi ko hinayaan na ituloy ni Dominic ang sasabihin niya. “He's my colleague in Scotland.” Tumango-tango naman si Sir Bert. Alam niyang galing ako sa Scotland at doon ko nakilala ang tatay ni Millie.
But minutes after I say my piece, Sir Bert looked at Dominic in a disbelief look. “Wait... then you are -” Nakita ko na lumayo si Dominic kay Sir Bert nang akmang angatin niya ang tungkod na hawak. Mabuti at napigil ko saka hinawakan ang kanyang kamay upang pakalmahin. Hindi sila pwede makita ni Millie na nag-aaway.
“Papa, please?” Pakiusap ko,
Hindi ko in-expect na mabilis makaka-alala si Sir Bert. Bakas na bakas ang inis sa mukha ng matanda habang nakatingin kay Dominic. Sir Bert's reaction is a natural reaction of a father to his daughter. Yes, a father figure to me. And I addressed him Papa which he kept on asking me to do since they planned adopting me as their child. Iyon ba ang pag-uusapan namin kaya may legal adviser na kasama?
Ano bang klaseng coincidence ito? Konek-konek ang lahat ng mga nakapaligid sa aming dalawa ni Dominic. Una si Travis na fiancé na ni Leyn ngayon tapos heto namang mga Lorenzo.
“Hi everyone, what are you all doing there? And what is that Millie?” Pukaw na tanong sa amin ni Doc Christy na kinalingon naming lahat.
“Pops bought me my favorite, Granny. Can I eat a piece now?” tugon ni Millie.
“No, sweetie. Granny prepared something for dinner tonight. You can eat this tomorrow at breakfast, okay?” sabi ko ng yumukod at kuhain sa anak ko iyong chicken bucket.
Tinuruan ko si Millie na maging appreciative lalo sa mga nagbibigay sa kanya ng pagkain pero nagluto kasi si Doc Christy at nakakahiya naman na hindi iyon ang kainin.
“It's okay, hija. Let her eat whatever she wants tonight, hm? Just this one. We missed both of you so let us spoiled you a bit.”
Dahan-dahan ako umayos ng tayo saka muling tumingin kay Millie.
“One piece lang tonight and you need to share some to Annie,” nag-isip pa kunwari ang anak ko na kinatawa nila Sir Bert at Doc Christy. Umalwan ang ekspresyon ni Sir Bert dahil sa ginawa ng anak ko at sandali nakalimutan na katabi niya ang tatay ni Millie.
“You cannot deny the resemblance, Trinidad.” Sir Bert said before asking Doc Christy to come inside.
I couldn't disagree because it's obvious. My daughter is a little minime of Atty. Dominic Isaiah Trinidad...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro