CHAPTER TEN: A GOOD BROTHER
CHAPTER TEN: A GOOD BROTHER
Dominic
WHILE feeding Venice, I go through the monthly expenses that my mom handles alone the past few years. Dahil marami akong time, naisip ko na mag-liquidate ng mga resibo na nasa receipt bucket. Masyadong abala si Mama kaya tambak na itong mga i-li-liquidate niya. Bilang narito na lang din naman ako at wala pa gaano ginagawa, ako na magkukusang tumapos nito at hindi ko nagustuhan ang aking nalaman. Most of the receipts that I found was Bia’s expenses.
Kaunti lang ang nalipon ko na grocery receipts, parking receipts ni Mama at association fees. Pulo kay Bia ang naroon noong ginagamit pa niya ang sasakyan ko. Where did her allowances go when she let Mama pay for her violation tickets and parking receipts?
“Oops, hindi pala ako dito pupunta.” Narinig ko na sabi ni Bia na bigla lang pumasok sa dining area saka muling tumalikod at akmang lalabas.
“Come back here, young lady.” Utos ko sa kanya na agad naman sinunod ng pasaway kong kapatid. Itinuro ko sa kanya ang upuan at pinaupo siya roon. Tahimik lang naman sa tabi ko si Venice na nakain at si Heart ay nasa loob ng aking home office, abalang naglilinis. “What is the meaning of these?”
Iwinagayway ko sa kanya ang mga resibo siya ang gumastos na halos hindi ko na mahawakan pa sa dami. I have to use rubber band to separate it from the rest.
“Uhm… resibo?”
“Alam ko na resibo ang mga ito, Bia. My question was, why are these on Mama’s payables bucket? What do you think of our family credit card? A bus card? Swipe lang ng swipe kahit hindi naman kailangan ang bibilhin?”
“It’s needed in school, Kuya.”
“Bunch of fiction books? Requirement na ba iyan sa school? What about these violation tickets? Parking receipts and gas?”
“Kuya, marupok ako sa mga libro. Tungkol naman sa violation, parking at gas, I don’t have a job to pay for those kaya kay Mama ko na lang pababayaran sana.”
Malalim akong napahugot ng hininga nang marinig ang sinabi sa akin ni Bia. That’s the problem. Wala siyang trabaho kaya hindi marunong mag-value ng pinaghirapan ng iba. Since she’s the youngest, everything was spoon fed. Whatever she wants, she gets. Pero iba na ngayon dahil narito na ako kasama nila. I think I need to managed the expenses now that this is happening.
“Okay, starting tomorrow, you’ll find a job that will pay you to support your wants. Ito na ang huling beses na ako ang magbabayad ng mga ito. You’ll public transpo from here to school and to your job as well. Needs lang sagot namin dito sa bahay kaya mag-umpisa ka maghanap ng trabaho,”
“What?”
“You heard me right, Bianchi, and that’s an order.”
“Bakit? Hindi na nga sa akin dumidirecho ang allowance ko tapos mag-trabaho pa ako. Ang unfair, Kuya!”
“It’s not unfair, it’s practical.” Binalingan ko si Venice at pinunasan ang bibig niya saka nilapit ang pinggan na kinakainan.
“You don’t love me. You’ve changed!” sigaw niya saka marahas na tumayo at lumabas sa dining area. Nakuha noon ang atensyon ni Venice at huminto sa pagkain saka tumingin sa akin.
"All is well, sweetie. We just need to teach your Tita Bia a lesson," sambit ko sa aking anak.
Hindi totoong 'di ko siya mahal kaya ko ito ginagawa. I'm doing this for her own sake. Para maging responsable siya sa mga ginagastos na hindi naman pinaghirapan. Maybe it's because Dad spoiled the three of us before but since I'm the one who supports myself in the Philippines, I learned to value things and prioritize my needs. Nadagdagan pa iyon ng makatrabaho si Bea na sobrang independent na babae. She doesn't want to ask anything from her man. Lahat kailangan niya pag-hirapan na kitain bago makamit.
Ngumiti sa akin si Venice at tinuloy ang pagkain na naudlot kanina. Palalamigin ko muna siguro si Bia bago ulit kausapin. Binalingan ko ulit ang kaninang ginagawa at tinapos na iyon upang makapaglaro pa kami ni Venice. I also need to check Heart's cleaning progress inside my home office. Maraming papel doon na record lang kaya ko tinatabi bilang reference sa magiging kapareho noon.
I heaved another deep sigh.
"I guess I need to pay for all of this for the month." I said and continued typing on my laptop.
Hindi ko alam kung paanong drive ba ang ginagawa ni Bia kaya may violation ticket dito. No left turn at beating the red light, lagi siguro nale-late sa school kaya ganito na lang karami ang ticket niya. I badly need to discipline my sister now before she becomes our pain in the ass. Kailangan na putulin ang sungay hangga't maaga pa at maturuan ng mag-ipon para sa sarili niyang kapakanan. I'm not forever by her side to continue spoiling her.
Pagkatapos ng pag-e-encode ko at pagpapakain kay Venice ay pareho kaming bumalik sa home office upang i-check ang nilinis ni Heart. This woman's organization skills quite impressive. Lahat ng magkapareho kulay ay magkakasama at may label din. Iyong libro ko ay maayos na ibinalik sa shelf habang ang mga hindi na kailangan ay nakabukod sa isang tabi. Wala na rin alikabok sa ilang bahagi ng aking home office at kaunti na lang ang lilinisin.
"Ayos ba? Hindi ko alam kung paano mo ayusin ang mga gamit mo at nangialam lang talaga ako." Heart said to me. "These are for your review and also those papers," she added.
"Good job. I'll take it from here."
"Sigurado ka?"
"Yeah." Tumango-tango si Heart saka binalingan ang aking anak. "One last favor, can you tuck her in bed? It's for her afternoon nap, and it's hard for me to do that."
"May gawain palang mahirap sayo?"
"What?"
"Wala po. Ang sabi ko lalabas na kami ni Venice."
Hindi ko 'man maintindihan ang sinabi ni Heart ay hinayaan ko na lang siya na umalis kasama ni Venice. Marami pa akong kailangan gawin dito at hindi ako matatapos kung 'di pa ako magsisimula. Ito naman na ang huling lilinisin dito sa bahay kaya makakali na ako ngayon. Sa tagal ko na hindi umuwi, marami na pala akong naipon na alikabok at mga gamit na kailangan na ipasok sa Goodwill boxes. Si Mama naman na ang bahala sa mga laruan ni Venice na iyong iba ay kailangan pa ipaalam dito bago ipamigay. My daughter is just like me, possessive when it comes to what's mine.
Bea was the only person who never became mine, but I'd act possessively around her…
LATER, that afternoon, I came out of my home office to look for Bia. May ipapagawa ako sa kanya at naisipan ko na siya na lang ang gawing assistant ko na sinang-ayunan naman ni Travis. May background sa mga gawain sa law office ang kapatid ko dahil nag-OJT siya sa firm noong umuwi sa Pilipinas noong nakaraang taon. Siya ang pumalit kay Bea noong mag-leave ito at nauna lamang bumalik ng Scotland kaysa sa akin. Maigi na rin daw na kapatid ko na lang ang gawing assistant para hindi na ako mag-train pa at bayad rin naman ito.
Pwede ko bang utusan ang kapatid ko ng walang bayad?
Asa naman ako na susunod siya kung sakali…
Dumiretso ako sa dining room ngunit huminto sa akmang pagpasok ng marinig ko na nag-uusap si Mama at Heart.
"Wala ka na palang magulang at nagta-trabaho ka para makaipon pero para saan at kanino?" Narinig ko na tanong ni Mama kay Heart.
"Gusto ko po kasing magkaroon ng sariling bahay at negosyo sa Pilipinas kaya kayod kalabaw ako dito. Iyon po kasi ang naranasan ng mga magulang ko bago mamatay. I just want to fulfill it even if it's too late now."
Muli ko naalala ang sinabi ni Heart noong i-hire ko bilang full time nanny, tutor at PA ko dito sa bahay. Kapag ipinanganak na mahirap ay nanaisin ng miski na sino ang umangat sa buhay. I wasn't born poor but I experienced standing alone while studying law. Iyon ang training ni Papa sa akin na hindi na niya nagawa kay Bia. A Trinidad child is tough, and not a quitter.
Hindi rin basta-basta naurong sa laban kaya noong nagkaroon ng banta sa buhay ko ay hindi ako nagpatinag. But some of my effort remained hidden because Dad wasn't able to recognize it. He was called home early and two years later, Ate Pao followed. Kaya kinailangan ko maging matatag para sa mga naiwan nila. I am now my mother's rock, my sister's only confidant and Venice guardian.
"Alam mo, pareho kayo ni Dominic. Kaya matigas ang isang iyon dahil napukpok ng nasira kong asawa. Sila ni Paola. Bukod tanging itong si Bia lang ang hindi nakaranas ng disiplina ng asawa ko,"
"Your son is already disciplining her, Mrs. Trinidad."
"Sa maniwala ka't sa hindi, mabait pa si Dominic pagdating sa pinagagawa kay Bia." I saw mom smiling. "He took that after me. The soft heart of his when it comes to the important people in his life."
Hindi ko napansin na pareho pala kami ni Mama pagdating sa pagmamahal sa mga taong malapit sa akin. Ang buong akala ko'y kay Papa ako nagmana pero hindi pala. I may have a strong personality but to other people and my family, I possess a perfect good heart.
Huminga ako nang malalim at pinihit ang doorknob saka pumasok sa loob. That stopped Heart from talking and she just zipped her mouth which made my mom laugh.
"Komedyante ka talagang bata ka," natatawa na sambit ni Mama.
"Why are you still here?" tanong ko kay Heart.
"Sabi ni Mrs. Trinidad hintayin ko na raw ang niluluto niya." Naglabas si Heart ng tupperware mula sa likod at inabot iyon kay Mama. "Kahit huwag mo na po punuin. Mag-isa lang po ako sa bahay ngayon,"
"You should check your doors before sleeping at night baka mamaya ay masundan ka at gawan pa ng masama."
Heart flexed her invisible biceps to us. "I can defend myself. Malas lang nila kung sakali,"
Naiiling akong lumakad patungo sa refrigerator para kumuha ng maiinom na tubig.
"Mom, have you seen Bia?"
"She's outside. Inaway mo daw siya kanina kaya hindi siya sasabay sa pagkain. Doon lang daw siya sa labas."
What? Nagrerebelde na siya ngayon? Ano namang gagawin niya sa labas.
"Pati ba naman kapatid mo inaway mo? Kayo na nga lang magkamukha,"
Pinukol ko ng masamang tingin si Heart at nag-peace sign lang siya. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at pagkakuha ng tubig ay lumabas na ako para suyuin si Bia. Good thing that I got a coupon at our favorite book shop on 3rd street. May panasuhol na ako sa kapatid ko na matampuhin masyado. Ganito ba kapag tumatanda? I feared myself now that I aged. Sana hindi ganito kalala dahil walang susuyo sa akin.
I heaved another sigh.
Pinuntahan ko sa garden si Bia kung saan siya nagmumuni-muni. Tutok na tutok siya sa kanyang cellphone dahilan upang hindi na mamalayan ang paglapit ko sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin ay agad akong ngumiti kaya lang irap ang natanggap ko na sagot at umisod pa sa pinaka-dulo ng wooden bench na kinauupuan. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya pero walang epekto iyon. Umupo ako pero hindi muna pinilit na lumapit sa kanya. I watched as she played on her cellphone. It’s Japanese simulation game which became famous for a year. Kitang-kita ko sa mukha ni Bia ang pagkalibang sa paglalaro sa cellphone.
Muli akong tumikhim at doon tagumpay ko na nakuha ang kanyang atensyon.
“Naghahanap na ako ng trabaho, Kuya. Huwag mo na akong guluhin.” Malamig niyang sabi sa akin.
“Did you already find a job?” Malungkot siyang umiling bilang sagot. “Okay. Are you willing to work for me?”
“Aalagaan si Venice? I thought you hired Heart full-time already.”
“No, not that. In our office, as my assistant. May background ka na sa law office ‘di ba? It’s the same job you had back when you were an intern in our firm.”
“May sahod?”
I knew it! Iyon talaga ang una niyang tatanungin dahil gusto ko nga siyang turuan na kumita at maging responsable sa pag-gastos.
“Travis will pay. I’m also an employee there,”
“Scam. Shareholder ka doon, huwag nga ako!”
“But, I’m still an employee, okay? Si Travis ang direct boss natin,”
“Hmm, pag-iisipan ko… magkano ang sahod? Kaya ba tustusan ang luho ko?”
“You to go back to square one. Hindi porke’t kapatid kita ay may special treatment na. Kailangan mo matutong makisama sa iba.”
“Hindi naman ako kasing tapang niyo ni Ate Pao. Dad didn’t trained me to be strong like him.”
Umisod ako palapit sa kanya at inakbayan siya.
“You don’t need to be as strong as Papa or brave like us. You are you and always remember that you need to be yourself. Live for yourself. Treat us as inspiration only, Bia. Hindi mo ako kailangan i-please o miski na sino. Sarili mo lang ang kailangan mo i-please at pasayahin.” Agad na yumakap sa akin si Bia. Nang marinig ko ang mahina niyang paghikbi, dahan-dahan ko hinagod ang kanyang likod. “I’m sorry,”
“Bakit ikaw ang nag-so-sorry? Ako ang mali at promise makikinig na ako sa inyo ni Mama.”
“Ang panget mo umiyak,” she frowned at me and pulled my hair down. “Ouch!” Reklamo ko sa kanya kaya agad naman niya binitiwan. “I love you. Remember that always, okay? Hindi dahil pinagalitan kita ay ‘di na mahal. I’m concern to you because your the only sister that I have.”
Hindi kami gano’n nakapag-bond ni Ate Pao dahil pareho kaming abala sa pag-aaral. Then, she got married and Venice came which made her more busy. She’s juggling the homemaker job and her job as a doctor. Sobrang idol ko si Ate kaya gano’n na lamang ang galit ko ng mamatay siya ng walang kalaban-laban. I did everything I can just to make that man pay for his sin. Ipinangako ko sa puntod ni Ate na aalagaan ko si Venice pati na sina Mama at Bia. Itutuloy ko ang pangako ko at kahit na anong mangyari, walang pwedeng manakit sa kanila.
Not on my watch.
“Papayagan mo pa rin ako sa London trip?”
“Naka-book ka na pwede pa bang i-cancel iyon?”
“Kuya!”
“Biro lang.” Ginulo ko ang buhok niya. “Here, peace offering ko iyan.” Agad na nagliwanag ang mga mata ni Bia sa nakita coupon. Sa sobrang tuwa niya ay hinalikan niya ako sa pisngi saka niyakap muli. I may not be the perfect man for a certain woman whom I love, at least I can be a good brother to my sibling.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro