Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER SEVEN: CLUMSY

CHAPTER SEVEN - CLUMSY

-Heart-

Five hours after leaving Trinidad's household. 

I WAS waiting for Leyn outside the McDanes. Sabi niya pupuntahan niya dito para mag-dinner kaming dalawa. Katatapos lang shortened shift ko dito at pabalik na Glasgow ngayon. May pinuntahan dito Leyn kaya sabi sabay na kami umuwi. Mamaya pa namang alas nueve ang pasok ko sa Foyer kaya marami pang oras para mag relax kasama ang kaibigan ko. I haven't done this before because my mind has been filled with savings problems, visa and job related stress.

"Heart!" sigaw na pumukaw sa aking atensyon. Pag-angat ko ng tingin ay agad ko nakita si Leyn na mabilis na naglalakad papunta sa pwesto ko. "I'm sorry medyo natagalan. May kinuha pa kasi ako sa kapatid ko."

Sasagot na dapat ako ngunit hindi natuloy dahil sa pagtunog ng aking cellphone. I don't usually receive calls at this hour. Liban na lang kung cancel ang pasok ko sa Foyer o may ibang sideline na ibibigay sa akin ang mga kakilala ko. Agad ko kinuha iyon sa aking bag at tiningnan kung kaninong caller ID ang rumehistro. Gulat ang naramdaman ko ng mabasa ang pangalan ni Dominic sa screen.

"Who's that?" tanong ni Leyn sa akin.

"Yung tatay ng tinuturuan ko na bata."

"You mean the hot daddy who drove you to Foyer?"

"Yeah,"

"Sagutin mo dali baka na-miss ka na!" Maang ko tiningnan ang kaibigan ko matapos marinig ang kanyang sinabi. Hindi ko siya pinansin at matamang sinagot ang tawag.

"Hello? Heart, where are you?" Agad na tanong ni Dominic sa akin ng sagutin ko ang tawag. 

"I'm with a friend, and we're heading out for dinner; why?"

Frustration, that's what I sense in Dominic's voice right now. Ang weird na tatanungin niya kung nasaan ako gayong tapos na naman na ang shift ko sa kanila. I remember na nagpaalam pa ako kay Mrs. Trinidad at binilin ko na natutulog si Venice. I waited for Dominic's answer to my question. 

"Venice is missing, Heart. Maybe, she walked out to look for you. Umalis ka daw na tulog ang bata kanina?"

"Missing? How?"

"I don't know!" Mataas na ang boses niya at lalong lumalala ang frustration na meron siya. 

"I'll go there," sabi ko saka tinapos ang tawag. Agad ko binalingan si Leyn. "girl, we need to head now to Glasgow. Venice is missing."

"Who is Venice?"

"The kid I'm tutoring."

"Eh, ano naman ngayon?"

"We have to look for the kid. Tulog siya ng umalis ako. Maybe she woke up and looked for me. I don't know, basta tara na!"

Mas lalo pa yata akong na-frustrate kaysa kay Dominic. Paano ba namang hindi? Masyado kasing mapang-akusa ang tono niya kanina at kaya sa inis ko ay binabaan ko na lang siya ng tawag. Para bang kasalanan ko na nawala ang anak niya. Wala na ako sa work at mapupurnada din ang pasok ko nito sa Foyer. Kung pinanganak ako na masamang tao, baka naipakulam ko na itong bagong amo ko.

Nakakainis siya!

***

MATAMA kong tiningnan ang text sa akin ng may-ari ng Foyer kanina at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang mapaniwalaan ang aking nabasa. Natanggal ako sa trabaho sa palagiang pag-excuse sa sarili ko. Walang nagawa si Leyn para ipagtanggol ako at kung ipipilit pa niya, pati siya ay mawawalan ng trabaho. Ayoko naman na mangyari iyon. Kasalanan itong lahat ni Dominic!

Hindi pa siya nag-sorry dahil pinaghinalaan niya akong tumangay sa kanyang anak. Kahit sinabi niyang hindi niya ako inakusahan, ramdam ko pa rin sa kanyang boses ang paghihinala sa totoong intensyon ko. Ngunit hindi ang eksena kanina ang impotante ngayon. I lost a job and I have to do something. Pero ano na nga ang gagawin ko ngayon? Kailangan ko mabilis makaipon ngunit hindi ko na yata magagawa dahil nabawasan na ang trabaho ko.

Marahas ko binato ang aking cellphone saka ginulo ang aking buhok. Mas nakaka-frustrate na mag-isip palagi kung paano ko ma-achieve ng mabilis ang goal sa pag-iipon. Pumangalumbaba ako at inabangan na tumunog ‘man ang aking cellphone. Kahit isang text lang galing sa may-ari ng Foyer na binabawi na nila ang pagtanggal sa akin sa trabaho. Halos kausapin ko na ang aking sarili na siyang naabutan ni Leyn.

“Baka masunog na ang cellphone mo diyan,” sita niya sa akin. 

“Wala na akong trabaho, Leyn!”

“Gaga, meron pa kaya. Tutor ka pa rin noong batang ginawa mo priority kanina at may McDanes ka pa.”

“Shortened shift meron sa McDanes at tingin ko malapit na rin magtanggalan doon.” 

“Then, the tutoring job. Mag-full time ka na lang doon kung sakali mangyari iyang pinangangambahan mo.”

“Hindi ako papasok doon,”

“Aba’y bakit?” Hindi makapaniwala si Leyn sa sinabi ko pero final na iyon at ‘di na magbabago pa. “Galit ka pa rin sa gwapo mong boss?” Tinabihan niya ako saka umisod pa ng mas malapit. “Mas gwapo pala siya sa malapitan. Ang swerte mo na magkaroon ng gano’ng amo, girl!” Kinikilig na sabi ng kaibigan ko na kinasimangot ko naman.

“Gwapo nga pero judgemental naman.” 

“Asus, kunwari ka pa dyan. Nagmamadali ka nga pumunta doon para tulungan siya hanapin ang anak niya.” 

Bakit nga ako nagmamadali na pumunta para tumulong sa paghahanap? It’s all because of his daughter. Ang sweet kasi ni Venice kaya hindi ko ma-atim na hayaang mawala ang batang katulad niya. Saka inakusahan niya ako kaya nagmadali ako agad para patunayan na wala akong gagawing masama sa anak niya. But that moron didn’t thanked me for the effort I’ve done.

Muntik ko na utusan ang taxi na lumipad para lang makarating mabilis sa bahay nila. Iyong layo ng McDanes sa Glasgow palang kabilib-bilib na! Gusto ko talaga siyang… natigil ako sa pag-iisip sa gusto ko gawin kay Dominic ng sunod-sunod na tumunog ang aking cellphone.

From: Dominic Trinidad

Can we talk?

From: Dominic Trinidad

I’m in the convenience store right now. 

From: Dominic Trinidad

I will wait for you.

Halos malaglag ang panga ako sa nabasa. Nasa convenience store si Dominic ngayon! Dali-dali akong tumayo at nagpalit ng damit. 

“Saan ka pupunta, Heart?” Pasigaw na tanong ni Leyn sa akin.

“I’m going to meet the angel of death!”

***

I COMPOSED myself when I reached the convenience store where Dominic was. Gusto ko itanong agad sa kanya kung bakit siya narito? Anong pakay niya? Si Mirabel pa naman ang tao ngayong oras. Nagdaldal kaya ang babaeng ito? Naging malaking frustration na lang lahat ng tanong sa isip ko at walang ano-ano ay pumasok na ako sa loob.

Inilinga ko ang aking mata sa paligid. Kumpara sa ibang convenience store, 'di hamak na malaki ito at marami pwedeng pwestuhan. Sa gabi maraming tambay dito pero ngayon dahil halos kauumpisa palang ng linggo, wala tao. Pulos abala sa kani-kanilang trabaho. Bakit ko alam?

Minsan din akong naging kagaya nila kaso simula ng makilala ko ang kikitain ko ngayon, tumumal na ang kita ko. Ayon nga at natanggal pa sa trabaho dahil sa maraming beses na pagliban ko. Mukhang matagal bago ako maka-move on nito. Sino ba naman kasing employer ang nagtatanggal ng trabahador sa text? Inis na inis kong hinanap si Dominic at nang makita ko siya ay agad kong nilapitan.

"You're fast." Puri niya matapos tumingin sa pambisig na orasan. Hindi ko pinahalata ang inis ko dahil wala ako sa mood makipag lokohan sa kanya. "I thought you had a job at night. What happened to it?"

Pinaalala pa talaga. Fine, tutal ang pagliban ko ngayon na kagagawan mo ang dahilan ng lahat.

"I got fired… via text message." Inokupa ko ang upuan katapat ng kinauupuan niya. "My fault. I have a lot of absences lately." Ikaw kailan ka mag-so-sorry? Gusto ko sanang sabihin kaso pinigilan ko ang sarili ko. Mukhang may sumipa namang anghel sa kanya at nasambit ang salitang kanina ko pa hinihintay. 

"I'm sorry." Mahina niyang sabi.

"Ano? Hindi ko marinig." Nagpanggap pa akong nabibingi para lang ulitin niya kaso hindi talaga ako papasa na artista. "I need a job to provide for myself." Tinuloy ko na ang pag-arte kahit hindi talaga bagay sa akin. 

"You're still working for me as a tutor to my daughter."

"Not enough. Saka kaya mo na ba akong pagkatiwalaan? You still have doubt, Atty. Trinidad and I can clearly see it."

"I didn't doubted your intentions, Ms. Pineda."

"You already did it twice. Gusto mo ba ipaalala ko?" Hindi siya kumibo at hindi naman ako matahimik ng 'di nakakakuha ng maayos na patawad galing sa kanya. Akala ba niya basta-basta lang akong babae? Pinaka-ayaw ko sa lahat ay iyong hindi marunong humingi ng tawad. Walang sense of accountability sa katawan at isa na itong si Dominic na buhay na patotoo sa sinabi ko. "You had me investigated and a while ago, you suspected me as a kidnapper."

Winasiwas ko pa sa kanya ang dalawang daliri ko para mas makita niya ang dalawang beses na paghihinala sa akin. Pinanood ko siyang naiiling matapos marinig ang sinabi ko. Akala ba niya basta-basta na lang akong makalimot? Ibahin niya ako sa lahat dahil kahit nabubulok na sa lupa ang umargabyado sa akin ay hinding-hindi ko malilimutan ang nagawang kasalanan niya. Isang katangian ko na nga siguro na ipinanganak sa buwan ng Disyembre. 

"Fine. I'm sorry."

"Labas sa ilong,"

"How do you want me to express my apology?" Nag-isip ako ng pwede niyang gawin. Luminga-linga ako sa paligid ngunit bago ko pa masabi ang gusto ko ay tumayo na siya. "You know what, I'll just give you a salary raise. Come to work tomorrow to sign the revised contract."

Atat na atat? Paano niya nalaman ng mokong na ito na mukha akong pera? Halatang halata ba na nangangailangan ako?

Walang lingon-likod na umalis si Dominic at iniwan ako sa convenience store na tulala.

***

MAAGA ako pumasok kinaumagahan. Kahit masakit pa ang ulo ko dahil sa epekto ng ininom naming beer ni Leyn ay heto ako at papasok pa rin. Sinipat ko ang aking sarili sa wide angle convex mirror na nasa gilid ng mataas na pader ng bahay ni Dominic. Tiningnan ko kung halata pa rin ba ang eyebag ko kahit na sandamakmak na concealer na ang nilagay ko. Agad ko dinukot sa aking ang face powder saka kabuki brush ko at inayos ko ang pagkaka-blend ng concealer sa aking undereye. Sa Youtube lang ako natutong mag-makeup noong highschool na tinuloy-tuloy ko na hanggang college.

Sunod ko nilabas ang lipstick saka ni-retouch ang nasa labi ko na. Tiningnan ko ang kaliwa't kanan ng aking mukha at ng ma-satisfy ay binalik ko na bag ang lipstick ko. Inayos ko ang damit saka pinuno ng hangin ang akin dibdib. I flashed a wide smile on my face. Lalakad na dapat ako ngunit nagitla ako ng may biglang magsalita sa aking likuran.

Siyang dahilan kung bakit ako natapilok at napaluhod sa konkretong daan. Ang huling nadinig ko bago mapaluhod ay ang puna ng pamilyar na boses na sa aking makeup. Ang boses ay walang iba kung 'di si Dominic na may lahing kabute yata. 

"You're so clumsy." Sita sa akin ni Dominic.

Marahas ako napatingin sa kanya saka pinalis ang kamay niyang nakaalalay sa akin.

"Ginulat mo kaya ako!" asik ko sa kanya. Agad ko napansin ang pagtaas ng isang kilay niya. Doon ko natuptop ang aking bibig. Masyado akong naging feeling close at hindi sinasadyang natawid ang critical demarcation line. "I'm sorry. Kaya ko na tumayo mag-isa."

Kailangan mo maging mabait kahit labag sa kalooban mo, Heart. Ito na lang pag-asa na meron para madagdagan ang ipon mo. Kapag nawala pa ay sa kalye ka na ng Scotland pupulutin talaga. 

"You hurt yourself. Let's get inside to treat that," aniya sa akin saka muli akong inalalayan na lumakad. Pareho pa kaming nagulat ng makitang nakaupo sa front porch stairs si Venice na halatang may hinihintay. Ang cute niya tingnan dahil nakapangalumbaba pa siya bago kami makitang dalawa. Venice is still wearing her pajamas and I think I'm too early for her tutorial class. "She hurt herself, sweetie."

Nakita ko na nagsulat ng tanong sa kanyang writing pad ang bata saka pinakita sa akin.

"I'm okay. It didn't hurt at all." Pagsisinungaling ko pero ang totoo nararamdaman ko na ang kirot talaga. Inalalayan ako ni Dominic na makaupo sa ikalawang baitang ng front porch stair saka iniwan kasama ni Venice para kuhain ang first aid kit sa loob. Pinili ko kasing magsuot ng dress ngayon dahil nakalimutan ko palang magpa-laundry ng damit noong Linggo. Mamaya ko na lang gagawin iyon pag-uwi galing sa McDanes. "How's your sleep, Venice?"

Nagsulat siya ng sagot at pinabasa iyon sa akin. Napangiti ako ng mabasa na masarap ang naging tulog niya sa tabi ng kanyang Daddy Dominic. Sweet din naman pala pero sa bata lang. Tinabihan ako sa kabilang side ni Venice ng makabalik na ang tatay niya dala ang first aid kit. Halos lumuwa ang mata ko ng makitang alcohol agad ang hinawakan niya. Mabilis ko iniwas ang sugat ko sa kanya.

"Ilayo mo iyang alcohol sa akin." utos ko sa kanya. Mamaya ko na siya gagaling kapag naka-recover na ako sa gulat.

"Why? This will clean your wound."

"Mahapdi kaya iyan!" Pareho kaming natigilan ng marinig ang pagtawa ni Venice. Hindi basta tawa lang kung 'di hagikgik. Malamang dahil iyon sa reaksyon ko nang makita ang alcohol na hawak ni Dominic.

"I'm cleaning Bia and Venice's wound with this."

"I'm not them, okay? Si Heart ito at sinasabi ko sayo masakit iyan." I maybe weird but I love being like this. Love yourself, sabi nga ng iba. Proud ako na wala akong katulad. "Betadine na lang ilagay mo,"

"Fine. Parang bata…"

I secretly frowned at him. Pasalamat ka at gwapo ka kung 'di nako! Infairness naman sa kanya, mabango pa rin siya kahit basa ng pawis. At yung tagalog accent niya! I need to check if I'm still wearing my underwear.

Stop ogling at him, Heart! Hindi siya si Ser Chief na crush na crush mo. Kalma ka lang, okay? 

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro