Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER NINETEEN: THIS IS THAT LOVE

CHAPTER NINETEEN: THIS IS THAT LOVE

Heart

HINDI ko masabi kung seryoso ba talaga itong si Dominic o malakas lang talaga ang trip niya. Trip na naman niya ako paasahin sa mga bagay na wala naman sa orihinal na plano ko. When he asked me out on a date, I didn't expect that he would push through. Mukha kasing hindi siya seryoso at parang nagsabi lang na may may lakad kami. Pautos pa ang dating ng tono niya sa akin, kulang sa lambing gaya sa pag-a-aaya ng ibang lalaki sa gusto nilang babae.

Oo nga pala, hindi pala niya ako gusto at nakasisiguro ako na trip niya lang ang lahat. Pero bakit narito siya sa harap ko at may dala pang bulaklak? Ang labo naman...

"Bakit may pa-bulaklak ka pa?" tanong ko pagtanggap sa bigay niyang bulaklak. Kapareho iyon noong bulaklak na binigay niya sa akin noong Valentine's day.

It's from Venice nga daw... teka, pati ba ito galing din sa student ko?

"I think it's necessary to give you flowers because you love it." Binaling ko ang tingin sa mga bulaklak na bigay niya. Nang malapitan ko na iyon makita napansin ko na hindi pala pareho noong unang bulaklak. May ilang dagdag at mas na-emphasize ang iba't-ibang kulay ng Tulips sa sa gilid. May meaning kapag nagbigay ng Tulips alam kaya ni Dominic iyon? "Don't you like it?"

"No. I like it but are you aware of the meaning of these flowers?"

"No." Mabilis niyang sagot na dahilan ng pagsimangot ko.

For a guy who loves being in a fling relationship, he's the naive type. First time ba niya sa seryosong date? Wait, seryoso din ba ang relasyon na 'to? Ang alam ko experimental lang ang lahat at hindi pa talaga sigurado kung saan kami tatangayin ng alon. Migraine ito na gusto subukan kahit na wala sa orihinal na planong meron ko.

"Pasok ka muna, mag-ayos lang ako ng buhok," sabi ko sa kanya saka niluwagan na ang bukas ng pintuan ng aking flat.

I re-introduced him to Leyn who's absolutely thinking of wild things right now which I ignored. Para kasi sa kaibigan ko, may meaning itong pag-a-aya ni Dominic ng date na kaming dalawa lang. Gustuhin ko 'man umasa kaya lang baka masakit kapag nagising na ako sa panaginip. Gaya ng sabi ko, klase ito ng sakit ng ulo na gusto ko pa rin subukan kahit na wala akong dapat pwedeng sisihin sa bandang huli. Pinili ko na iwan si Dominic kasama ng kaibigan ko at inayos ang mga bulaklak na bigay bago bumalik sa aking kwarto para mag-ayos ng buhok.

I choose my beige above the knee silk dress paired in a white open toe gladiator stiletto mid-heeled shoes. Tinali ko ang buhok at nag-iwan ng ilan hibla sa gilid na bumagay naman sa suot ko. Hindi 'man ito maging successful, una pa rin ako aalis para siya lahat ang magbayad. Huwag lang tayo masyadong aasa, Heart mananalo ka pa rin sa larong papasukin mo. Tumayo ako at muling sinipat ang aking sarili sa salamin.

I think I'm ready now... kaya ko ito.

Nginitian ko ang sarili kong repleksyon saka kinuha na ang winter coat ko sa likuran ng pinto pati na ang bag na binili ko noon at ngayon lang gagamitin. Lumabas ako ng kwarto ko at agad na bumungad sa akin ay si Dominic na kausap pa rin ni Leyn. May sumilay na ngiti sa mga labi ni Leyn noong lumapit sa akin. Tinulungan niya ako suotin ang winter coat ko na aktong isasara ko ngunit hindi niya hinayaan. Iba talaga ang pakahulugan niya sa date na ito namin ni Dominic.

"Enjoy the night but not too much, my friend."

Inignora ko ang sinabi na iyon ni Leyn at nilapitan na si Dominic. Nanatiling nakatingin sa akin ni Dominic na para bang nakakita siya ng multo. Mukha ba talaga akong multo para sa kanya? Naalala ko na naman iyong sinabi niyang hindi nakatulog ng maayos simula ng magkakilala kaming dalawa. Nakaka-konsensya pero hindi ko naman kasi sinabi na isipin niya ako ng isipin matapos naming magkakilala. Hindi ko naman hawak ang utak niya.

"Is there something wrong?" tanong ko kay Dominic.

Umiling siya, "nothing. Shall we?"

"We shall." Umabrisete ako sa braso niya at sabay kaming lumabas dalawa. Inalalayan niya ako makasakay sa sasakyan niya bago siya umikot papuntang driver's seat. I was fixing my own seatbelt when he entered the car. Hindi ko alam kung dapat ko ba sabihin ang nasa isip ko pero ayoko naman magmukhang tanga mamaya. Bahala na kung tawanan niya ako at least nasabi ko sa kanya. "Uhm, ano, Atty -"

"Are we working here?" tanong niya sa akin na sinagot ko naman ng pag-iling.

"Dominic..."

"What is it?"

"First time ko kasi sa mga ganito. I never dated anyone before in a fancy restaurant, so to avoid making mistakes later, can you guide me?"

"You never dated anyone aside from me,"

"Hindi ka ba naniniwala noong sabihin ko na NBSB ako?"

"A bit,"

"Ang sama mo talaga! Pero iyon nga, first time ko kaya i-guide mo ako huwag i-judge."

"I won't judge you, Heart." Masuyo niyang ginagap ang kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil sa kanyang ginawa. Bakit ganito? Isa na namang tanong na hindi ko magawang hanapan ng sagot. Tumingin ako kay Dominic at nagtama ang aming mga mata. "I want to redeem myself and change my asshole character in your head and all you have to do it is just be yourself, okay?"

All I can see in his eyes is sincerity as he utters those words to me. Ano ang ibig sabihin nito? Dapat na ba akong sumugal kahit wala naman ito talaga sa orihinal kong plano?

"Heart?" Pukaw na tawag sa akin ni Dominic. Nakita ko na kinaway-kaway pa niya ang kamay sa harapan ng mukha ko.

"I'm sorry, yes, I'll just be myself tonight,"

"That's my girl,"

"Nah-ah, still not yours." Kontra ko sa kanya.

"Yeah, not now, but soon." Dominic confidently said to me, then smiled. Sandali niyang binitawan ang kamay ko at inayos ang kanyang seatbelt pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan paalis.

SA ISANG sikat na hotel ako dinala ni Dominic at pagbaba palang namin ay asikasong-asikaso na kami agad. Kinuha ng valet attendant kay Dominic ang susi ng sasakyan niya habang giniya naman kami papasok ng isa pang staff at dinala sa reserved spot. He booked a place exclusive for us - a place where I can see the whole Glasgow bedded with snow. The famous restaurant here served the food we have now but my attention remained on the view. Hindi ko naman pala kailangan magpanggap dahil literal na kaming dalawa lang talaga ang magkasama dito.

It is a fancy place, yet Dominic, make sure it'll be exclusive for both of us. Too much for a first date experience, and even if this relationship doesn't work out, the memory will remain intact in my head. Seryoso na nga siya sa sinabing gustong ibahin ang karakter niya na nabuo sa aking utak. Marunong naman pala siyang bumawi kahit paano. Medyo natagalan lang pero pwede na.

"Loving the view?" tanong na siyang pumukaw sa akin. Nilingon ko siya at tumango bilang tugon. "Bia suggested this place and she's not lying at all. There's a great view in front of us though its bedded with snow."

"Nagka-usap na kayo ng kapatid mo?" Umiling siya. "When did she suggested this place?"

"Last year when I was planning to go home,"

"Grabe naman ang memory mo, nakaka-amaze." Nagkibit-balikat lang siya bilang reaksyon sa sinabi ko. "Mayabang din,"

"Are you going to bash me all night and let our food get cold?"

"Sabi ko nga kakain na po," I said, removing my coat, showing the dress I'm wearing now. "nakakaba pala iyong ganitong date. Kinakabahan ka din ba? Akala ko kasi normal na date at hindi talaga ako pamilyar sa mga ganito." Tumingin ako kay Dominic nang sandaling tumigil sa pagsasalita.

"You love to talk, Heart."

"Kinakabahan nga kasi ako." Ganito kapag kabado ako, madaldal at kung ano-ano ang sinasabi. "Why? Did I remind you of someone again?"

"Nope. I'm not thinking about her because you occupied my whole mind already,"

Hindi ako agad nakakibo. Paano kiligin na hindi nahahalata? Hindi na raw niya iniisip si Bea. Maniniwala ba ako? Sabagay, hindi naman niya iignorahin ang tawag nito noong nakaraan kung may pakialam pa siya. Baka nga naka-move on na siya.

Ewan... bahala na talaga.

"Kakain na ako,"

"Go on."

"Huwag mo ako panoorin. Kumain ka rin," Dominic smiled at me.

Kailangan ko mag-praktis kiligin na hindi nahahalata. Lugi ako sa lalaking ito na akala mo lang walang tinatagong ka-sweet-an sa katawan. Marahil at masyadong tumatak sa isip ko na gago siya kaya hindi ko na napagbigyan na bumawi 'man lamang sa akin. He's still a little possessive sometimes but trying to keep it not obvious. Paulit-ulit ko ba naman sabihin na hindi ako bagay na pag-aari niya hindi ba siya ba siya matatauhan 'man lang? Masaya akong malaman na hindi naman pala nakakamanhid ang pagkabigo niya sa pag-ibig.

AFTER DINNER, we decided to open projector and played a movie of my choice. Doon namin tinuloy ang pag-uusap tungkol sa mga kung ano-anong topic. We talked about his work and its nature then he asked something about my life as if he didn't run a thorough background check on me. Tinanong ko nga sa kanya ang tungkol doon at sinabi niyang ang nalaman lang ay iyong tungkol sa mga magulang ko at buhay na meron kami sa Pilipinas. That proved something about the last statement I uttered back when he offered a regular job for me. That I wasn't born in a silver-gated community. That both of my parents needed to work hard to give me a better life.

"At early age, hinayaan din ako ni Papa na mamuhay mag-isa sa Pilipinas. Paaralin ang sarili ko habang nagta-trabaho sa firm na minana ko rin naman." Pag-kwento pa ni Dominic sa akin. Parang getting-to-know na rin itong date namin. Sa loob ng ilang oras, ang dami na naming napag-usapan tungkol sa isa't-isa. Pwede naman pala mag-date na hindi nauuwi sa kama.

Nataas ko ang magkabilang binti saka niyakap. Sobrang honest ni Dominic sa nararamdaman nia nitong mga oras na lumipas kaya tingin ko dapat sabihin ko na rin sa kanya ang sikreto ko. Ilan lang muna siguro dahil hindi pa ako mahusgahan ng todo. Takot pa ako sa maaring panghuhusga na marinig. Binaba ko ang binti saka nagsalin ng wine sa baso namin pareho. Dinampot ko iyon saka binigay sa kanya ang baso niya. Inisang lagok ko ang laman na wine ng baso ko bago nagsalita. Kailangan ko kasi ng panghuhugutan ng tapang.

"Are you okay? I think you had enough wine in your system. That's your last for tonight," My lips pouted. "Stop acting like that, and you cannot sway me."

"Ang totoo niyan hindi talaga ako member ng samahan ng mga single since birth. I had a boyfriend for nine months seven years ago and he's an asshole. Kaya may allergy reaction ako sa mga asshole." Muli kong inangat ang mga binti ko saka niyakap. "That relationship wasn't my dream relationship at all. It's toxic and when I had chance to walk away, I did it to save myself. Selfish but for me I'm not. He wanted me to give my everything to him. Pati iyong bagay na sa 'yo ko binigay ay gusto niya pero umayaw ako sa umpisa pero nang malaon ay nakuha niya rin ako matapos sabihan ng mga kung ano-anong klase ng pangongonsensya. But before he could finished, I pushed him away and ran."

Kaya galit ang naging unang reaksyon ko matapos maag-sorry ni Dominic sa akin matapos may mangyari sa amin. I felt ashamed of myself and demons started to ate the positivity that I possessed.

"So you see, that's the reason for my reservation and hate to you,"

"Where is that guy?"

"I don't know. Baka may pamilya na siya ngayon. Matagal na akong nag-iba ng social media accounts at hindi ko siya kaibigan sa bago kong account pati na ang mga taong malalapit sa kanya." Mapait akong napangiti nang maalala ang sinabi ni Deo sa mga kaibigan niya noong tangkain ko na bumalik at subukang ayusin ang lahat sa amin. Nasanay kasi ako sa presensya niya kaya hirap akong makakawala sa aninong kanyang iniwan. "Alam mo ang sinabi niya? Babae lang iyon at walang kwenta..."

Those were the exact words Deo uttered, then laughed aloud. Kapag naalala ko iyon, naririnig ko pa rin ang pagtawa nilang magkakaibigan. Isang dahilan kaya narito ako bukod sa pagyao ng mga magulang pero gayumpaman ay nais ko pa rin bumalik ng Pilipinas at patunayan sa kanila na kaya ko kahit wala siya or tulong ninuman. Pinalis ko ang mga takas na luha sa aking mga mata. Akma akong magsasalin ngunit napigilan ako agad ni Dominic at naagaw iyong wine pati na baso.

"Forget about him. You're not just a woman. You're terrific and one-of-a-kind for me. Hindi nasusukat ang worth mo sa pagbibigay ng sarili miski kanino 'man. Lalong hindi nasusukat ang iyong sarili base sa nakaraan na meron ka. You deserve to be love more than you expect, Heart. You're a woman, not just a woman."

Sinapo niya ang magkabila kong pisngi saka pinalis ang mga luhang naglandas doon. Napapikit ako nang halikan niya ang aking noo. I must say, this is that love. For some point in my life, Dominic became everything that I don't want to go now. Mali 'man pero may magagawa pa ba ako? Wala na dahil sa umpisa lang ay talo na ako. Dominic defeated me and in front of him I became weak for the first in my life after that cruel past I had.

Tell me this is that love I dream of but not a part of my plan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro