Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER NINE: DAYDREAM

CHAPTER NINE: DAYDREAM

Heart

"PAANO na ang ipon goals mo?" tanong ni Leyn sa akin habang magkapanabay kaming naglalakad sa aisle ng iba't-ibang mga chips.

Pagkagaling ko sa bahay ni Dominic, kinita ko si Leyn dito sa malapit na supermarket sa lugar namin. Grocery day namin at ako ang taya ngayong buwan. Paubos pa lang naman ang stocks namin pero maigi na rin na makabili na kaysa maubusan pa. Laman ng push cart na tulak-tulak namin pareho ang mga normal na binibili kada buwan. May sanitary napkins - tampons para kay Leyn, sabon, shampoo, conditioner at comfort foods.

Isinama ko na rin ang mga pang-ulam sa loob ng isang buwan para hindi na kami o-order. Pero pag tinamad mag-luto, to the rescue naman ang pag-order online. Bihira lang naman mangyari iyon na gagastos kami para mag-order online. Lalo na ako na sobrang mahigpit kung humawak ng pera. Nagche-check na nga ako ng savings ko maya't-maya dahil sunod-sunod ang pagkawala ng aking trabaho.

"Dominic asked me to work for him full time." Balita ko kay Leyn. Dominic kasi wala naman ako sa trabaho at wala rin naman siya dito kaya walang maninita.

"Ayon naman pala. Okay 'yan, 8-5pm ka na tapos dapat may OT pay din. I-re-revise ba ang contract?"

"Hindi pa ako pumapayag, te."

"Bakit? Nag-ti-think twice ka pa?"

Nanny slash tutor slash PA ni Dominic ang offer na bagong work. Sa job titles palang nakakapagod na paano pa kaya kapag sasabak na. Iyon nga lang paglilinis ng sasakyan niya kanina nakakapagod na at sa gitna pa ng tirik na tirik na araw! Alam ko namang dinamay lang niya sa pag-disiplina kay Bia pero unfair pa rin.

"Ang lakas ng trip ng taong iyon. Hindi ko masakyan kahit na ano gawin ko." Tumawa si Leyn at dinig iyon hanggang sa kabilang aisle. "Biruin mo, dahil lang sa gusto ko ng salary increase, dinamay niya ako sa pagdidisiplina sa kanyang kapatid. Pinaglinis kami kotse, te sa gitna ng tirik na tirik na araw!"

"So, that's the reason why your skin is red. Malakas nga trip pero baka trip ka din kaya nandadamay. Sabi mo, chill chill lang pag kayo magkausap."

"Kilala mo ako, te, feeling close ako kaya nga tumagal ako sa McDanes."

"Pero 'di umubra sa Foyer?"

"Isa pang malakas ang sapak sa ulo ng may-ari noon. Pinaalala mo pa iyan nako nanggigil pa rin ako."

Muling tumawa si Leyn dahil sa sinabi ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa lumipat na sa kabilang aisle. Doon naman kami sa mga cookies at chocolates na parte ng aming comfort food. Agad ko kinuha ang isang pail ng imported na stick o at nilagay iyon sa push cart.

"May raket ka kay Dylan 'di ba?"

"Te, yung amo ko ngayon, siya rin yung nag-iisa kong customer."

Leyn chuckled softly, "oo nga pala. Hindi bale, tulong pa rin tayo sa mga expenses at kung 'di makabigay, okay lang. Sagot na kita, ikaw pa malakas ka sa akin."

"Hayaan mo, te, pagyaman ko damay ka."

"Gusto ko 'yan!"

Nag-apir kaming dalawa. Sobrang magkasundo talaga kami sa mga kalokohan nitong si Leyn. Kaya hindi ko talaga siya kakalimutan kapag yumaman na ako. Kaso paano kung wala pa akong trabaho? Saan ako pupulutin nito dito sa Scotland?

May pansitan ba dito? Sosyal na bersyon siguro...

***

MATAMA ko tiningnan ang email sa akin ni Dominic na bagong contract kasama ng scope of work file at salary information. Malaki ang offer niya para sa tatlong role na nabanggit at hindi na ako makakakita ng ganito ka-generous na tao. Kaso malakas naman man-trip at baka kapag napikon ako ay magbangga kaming dalawa. Buti na lang cute si Venice kaya absuelto na ang lakas ng trip ni Dominic. Entertaining pa yong bata in a way na nagkakaintindihan kaming dalawa kahit hindi siya magsalita.

"Mamaya mo na titigan iyang email ng boss mo at kumain ka muna," untag sa akin ni Leyn saka sinubuan ako. "What's holding you back ba? Nakaya mo nga mag-juggle ng iba't-ibang trabaho dati kaya walang problema."

Napaisip ako bigla. Totoo naman ang sinabi ni Leyn at nagawa ko pagsabay-sabayin ang lahat ng gawain noon. Wala naman siguro masama kung susubukan ko ito. Maayos naman na amo si Dominic, nakinig pa siya sa mga rant ko kanina. Minsan may sapak lang talaga kaya malakas man-trip.

Nginuya kong maigi ang pagkain sa aking bibig saka nag-type ng reply kay Dominic. Muli ako sinubuan ni Leyn at nginuya ko iyon habang nag-ta-type ng reply. Bago ako matapos ngumuya, na-send ko na ang reply at nakatanggap naman ako sagot din agad. Hindi ba natutulog ang taong 'to? Walang alam na gawin kung 'di magtrabaho? Bigla naman akong naawa sa kanya. Kaya siguro parang nangangapa pa siya sa pag-aalaga kay Venice.

Maybe I can guide him... or maybe not.

Ano ba ang iniisip ko? Hahayaan ba ako ng isang kilalang tao na gaya ni Dominic na payuhan siya sa pagpapalaki kay Venice? Wala din naman ako gaanong alam pati. I will just apply how my parents raised me back when I was at Venice's age. Pwedeng makatulong pero pipigilan ko muna siguro ang sarili ko sa pagiging pakialamera. 

I will wait until he asks for help... 

Mukhang malabo pero malay natin mag-iba bigla ang simoy ng hangin. Baka madaan ko sa charm ko at siya na pala ang mag-aangat sa akin sa kahirapan. Wala naman kaso kung may anak. Basta ang mahalaga, mahal ako kaysa sa mahal ko. Mahirap kasi kapag ako lang nagmamahal, masakit sa aking invisible bangs at ulo.

Why am I daydreaming right now? Dapat ko na tigilan ang pangangarap ng gising. Kasalanan ito ni Leyn! Shs poisoned my mind by injecting possibilities such as Dominic is into me. Sino ba naman ako para magustuhan ng isang Atty. Dominic Isaiah Trinidad? Saka maganda ang jowa niya, infairness. Pati na ang buhok nitong kulay pula. Baka kuto lang ako ng babaeng iyon o ingrown? Harsh na kung harsh sa sarili pero kailangan ko ito gawin para magising.

Gising, Heart! Gising! Hindi mo priority ang love. Magugutom ka pag inuna mo 'yon!

***

THE NEXT DAY, inagahan ko ang pasok kataka-takang nasa labas si Mrs. Trinidad at Bianchi. They're doing weird exercises in front of their house. Halata sa mukha ni Bia na hindi gusto ang ginagawa at napipilitan lang sakyan ang trip ng kanyang nanay. I know now kung kanino nagmana ng kalakasan ng trip itong si Dominic. Halatang-halata na nakuha niya lahat kay Mrs. Trinidad.

While I was waiting for Atty. Trinidad yesterday, I saw their family photo with Mr. Trinidad. Tatlo iyong babaeng nakaupo - si Mrs. Trinidad at Bia - sa picture. Habang nakatayo sa likuran nila ang mag-ama na hindi maitatatwa ang pagkakahawig. I got curious about the other girl sitting with his mom and little sister. Doon ko rin nakita ang picture ng babaeng may pulang buhok kasama ni Dominic.

Ang mysterious din ng bahay na 'to bukod sa weird ang mga nakatira... 

"Heart, come here." Tawag sa akin ni Mrs. Trinidad.

Nako, mukhang idadamay pa ako sa pag-e-exercise nilang mag-ina.

"Mom, can we stop doing this? Nakakahiya sa kapitbahay," angil ni Bia na rinig na rinig ko paglapit ko sa kanila. 

"We're not harming them by doing a zumba exercise, Bia." Zumba pa itong ginagawa nila... Pero parang iba? Sinubukan ko silang sabayan para rin magising ang buong katawan ko kahit na ang weird ng zumba session nila. "Stop complaining there or I tell your brother to hold your allowance again. Mas makikinig sa akin ang Kuya mo,"

"Ang daya niyo talaga ni Kuya!"

Gusto ko matawa pero bago ko nagawa, nakatanggap na ako ng parurungit kay Bia. Akala naman ng batang ito ay uurungan ko siya. Sinungitan ko rin siya at tinuloy ang pagsabay sa kanila.

"No dear, we're not. Pasaway ka lang kasi unlike Paola and Dominic."

Paola... is that the other girl? 

"Anak mo rin naman ako, Mama!" Malakas na angil pa ni Bia kay Mrs. Trinidad. Hindi na nito pinansin ang mga reklamo ng anak at ako naman ang binalingan.

"Isinama ni Dominic si Venice sa pag-jogging niya ngayon. Marami kasing bata sa park, mas makakatulong kay Venice." Kwento sa akin ni Mrs. Trinidad. Huminto siya sa ginagawa at pinatay na ang speaker. "Kumain ka na ba? Baka matagalan ang mag-ama sa labas, tara na sa loob para makakain ka."

Umiling ako saka ngumiti. Ipinagluto ako ni Leyn ng almusal bago siya umalis kaya nakakain na ako.

"Nag-almusal na po ako sa bahay," sambit ko.

"Eh, 'di kumain ka ulit." Inaya niya ako na hindi ko na tinanggihan.

"Ma, anong gagawin ko ngayon?" tanong ni Bia.

"Clean your room and your brother's."

"Hindi nagpapasok ng kahit sino sa kwarto si Kuya."

"Nagpaalam na ako sabi ko ipapalinis ko sayo,"

"Pumayag si Kuya o desisyon ka lang, Mama?"

"Aba't nagduda ka pa! Pinayagan tayo ng Kuya mo kaya umpisahan mo na maglinis." Tumatawang pumasok si Bia sa loob pagkatapos asarin ang nanay niya. "Sa tatlo kong anak, iyang si Bia pinaka-matigas ang ulo."

"Halata naman po," tugon ko kay Mrs. Trinidad.

Naiiling akong inaya ulit na pumasok sa loob. Dumiretso kami sa dining area kung saan nakahanda na ang almusal at naghihintay na lang ng kakain sa kanila. Filipino breakfast ang mga nakikita ko na nakahain. May sinangag, itlog na maalat na may kamatis, pritong tuyo at itlog. Bigla akong natakam at nagutom kahit pa kumain na ako sa bahay.

"Kain ka na diyan. Teka kukuha lang ako ng maiinom." Paalam niya at pumalit naman si Bia na naupo sa akin tabi.

"Fiesta na naman sa bahay. Ganito kapag maganda ang mood ni Mama o kapag nireto niya sa kakilala si Kuya."

"Wala bang girlfriend ang kapatid mo?"

"Wala. Pihikan iyon at kung 'di lang rin si Bea, magpapari na lang iyon." Kumunot ang noo ko na dahilan ng mahinang pagtawa ni Bia. "Si Bea ang first love ni Kuya."

"Nanay ni Venice?"

"Hindi ah! Pamangkin namin si Venice. Anak ng Ate Paola namin."

I'm confused!

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nitong si Bia. Hindi naman mahina ang pandinig ko at 'di rin naman mapurol ang utak. Sa katunayan, marami akong medals noong estudyante pa pero mas kilala ako sa pagiging tsismosa. Kung saan-saan ako nakarating para lang sumagap. Iyon nga ang main role ko sa trabaho na mukhang madadala ko ngayon dito.

Hindi na nagawang linawin ni Bia ang mga sinabi dahil nakabalik na si Mrs. Trinidad at sinaluhan kami sa pagkain. A minute after, si Dominic at Venice naman ang dumating na nakisalo na rin sa amin. Sa akin tumabi si Venice kaya na-evict sa pwesto niya si Bia at lumipat sa kabila. Masasabi ko na typical Filipino family sila. Iyong pamilya na minsan ko pinangarap magkaroon.

"Are you going to work now, Dom?" tanong ni Mrs. Trinidad sa anak niya.

"No. I'll stay here and I will clean my home office together with Heart." Tumingin siya sa akin at hindi ko naman magawang mapaniwalaan ang aking narinig. Maglilinis na naman? "Is there a problem, Heart?"

Umiling ako, "no at all, Atty. I'm so grateful to have this job."

I crossed my fingers under the table because it was a lie.

"Good."

Binalingan naman ni Dominic ang kapatid at tinanong kung tapos na linisin ang kwarto niya. Syempre umarya na naman ang pagiging reklamador ni Bia na hindi naman umubra kay Dominic. Ang ending, pinauna nito nilinisin ang kwarto niya kaysa sa kwarto ng kapatid. Binilin pa na wala itong gagalawin doon na kahit ano. Mukhang hindi nga talaga pinagkakatiwala ni Dominic sa iba ang kwarto.

May pot of gold ba sa kwarto niya? Makapag-prisinta nga minsan sa paglilinis doon. Baka naroon ang sagot sa tanong ko at pati na iyong mask ko! Tama nasa kanya pa rin iyon hanggang ngayon. Kailangan ko na mabawi ang akin! 

After breakfast, which made me full, Venice and I went to her study room and started our teaching lessons. Gumawa ako ng mga talking pages na makakakuha ng atensyon ni Venice. Madalas kasi siyang distracted at gusto na laging nanonood sa tablet. As much as Peppa Pig, Pororo and Dora the explorer are entertaining, mas maganda pa rin ang in person interaction kapag sa edad ni Venice. Tinulungan pa ako ni Leyn maggupit-gupit kagabi at magdikit dikit nitong parang talking story book.

And I'm happy that Venice likes my artwork. Gagawa pa ako ng marami!

***

PARANG gusto ko na umuwi ng makita ang mga lilinisin sa home office ni Dominic. Bukod kasi sa tambak na papel, dumagdag pa ang mga libro na hardcover pa ang ilan. Mabibigat iyon na karamihan ay may kinalaman pa sa propesyon na meron si Dominic. Dahan-dahan akong pumasok kaso naramdaman pa rin ni Dominic ang presensya ko. Hindi ko na tinuloy ang tila catwoman na pagkilos.

"Get a face mask and start with that pile of papers," utos niya sa akin. Sinunod ko naman ang utos niya at inumpisahan ko nga ayusin ang mga papel na tinuro niya.

"Why do you have a lot of books?" tanong ko pero hindi na ako umasang sasagutin niya ako.

"I love reading," Puro law books, philosophy, history at politics? Ayos din ang trip talaga nito... 

"May Kindle na, ah. You can use that in reading books. Bibili at magda-download ka lang sa Amazon books."

"I prefer physical books." Mabilis niyang sabi na hindi ko na kinontra dahil baka bugahan pa niya ako ng apoy. "Do you have books in your house?"

"Self help and romance books but I prefer reading on my Kindle. Mas maraming space sa bahay dahil sa gadget na ako nagbabasa."

"Here, you might like this," aniya saka hinagis sa akin ang isang libro na nasalo ko naman bago tumama sa mukha ko. "Nice catch." Umirap ako at tiningnan ang title ng libro. It's a self book which I was about to buy the other day. May naliligaw palang ganito sa koleksyon niya. Itinabi ko iyon ay binalik sa mga papel ang aking atensyon.

Karamihan sa mga papel ay mga case file na pulos galing pa Pilipinas. Ito na ba lahat ang nahawakan niya? May tatak pa na case closed ang iba habang karamahan ay parang bukas pa. May tila bombilya na umilaw sa gilid ko at naisipang i-segregate iyon. Pinagsama-sama ko base sa petsa ang nga case closed at binalik iyon sa shelf matapo punasan.

"You love organizing," sambit na pumukaw sa akin at nag-pahinto sa aking ginagawa.

"Ah, oo, kasi kapag hindi organize naiinis ako."

"We're the same, but you enjoy it more. I'll leave it to your hands."

"Sandali! Akala ko dalawa tayong maglilinis dito." Reklamo ko sa kanya.

"I need to feed my daughter," That daughter escaped again. "Kayang-kaya mo 'yan. I believe in you." Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko bago ako iniwan.

Nakakainis!

Sabi ko na dapat hindi nagpapakitang gilas para hindi naiipit. Takte ang dami nito tapos ako lang? Kung 'di ko kailangan ng pera baka nilayasan ko na itong bahay na 'to. Pasalamat ka talaga at mabait pa ako, Dominic Isaiah Trinidad kung 'di nasopla na naman kita ng wala sa oras.

Kahapon, pinaglinis ng sasakyan. Ngayo naman itong home office niya. Ano na kaya ang susunod? Iyong chimney? I love my life na talaga! 

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro