CHAPTER FOUR: THE TUTOR
CHAPTER FOUR: THE TUTOR
-Dominic-
"EVEN the butterfly likes you, too," I said upon seeing Heart playing with butterflies in her hand. Lumipad iyon at matama ko lamang pinagmasdan.
As the butterfly keeps on flying around me, I cannot stop myself but to smile. Hindi ako mahilig mag-appreciate dati ng mga ganito. Hindi ko nga sila napapansin dati ngunit dahil kay Bea, natutunan ko na i-appreciate miski ang kaliit-liitan species sa ating paligid. Unti-unti nawala ang ngiti sa aking mga labi ng maalala na nabanggit ko na naman ang pangalan niya. I should take this moving on thing I have planned seriously. Alam ko na hindi pwedeng habang buhay akong nakakulong sa alaala ni Bea.
Binaling ko ang tingin kay Heart na nakatayo ilang dipa ang layo sa akin. Dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin, nadala noon ang bulaklak ng cherry blossom tree na tila sumasayaw pa-ikot kay Heart. Our gaze met and it feels like I've seen that pair of eyes before. Sobrang pamilyar at dagling sumagi sa aking isipan ang itsura ni Love. Ano ba itong iniisip ko ngayon? Magkaiba sila kaya napaka-imposibleng nitong sumagi sa aking isipan. Kailangan ko na yatang magkape muna bago simulan ang trabaho ko.
"Good morning." Bati sa akin ni Heart.
"Good morning. Let's go inside, and it's kinda chilling here."
Inaya ko papasok ng office building si Heart agad. Palusot ko lang iyong nilalamig ako upang mabasag ang pagkailang namin sa isa't-isa. Unexpected ang meeting namin dalawa at matalas lang talaga ang memorya ko kaya natandaan ko ang mukha niya. Laking pasalamat ko na siya ang nakakita kay Venice ng bigla na lang itong humiwalay sa akin noong isang araw. Gaya nga ng sabi ko, nasa edad ng kakulitan ang anak ko kaya kailangan na bantayang mabuti.
"Have a seat please," sabi ko saka dire-diretso akong tumungo sa working table ko at nilapag sa ilalim ng lamesa ang bag na bitbit ko. I press the intercom to call Travis' assistant. Sa ngayon habang wala pa ako nahahanap na sariling assistant, hati muna kaming dalawa kay Jane. "have you eaten already?"
"Yeah, and I'm still full."
Tinuloy ko ang pag-uutos kay Jane at nagpabili ako sa kanya ng almusal para kay Venice. My daughter will be here in a minute. May lakad si Mama at Bia kaya walang magbabantay sa kanya ngayon. Wala akong ibang choice kung 'di ipadala siya dito sa opisina.
"Venice will be here in a minute, but you don't need to start right away. I asked you to come to sign these papers."
I handed her the contract where I stated the total salary she'll be receiving from me, the scope of work, and the working hours, which I edited as per her request. Sinabi niya hindi maaaring bitiwan ang dalawang nauna niyang trabaho na pinayagan ko naman. Heart wanted to save fast, and by doing three jobs a day, she'll be able to achieve her saving goals.
"Uhm, why do you need to conduct a background check on me?"
Napatingin ako kay Heart matapos niya basahin ang nakasaad sa kontrata na kanyang binabasa.
"Just to be sure -"
"My conscience is clear, and if I tend to harm your daughter, I've done it beforehand."
Hindi ako naka-imik agad. What is it that she's hiding from me? Conducting a background check on her is for my daughter's safety. Hindi nagsasalita ang anak ko at walang kakayahan na humingi ng tulong sa iba. I thought Heart would understand that quote since she already saw how vulnerable Venice is.
"I know that, but I still want to make sure, Miss Pineda."
Dinig na dinig ko ang malalim na paghinga niya. Hindi na siya tumutol pa at pinirmahan na isa-isa ang mga papel na hawak. Now, Heart is officially my daughter's tutor and the background checking will take place as soon as I upload the contract to the database.
"I'm not hiding something from you. So that you know, I'm an orphan and I work hard for myself only. I won't cause harm to your daughter's welfare, Atty. Trinidad."
"I'm glad you share that information, Miss Pineda. I guess a handshake to make everything formal."
Naglahad ako ng kamay na tinanggap naman niya agad. Natagalan pa bago ko bitiwan ang kamay niya dahil para bang kilala ko ang may-ari noon. Lahat kay Heart ay pamilyar ngunit baka nagkamali lang ako at mabuti na lang pumasok si Jane bitbit ang pina-bili ko kanina. Kasunod niya pumasok si Venice na mabilis tumakbo palapit sa akin. Kinalong ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Do you remember her, sweetie?" tanong ko kay Venice. My daughter smiled widely upon recognizing Heart. "She'll be your new tutor,"
Kitang-kita ko sa mga mata ng anak ko ang kasiyahan na makita ulit ang babaeng hindi umiwan sa kanya noong mawala. Nagpababa si Venice at mabilis na lumapit kay Heart. Hindi pa ngayon ang umpisa ng trabaho niya at may ilang araw pa ako binigay sa papalitan niya. Ngunit ngayon na magkasama na silang dalawa, mukhang malabo na mapaghiwalay ko pa ang dalawa. I let them play while I work. Panaka-naka ay pinapanood ko sila at aking napagtanto na sanay-sanay si Heart na mag handle ng mga ka-edad ni Venice.
Then, why is she working here as restaurant and bar staff? Napukaw lamang ang aking atensyon ng sunod-sunod na mag-vibrate ang aking cellphone. I received tons of messages from the pub manager saying that Love agreed to meet me today. Binalikan ko ang pub house upang hingin ang contact niya ngunit wala din itong natago. Kaya naman binayaran ko siya ng malaki pabalikin lamang ang dalaga doon. I cannot let her continuously ruin my goodnight sleep. I badly want my sleep back to normal now and meeting Love will be the only choice I have.
Bandang tanghali ng dumating si Travis at naabutan niya si Venice at Heart na naglalaro sa opisina ko. My dearest got puzzled at first but when I explained everything to him, he gave me permission to bring Venice and her tutor whenever I wanted. Sinabi ko na hindi kailangan at ngayon lang dahil sabay na umalis si Mama at Bia.
"It's odd, Dom," ani Travis sa akin ng ayain niya ako bumili ng kape sa labas. Iniwan namin pansamantala sa opisina ko si Venice at Heart. May kasama naman sila doon at tatawagan naman kami ni Jane kapag may emergency.
"What's odd?"
"The tutor. She reminds me of someone,"
"It's just your imagination, dude. You have a lot of women waiting; that's why you got mistaken."
"It's not my fault that I know how to enjoy myself. Learn from me and stop sulking over a one-sided love affair."
I gave him my middle finger as an answer which made him laugh out loud. Naagaw ng tawa niya ang atensyon ng lahat at madalas nakakahiya talaga siya kasama kahit kailan. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa opisina pero hindi umalis si Travis hangga't hindi nakakausap si Heart. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya gawin at nang manawa na sa katatambay sa aking opisina ay umalis na. Hindi ko na inistorbo ang anak ko na masayang nakikipaglaro kay Heart.
Mas maigi kung ganito muna ang set up namin sa mga susunod na hanggang sa hindi ko pa nakukuha ang resulta ng background check ko kay Heart. Mas panatag ako kung ganito na nakikita ko silang dalawa at alam ko ang ginagawa nila. Kahit na maganda ang record niya, maigi pa rin na maka-siguro ako.
"Is that Venice's new tutor, Kuya?" tanong sa akin ni Bia habang pinapanood namin na mag paalam kay Heart si Venice.
It's quite a long and tiring day for me. Sa dami ng ginawa ko, hindi ko namalayan ang oras. Kung hindi pa dumating ang kapatid ko, malilimutan ko na kasama ko si Venice ngayon. Venice has been a good girl all day. Kalaro lang niya si Heart at aktibong aktibo ang anak ko sa mga ginagawa nilang dalawa. Ngayon ko lang siya nakita na ganito at tingin ko kahit na kahina-hinala ang identity nitong si Heart ay malaking tulong din siya sa akin.
"Yeah," matipid ko na sabi.
"Bakit sobrang close na nila agad ni Venice?"
"Your niece likes her, that's why."
"Hindi naman siya ganyan sa akin. Ginagawa pa nga niya akong canvass ang balat ko."
Inakbayan ko ang kapatid ko at dahan-dahan tinapik ang balikat niya.
"Well, worry no more. Venice won't bother you anymore now."
"It means no allowance from you too!"
"That's life, Bia." I heard my sister groan loudly. Naiiling ko siyang iniwan at nilapitan na si Heart at Venice. I held my daughter's hand immediately. "Thanks for today. I'll include this day in your salary, don't worry."
"Thank you." Looks can be deceiving indeed. Heart charmed my daughter quickly, which is entirely new since Venice has been aloof to everyone. "Babye, Venice. I'll see you tomorrow, hmm?"
Kinawayan lang ito ni Venice at may pag-flying kiss. Venice is very affectionate to Heart, and I don't know why.
"You like her so much, hmm?" Tumango lang ang anak ko saka yumakap sa mga binti. Yumukod ako at kinalong siya. "Let Dad hear you voice again, Venice, please?"
Yumakap lang siya sa akin na nagpa-ngiti sa akin. Dahan-dahan ko hinagod ang likod niya.
Soon, I'll hear her voice.
Soon.
***
PASADO alas nueve y medya ng dumating ako sa pub house kung saan kami unang nagkita ni Love. Natagalan ako ng isang oras dahil pinatulog ko pa si Venice. Hindi ko ngayon sigurado kung narito pa si Love ngayon. She's the kind of woman who's always on the go. Walang oras na sinasayang ag bigla na lang umaalis kaya alam ko na malabong matuloy itong pagkikita namin ulit.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan ko at aktong lalakad ngunit yung dapat na kikitain ko sa loob ay narito na sa labas. Love is standing not far from me. She's wearing an above the knee length black dress covered by a long trench coat. Nakabalot ng pulang scarf ang leeg niya at tinernuhan niya ng mataas na sapatos ang suot na damit. Mukhang paalis na siya at swerte ko na maituturing ang sarili ko dahil naabutan ko pa siya.
"We've met again," I said as I walked towards her spot. Lumingon sa siya sa akin at muli nakita ko na naman ang mga mata niya na natatakpan ng maskara.
"You made this meetup happen, yet you're late, and I have to go."
"Wait up. I had an emergency a while ago, that's why I came late." Hindi ko siya dapat hayaan na makaalis na hindi nakikita ang mukhang tinatago niya sa likod ng camera. "Did the manager give you the payment already?"
"Yes,"
"Then, you're mine tonight."
"Hindi porke gusto ay makukuha na,"
"What if I have my ways?" Akala ba niya hindi ko maintindihan kapag nag tagalog siya? It's unexpected to know that she's actually a Filipina. May accent na kasi siya at sa una hindi talaga halata.
"BDO? Hindi mo ako ma-i-scam."
"Well, it's another way around, my dear. You have bothered me ever since we met, and I can let this moment pass again."
"Ano bang kailangan mo sa akin? Can't you deal with your needs alone? I'm not the kind of woman, mister. Wala lang akong choice kaya ko ito ginagawa at hinding-hindi ako nagpahawak miski na kanino."
"But you kissed me and it changed the game you started." Natahimik siya at inabangan ko lang siya na magsalita ulit ngunit hindi nangyari. "Join me tonight and let's have a drink."
"What if I don't want to?"
"You give no choice but to do this," sabi ko saka binuhat at dinala sa sasakyan ko. Impit ang naging pagtili niya at hindi naman ako naapektuhan noon. Dahan-dahan ko siya binaba at inalalayan na makapasok sa sasakyan bago ako umikot sa driver's seat.
"Saan mo ba ako dadalhin?"
"Basta." I winked, and she just rolled her eyes.
***
SA isang parke ko dinala si Love na 'di kalayuan sa bahay namin. Dito madalas maglaro si Venice kasama si Mama at kapatid ko. Sa umaga, maraming bata dito na karamihan ay nasa edad ni Venice. Ngunit miski sino sa kanila ay makipaglaro sa anak ko dahil hindi ito nagsasalita. At a very young age, my daughter experienced a lot of cruelty and I don't want her to suffer now. Hangga't kaya ko, gagawan ko ng paraan upang matuto siya magsalita. Iyon naman ang dahilan kaya ako umuwi bukod sa offer ni Travis na mag practice ng law dito.
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong sa akin ni Love.
"Where do you want me to bring you? Do you expect more?" Umirap lang siya na dahilan ng pag ngiti ko. "I just want to talk."
"You paid a huge amount to talk to me?"
"It will help you wherever you want to use the money." Hindi siya kumibo at ako naman ay sumilip sa labas. "Do you love star gazing?"
"Hindi. Nakakaantok panoorin ang mga bituin sa langit."
"Someone taught me to do this back when I was in the Philippines." Wala akong nakuha reaksyon mula kay Love pero nag patuloy pa rin ako sa pag-ku-kwento. "You somehow remind me of her. Pareho kayong laging nagmamadali sa lahat ng bagay."
"That's impossible. Mag-isa lang ako at walang katulad."
"Maybe," umirap siya ulit. "umuwi ako para kalimutan siya pero hanggang ngayon siya pa rin ang iniisip ko."
"Sinanay mo kasi ang sarili mo na isipin siya lagi. Think of something else that doesn't remind you of her. Hindi madali mag-move on at hindi iyan magic beans na kapag nilunok mo ay wala na ang sakit."
Tumingin ako sa kanya kahit pa naiilang ako sa suot niyang maskara. Hindi niya talaga inalis iyon at gaya noong una ay wala rin ako nagawa upang alisin 'yon.
"You're something, Love."
"Tao ako hindi bagay."
I chuckled softly. Naiiling ako tumingin uli sa kalangitan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro