Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER FORTY-TWO: A GOOD MOM

CHAPTER FORTY-TWO | A GOOD MOM

Dominic

KUNG MAY dapat ako purihin araw-araw, iyon ay walang iba kung 'di si Heart. I want to know where she's getting her long strings of patience when it comes to Millie. Sobrang kulit, daldal, at pasaway ng anak ko. Iba kay Venice na kapag may sumpong lang umaarya. Parang lagi may gyera sa bahay sa tuwing magta-tantrums si Millie at ako na iyong naririndi. Sometimes I want to give in to her but Heart is firm and never let our daughter be spoiled.

"Hey, are you coming tonight?" tanong na pumukaw sa akin. Tiningnan ko ang oras at kulang dalawang oras pa bago ang uwian.

"Where is the venue?"

"In Dusit Thani Hotel." Sinipat ko ang schedule ko saka muling binalingan ang kaibigan ko. Dahil ako ang naka-upo na acting CEO/President ng Lorenzo Group of Companies, si Carlos ang naging legal adviser ko. "Professor Dimasalang is asking you the other day. Baka pwede ka daw magbigay ng speech sa mga estudyante nila sa susunod na linggo."

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "I'll ask Leo to contact him so they can fix my schedule. Gawa na ang schedule ko hanggang sa susunod na buwan, Carlos." Napatingin ako sa cellphone ko sunod-sunod ang pasok mensahe galing kay Venice.

From: Venice 🌹

Dad, can you come home now?

From: Venice 🌹

Millie cut her bangs a while ago.

"Regretting that you accepted this post?" Muling napabaling kay Carlos nang marinig ang tanong niya.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Sometimes, but the reason I'm doing this flashes back like a movie in my brain. This is for the woman I love and my family." I dialed Leo's number and asked him to come inside. "I'm not going tonight, Carlos. I have an emergency at home."

"What happen?" tanong ni Carlos.

Tumayo ako at niligpit ang mga gamit na nasa ibabaw ng aking lamesa. "My youngest made an experiment on her hair."

"Bata pa si Millie kaya asahan mo na iyon,"

"I need to go home to check on Heart," binalingan ko si Leo. "I'll bring these documents home, and we'll proceed to our online meeting with the board at five o'clock in the afternoon sharp."

"Sir, Mr. Lorenzo sent an email ago, and he wanted to join the online meeting later," Leo said,

Napatingin ako sa orasan. Hindi ba marunong matulog ang matandang iyon? What's the point of leaving everything to me?

"Okay. Please notify everyone and make sure they have a good internet connection. Baka pare-pareho tayo masabon kapag mas maayos pa internet niya kaysa sa atin."

"Noted on that, sir,"

Tumango ako at hudyat na iyon para lumabas na si Leo. Tinapunan ko ng tingin si Carlos. "What? Sabihin mo na ang gusto mo sabihin."

"You've changed, Dominic. Hindi ako sigurado kung mas gusto ko ito o iyong dating ikaw."

"Bahala ka kung alin magugustuhan mo,"

"Tomorrow? What's your schedule tomorrow?"

"I have a family day event to attend at Venice's school. Why?"

"I'll talk to Leo instead so he can squeeze into your schedule a day with Travis and me. Ikakasal na iyong kaibigan natin, Dom."

"I know, and I will never forget that. Huwag ka masyadong ma-drama at tandaan mo na involve si Heart sa planning. Best friend niya iyong bride."

"Yeah, pero hindi ka kinakausap nung Bride-to-be."

Dahil iyon sa nakaraan namin at sobrang ironic lang ng lahat. Who would've thought that Leyn would end up marrying Travis? Now that I am reunited with Heart and handling her parent's company, the chances of encountering that sly woman are huge. I have to endure Leyn's dark stare and frowning face.

"Soon, we will get there, Carlos. I'll go ahead now."

Tumango lang si Carlos at nagdesisyon na sabayan na ako sa paglabas ng aking opisina. Opisina pala ni Mr. Lorenzo. Substitute lang ako at papalit naman sa akin si Heart kapag natapos na niya ang pag-aaral.

Pag-aaral na plano palang sa ngayon. Marami pa hadlang at kailangan ko tulungan si Heart na makamit niya ang pangarap. I'll definitely do whatever I can...

PARANG MAY COLD WAR sa bahay nang umuwi ako. Thirty minutes din ang binyahe ko pauwi at may natitira pa akong oras para magpahinga. Kaso mukhang malabo dahil sa sitwasyon na meron ang bahay ngayon. Venice is sitting next to her sister Millie who cut her own hair. Gusto ko matawa sa ginawa ng anak ko ngunit hindi iyon kinatutuwa ni Heart na tahimik lang nakaupo katapat ng dalawang bata.

Kamukha na ni Millie ngayon iyong cartoon emoji sa social media na may konting bangs. But she's still pretty because Millie has her mother's eyes. Hindi ko nga lang alam saan galing iyong kakulitan niya. I never experienced this kind of problem when I took care of Venice. Venice stood up and greeted me with a kiss on my cheek.

Ang hindi lang gumalaw ay si Millie na nakatingin kay Heart na tahimik lang sa isang sulok. Kinuha ni Venice ang gamit ko at nilagay iyon sa couch na lagi naman niya ginawa kahit noong nasa bahay pa kaming dalawa. Hinubad ko ang coat at sinampay iyon sa couch bago nilapitan si Heart saka tinabihan.

"Camilla, Venice, come here," Tawag ko sa mga anak ko. Agad sila lumapit at yumakap sa akin. Millie kissed my cheek as well her mom.

"Don't cry, Mommy. I'm pretty pa rin naman po," Nagpa-cute sa harap naming lahat si Millie na siyang dahilan kaya tumawa si Venice. Hindi ko na rin napigilan ang sarili at tinawanan si Millie. "I still look like Daddy and I have your pretty eyes, nose and lips."

"It's your Dad's, your nose and lips. You got it from him." Pagtatama ni Heart sa anak namin. Alam ko na masama pa rin ang loob niya at oras na para kausapin ko siya. "Your hair is as pretty as your Ate Venice's hair."

"We're both pretty!" sigaw ni Millie at tuluyan na yumakap kay Heart. "I'm sorry po,"

"You look like a cartoon, anak." Heart cried and I have to hugged her both to give comfort. Binulungan ko si Venice na dalhin sa kwarto nila ang kapatid at susunod na lang kami ng Mommy nila kapag okay na ang lahat. "Nakakasama ng loob. Bakit ko ba kasi iniwan iyong gunting sa lugar na naabot ni Millie? Paano kung hindi lang iyon ang ginawa niya? I hate myself because I failed as her mom."

"Heart..." Kahit na umiiyak pa rin ay tumingala siya upang salubungin ang aking tingin. "Stop saying that you failed. Didn't you hear what our daughter said to us a while ago? That she's still pretty despite her ruined hair? That she still have your eyes, your beautiful eyes." Hindi siya sumagot at yumakap lang sa akin ulit. "You never failed as a mother. In fsct you're the best mom ever. Hindi ka napipikon kahit sobrang ingay at kulit ni Millie. You're firm on your ways to disciplined her. Sa ilang buwan na pagtira namin dito ni Venice, you showed us how great your are as a mother of our home."

May plano pa rin ako na ibukod siya dahil temporary lang naman ang lahat ngayon. I still want us to have our own home. A permanent one that will remain standing even if we plan to go back to Scotland. Naka-depende ako sa mga plano ni Heart dahil desidido akong suportahan siya talaga.

"Talaga ba na wala ka nang plano na kontrahin ako? Ang boring kung 'di tayo nag-aaway."

I chuckled. "Pwede mo naman akong awayin, sungitan, hindi pansinin pero 'di ako aalis sa tabi mo. I will constantly remind you how great you are as a mother, a partner, and a woman. Embraced changed because you did it for us, Heart."

"I hate you,"

"That's bad because I love you."

AFTER the online meeting, lumipat si Mr. Lorenzo sa personal skype nito para makausap ang mga apo. I invited Mama so she can fix Millie's hair. Zigzag kasi iyong sa likod tapos hindi talaga pantay-pantay iyong bangs. She came with Bia and Jaziel who's job is to play with my kids after dinner. Tinulungan ko si Heart magprepare ng dinner kanina matapos iyong pag-uusap naming dalawa.

"Si Millie na ang pinaka-experimental na bata na nakilala ko," deklara ni Mr. Lorenzo habang pinapanood na remedyuhan ni Mama buhok nito.

"Nagmana itong apo natin sa panganay ko. May her soul rest in peace," tugon ni Mama saka pinatingala si Millie para mapantay na iyong bangs na niya. "Paola ruined her hair back then and was worst than this. Naiyak din ako noon kasi unang anak kaya valid ang naramdaman ni Heart."

Napatingin ako kay Heart pagkarinig ng sinabi ni Mama.

"I already told Heart about that, too. It is important not to invalidate our child's view on what they've done and on everything." Dagdag naman ni Dr. Lorenzo. Magkasundo ang mga magulang namin kaya itong si Bia at tinutukso ako. Tinakot pa ako na baka maunahan niya ako magpakasal.

Nagkumustahan na si Heart at mga magulang niya kanina bago dumating ang aking pamilya. It wasn't normal conversation because Heart let out her frustrations on them. Inaalo ko lang siya habang nasasabi sa mga magulang niya. That's part of my job as her partner - unofficially.

Ginagap ko ang kamay ni Heart at masuyo iyong hinawakan. Nagpatuloy sa pag-uusap ang mga magulang namin hanggang sa nagpaalam na ang mag-asawang Lorenzo na may morning walk session pa sa Georgia. Kapag natapos ko ang lahat dito, susurpresahin ko si Heart at pupunta kami sa Georgia tapos tatawid sa California para sa Disneyland. Marami pa akong plano para sa aming lahat at iba na ito ngayon.

I promised to always include Heart and our family in every plan I have in mind. Nangako ako kay Mr. Lorenzo at tutuparin ko iyon.

"Ano ang iniisip mo dyan?" tanong sa akin ni Heart.

"Wala naman." Hindi ko nagawang kumbinsihin si Heart sa sagot ko. "Iniisip ko kung kailan mo ako sasagutin."

"Atat ka? Saka nanliligaw ka ba nang maayos? Ipapa-alala ko lang sayo na si Papa ang may gusto na dito ka tumira kasama ko,"

"Would you like to live with me, Heart?"

"Nakatira na tayo sa iisang bahay, Dominic."

"Sa bahay natin,"

"May bahay ka bukod sa family house mo?"

"Yes and it's currently under construction." Pagka-check ko ng mga design, nagproceed na kami ng contractor kanina sa construction. Sila naman na ang bahala sa building permit at kung ano-ano pa. I provided my ID and a signed consent letter. Binigyan ko din sila ng kopya ng deed of sale para iwas aberya kung sakaling sitahin.

"Are you sure about this? Ako pa rin ba talaga matapos ang limang taon?"

Tumango ako. "Nagpahinga lang ako kaya hindi kita hinanap kasi naisip ko na baka pagod ka na rin. Kung pilit natin susubukan noon ay baka walang mangyari na maganda. I consider our parting as blessing because we able to stop and reflect about what happened."

"I did try to contact you before,"

"You did?" Tumango si Heart. Hindi ako makapaniwala dahil naubos ko bawat segundo, minuto, oras at araw ko kakaisip kung saan siya hahanapin. Naghintay din ako ng tawag mula sa kanya sa loob ng limang taon ngunit hindi pa talaga tama ang lahat noon.

"Five percent na lang battery ko noong maisipan ko na tawagan ka. I saw your law office flyer one day and decided to give you a call. But destiny didn't allow my call. Before the call connected, my phone died and slipped into my hand. Nahulog sa kanal at hindi ko na nakuha pa."

May rason pala ang lahat pati na iyong hindi niya pagtawag sa akin. Hiding Millie from wasn't as intentional as what I thought. Tapos sinisisi ko pa siya noong magkita kami dahil sa frustration na naradaman ko. Napatayo ako sa kinauupuan at nilapitan saka niyakap nang mahigpit.

"Huy, ano ba ang problema mo?"

"Stay still, Heart. I want to hug you." Halos pabulong ko na sabi sa kanya. "I'm sorry for being a jerk. I'm sorry for being selfish. I'm sorry for everything, Heart. I'm sorry..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro