Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER FORTY-THREE: FAMILY

CHAPTER FORTY-THREE | FAMILY

Heart

"MAGTA-TRABAHO ka sa kumpanya niyo? Does everyone know that the Lorenzo's adopted you already?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Leyn habang naglalakad kami sa aisle ng mga chips at cookies.

Nasa unahan namin si Millie at Venice, magkahawak kamay na naglalakad din. Namimili ang magkapatid ng ilalaman sa food storage nila na nasaid na kahapon. Walang tigil kasi sa pag-nguya at konting kibot ay kakain. Hindi naman masama kaya pag nasobrahan, pinanakitan na ng tiyan. Marami nga natutuwa na magana sila lalo na ang Mama ni Dominic na lagi nasa bahay para ipagluto ang mga apo.

"Yes, Leyn. Nag-usap na kami ni Dominic at pumayag siya. I mean pabor siya at hindi ko naman kailangan ng approval niya. I'm not the old Heart now para makahinga ka ng maluwag,"

"Are you happy?"

Napatingin ako sa kaibigan ko.

Lagi niya ito tinatanong sa akin dahil mahalaga sa kanya na masaya ako. Mahalaga din kay Leyn na masaya at ligtas si Millie na tinuturing niya ng parang sariling anak. Nagulat siya sa naging desisyon ni Papa na pagkatiwalaan si Dominic. Maging sa pagpayag ko na magpaligaw sa lalaking minsang naging dahilan ng aking kabiguan. Nakita ko naman kung paano ako sinusuportahan ni Dominic miski na sa pinaka-maliit na bagay.

Nag-aaway pa rin kami pa-minsan-minsan pero nagkakabati din naman agad. Si Dominic ang nauuna mag-sorry, malayo sa dati na ako pa ang sumusuyo sa kanya. Malayo sa noon na iwas ako ng iwas sa mga bagay na maaaring pagmulan ng aming away. He changed and I wittnessed it everyday. Masyado lang siya stressed ngayon pero kapag uuwi naman ay sobrang hands on pa rin sa mga bata.

Mabalik sa tanong ni Leyn kung masaya ba ako?

I smiled and eyed my two lovely angels.

"Masayang masaya ako," sabi ko saka muling tumingin kay Leyn. Nakita ko ang pag-seryoso ng kanyang mukha. "He changed and I'll stop living in our past. Mas focus na kami sa ngayon at sa hinaharap."

"I just can't trust that guy again, but I'm happy that you're happier now. Iyon naman ang importante at kapag nasaktan ka ulit, nako huwag na magpapakita sa akin iyan."

"Give him a chance. Huwag ka mag-alala, hindi ko ito ginagawa dahil sa mga bata. We're starting again because this is what our hearts want. A family is what I long for ever since, Leyn and you know that already."

Ngumiti si Leyn at maluwag sa loob na tinanggap ang aking paki-usap. "Fine. Susubukan ko dahil iyan din ang pakiusap ni Travis. Dominic played an important role in his life."

"Dalawa na kami baka naman pwede na subukan,"

"Oo na!" Niyakap ko si Leyn sa sobrang tuwa. Mahal na mahal ako nitong kaibigan ko at hindi niya ako pinabayaan kahit kailan. "Diretso uwi ka na ba?"

"Nope. Pupunta ako school ni Venice. May family day at doon na kami magkikita ni Dominic."

"He seemed a busy man since Mr. Lorenzo appointed him as his trusted allied,"

"Sinabi mo pa pero nagawa siya paraan para makabawi sa akin lalo na sa mga bata."

"You're saying na nagbago talaga siya?"

Tumango ako saka ngumiti. Mahirap din paniwalaan noong una pero habang lumilipas ang araw, nakikita ko iyong mga pagbabago kay Dominic. Kahit si Mama ay pansin iyon kahit sa kwento ko lang naman niya nakilala si Dominic. Fifty-fifty pa daw kay Papa pero malapit na rin matanggap dahil pinagkatiwalaan na nga na mamahala sa kumpanya. Papa commanded Dominic also to look after me.

Si Dominic ang maghahanda sa akin para pamunuan iyong kumpanta ni Papa. Pero hindi pa ako kumbinsido sa aking sariling kakayahan kaya naman susubukan ko na magtrabaho doon sa susunod na linggo.

Sana kayanin ko na mag-isa...

MATAPOS namin mag-grocery, umalis na kami at binaba ko si Leyn sa law firm dahil may date daw sila ni Travis. Pagkatapos sa law firm ay dumiretso na kami sa school ni Venice. Dapat noong Friday gaganapin iyong family day kaso maraming magulang kasama na si Dominic ang nag-request na gawin Sunday na lang. At dahil nanalo ang mayorya, nalipat na ang event ngayong araw saka nagkaroon pa ng ambagan para sa pagkain ng lahat. Wala akong oras magluto o magbake kaya bumili na lang ako ng cupcakes at nagdagdag ng dalawang cooler ng maiinom na juice ng mga bata.

"Are you sure this is enough, Venice?" tanong ko kay Venice habang inaayos ko ang sintas ng sapatos nilang dalawa ni Millie.

"You almost provide food for everyone, Mommy. I don't want you to be part of the classroom committee," tugon ni Venice sa akin.

"Why? Am I not capable?"

"Nope. I don't want you to get stressed and pressured by the other moms. Your plate is full by us already."

"You talk like your Dad. Do you want to be a lawyer someday?"

"Yes, and I will make you and Daddy proud of me."

Hinawi ko ang buhok ni Venice matapos ayusin ang sintas ng kanyang sapatos. "Kahit wala ka gawin proud na proud pa rin kami sayo. Do not be too hard on yourself. Ang importante ay masaya ka sa ginagawa mo at walang natatakang ibang tao, hm?"

Tumango si Venice saka ngumiti at mahigpit na yumakap sa akin. Nang kumalas si Venice, agad ko naman binalingan si Millie.

"Do I talk like Daddy too?" tanong niya sa akin.

"No. You're more like me,"

"It's okay. Dad's eyebrows are scary like this," tumawa kami ni Venice nang i-demonstrate ni Millie kung paano magdikit ang kilay ni Dominic sa tuwing nagagalit.

"What did you say, Millie?" Pare-pareho kaming napalingon nang narinig iyong tanong na iyon. "Are you saying that I'm scarier than your mom?"

"Yes, but I still love you." Bumaba si Millie saka lumapit kay Dominic at nagpakalong. "Don't be mad, Daddy. I love you!"

"You're really one of kind, Millie, but Mommy is the scariest believe me,"

"Nagtulong ka kayong dalawa dyan. Hindi bale I have Venice naman, right?" Tumingin ako kay Venice at hindi na siya nagsalita bagkus ay yumakap lamang sa akin.

"Atty. Trinidad, nandyan ka na pala," anang isang tinig na pumukaw sa aming apat. Nakita ko na inayos ni Dominic ang pagkakalong kay Millie bago nakipagkamay sa babaeng lumapit sa amin. "Lahat ng parents ay nasa loob na. I-che-check ko na lang ang attendance mo dito sa list."

"Thank you, but please include my partner's name. Heart Chrissa Lorenzo and our daughter, Camilla Dominique Trinidad."

Parang hindi makapaniwala iyong babae na kausap ni Dominic na ako iyong partner na sinasabi niya. Naririnig ko sila minsan na pinag-uusapan ako pero hindi ko na lang pinapansin. They thought I was not related to Venice. Kaya hindi nila ako sinasabihan at itong mga dala namin ay kay Dominic pa nila tinawag. Lagi naman nila ako nakikita tuwing susunduin ang anak ko tapos 'di pa ako ang kinausap.

"Is there something wrong, Mrs. Dimaculangan?" Narinig ko na tanong ni Dominic sa babaeng kausap.

"Uhm, no. None at all."

Tumingin sa akin si Dominic at tipid ko siyang nginitian. "We're very private that's why." Tumango-tango lang si Mrs. Dimaculangan at pagkatapos ay inaya na kaming pumasok sa loob ng school. Kinuha ng school staffs iyong dala ko na inumin at mga pagkain. "You bought a lot, Heart."

"Maraming bata ngayon saka mainit panahon, sakto lang iyan. Leyn will go here with Travis. Kapag kulang papabili na lang ako sa kanila,"

"I'll reimburse everything later."

"No, it's okay." Inaya ko na siya lumakad kasama ng mga bata papasok ng school quadrangle. As expected, marami nga tao bukod sa mga pamilya na masayang nagpapakuha ng picture sa booth. Mas tamang sabihin na school fiesta ito at marami ngang pagkain. "Let's take a picture as a family,"

"Kasama ako?"

"Of course. Ikaw kaya iyong tatay ni Venice at Millie."

Sa paglipas ng mga araw at buwan, natutunan ko na muli siyang pagkatiwalaan. Not because we have Millie. It is because we both need to trust each other once again to make everything work for us. Pangalawang priority namin ang mga sarili at ang pinaka-una ay ang mga bata. Our goals in slightly aligned and we don't need to rush anything.

Because everything is still a work-in-progress.

KINABUKASAN, maaga akong gumising para asikasuhin ang lahat bago pumasok sa LGC. Sinabi ni Dominic na maaga darating ang Mama niya na siyang magbabantay kay Millie at susundo kay Venice sa school. Ayoko naman iasa ang lahat at trabaho ko naman ito talaga. Tuloy-tuloy ang pag gawa ko hanggang sa matapos at sarili ko naman ang inayos. Sakto lang lahat sa oras kaya nagawa ko pang gisingin ang mga bata para makapag-almusal na.

"Are you going to work, Mommy?" tanong sa akin ni Millie.

"Yes kaya dapat good girl ka lang," tugon ko.

"I am a good girl. Hindi na ako kukunin ng baranggay."

Tumawa si Venice pagkarinig ng sinabi ni Millie. Baranggay kasi ang panakot ni Vicky kay Millie para hindi lagi natakas at lumalabas. Effective naman at hanggang sa convenience store lang siya nakakarating ngayon.

"Sabay na tayo pumasok ngayon," wika ni Dominic sa akin.

"No. I'll ride a separate car. Hindi pa nila ako pwede makilala kaya yung dating surname ko muna ang gagamitin ko,"

"Is Mr. Lorenzo aware of your plans?"

"Yes, and they agreed. I'll stay lowkey and observe since you cannot oversee everything. Mas importante ang investors at mga company deals kaya iwan mo na sa akin ang pag-o-observe."

"Do not hesitate to ask for my help if needed okay?" Tumango ako saka binalingan ulit si Millie. "Kahit anong apelyido pa gamitin mo, papalitan ko rin naman iyan ng apelyido ko."

"Ewan ko sayo,"

I smiled after shooking my head. Puro pahaging ayaw naman gawin...

Pagdating ko sa opisina, pinakilala na ako agad sa magiging ka-team ko at sumabak agad sa meeting kasama si Dominic. I'm able to present my ideas in front of him without stuttering. Marami ang nagulat sa bilis ko maka-pick up at unang araw ko palang ay nakapag-present na ako agad. Ngunit kung marami ang natuwa, marami din ang may ayaw sa akin dahil masyado ako napuri ng ibang department. Iyong mga taong ayaw masapawan gaya nina Noelle at Vincent na inutusan ako mag-xerox ng isang katerbang project brief.

"Ganyan talaga iyang sina Noelle at Vincent, ayaw nasasapawan." Napatingin ako sa nagsalita. It was Sienna - my friendly teammate. "By the way, ang galing mo kanina. Ngayon ko lang nakita na na-impress sa presentation si Sir Dominic. Kung si Mr. Lorenzo ang nandito, matutuwa din iyon sa improvement ng team."

"Hindi ba maganda ang standing team noong nakaraan?"

"Hmm, average lang lagi ang score pero kanina, tingin ko makakakuha na tayo ng malaki-laking incentive niyan. Ang promising kasi ng presentation mo,"

Tinulungan ako ni Sienna na mag-xerox ng mga pinapagawa sa akin. Kami naman daw ang partner kaya ayos lang na tulungan niya ako.

"Heart?" Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan at muntikan ko na mabitiwan ang mga papel na hawak.

"Atty. Reyes kailangan na po kayo ni Sir Dominic sa conference." Huminga ako nang malalim nang sumabat agad si Leo.

"T-teka bakit siya nag-xe-xerox. Hindi ba alam ng lahat na -"

"It is my job!" sigaw ko saka matamang tumingin kay Carlos. Hindi ako pwedeng mabuko lalo't ngayon pa lamang ang unang araw ko. "Let's go now, Sienna." Pag-aya ko sa kasamahan ko at lumabas na kami ng xerox and scanning room. Lumingon pa ako kay Leo at nakita ko na kinakausap na niya si Carlos.

Lintik na kaibigan ni Dominic, mabubuko pa ako ng dahil sa kanya. Pagkabalik ko sa cubicle ko ay nagtext ako agad kay Dominic. Mabilis lang naman ako nakatanggap ng reply galing sa kanya.

From: Dominic Trinidad

I'm talking to him now, so relax.

From: Dominic Trinidad

You did a great job with your presentation a while ago. I'm impressed.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ito ang unang beses na pinuri ako ni Dominic. Araw-araw niya iyon ginagawa kaya naman na-bo-boost ang confidence ko at nagagawa ko makipagsabayan miski na kanino. I'm not a graduated of any business related course but I had an elective course which became my ticket here. Natuwa ako dahil binigyan nila ako chance at sinabi ko sa kanila na nasa process na ako ng pag-aaral muli.

Agad ako nag-compose ng reply kay Dominic. Mula sa cubicle ko, tanaw ko ang opisina niyang may salaming pader kaya kitang-kita ko na hindi maayos ang collar ng suot niya.

To: Dominic Trinidad

Thank you so much.

To: Dominic Trinidad

Fix your collar and straighten up your back.

Pagkasend noon ay tinaob ko na ang cellphone ko ngunit wala pa ilang segundo ay nagreply na siya agad.

From: Dominic Trinidad

Fix it for me. Meet me at the fire exit now.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro