Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER FORTY-FIVE: HER REPLY

CHAPTER FORTY-FIVE | HER REPLY

Heart

"WILL you give me a chance to prove that I can be the best husband in the world?"

Hindi ako makapaniwala na narinig ko kay Dominic ang mga salitang sinabi niya. I remember that I asked him if he was proposing to me a while ago. And he said no nonchalantly. Was he then planning this at back of his head? Napukaw ako nang may pumatak na tubig sa aking pisngi.

"Let's get inside now, it's raining. Cover your head, Venice," sabi ko at agad na tumakbo papasok ng bahay kasama ng mga bata. I immediately put Millie on the couch and made her hug a dolphine stuff toy before checking Venice. "Are you okay? Hindi ka naman nabasa?" Sunod-sunod ko na tanong kay Venice.

"Daddy is still outside," napatingin ako sa labas. "He's sad because you rejected him. Don't you want to marry Daddy?"

Hindi ako nakasagot agad. Palakas ng palakas ang ulan sa labas at parang hindi natitinag si Dominic mula sa kinatatayuan niya.

Huminga ako nang malalim at binalingan si Millie. "Can you look after your sister?" Tumango si Venice bilang tugon sa aking tanong. "I did not rejected your Daddy. It's raining and I don't want you and Millie get sick." Hinaplos ko ang pisngi ni Venice. "I will get your Daddy outside. Stay with Millie here, hm?"

"Okay po," I smiled and gently stood up to get an umbrella then walked outside the house. Binukas ko iyong payong at marahan na lumakad palapit sa pwesto ni Dominic. Pinayungan ko siya saka pinitik ang noo.

"Do you want to get sick? Let's talk inside, Dom. Basang-basa ka na!" Nilakas ko ang boses ko para marinig niya dahil malakas din buhos ng ulan. It's like a shower that immediately drenched the streets. "Tara na! Pasok na tayo sa loob!"

"You're back," kumunot ang noo ko matapos marinig ang kanyang sinabi.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya papasok hanggang sa makarating kami sa veranda ng bahay.

"Ikukuha kita ng tuwalya sa loob."

"It did rain that time when you left my house. Hinabol kita pero mabilis ka nakasakay ng taxi." Luminga sa paligid si Dominic saka ngumiti pero hindi dahil masaya siya. May ibang kahulugan iyon at kitang-kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. "Ganitong-ganito iyong ulan noon habang pilit ko hinahabol ang taxi na sinakyan mo, Heart."

Hinabol niya ako?

Hindi ako makapaniwala na ginawa niya iyon. I was blinded by anger that time and I didn't bother myself to look back. Kasi sabi ko noon, kapag lumingon ako patuloy lang ako magpapakatanga sa kanya. Patuloy ko lang kakalimutan ang sarili ko habang pinipili siya araw-araw. Hindi ako lumingon kasi umaasa ako na darating ang araw na ito na magkakaalaman na kaming dalawa.

At heto na nga ang hinihintay ko na araw at pagkakataon.

"Then you didn't change at all. You're still reckless just like before. Paano kung magkasakit ka dahil sa ginawa mo ngayon? Para ka pa namang baby kapag nagkakasakit."

"Can you take care of me when I get sick?"

"May iba pa ba akong choice?" Dominic chuckled and shivers, which made me worry a bit. Pinagmasdan ko ang langit at napansin na maliwanag pa iyon. Masyadong malamig na dahil malakas pa rin na buhos ng ulan sa labas. Binalingan ko muli si Dominic at diretsong tumingin sa kanyang mga mata. "Did you ever love me before?"

"Yes."

"Then, why you didn't look for me?"

"I did, but I couldn't find you. So, instead of sulking, I dedicated my time and effort to Venice. Kasi alam ko na mas gusto mo na i-priority ko siya bago ang lahat. Kahit magkalayo tayo, alam ko na sasabihin mo pa rin na unahin ko si Venice."

Suminghot siya saka pinahiran ang luha sa mga mata.

"Naniwala ka ba sa akin nang sabihin ko na wala akong kinalaman sa ginawa ni Dylan?"

Tumango si Dominic. "Hindi ko lang nagawang sabihin dahil halo-halo ang nasa isip ko noon. Mas pinairal ko ang galit dahil hindi ka nagsabi sa akin. Hindi ka nagpaalam na lalabas ka noon."

"Because you just slept, and I didn't want to wake you up just because I craved something."

Buntis na pala ako noon at iyon ang dahilan ng mga hindi mapaliwanag na cravings. I even drunk that night because I didn't knew that I was pregnant. Wala kasi akong pakialam sa sarili ko mula ng mas na-focus ang mundo ko kay Dominic. Little did I knew, my life was already revolving around Dominic. Siya na ang naging araw at ako ang buwan na sa kanya humihingi ng liwanag.

"You were pregnant that time?"

"Yes,"

"Damn!"

"Can we stop talking about the past?" tanong ko sa kanya. "Let's get inside. Nilalamig ka na,"

Hindi na tumutol pa si Dominic sa sinabi ko at nagpatianod na sa akin papasok ng bahay. He made sure that all of our doors we're properly locked before walking upstairs to take a bath. Inasikaso ko naman muna si Venice at Millie na kapwa nakatulog naman agad kahit nagising ko sila sa couch kanina. Siniguro ko na tulog na sila bago ako nagtungo sa kwarto ko at naligo rin. Pare-pareho kaming hindi pwede magkasakit kaya kailangan doble ingat namin.

When I'm done, I sat down on my bed and think of Dominic's question. Iyong tanong na hindi ko pa nasasagot.

Tulog na kaya siya? Will he repeat his proposal?

Tumayo ako at nagpabalik-balik sa harapan ng aking kama. Hindi ko alam kung dapat ba ako lumabas at puntahan siya sa kwarto niya. Baka naman magmukha akong desperada? But, he asked me! Hindi 'man lang ba niya i-pa-follow up ang sagot ko gaya ng pag-follow niya sa mga presentation deck ko?

Dinampot ko ang aking cellphone at binukas ko ang aming chatbox. Nagtipa ako ng tanong na gusto ko malaman ang sagot ngayon na. Ngunit nakailang bura ako at nagdesiyon na isend na lang iyong pinaka-obvious na tanong.

To: Dominic Trinidad.

Tulog ka na ba?

I waited for seconds, and it became minutes before receiving a reply.

From: Dominic Trinidad

Nope. I'm standing outside your room, contemplating if I will knock or not.

Napasinghap ako at agad na tinungo ang pintuan upang buksan iyon matapos mabasa ang reply ni Dominic.

"What do you need?"

Hindi ko maiwasang mapalunok. Medyo basa pa ang buhok niya at nakabagsak iyon. Dominic looks immaculately handsome even in simple white shirt and gray jogging pants.

"I think we're not yet done talking," napatango ako agad. Naalala nga niya na hindi pa kami tapos mag-usap dalawa. "Can I come in?" tanong niya sa akin.

Hindi ako kumibo at niluwagan na lamang ang pagkakabukas ng pintuan. Nauna akong pumasok at agad na naupo sa aking kama. Dominic immediately close the door after coming inside.

"Uminom ka ba ng paracetamol agad?"

"I haven't," pag-amin niya kaya naman tumayo ako at tumungo sa cabinet kung nasaan nakalagay ang mga gamot at ointment ko. "Heart, I won't get sick easily. Let's talk now."

Lumingon ako sa kanya at lumakad palapit sa lamesa kung nasaan ang baso saka pitsel ng tubig. Nagsalin ako at marahan iyon inangat saka inabot sa kanya kasunod ng paracetamol.

"Hindi porket 'di ka magkakasakit agad ay magkakampante na. Drink that now." Wala akong pakialam kung magtunog nanay ako ngayon. I adopted this after being a single mother for five years. "If it's about your proposal -"

"Wait up!" Nanlaki ang aking mga mata. "I haven't thought of a beautiful piece to say to you."

I chuckled.

"Hindi ka na si Dominic kung magiging perfect ang proposal mo. I'd reject you if you make it perfect."

"Can I marry you now?"

"Hindi pwedeng bukas?" He laughed. Napatingin ako sa kamay niya nang gagapin noon ang aking kamay. "I'm sorry, Dominic."

"For what?"

"Kasi mas pinili ko na lumayo at itago si Millie. I was mad that time. Nang sabihin mo na hinabol mo ako noon, napa-isip ako kung bakit nga ba hindi ako lumingon para tingnan ka." Huminga ako nang malalim bago nagsalita ulit. "Hindi ako lumingon kasi sabi ko sa sarili ko, kailangan ko mahalin naman ang sarili ko. I lost myself while loving you wholeheartedly. Paulit-ulit ko sinasabi hanggang sa makabalik ako dito sa Pilipinas."

"You did the right thing before. Mas okay na hindi ka lumingon kasi baka kung ginawa mo iyon at subukan natin ulit ay ako naman ang mawal. Maybe God planned everything because He knew me and He doesn't want to hurt you futher. Magkakasakitan lamang kasi tayo kapag pinilit natin."

Gusto kong maiyak matapos marinig ang sinabi ni Dominic. He did changed, which I didn't expected to happen.

"It wasn't easy. I kept coming back to Leyn's flat, begging her to tell me where I was then. I broke down and neglected my job and Venice. It took me a year to realize that everything was part of God's plan."

Magsasalita pa dapat siya ngunit pinigilan ko na. I am grateful of our past because it molded us to what we are today.

"I will marry you, Dominic Isaiah Trinidad," I said, offering my hand to him so he could put the ring on it.

"I love you."

"I love you, too."

HINDI ako mapakali dahil parehong may sinat si Millie at Venice ngayon. Hindi naman iniinda ng dalawa ang sama ng kanilang pakiramdam ngunit ako bilang nanay nila ay kinakabahan. I didn't go to work just to monitor them both even if my future mother-in-law offered to look after them. Pati tuloy si Dominic ay hindi na mapakali at panay ang tawag sa akin para tanungin kung kumusta ang dalawang bata. Sinabi ko sa kanya na wala ako magiging problema kay Venice dahil alam ng panganay namin uminom ng gamot. Itong si Millie lang ang problema dahil sa tuwing iinom ay kailangan pa naming mag-iyakan dalawa.

"Their temperature remain normal, Dom." Balita ko kay Dominic nang tawagan niya ako. Kasalukuyan akong nakain ng tanghalian ko habang iyong dalawang bata ay nasa living room, nanonood ng TV. "How about you? Are you feeling unwell too?"

"I'm fine. Inagapan mo na kasi kaya tingin ko 'di na ako tatamaan ng seasonal flu." Kampante na naman siya. Huminga ako nang malalim saka pinagmasdan ang pagkain na nasa aking plato. "Fine, Heart. I will go home in just a few minutes so I can rest there."

"Sabay-sabay pa kayong tatlo nagkasakit,"

"We'll be fine, Heart. Don't worry and finish what you were eating there. Baka ikaw naman ang magkasakit."

"Okay. I'll see you at home."

"I can't wait to see you,"

"Whatever!"

I smiled when I heard Dominic's soft chuckle before ending our call. Itinuloy ko na ang pagkain at nang matapos ay nilapitan ko na ang mga bata sa living room.

It has been two weeks since Dominic proposed and gave me a ring after asking for my hand. I didn't expect that to happen. It was raining when I left him and when I decided to share my life with him again. May malaking significance iyong ulan at paro-paro sa aming dalawa. Everyone in his family knew that he had proposed already.

Iyong mga magulang ko na lamang ang wala ka-alam-alam. Hindi pa namin nakakausap ang mga magulang ko at ang plano ko'y sa pag-uwi na lamang nila. Mas importante na lumakas si Papa at makauwi upang makasama namin sa susunod na Pasko. Nasa pag-uusap palang naman kami tungkol sa kasal at wala pang final na desisyon. Mukhang matagal pa dahil abala pa kaming dalawa masyado.

"Mommy, I'm hungry," ani Millie sa akin saka naupo pa-saklang sa aking kandungan. Hinilig niya ang ulo sa aking dibdib at muling tinuon sa TV ang mga mata. Si Venice naman ay umisod palapit sa akin at sinandig din ang ulo sa gilid ng dibdib ko.

"What do you want to eat?" tanong ko. Konti lang kinain nila kanina dahil sa masamang pakiramdam. "Magluluto ba ako ng favorite niyo?"

Napatingin sila sa akin saka tumango. Kapag sinabi ko na ang magic word na favorite, sumisigla silang dalawa. Inaya ko silang tumungo sa kusina para magluto. I prepared the ingredients, Venice's maple syrup and Millie's chocolate syrup. Pareho nilang hilig ang hot cake kaya naman ginawa ko na parang cereal iyong iba.

"What is that?" tanong na pumukaw sa akin. Ngumiti ako nang masino iyon. It was Dominic who just came home from office. "I missed you so much."

"Grabe naman parang ilang oras palang tayo hindi nagkita,"

"Gano'n yata talaga kapag inlove," he said, planting a soft kiss on my neck.

Sinaway ko siya dahil kasama namin ang mga bata. Pinaupo ko na siya at hinainan din para makapag-merienda siya. Our daughters enjoyed their bowl of hot cake cereal which they filled so much syrup. Kung hindi ko pa aawatin ay mauubos nila syrup agad-agad.

"I got a reply from the school where I want Millie to attend nursery."

"I-forward mo sa akin iyong email para mabasa ko ay maayos iyong bayad."

"I already did, boss." Tiningnan lang niya ako dahilan upang mapangiti ako. "We started of like this, do you remember, Dominic?"

"Like what?"

"I'm working under your supervision."

He smiled. "Parang baliktad naman kasi ako talaga ang totoong nagta-trabaho sa ilalim mo."

"Dominic..."

I know that it has a double meaning. Hindi na ako gano'n ka slow 'di gaya noon kaya agad ko nakuha ang ibig niya sabihin. Kasabay ng proposal noong mga nagdaang linggo ay bumalik na rin ang intimacy sa pagitan namin. I let him sleep in my room once. Hindi na iyon nasundan pa dahil sinabi ko sa kanya na bahay ito ng mga magulang ko.

"What?" Sinimangutan ko siya at binalingan na lamang ang mga anak namin. Wala talagang matinong pag-uusap kapag ganyan siya na nanlalambing. I guess I'll make an exception and it will be a long for both of us tonight.

Just me and Dominic...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro