Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER FIVE: BAD DREAM

CHAPTER FIVE - BAD DREAM

-Heart-

HINDI ko maintindihan bakit ganito ang tibok ng puso ko. I didn't asked Dominic to drive me home but he insists. Wala naman akong magawa saka napapagod na rin ako at hindi na kakayaning maglakad papuntang subway. Saka sino ba naman ako para tumanggi pa. Maganda lang pero kulang pa rin ang ipon at itong mukha ko lang ang maipagmamalaki ko sa ngayon.

Maraming beses na akong nakasakay sa sasakyan niya. The first time was when he dragged me out of the pub house, next when he drove me to my workplace and I think this will be the last. Hindi naman siguro niya ako pipilitin na ihatid sa susunod ko na trabaho pagkatapos turuan si Venice. Ang haba-haba naman na ng buhok ko noon kung mangyari nga at ginawa ko pa driver ang boss ko. Well, hindi ko pa naman siya officially boss ngayon at sa contract may three months provisionary pa bago ako papirmahin ulit ng full time.

"You have reached your destination." Mga salitang pumukaw sa akin at napatuon ang atensyon ko sa cellphone ni Dominic. Maya-maya pa ay lumitaw doon ang picture nila ni Venice na magkayakap at kapwa masaya.

"I don't see any houses. Are you sure you live here?"

"Somewhere there and I can walk. Thanks for the ride." Agad ako nag-alis ng seat belt at inayos ang pagkaka-sukbit ng bag sa aking katawan.

"Wait up!" Nahinto ang akma ko na pagbaba ng sasakyan ni Dominic at dahan-dahan na humarap sa kanya. "Aren't you going to show me your face?"

"No."

Mabilis ko na sagot at bumaba na ng tuluyan sa kanyang sasakyan. Kahit nangangati na ang mukha ko, tiniis ko na huwag tanggalin iyon. Ang totoo niyan ay kanina ko gustong magpaalam para makauwi na at mag-alis na nitong maskara na aking suot.

"Saan kita pwedeng tawagan?" Halos pasigaw niyang tanong na nagpahinto sa akin sa paglakad.

Nagkibit balikat ako saka ngumiti sa kanya. "Do not asked around about me. They won't tell you who am I or what I look like exactly. Bye!" Mas binilisan ko ang lakad ko hanggang na sa makarating ako sa convenience store na malapit at agad akong pumasok doon. "Hey, can I get my things?" tanong ko sa bantay na kilalang kilala na ako.

"What is with the mask exactly?" tanong sa akin ni Mirabel.

"For a job. A one-night-only job." Suminghap si Mirabelat tinawanan ko naman siya. "I'll use the back door, hmm? Thank you!"

"What kind of job?"

Narinig ko pa ang tanong ni Mirabel ngunit hindi na ako sumagot pa at nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglakad. Saka isa pa, narinig ko rin na bumukas ang front door ng convenience store kaya malamang nalimutan na ni Mirabel ang dapat na tanong siya sa akin. Dali-dali akong nagbihis at doon ko napagtanto na nalimutan ko sa counter ang maskara na ginamit ko. Inis na inis ako sa aking sarili na nilikom ang iba ko pang mga gamot. Ito ang mahirap kapag masyadong maraming dala - may makakalimutan at makakalimutan talaga.

Gumamit ako ng wet wipes upang alisin ang make up sa aking mukha. Isinuot ko ang damit na gamit ko kanina nang pumirma ako ng kontrata sa opisina ni Dominic. Iniladlad ko ang aking buhok saka mabilis na isinuksok sa bag ang mga hinubad ko na damit at muling lumalabas.

"Mirabel, I think I forg-"

"Heart?" Hindi ko na nagawang tapusin ang dapat ko na sasabihin ng makita ko na nakatayo si Dominic sa harapan ng counter. Sinundan ba niya ako? Bakit narito pa rin siya? Mabilis ko binagsak sa sahig ang dala kong malaking bag kasama ng clutch pouch na ginamit ko panterno sa aking suot kanina. "You're working here also?"

Tila natanggalan ako ng tinik sa lalamunan matapos ang marinig ang tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat itawag sa kanya. Should I addressed him Atty. Trinidad or Dominic? Wala naman kami sa trabaho kaya ayos lang siguro na first name basis pero kapag nasa office niya ako kasama si Venice i-a-address ko siya bilang Atty. Trinidad. Hay, bahala na nga!

"Uhm, yes." Nilapitan ko si Mirabel at kinapitan saka palihim ko siyang kinurot upang bigyan ng signal na huwag magdaldal. "Look, Mirabel, someone left a mask -"

"I know the owner of that." Putol muli ni Dominic sa dapat na sasabihin ko. Ano ba naman itong lalaki na 'to? Hindi na ako naka-arte ng maayos! Sayang tuloy ang mga emosyon na iniipon ko.

"You do?" Takang tanong ko pa.

Pakiramdam ko ay sasabat na si Mirabel kaya naman palihim ko ulit siya kinurot. Hindi maaring malaman ni Dominic na ako at si Love ay iisa. Saka ko na ipapa-alam kapag nahuli? Pero mukhang ito na nga yata ang katapusan ng pagpapanggap ko dahil sa mga pangyayaring gaya nito na hindi inasahan.

"W-we have a lost and found corner, sir. Maybe, she'll be back to get that." Suhestyon ni Mirabel na muntikan ng putol sa aking paghinga. Agad naman akong nakabawi at bahagya ko niluwangan ang kapit sa kanya.

"I'll keep it and pay for this." Dominic insisted and pulled the mask into my grip. Naglapag siya ng dalawang klase ng chocolate drink katabi ng bayad niya. Wala na, hindi na talaga ako makakawala sa kanya. I mean si Love pala dahil meron pa rin kaming remembrance sa isa't-isa. Hindi ko pa nasoli kanina ang coat niya tapos nasa kanya rin ang maskara ko. "She possessed something I own, too."

Maang na tumingin sa akin si Mirabel ngunit agad ko pinabalik sa mga babayaran ni Dominic ang kanyang atensyon. Mahahalata ako ng wala sa oras dahil sa babaeng ito. Tinulungan ko siya na ibalot ang binili ni Dominic at ako pa ang nag-abot sa kanya noon. Hindi sinasadyang nagdikit ang mga kamay namin at hindi ko alam kung ako lang nakaramdam ng kuryente. Inaantok lang siguro ako o dala na rin ng sobrang pagod sa maghapon ko paglalagalag kung saan-saan.

"I'll get going, Mirabel. See you tomorrow." Paalam ko saka palihim na sinilid sa loob ng malaki kong bag ang pouch.

"I'll drive you home, Heart," wika ni Dominic na siyang dahilan ng impit na pagtili ni Mirabel sa tabi ko.

"Thanks, but no, thank you. It's late already. Maybe, Venice is looking for you."

Ngumiti ako saka muling nagpaalam. Ginamit ko ang back door na siyang daan para mabilis na makauwi sa tinarahan ni Leyn. Habang naglalakad naalala ko ang tungkol sa background checking na meron sa contract na pinirmahan ko. Hanggang saan na kaya ang nahalungkat niya tungkol sa buhay ko? Sana naman hindi na halungkatin ang buhay ko dito sa Scotland dahil baka isipin niyang niloloko ko siya.

Kailangan ko lang talaga ng pera kaya nilunok ko na ang salitang konsensya muna. Pagbabayaran ko naman ito lahat kapag patay na ako. Malapit ang convenience store sa flat namin kaya madali lang akong nakarating. Pagpasok ko sa flat ni Leyn, naabutan ko siyang gising pa at nanonood. Agad ko siyang tinabihan sa couch at pinalupot sa braso niya ang aking kamay.

"How was your day, Wonderwoman? Are you done saving the world?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin na dahilan ng pagngiti ko.

"Muntik na akong mahuli," umpisa kong sabi. Nakita ko ang agad na panlalaki ng mga mata niya. She knew all my side hussles here in Scotland. Para saan pa ang paglilihim at si Leyn lang din naman ang pamilya na meron ako. "I almost die in the convenience store. Buti na lang nakisama si Mirabel sa akin pero tingin matatanong iyon bukas. She saw Dominic and heard offer me a ride to here."

"Tinanggihan mo naman ba iyong boss mong hottie?"

"Malapit na lang kasi ang bahay ko sa convenience store saka makakahalata siya dahil doon ako pumasok as Love."

"Gagi ka talaga girl."

"Naiwan ko pa ang mask ko na kinuha niya. Kilala niya raw ako at nasa akin pa ang coat niya. We're even now."

"Ay hindi bakla," kunot noo akong tumingin sa kaibigan ko. "He has your butterfly hairpin plus the mask. Hindi kaso even at lamang siya." Doon ko napagtanto na tama si Leyn. Hindi nga kami patas ni Dominic at habang tumatagal, mas marami pa yata akong maiiwan sa kanya kaysa ang makukuha ko. Ano ang nangyari sa hindi porke't gusto ay makukuha na? Hay, Heart, wala na talo ka na at kailangan na lang sumunod sa daloy ng tadaha.

***

DAHAN-DAHAN akong naglalakad at sa kamay ko ay may magandang boquet. Namangha ako sa suot ko na wedding gown dahil ito ang pangarap ko na disenyo. Hinayon ko ang tingin ko sa dulo ng altar at doon nakatayo na tila naghihintay sa akin ang isang bulto. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at pilit inaaninag ang mukha ng tao sa dulo. Nadaan ko si Leyn na kahit nakangiti ay may nangingilid na luha sa kanyang mga mata.

Alam niyang pangarap ko ito. Ang makasal at buo ng pamilya - isang malaki, simple at masayang pamilya na hindi ko naranasan noon. I wasn't born rich and I have to work hard to feed myself everyday. Lahat na yata ng klase ng hirap ay napagdaan ko na kaya naging pangarap na nais ko maabot ang maging maalwan naman at ito na yata iyong pinakihihintay ko. Sa dulo nitong nilalakaran ko na aisle ay naroon ang lalaking kukumpleto sa akin dahilan upang mapangiti ako.

Malapit na ako at nakita ko na naglahad na siya ng kamay sa akin nang aabutin ko na ay hindi ko nagawa sa unang beses. Sinubukan ko muli hanggang sa magdaop ang aming mga kamay. Unti-unti nawala ang tila ulap sa kanyang mukha at nakilala ko na ang may-ari ng kamay na hawak ko.

Dominic?

Agad akong bumitaw at tila malalim na hukay ang binagsak ko hanggang sa dumilim ang buong paligid.

"Aray!" Reklamo ko ng matagpuan ko ang aking sarili sa sahig habang nakabalot ng puting kumot. "Panaginip lang pala ang lahat."

Himutok ko pa saka dahan-dahan na bumangon. Kamot-ulo kong inaalala ang huling eksena bago ako mahulog. Si Dominic, naroon siya pero bakit? Higit isang linggo ko na siyang hindi nakikita at kagabi lang ay nakatanggap ako ng email sa kanya. Laman noon ang address ng bahay nila kung saan ko tuturuan si Venice.

Sunod-sunod ko na kiniling ang ulo ko. "It was a bad dream. A real bad dream. Gising, Heart, kailangan mo kumayod at huwag magpatansya."

Dahan-dahan akong tumayo at hinagod ko pa ang tumama kong likod sa bakal na paa ng upuan sa gilid ng aking kama. Buti na lang hindi ulo ko ang napuruhan sa aking pagbagsak kung 'di purdoy na naman ang aking bulsa nito. Inayos ko ang aking kama saka dumiretso sa banyo upang maligo at maghanda na sa pagpasok ko. Ngayon ang aking unang araw bilang tutor ni Venice at pagkatapos sa McDanes naman ako papasok at hindi naman nagbago ang oras ng pasok ko Foyer. Naayos ko na ang schedule noong Sabado at ngayon nga ay handa na akong sumabak sa panibagong hamon sa aking buhay dito sa Scotland.

Paglabas ko sa banyo, agad ko binukas ang aparador at pumili doon ng damit na susuotin. Pinili ko iyong tatlong floral dress at nilatag sila sa aking kama. Ang isa doon ay lampas tuhod ang haba na may slit. Iyong dalawa naman ay maikli at kung uupo ako ay makikita na ang buong pagkatao ko. Nilikom ko iyon saka binalik sa aparador. Masyadong active na bata si Venice at nasisiguro ko na maghahabulan kaming dalawa nito mamaya. Kinuha ko iyong puting dress shirt, cream knitted jacket at itim na skinny jeans. Ito na lang susuotin ko at komportable pang kumilos sa mga 'to.

"Girl, dinner tayo later," wika ni Leyn ng idungaw niya ang ulo sa bahagyang nakabukas na pintuan.

"Sige pero sa McDanes ako manggagaling kaya baka ma-late ako ng kaunti,"

"Ayos lang. Willing to wait naman ako,"

Inirapan ko siya at tinuloy na ang pag-aayos sa aking sarili. Light makeup lang nilagay ko sa mukha at mamaya na lamang mag-full pack kapag nasa McDanes na ako. Doon at sa Foyer importante na naka-makeup ang staff para daw presentable tingnan kahit na paglilinis lang ng naman lamesa at pag-serve ng order ang akin trabaho. Ang mahalaga kumikita ako ng pera sa mga pinagagawa ko sa aking buhay. Malaking dagdag sa ipon ko ang bayad ni Dominic sa pub house noong nakaraan kaya nakapagsibi ako ng pambili ng personal ko na pangangailangan. Isang dahilan kaya pumayag ako na sumama sa dinner date ni Leyn.

"Alis na ako. Kita tayo mamaya!" Paalam ko matapos makapagsuot ng sapatos.

May ngiti sa labi akong lumakad palabas at binati iyong mga kakilala ko. It's a beautiful Monday morning and I shouldn't be late on my first day at new work. Para iwas bad impression na rin dahil mukhang dito kay Dominic ako kikita ng malaki. Nag-search ako ng tungkol sa kanya kagabi na tingin ko ay isang dahilan kaya napanaginipan ko siya. Nalaman ko na may firm siyang sarili sa Pilipinas na iniwan sa pamamahala ng kaibigan.

Dito sa Scotland siya magsisimulang muli bilang consultant ng law office ni Atty. Travis McTavish - kaibigan at kababata rin ni Dominic. Sa edad niya na trenta 'y singko, marami na siyang achievement at medyo nahiya naman ako. Inisip ko na lang may kanya-kanya tayo timeline na sinusunod at baka hindi marunong magpahinga si Dominic kaya marami na siyang naabot agad. Sumakay ako ng taxi at agad ko binigay sa driver ang address ng bahay ni Dominic. Kasama contract ko ang transpo allowance kaya malakas ang loob na magtaxi as long as may resibo na ibibigay sa akin kapalit ng bayad ko.

"Maganda pala ang Glasgow kapag nakasakay ka sa sasakyan,"

Ngumiti ako at tinuloy pagmamansid hanggang sa huminto sa isang malaking bahay ang taxi na sinasakyan ko. Ito na ba yung bahay ni Dominic? Hindi ito ang in-expect ko na madatnan. Sobrang laki nito at kung ako nakatira ay aalog-alog ako rito. Napukaw lang ang ginagawa ko pagmamansid ng kalabitin ako ng driver. Agad ako naglabas ng bayad at kinuha sa kanya ang resibo na mabilis ko sinuksok sa aking bag sak bumaba na.

Muli ko sinipat mula sa gate hanggang sa pinakabubong ang bahay sa harapan ko. It's more like a palace to me and I once dream to live in this kind of place. Soon maabot ko rin ang mga pangarap ko. I'll be living in a place like this five years from now. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at muli bumalik sa balintanaw ko ang tungkol sa aking panaginip.

"Careful!" Sigaw na gumulantang sa akin dahilan upang mawalan ako ng balanse at muntikan na matumba mabuti na lang may mabilis na kamay na sumalo sa aking baywang. "Got you," Dominic said to me.

On cue, tumibok ng mabilis na mabilis ang puso ko at parang nagkatawang tao ang nasa aking panaginip. Is this still a bad dream? Can someone wake me up? What a handsome view for a week!

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro