Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER ELEVEN: NOT MY BIRTHDAY

CHAPTER ELEVEN: NOT MY BIRTHDAY

Heart

NAGISING ako sa malakas na tunog ng alarm clock na in-on ko kagabi bago matulog. Kinapa ko iyon, at kinuha saka pinatay. February 14... iyon ang date na nakita ko sa screen ng aking cellphone. February 14, araw ng mga puso. Araw ko pero hindi ko naman birthday ngayon. Pinangalanan lang ako ni Mama na Heart dahil nang makita niya ako literal na naghugis puso daw ang mga mata niya. Istorya na dala ko hanggang ngayon. Marahan akong pumaling sa gawi ng bedside table ko kung saan nakapatong ang picture na kasama ko ang aking mga magulang. Ngumiti ako at kinuha iyon pagkababa ko ng aking cellphone sa unan.

"Miss ko na kayong dalawa. Are you watching? Did you see me now? I'm all alone in the land of braves. Tingin ko para ako sa lugar na ito kasi matapang ako. This country will definitely love me." I confidently say and put back my parents picture on the bedside table. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at marahan na bumangon. Another day to conquer, another day to make this country love me more.

Inayos ko ang higaan saka kinuha ang tuwalya sa likuran ng pintuan at sinampay iyon sa balikat ko at lumabas na. Leyn greeted me good morning and handed a cup of hot chocolate milk together with a piece of rose.

"Para saan ang bulaklak?" tanong ko sa aking kaibigan.

"Happy Heart's Day! Wala kang jowa kaya ako na lang nagbigay sayo." Umirap ako kay Leyn saka nilapag sa lamesa ang baso ng mainit na tsokolate at kinuha iyong isang balot ng tasty bread. "Wala bang special day off ang boss mo since Valentine's day naman ngayon."

"Lilipas din naman ang araw na ito saka mas kailangan ko ng pera kaya kahit may day off tatanggihan ko na lang,"

"Mag-asawa ka lang ng Scottish para hindi mo na kailangan mag-work,"

Pinaningkitan ko ng mga mata si Leyn. "I don't need a man to provide for me. I can provide for myself."

"You cannot provide for your other needs. You know, that feeling only men can give."

Kumindat siya sa akin saka ngumisi. Talaga naman itong babae na ito panira ng paninindigan. Kaya ko naman buhayin ang sarili ko pero tama din si Leyn. Pero ulit, hindi iyon ang focus ko. Kailangan ko na ng pera, pera, pera para yumaman na at tuparin ang aking mga pangarap. I want to travel the world, meet new people and have the life I've been wanting to have. For now, savings muna ang focus ko para magawa ang mga gusto ko.

"May party ako na pupuntahan mamaya. Gusto mo sumama? Baka doon mo na makilala ang lalaking magpapa-init ng iyong mga gabi."

I rolled my eyes. Ano ba ang binabasa ng isang ito at kung ano-ano ang lumalabas sa bibig?

"Manonood na lang ako ng TV pag-uwi ko mamaya. Dagdag pagod lang ang mga party na iyan."

"Nagpa-praktis ka na ba kung sakaling mauwi ka sa pagiging matandang dalaga? Come on, Heart, sumama ka na sa akin. It's your day so we should let the world meet you and drown ourselves with alcohol."

"Whatever, Leyn! Titingnan ko kung makaka-uwi ako agad. Kung papayagan akong umuwi agad ni Venice."

"Sabi sayo, mag-apply ka na rin na maging nanay ng bata na iyan." Naiiling akong lumapit sa lamesa at kinuha iyong inumin na inabot niya sa akin kanina. "Single naman ang boss mo saka hindi niya tunay na anak iyong bata."

"Hindi pa nakaka-move on sa first love ayon sa tsismis ng kapatid niya,"

"Nice. Already building your foundation. Isunod mo na si Mrs. Trinidad para sure ball na ang lahat,"

"Ewan ko sayo. Matulog ka na nga!"

"Sasama ka sa akin mamaya ha?"

"Bahala na!"

Hindi ako mahilig maki-party pero wala naman masama kung susubukan ko. Kaso lunes ngayon tapos magpa-party ako? Bahala na nga talaga...

TULOG na si Leyn ng muli akong lumabas sa aking kwarto na nakabihis pamasok na. Naglagay ako ng pulang ribbon sa ulo na siyang ginawa kong panali sa buhok ko. Ipinareha ko iyon sa suot ko na simpleng dress at puting sneakers. Sinukbit ko ang bag sa aking balikat saka dinampot ang susi ko sa bahay at lumabas. I was greeted by our neighbors with a smile on their faces.

Kinawayan ako noong mag-asawang kapitbahay namin na naglalambingan sa may veranda nila. Paglakad ko, pulos magkakapareha din ang aking nasasalubong. Sweet sa isa't-isa at punong-puno ng pagmamahal na nababakas sa kani-kanilang mga mata. Love indeed is in the air today. When kaya iyong akin?

Hanggang sa taxi na nasakyan ko ay tugtugin patungkol sa pag-ibig ang tema. Ibinaling ko ang tingin ko sa dinadaanan ng taxi at hindi ko na naman naiwasan na mag daydream. Biglang sumagi sa alaala ko ang panaginip ko noon. Iyong tungkol kay Dominic na hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng maaaring mapanaginipan ay siya pa. Sobra ko na bang nasaulo ang mukha niya? Iyong mga titig niya, iyong pabangong hindi masakit sa ilong at iyong sparks nararamdaman ko sa tuwing magdidikit ang aming mga balat. Isang malakas na busina ang pumukaw sa akin at nagpabalik sa kasalukuyan.

"Do you want to die?"

Narinig ko na sigaw ng driver sa tumatawid na muntik na niya mabangga. Akala ko chill-chill lang si Kuya Driver, hindi pala. Muntikan pa ako sumubsob sa unahan. Napatingin ako sa labas at napansin ko na isang kanto na lang ay malapit na kami sa bahay ni Dominic. Agad ko kinuha ang atensyon ng driver at nagbayad na. Bumaba ako pagkakuha ng resibo saka tumawid papunta sa cake shop. Ibibili ko si Venice ng flower shaped desserts para mas lumawak ang recognition niya ng mga bagay.

"Thank you and happy valentine's day!" May ngiti sa labi kong sabi sa attendant ng cake shop pagkakuha ko ng order ko.

Dali-dali akong lumabas saka lumakad na papunta sa bahay ni Dominic. Nang makarating ako doon, agad ko nakita si Venice na nag-iintay sa labas ng bahay nila. Kasama niya si Dominic at napansin ko ang hawak niyang bulaklak agad. Mukhang may date siya ngayon. Eh 'di sana all may date!

"There she is," sambit ni Dominic nang makita ako. Lumiwanag mukha ni Venice at patakbong lumapit sa akin. Sinalubong ko siya at tinugon ang kanyang yakap. Napaka-sweet talaga ng batang ito kahit kailan.

Kumalas sa yakap namin si Venice at inabutan ako ng card na naging makulay dahil sa ginamit niya.

"Did you make this?" Tumango siya bilang sagot. Akto ko iyon ibabalik sa kanya ngunit 'di niya tinaggap. "Is this for me?" Tumango siya saka may sinulat sa tablet na hawak at ipinakita sa akin. "Birthday gift?" Nako lagot, inisip yata ni Venice na birthday ko ngayon porket Heart ang pangalan ko.

Inumang sa akin ni Dominic ang bungkos ng bulaklak na hawak niya.

"Happy birthday, Heart!" Bati niya sa akin na dahilan upang makagat ko ang ibabang labi ko. "Why? Don't you like the flowers? Personal choice ni Venice iyan," tinanggap ko pa rin kasi ngayon lang ako nabigyan ng bulaklak ng isang lalaki. Mukhang mahal pa yata ang bili niya rito. Inamoy ko iyon at fresh pa ang mga bulaklak.

"Eh, hindi ko po kasi birthday. Walang kinalaman ang pangalan ko sa Valentine's day pero akin na 'to, Atty. First time ko makatanggap ng bulaklak galing sa isang lalaki,"

"It's not from me. Si Venice ang pumili,"

"Pero ikaw ang bumili."

"I'll deduct that to your salary."

"Grabe... wala ka bang puso?" tanong ko na sinagot niya ng tango. Walanghiya naman pala itong lalaki na ito magkakaltas pa ng sahod. Hindi bale magkano lang naman ito at 'di na siguro sa masakit sa bulsa. Naramdaman ko ang paghila ni Venice sa laylayan ng dress ko at tinuro ang bulaklak na hawak ko. "Do I love these flowers? Of course, yes. Thank you, Venice." Pinakita ko kay Venice ang binili ko na treats para sa kanya at tuwang-tuwa naman itong kumuha ng isa saka kinain. Pinahiran ko ang bibig niya na nabahiran ng chocolate.

"Let's get inside now," seryosong pukaw sa amin ni Dominic saka kinalong na si Venice. Hindi ko tuloy maiwasang maamoy na naman ang pabango niya. Nauna silang maglakad papasok sa akin.

"Thank you, Atty!"

"It's not for free."

"Thank you, pa rin!"

Hindi na siya lumingon at kinawayan ako ni Venice na sumunod sa kanila sa loob. Tin man ba siya? Saksakan naman ng kuripot nito. Saka hindi ba niya nabasa na sa December pa ang birthday ko? Pasalamat pa siya at gwapo kung 'di hinampas ko na sa kanya itong mga bulaklak. Huwag na pala dahil ang ganda-ganda ng mga ito at nakakakilig ng kaunti kahit salary deduction naman pala.

Nasalubong namin si Mrs. Trinidad at Bia pagpasok. Binati nila ako dahil ang sabi ng mag-ama ay birthday ko ngayon.  Pinabulaanan ko iyon at tinawanan nila si Dominic na madaling nalinlang ni Venice kaya napabili ng bulaklak para sa akin. Mrs. Trinidad handed me an empty vase and there I put the flowers. Kinuhanan ko iyon ng litrato saka in-upload sa aking social media account.

"What's your username?" tanong na pumukaw sa akin na galing pala kay Bia.

Binigay ko iyon sa kanya at sinabi na na-follow na niya. Mamaya ko na lang i-che-check kapag lunch break. Nakangising umalis si Bia at iniwan ako sa kusina. Ang weird din ng isang iyon gaya ng kapatid niya. Naiiling akong nagligpit ng kalat at nagdesisyon na puntahan na si Venice sa study room nito.

===

Bianchi Trinidad (Biaaaaa) started following you.

Bianchi Trinidad (Biaaaaa) commented on your photo.

Beatriz Natividad-Lewis (BeaLewis) commented on your photo.

Beatriz Natividad-Lewis (BeaLewis) started following you.

Maximillien Lewis (MaxLewis) started following you.

Dominic Trinidad (dominictrinidad) started following you.

Dominic Trinidad (dominictrinidad) liked your photo.

Leyn Zaragosa (leynZ) liked your photo.

===

KUMUNOT ang noo ng makita ang apat na follow notification na bumungad sa akin pag bukas ko ng cellphone ko. Lunch break at si Venice ay sumama kay Dominic na mag lunch. Dito ko pinili kainin iyong baon ko sa garden ng bahay ni Dominic para makalanghap ng preskong hangin. Curious ako kung sino si Bea at Max na nagfollow sa akin pero mas nanaig ang curiosity ko sa account ni Dominic. Pinindot ko iyon at sinilip ang laman ng news feed niya.

Nahinto ako sa pagkain nang makita isa-isa ang laman ng account feed ni Dominic. Kukurap-kurap pa ang mga mata ko upang masiguro na hindi ako nanaginip. Unang picture palang mapapasigaw ka na ng extra rice. Bakit naman ganito? Hubadero pala sa social media ang boss ko at hindi naman ako na-inform.

The kiss we shared suddenly flashed back when I focused my eyes on his lips. Hindi ito maganda at dapat ko na tinigilan ngunit hindi nagkakasundo ang puso at isipan ko. My heart wants to stop scrolling while my mind says continue browsing and ogling over my boss' pictures. This is heaven! Bakit ko lang nalaman na hindi naman pala siya nomad at may social media naman pala? Kasalanan ito ni Leyn na sinira ang paninindigan ko kanina.

"That's  stalking, you know?" Nagitla ako at pabagsak ko na naitaob ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim saka hinawi ang buhok at inilagay ang mga hibla sa likod ng magkabila kong tainga. "Satisfied?"

Umiling ako pagtingin kay Dominic. "I-I'm not s-stalking you." Ugh, bakit ako nauutal?

"Whatever you say," aniya saka naupo sa tabi ko matapos alalayan na maupo sa upuan katapat noong amin si Venice. Bakit narito silang mag-ama? Nagdikit ang mga balat namin sa braso na nagbigay na naman ng hindi maipaliwanag na kuryente sa akin. Kuryenteng nagpatibok ng mabilis sa puso ko na para bang nais na lumabas sa aking dibdib.

"I remember your Dad always wants us to dine here in the garden. Nakakamiss," napalingon ako agad nang makita si Mrs. Trinidad kasunod si Bia na may mga bitbit na pinggan. "may niluto ako Heart. Kumain ka pa at kaunti lang iyang baon mo."

Nagsalit-salit sa kanilang lahat ang tingin ko. Trip lang ba nila na dito kumain o gusto talaga nila ako sabayan?

"Eat now, Heart," utos ni Dominic sa akin matapos dunggulin ang balikat ko. Paano ako kakain ng maayos kung ganito nararamdaman ko?

"Do you have a boyfriend, Heart?" tanong sa akin ni Mrs. Trinidad.

"Wala po. Wala po time para humanap at makipag-date."

"Aba, maglaan ka ng oras para doon. Ilang taon ka na ba?"

"25 po,"

"Ayan na naman si Mama sasabihin na naman niya na noong panahon nila, existing na si Ate at Kuya at age of 25," buska ni Bia sa nanay nila.

"It's true. I married your father when I was eighteen and had Paola agad tapos five years after sumunod si Dominic."

"It's dinosaur age pa Mama. Today, women wanted a stabled job and finance before settling down,"

May point naman si Bia at iyon nga rin ang gusto ko gawin. Wala naman ako pakialam kung ano sasabihin ng mga kamag-anak ko bilang ako naman na ang nagpapakain sa sarili ko. Wala akong ni-singkong butas na hinihingi sa kanila. Natigil ako sa pag-iisip sa mga kamag-anak ko ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone. Dinampot ko iyon at patagong sinilip kung kaninong message ang pumasok.

Naririnig ko pa rin ang pagtatalo ni Bia at mama nila pero wala na doon ang buo kong atensyon. Nalipat na lahat sa chat message na pinadala sa akin ni Leyn. Isa pa rin malakas mang-asar itong kaibigan ko kaya maling-mali na nag-upload ako ng bulaklak sa social media account ko.

Leyn: Bakit may pa-bulaklak si Mayor?  Mas marami pa sa binigay ko kanina. Ayan ha, mukhang 'di ka na single bago ma-expire visa mo hahahahaha

Heart: Shut up! 🙄🙄🙄

"Is there a problem, Heart? Mamaya na kasi iyang cellphone na iyan,"

I heard Dominic clicking his tongue and snatched my cell phone away from me. Magrereklamo ako dapat dahil hindi naman ako ang anak niya kaso naalala ko hindi lang pala kami ang magkasama dito. I saw Bia smiling ear to ear while staring at us. Ang weird talaga nilang lahat!

NAISIPAN ko na umalis sa gitna ng crowd at magpahangin sa balcony nang iwanan ako ni Leyn bigla. Ms. Scotland kasi ang kaibigan ko, sobrang dami niya kilala kaya ito nag-host ng valentine's day party kasama ang isang kilalang Scottish model na nakilala sa Foyer. I've met Alexander a while ago and he's really good looking but not my type. Sinabi ko na iyon kay Leyn pero ang loka-loka kong kaibigan, marami palang choices. Napilit niya ako sumama bearing a promise that we will leave before eleven in the evening.

Lumanghap ako ng hangin saka sinandig ang magkabila kong braso sa railings ng balcony. Iyong mga ganitong klase ng party ay patok sa Glasgow at kung saan pa na parte ng Scotland. Napangiti ako ng mapagmasdan ang view na bumungad sa aking harapan. Scotland at night is far different. Ang wild, ingay, at maraming maaaring mangyari sa loob lamang ng isang gabi. Na-miss ko bigla ang buhay ko sa Foyer kung saan nakita ko lahat ng klase ng tao.

"I didn't know that you love to party, Heart." Pukaw na salitang agad na nagpalingon sa akin. Dominic? What is he doing here? "Anong nakakagulat? Hindi din ako puro trabaho. Marunong ako mag-unwind, makipag-mingle at sumama kung kani-kanino," wika niya sa akin.

Nakakagulat in a way na akala ko talaga puro lang siya trabaho. Minus the fact that he unwind in a place where he first met me. Lugar na mahirap ilarawan at hinding-hindi papasukin ng isang Dominic Trinidad pero nagawa niya. Kinita pa nga niya ako ng isang beses pa bago siya huminto sa pag-contact sa kakilala ni Dylan. All I knew was he's some kind of workaholic guy. Looks can be deceiving talaga.

"Unwinding on a Monday night...." Mahina kong sabi.

"Weird, right?"

Tumango ako. Usually, sa Pilipinas, bibihira ang mga lumalabas kapag Lunes ng gabi. Iyong mga nagwalwal ng Sunday night may hangover pa kapag Lunes. Kaso sa bansang ito, hindi yata uso ang salitang hangover.

"Heart - oohh your boss is here too. Enjoying the night... what's your name again?" Inakbayan ako ni Leyn saka inabot ang baso ng cocktail drink at inabangan na sumagot si Dominic.

"Dominic." Matipid na sagot ng boss ko. "Yes, I'm enjoying the night so far. The music, the people, they're all entertaining."

"Good to hear that." Binalingan ako ni Leyn at may ngiting nakakaloko sa mukha niya. "I'll leave my friend to you, Dominic. Be gentle because she's single for all of her life. Proud member of NBSB ito. Make her day extra special, please?"

Gusto ko na lang takpan ang mukha at tainga ko. Nakakahiyang kaibigan itong si Leyn talaga. Niyakap pa niya ako at may kung anong sinuksok sa bulsa ng suot ko na damit. Hinalikan niya sa pisngi bago tuluyang iniwan kay Dominic.

"She's drunk,"

"Yeah, she is." Sandali kami binalot ng katahimikan bago muling nabasag ng magsalita si Dominic.

"Single for all of your life?"

"Huwag mo na ipaalala na nilaglag ako ng kaibigan ko, Atty. Nakakahiya sobra..."

Dominic chuckled softly and damn him that was sexy. Sandali na pinanuyuan ang aking lalamunan dahilan upang mainom ko ang laman na inumin ng basong hawak ko.

"Call me Dominic. We're not at work, so it's better if you addressed me on my first name,"

"Dominic." Ulit ko saka ngumiti. "Have you been in a relationship before? Ang lakas mo mang-asar diyan tapos baka mamaya NGSB ka rin pala,"

"Almost."

"So, NGSB ka nga?"

"I had flings. Counted pa rin ba na no girlfriend since birth iyon?"

"Malandi ka pala,"

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin. Dominic leaned forward to me. I can feel the warmth of his breath against the skin on my neck.

"No I'm not, Heart. They're just weak of my charms." Ako rin yata... Lord, help me. Sabay kaming nag-angat ng tingin ng magsigawan ang mga kasama namin sa bahay. Mas nagiging wild na ang paligid dahil sa epekto ng alak sa sistema nila. "Do you want to change places? Somewhere we can talk quietly,"

"Where? Cemetery?"

Dominic chuckled once again.

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o talagang mainit. Tama ba itong nararamdaman ko? Hindi kaya ako matupok ng init na ito at masunog na lang basta? When he held my arm, a sudden jolt of electricity flowed through my veins to my heart that made it beat faster. Mas mabilis kaysa sa normal na pagtibok at sa unang naramdaman ko kanina noong magkatabi kaming kumain. Saan ako dadalhin nitong nararamdaman ko? Tama ba na sumugal sa pansamantala lamang? Kaya ko ba itong panindigan?

"In a place where we can be alone, Heart," aniya.

Napalunok ko.

Hindi na ako nakapalag at nagpatianod na lamang sa kanya.

===

Bawal marupok Heart kaso too late HAHAHAHA 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro