CHAPTER EIGHT: SIDE JOB
CHAPTER EIGHT: SIDE JOB
-Dominic-
NANG sabihin ko kay Heart na bibigyan ko siya ng salary increase kahapon, seryoso ako doon pero may kailangan siyang gawin bago makuha ang gusto niya. Kailangan niyang gawin ang side job na ibibigay ko sa kanya ngayon. I prepared a pail filled with clean water and another with cleaning soap. Hinanda ko rin ang gagamitin niyang gloves para naman hindi niya isumbat sa akin ang kung sakaling mag-sugat ang kanyang mga kamay. Para hindi halatang ginawa ko ito para pag-trip-an siya, dinamay ko ang kapatid ko dahil may kailangan din naman si Bia sa akin.
Sumandal ako sa kotse ko ng makitang lumabas na sila sa bahay. Tumakbo palapit sa akin si Venice at nagpakalong agad.
"Why did you ask me out, Kuya?" tanong sa akin ng kapatid ko na tila takot na takot sa araw. Panay ang takip niya sa mukha na para bang masusunog iyon kapag naarawan. Kung ano-ano kasi ang nilalagay sa mukha kaya ayan hindi na makagala ng maayos tuwing umaga. Dinaig pa niya ang mga bampira sa palabas ngayon.
"Do you want to get your allowance?" Balik tanong ko sa kanya.
Sunod-sunod na tumango ang kapatid ko at pinagkiskis pa ang dalawang kamay na tila ba nagmamakaawa sa akin. "Lahat gagawin ko ibalik mo lang sa akin ang allowance ko."
"Anything, huh?"
"Anything." Ulit ni Bia dahilan para mapangiti ako. Binaling ko ang aking tingin kay Heart na matama lang nanonood sa amin. "You want a salary increase, right?" Nagpalit-palit ang tingin niya sa amin ni Bia na para bang hindi inasahan ang aking sinabi. "Allowance and salary increase..."
"Ano ba ang gagawin, Kuya?" tanong ni Bia at doon ko tinuro ang balde saka basahan sa kanila. "What am I going to do with pails and rags?"
"Clean mom's car and you, clean my car,"
"What?" Magkapanabay nilang sabi na halos pasigaw na nga.
Nagkatinginan pa silang dalawa ni Bia habang ako ay ngumiti lang at matamang binalingan si Venice na kalong ko.
"Clean the car or no allowance?"Hamon ko pa kay Bia.
Kailangan niya ito dahil nadinig ko na may gala sila ni Ryker sa London. Ayaw palang siya payagan ni Mama pero tingin ko malapit na niya mapapayag ito. Naghain na ng mga gagawin niya payagan lang gumala kasama ang boyfriend. Pati pag-aalaga kay Venice ay inako sa loob ng isang buwan.
"Clean the car." May inis pa sa tinig ni Bia pero binalewala ko na lang.
Inabot ko sa kanya ang basahan at pinaumpisa ng linisin ang kotse ni Mama. Wala din naman siya ibang choice kung 'di sumunod dahil malaki ang allowance na meron siya kapag galing sa akin. Kapag kasi inabot ko kay Mama, binabawasan pa dahil sa bahay naman siya nakain ng almusal pati na hapunan. Reasonable naman at iyong binabawas ni Mama ay napupunta sa savings na binukas para sa kapatid ko. Masyado kaming kilala ni Mama at itong si Bia ay likas na magastos pagdating sa mga libro. Ang Mama na ang nagkusa na mag-ipon para sa kanya.
"How about you?" Baling ko kay Heart.
"Seryoso ba talaga iyan? Bakit hindi ka na lang magpa-car wash?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"I'm not going anywhere today. I'll take care of my daughter, and when you finish cleaning, you can start teaching her." In this case, hindi ko na kailangan mag-revise ng contract ni Heart at nabigyan ko pa siya ng side job na kailangan na kailangan niya. Para na rin makatulog ako sa gabi dahil tila pelikulang umulit-ulit sa isip ko na natanggal siya sa isa niyang trabaho dahil lang sa pinaghinalaan ko siya. Mahirap pala magkaroon ng konsensya.
"Ano ba namang buhay ito?"
"You were saying?" Kunwari hindi ko narinig ang reklamo niya.
"Wala po maglilinis na po ako,"
"Good." Pumasok ako sa loob ng sasakyan kasama ni Venice. I saw a disbelief look on Heart's face. "What? I need to supervise you both. I'll stay here with my Venice."
Nakita ko na nagkatinginan pa sila ni Bia na tila ba kinukulam na nila ako sa kanilang isipan. Sa ganyan naman nagkakasundo ang mga babae, na para bang ang laki-laki ng kasalanan sa kanila. Of course, they need to work for the reward first. Parang ang off naman kung basta ko na lang ibibigay ang gusto nila. Kailangan nila paghirapan para worth it.
"Gwapo nga judgemental naman at pahirap."
"You were saying, again?"
"Sabi ko, ang saya maglinis ng ganitong panahon. Presko pa at ang hangin-hangin."
Inayos ni Heart ang kanyang buhok at itinali iyon pataas. That exposed her nape which is slightly familiar to me. Ngumiti siya saka pinagbutihan pa ang pagkukukos sa kotse pagkatapos. Pinanlakihan niya akong ng mga mata na tila ba kasalanan na tinitigan ko siya. Kinamot ko ang aking kilay at nagkunwaring binalingan si Venice na nakahilig sa aking dibdib. Inaantok pa siya lalo lang siyang totopakin kung tatanghalin sa higaan.
"It should be spotless and thoroughly clean. I'll check that by myself. I'll be back, okay?" Bumaba ako sa aking kotse buhat si Venice.
"Yes, boss!" Sabay nilang sambit ni Bia saka nagpatuloy na sa paglilinis ng sasakyan.
Tumalikod ako at tumungo na sa loob ngunit lumingon pa ako ulit sa kanilang dalawa upang tingnan kung nagta-trabaho ba sila. Tumango-tango ako at mukhang nag-e-enjoy naman silang dalawa sa ginagawa. Sa kabila ng init at tirik na tirik na araw ay nakangiti pa rin silang dalawa. I achieved to give them a productive morning and it's fulfilling. Tingin ko gagawin ko na ito palagi para na rin sa pansarili kong entertainment.
A great source of entertainment...
***
PAREHONG abala sa kani-kanilang cellphone si Bia at Heart habang nakatayo hindi kalayuan sa mga nilinis nilang sasakyan. Tumikhim ako para kuhain ang kanilang mga atensyon. Nalipat ang atensyon ni Bia sa mga kuko niya na kahit na nabalutan ng gloves kanina ay tinitingnan pa rin. Nangangamba ako na baka hindi lang allowance ang singilin sa akin ng batang ito kung 'di pati na pagpapa-ayos sa kuko. Muli ko binaling ang tingin sa mga kotse.
"Walang dumi 'yan, Kuya." Paalala sa akin ni Bia. Kahit angat kami sa lipunan, naturuan naman namin ang sarili sa mga gawaing bahay. Hindi kasi kami pinapakilos nila Mama at Papa pero kapag nasa ibang bahay kami, nag-co-contribute kami sa mga gawain. "Can I go now? I-wire mo na lang sa bank account ang allowance ko, ha?" Akma siyang aalis pero nagsalita ako.
"Hep, stay there. You're not going anywhere today," wika ko sa aking kapatid.
"Bakit? May ipapagawa ka pa ba?"
"If you want to get approval to go out on a trip, better contribute to household chores, young lady." Napalabi ang kapatid ko saka bumalik sa kinatatayuan niya kanina. Sunod ko tiningnan ang kotse ko na nilinis ni Heart. "Venice is already at her study room."
"Bakit siya pinakawalan mo agad?" Reklamo ni Bia ng paalisin ko na si Heart.
"She's not my sister." Simple kong sabi saka inabutan ng basahan si Bia.
Nagmaktol pa siya pero ginawa din naman ang inutos ko sa kanya. Iniwan ko siya doon at pinuntahan si Heart at Venice sa study room. Pagpasok ko doon, nakita ko na tinuturuan ni Heart si Venice sa pamamagitan ng pakikinig ng mga tunog ng bawat letra na bahagi ng alphabet. Kapansin-pansin ang pagiging interactive ng anak ko na hindi niya nagagawa sa ibang mga tutor na nagkaroon siya. Venice even trying to open her mouth just like what Heart taught her to do but there's still no sound.
Nag-desisyon akong hayaan sila at tawagan na lang ang doktor ni Venice. Nagkasundo kami na i-report sa kanya ang improvement ng anak ko kada-ikalawang araw. Tingin ko ay improvement ng matatawag itong pagiging interactive ni Venice sa bago niyang tutor. Nakakaba lang ang attachment na meron sila dahil nagagawa ng anak ko na tumakas para lang sundan si Heart. Mabuti na lang at hindi siya masyadong nakalayo kahapon saka kabisado niya ang daan pabalik sa bahay namin.
"Should I bring my daughter?" tanong ko sa doktor ni Venice. Dito sa loob ng aking kwarto ginawa ang tawag upang hindi marinig ng miski sino.
"No need, Atty. Trinidad. As long as she's performing well and her tutor is a real help, we don't need to worry." Iyon ang bilin sa akin ni Dr. Mckenzie saka tinapos na ang usapan namin. Muling tumunog ang cellphone ko at pangalan naman ni Travis.
"Yes, I'm listening." Agad na sabi ko pagkasagot sa tawag niya.
"Where are you? I need to bring some documents for you to sign." Alam naman ni Travis na hindi ako nagta-trabaho kapag nasa bahay pero mukhang wala naman akong choice.
"I'm at home, cleaning and taking care of my daughter."
"Can I go there and bring these documents?"
"Sure. I'll prepare a parking slot for you," sabi ko saka tinapos na ang pakikipag-usap sa kanya.
Malalim akong huminga saka ginulo ang aking buhok. Napatingin ako sa mask na nakapatong sa bedside table. Hindi ko pala naisosoli iyon at hindi ko rin naman alam paano siya ma-co-contact. Hindi siya nag-iwan ng anumang contact number kung saan ko siya pwedeng tawagan. Dumagdag pa sa frustration na meron ako ngayon. Muli, malalim akong humugot ng hininga.
***
"COME ON, join me tonight. A client invited me to her birthday party." Napatingin ako kay Travis na kanina pa paikot-ikot sa loob ng office ko. Doon siya pinapunta matapos batiin si Mama at asarin si Bia na tumutulong sa mga gawaing bahay. "You can ask Bia to take care of Venice tonight,"
Umiling ako. Desidido na ako mag-stay muna sa bahay habang hindi pa nakakatagal sa trabaho si Heart upang hindi na maulit ang nangyari kahapon. I don't want to leave my daughter behind yet. Tingin ko kailangan niya ako at nitong mga nakaraan na linggo ay masyado akong naging abala sa aking trabaho. Iyon lang kasi ang kaya kong gawin upang makalimot. I need to plant a good memory on my daughter's mind. Napuno kasi iyon ng masasamang alaala noon at gusto na mapalitan iyon
"I'll go next time. Just let me have quality time with my daughter for now." Pakiusap ko sa aking kaibigan.
"You know, I think I know what you need right now."
"What is it?"
"A wife! You need to marry someone so you can give a mother figure to your daughter."
Iyon nga ba talaga ang kailangan ko ngayon? Meron nasa kung ako lamang ang pinili at hindi iyong lalaking mas nakakahigit sa akin.
"Not a priority, Travis."
"You should prioritize it now. You have a daughter that needs a complete family."
Kulang pa ba ang pamilya na meron kami kasama si Mama? Hindi na ako nakasagot dahil kumatok at pumasok si Mama sa aking opisina. May dala siyang meryenda para sa aming dalawa ni Travis na nilapag nito sa center table. Tuwang-tuwa syempre ang kaibigan ko na fan ng mga lutuin ni Mama. Pagkatapos makipagkwentuhan sa amin ay lumabas na rin siya. Sabi ni Mama magandang ideya ang pinagawa ko kay Bia at tingin niya maari na nitong payagan na gumala kasama ang boyfriend nito. Gumaan din ang mga trabaho niya sa bahay dahil sa ginawa kong pag-utos kay Bia na kumilos ngayon.
"I don't think I can find a woman that will fit for my impeccable taste."
"You had met someone, but she didn't give you any contact information."
"I don't think so,"
"Come on, dude. You seemed to be interested in that girl. You even met her twice."
"How did you know?"
"I have my ways," Bigla ko naalala ang sinabi ni Love sa akin tungkol sa banat na sinabi ni Travis. Hindi ko maiwasang mapangiti. "Now, you're smilling strangely. Stop that, it's creepy."
"Shut up and get these now."
Tapos ko na pirmahan ang mga pinapipirmahan niya sa akin. Nilipon ko iyon saka inabot sa kanya. Kinulit pa niya ako ng kinulit pero hindi ko sinabi kung sino ang dahilan ng pag-ngiti ko. Tumayo ako pagkatapos abutin ni Travis ang mga dokumento at sumilip sa floor-to-ceiling window ng aking opisina. Tanaw ko mula doon si Heart na nakikipaglaro kay Venice kasama si Bia. Hindi ko naman masabi kung ka-close na rin ba ni Heart si Bia dahil pihikan sa kaibigan ang kapatid ko. Doon siya sa kapantay ng energy niya at sa lahat ng naka-date ko, kahit si Bea na hindi ko naman naka-relasyon ay hindi niya kasundo.
"You like your daughter's tutor?"
Maang akong napatingin sa kaibigan ko. Saan galing ang tanong na iyon? Paano niya na-conclude na may gusto ako kay Heart?
"Go away, Travis. Stop pestering me." Tumawa lang siya ng malakas at iniwan na ako mag-isa sa aking opisina. Muli akong sumilip sa bintana at doon nakita ko na binati ni Travis sila Bia sa labas. Kinausap din nito sa Heart na para bang matagal na silang magkakilalang dalawa. Charm na nga siguro iyon ni Heart iyon at pati yata ako ay naging biktima na.
Hindi pwede...
Hapon nang lumabas ako at naabutan ko si Heart na palakad-lakad sa garden na tila may malaking problema. Panay ang paggulo niya sa kanyang buhok habang nakatingin sa cellphone na hawak. Kunot-noo akong lumapit na hindi niya naramdaman. Manhid na ba itong babae na ito? Baka kapag nagsalita ako ay ma-aksidente na siya at may panibago na namang sugat kung sakali. Hinayaan ko lang siyang magpa-ikot ikot at nanahimik sa isang sulok hanggang sa mapansin niya ako.
"I'm sorry, pauwi na ako na talaga." Napansin ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. "S-sige, una ako."
"What's wrong?" Hindi ko na napigilang magtanong. Kasalanan ni Bea dahil naging instant tsismoso ako sa buhay-buhay ng iba. Umiling siya. Alam ko na dapat ay nasa biyahe na siya para maka-abot sa susunod na trabaho niya kaya lang mukhang may problema ito at nasisiguro ko na may kinalaman iyon sa trabaho. Nilapitan ko siya at inayang maupo sa wooden bench malapit sa mga halaman ni Mama. "Problem?"
"Magsasara na iyong isa ko pang trabaho. Bukas na ibibigay ang huling sahod namin," aniya sa akin. "Hindi ko mapigilan maging emosyonal kasi iyong restaurant na iyon ang bumuhay sa akin sa ilang taon ko dito sa Scotland. McDanes is my first employer here. Sumunod lang ang Foyer at iyong amo ko pa sa McDanes ang nag-rekomenda sa akin doon."
Hindi ako nakakibo ngunit may isang tanong sa isip ko pero 'di ko alam kung dapat ko pa itanong. Nanatili akong tahimik hanggang sa maisipan ko na abutan siya ng panyo. Walang pasintabi siyang suminga doon na kinailing ko. She's indeed a one-of-a-kind woman.
"Why do you work three jobs a day again?" tanong ko sa kanya. Iyon din ang tanong sa isipan ko kanina pa. "You said, you're alone in life. For whom do you work hard?"
Suminghot siya saka tumingin sa akin.
"Kapag pinanganak ka na mahirap, nanaisin mo talagang umangat sa buhay. Kaya kahit wala akong paglalaanan ng ipon ko, sige pa rin ako sa pagta-trabaho. Mahirap mamatay nang mahirap ka pa rin. Sabi nga nila, kasalanan mo na kapag namatay ka na mahirap pa rin. Maraming opportunity sa tabi at hangga't kaya ng katawan ko, susunggaban para lang rumangya naman ang buhay na meron ako." Huminga siya ng malalim saka ngumiti. "Sorry, nagtanong ka kasi. Ang drama tuloy ng sagot ko."
"It's fine."
"No, it's not. You're my boss, and we should maintain the professional line intact."
Hindi na ako nakapagsalita. Ano pa ba ang masasabi ko? I'm impressed that she thinks like that unlike other people around me. Somehow, her ideology reminds me of Bea. Hindi rin pinanganak na mayaman si Bea kaya masipag siya at gusto na umangat. Naniniwala din si Bea na dapat intact pa rin ang professional line kahit na close kaming dalawa. Ano ba itong ginagawa ko? Mali ito, I should not think that Heart is the same as Bea. They're two different woman and I have to wake up from dreaming. I have to think straight so I couldn't hurt anyone.
"Work for me full time, Heart, and I won't take no for an answer,"
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro