Chapter 5
Ilang sandali pa ay isa-isa nang nagsilabasan ang mga tao. Dominic then guided her to the second floor of the mansion, through the grand staircase of polished wood. Kamagong daw 'yon ayon kay Dominic. Pagpasok pa lang ni Tori sa opisina ng family head ay agad ang naging pagsimangot niya.
Masyadong gloomy para sa taste niya ang interior design pati na ang color palette at furnitures. Gawa sa leather ang mga upuang kulay kape at matataas ang mga sandalan. 'Yong tipo ng upuan na pwede siyang lamunin dahil sa laki. It looked every inch a men's saloon, complete with a billiard and card table, with low hanging lights over the center.
"Is there a spare room I can use as an office?" tanong ni Tori kay Dominic.
"Kung ayaw mo dito, puwede nating palitan ang interior design at furnitures."
Umiling siya. "I am the first woman to lead this family. Gusto ko ng sariling opisina. Hindi ko gagalawin itong opisina ni Daddy. You can use this, Dom."
"Maraming kuwarto itong mansyon. You can pick any room you like but for the mean time, use this."
Tumango si Tori. Puwede na, isang araw lang naman. Hindi siya magtatagal dito. Ayaw na rin naman niya kasing galawin ang opisina. Pakiramdam niya ay paglalapastangan 'yon sa mga pinaghirapan ng ama. She knew her father wouldn't mind whatever she did to his office. Still, Tori wanted to lead the family in her own terms and style. And having her own office is the start.
"May kilala ka bang interior designer? Gusto kong makipag-usap ASAP kung posible," aniya kay Dominic.
Gumilid ang dalaga sa malaking mahogany desk ng ama. With one hand on her walking cane, her free hand glided over the smooth, shiny surface of the wood, marveling at the coolness she felt. Ang malaking leather chair na nasa likod ng desk ay nagmistulang trono nang makaupo si Tori doon. Masarap sa pakiramdam ang upuan. Para siyang yakap ng malambot na ulap. Sa isip ay nakapagdesisyon siyang kukunin niya iyon at ililipat sa magiging opisina niya. Ibibili na lang niya si Dominic ng pamalit.
"I'll take care of that," sagot ng binata. "Bukas na bukas din."
"Hmm. Mas mabuti. Magre-report na ako sa DS Group sa Lunes. Baka maubusan ako ng oras. Gusto kong personal na asikasuhin ang magiging opisina ko."
"Alright."
Naiwan ang mga bodyguards niya sa labas. Kaya malayang makakakilos si Tori. Ipinatong niya ang namimintig na mga binti sa ibabaw ng mesa, patay-malisya sa tingin na ibinabato sa kanya ni Dominic. Her cane rested against the side of the table, within her arm's length in case she needed it. Bago pa siya masermunan ni Dominic ay mabilis niyang inunahan ang lalaki.
"Masakit na ang mga binti ko."
"Wala akong sina—"
Naudlot ang sasabihin ni Dominic nang may kumatok. Pagkatapos magbigay ng permiso ni Dominic ay bumukas ang pinto. Lumitaw mula sa pinto si Jameson.
"Boss, may gustong kumausap sa inyo. Papapasukin po ba namin?"
"Sino?" tanong ni Tori, hindi pinagkaabalahang ibaba ang mga paa.
Si Dominic ang tila hindi nakatiis. Isang mahinang palo sa mga binti ni Tori ang pinakawalan ng binata. Napilitan tuloy siyang ibaba ang mga 'yon.
"Deputy Heads sa border ng CaMaNaVa at QC. Sina Madam Leah, Carlos Gomez, Krisanto Margallo, Luis Campos at Justin Belleza. Sila po 'yong limang sumalubong sa inyo kanina sa entrance. Naghihintay din po ang bagong dating na si Mr. Aquino."
Napatuwid ng upo si Tori.
"Rowan Aquino? Ano'ng kailangan ng Deputy Head ng District One sa atin?"
"Unahin mong papasukin ang lima. We could save time that way. Kailangan nating makausap si Rowan nang walang ibang nakakarinig," suhestiyon ni Dominic. "May update na rin pala tungkol sa imbestigasyon natin."
"Ah? Mabuti. Sige."
Iyon lang at nagbigay si Tori ng pahintulot na makapasok ang unang limang taong nabanggit. The only woman among the five led the group. Hindi pa kabisado ni Tori ang dynamics ng lima kung kaya pinili niyang obserbahan ang mga bagong dating. Base sa mga ikinikilos ng mga ito, ang nag-iisang babae sa grupo ang lider. Still, Tori wore her pretty smile. Pero dahil nga sa ipinakita niyang disposisyon kanina sa mini-theater, wala ni isa sa kanila ang nakangiti. Pormal ang bukas ng mukha ng limang taong kaharap ni Tori ngayon.
"Boss," panimula ng nag-iisang babae. "Salamat at pinagbigyan ninyo kami."
Tori nodded. Magkasalikop ang dalawang kamay niya sa ilalim ng baba habang nakatingin sa lima. Si Dominic ay balewalang nakaupo sa kanang gilid ng malaking mesa. Tahimik lang ang lalaki sa pagkakataong ito. Tori is now the leader so she has to lead the conversation.
"It must be something important then. Please, find yourselves a seat. Drag those chairs here in the front. Gusto ko kayong makita sa malapitan," utos ng dalaga bagamat malumanay naman ang boses.
Sumunod ang lahat. Ilang sandali pa ay nakapuwesto na ang lima sa harap ng desk. Nagbigay siya ng signal na puwede nang magsalita ang mga kaharap. Para naman malaman na niya kung ano ang sadya ng mga ito.
"Boss, bukod sa problema natin sa pasikretong pagpupuslit at bentahan ng droga sa teritoryo natin, unti-unti na ring sumisikip ang nasasakupan natin sa border," panimula ng babae.
The woman has silver hairs glistening against the black strands of her shoulder-length hair. Sa kabila ng katandaan ay bakas pa rin ang ganda ng babae. Kung pagbabasehan lang ang pisikal na anyo, hindi mo iisiping deputy head ito ng isang grupong masasabing nagpapatintero sa pagitan ng tama at mali.
"Miss Leah, right?"
"Yes, boss. Leah Capistrano, Deputy Head, QC District Four."
"Hmm. Nakilala ko na ang Faction Head mo. Kung tama ang pagkakatanda ko, kapatid ng yumao mong asawa si Gregorio Almazan Jr? Ikaw ang pumalit sa asawa mong namayapa pitong taon na ang nakakaraan."
"Opo."
"Nabanggit na rin sa akin ni Mr. Almazan ang tungkol doon kamakailan lang. Nitong huli ay nabili ng dummy company ng mga Liu ang ilang warehouse sa distrito n'yo, hindi ba?"
"Pati na rin po ang mga commercial establishments, boss. Huli na nang malaman namin. Kung hindi pa kami tinimbrehan ng asset natin sa City Hall, hindi namin malalaman. Ngayon ay nag-uumpisa na silang mag-mobilize ng mga tauhan nila sa lugar. Karaniwang sa gabi sila kumikilos. Sa dami nila ay natatakot na ang karamihan sa mga negosyante at residente," mahabang salaysay ni Miss Leah.
"Ganoon din po ang nangyayari sa distrito namin. Nang ipa-check namin sa asset natin sa City Hall ang mga properties na ibinebenta sa nasasakupan natin, halos lahat ay may kinalaman ang mga buyers sa mga Liu. Kung mga unang panahon lang ito, matagal nang sumiklab ang gyera sa pagitan natin at ng pamilya nila," dagdag pa ng isang lalaking mas bata lang ng kaunti kay Miss Leah.
Tumutok ang mga mata ni Tori sa nagsalita. Natatandaan niya ang mukha nito mula sa files na ibinigay sa kanya ni Dominic. It wasn't because he was handsome but because of the long scar slanting from his left cheek down to his chin.
"Ang gusto kong malaman, Mr. Campos, ay kung may mga miyembro ba tayong anomang sandali ay may posibilidad na sumugod sa mga Liu? O kaya ay 'yong mga madaling pumatol sa halatang panananadya nila?" tanong ni Tori.
"Marami boss. Karamihan ay mga bago, bata at atat na mapatunayan ang sarili sa pamilya."
"Hmm." Tori rubbed her jaw. "I assume ang pinaka-ugat ng pagpunta ninyo dito ay para humingi ng permiso para direktang i-deal ang mga miyembrong pasaway?"
"Tama po. Hindi kasi namin alam ang stand ninyo tungkol sa mga bagay na ganoon. Noon kay Boss Vani, direktang pagsunod sa batas ng pamilya ang pinapairal niya. Kung may gustong umapela sa parusang ipapataw, direktang kay Boss inilalapit," sabi ni Miss Leah.
"Let's maintain the same. Hindi ako narito para buwagin kung ano man ang mga naging patakaran, kundi ipagpatuloy kung ano ang nasimulan. Ayaw ko nang problemahin ang mga ganitong bagay, I'd rather concentrate on the things we can improve on. Ang kaibahan lang ngayon, kay Dominic kayo lalapit imbes na sa akin. I don't know most of you yet. Dominic can decide about the appeals," aniya. "Is that alright, Dom? Temporary lang naman. I'll handle it once I get the hang of things."
"No problem, Princess."
"Good, now that's settled. Anything else?" tanong ni Tori sa limang kaharap.
"Wala na po."
"Next time, you don't have to come personally unless it is of utmost importance. Puwede kayong tumawag o mag-email. Hindi ko kayo mahaharap sa tuwing pupunta kayo kaya gagamit tayo ng alternatibong paraan ng komunikasyon. Isa sa mga araw na ito ay mangongolekta ako ng mga contact numbers ninyo. Gagawa din tayo ng forum of kaya ay group chat para mas madaling kumonekta sa isa't isa."
"Eh, boss. Hindi ho lahat marunong sa e-mail na 'yan. Kagaya ko, senior citizen na po ako," sabi ni Miss Leah.
Tori waved her off. "Magpapadala ako ng staff para turuan kayo. Hindi dahilan ang edad para hindi kayo matuto."
Wala nang nagprotesta pagkatapos sabihin ni Tori iyon. As soon as they exited out of Tori's office, Rowan came ushered by Jameson.
"Boss."
"Mr. Aquino, maupo ka. Ano'ng atin? Kung tungkol ito sa imbestigasyon, we're still working on it. Sa loob ng ilang araw ay magkakaroon na tayo ng resulta. I heard bumalik na sa Canada si Amador?"
Dominic has kept her updated of the matter. Ang totoo, patapos na sila sa imbestigasyon. Sinisiguro na lang nila na tama ang mga nakalap nilang impormasyon. They need to be certain to avoid implicating the wrong people. Ayaw niyang maging unfair sa mga inosenteng wala namang kinalaman.
At base sa mga inisyal na resulta ng kanilang imbestigasyon, nangangamoy conspiracy ang nangyayari. It made them look at the other districts as precaution. Ang totoo niyan ay kasalukuyan nang tinatrabaho ng mga tauhan nila ang iba pang distrito.
"Hindi po 'yan ang ipinunta ko dito, Boss. Pero may kinalaman doon. Nagsagawa ako ng sarili kong imbestigasyon kasama ang mga pinagkakatiwalaan kong tao. May nahuli kami. Unfortunately, nakatakas ang iba pa."
Agad na nagkatinginan sina Tori at Dominic. HIndi pa man muling nagtatanong ang dalaga ay tumunog na ang cellphone ni Dominic. Isang sulyap sa gadget ay nagpaalam ang binata.
"Sagutin ko lang 'to sa labas."
"Go ahead," sabi ni Tori.
Paglabas ni Dominic ay itinuon ng dalaga ang pansin sa lalaking kaharap. Rowan may be the same age like her but the look in his eyes were like of someone years and years older.
"Tauhan ba ng mga Liu ang nahuli n'yo?"
Umiling si Rowan. "Tauhan natin. Ang nakakalungkot pa, isa siya sa mga matandang kasapi ng pamilya. Dati siyang nagsilbi bilang segundo ni Tatay Amador."
"So it has something to do with you. Ayaw niya sa 'yo?"
"Bukod pa sa ayaw niya sa akin, matagal na siyang nangangarap na sa kanya mapunta ang posisyon ko ngayon. Siya kasi ang inaasahang papalit kay Tatay. Nagkasira lang silang dalawa nang malaman ni Tatay Amador na tumatanggp siya ng suhol mula sa mga Liu para mabili ang mga properties sa teritoryo natin," patuloy ni Rowan.
"Walang nakakarating na balita sa amin tungkol sa bagay na 'yan, ah."
"Hindi po ini-report ni Tatay. May pinagsamahan kasi sila. Ayaw naman ni Tatay na tuluyang mawalan ng trabaho si Mr. Alcantara at mauwi sa wala ang ilang taong paninilbihan niya sa pamilya. Isa pa, tumupad naman siya sa pangakong hindi na uulit. Hanggang sa ipinasa sa akin ni Tatay ang pamumuno. Ang hindi namin alam, nag-upgrade lang pala siya ng gawain."
"So bakit ka nandito?"
Tumikhim si Rowan, nag-alis ng bara sa lalamunan.
"Ayaw niyang magsalita, Boss. May mahalagang impormasyon daw siyang nalalaman na magiging interesado kayo. Hiniling niyang iharap kayo sa kanya. Hindi muna ako gumawa ng anomang hakbang dahil sa tingin ko kailangan n'yo munang malaman ang tungkol dito. Hindi lang kapakanan ng distrito ito, kundi pati ng buong pamilya. Sa ngayon ay nakakulong siya sa basement ng headquarters ng District One."
"He's just stalling for time," komento ng dalaga. "Pero kung ano man 'yong impormasyon na hawak niya, he's confident that it could save him."
"Ganoon na nga po."
"Okay, I'll see him. Hintayin nating bumalik si Dominic, sabay na tayong pumunta sa District 1."
As if on cue, Dominic returned. Salubong ang kilay na tumingin ang binata kay Rowan.
"I assume ang nire-report mo kay Tori ngayon ay ang tungkol sa nahuli ninyong tauhan natin na sangkot sa pagpupuslit ng droga?"
"Y-Yes. How did you know?" balik-tanong ni Rowan.
Dominic heaved a sigh. Parang nahahapong hinilot ng binata ang pagitan ng mga mata.
"Bernie Alcantara is dead. May nakapasok sa basement kung saan siya nakakulong. Someone poisoned his food."
"What!" Napatayo si Ronan. "Paanong nangyari 'yon? May bantay siya doon."
"Unfortunately, even his guards are dead. Nawawala rin ang isang miyembro ng housekeeping staff mo. Ayon sa nakausap ko kanina lang, nangyari ang pagpatay pagkaalis mo ng headquarters. I assume your men were having lunch when you left?"
Rowan nodded in a daze. Halata sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa nangyari.
"Paanong—"
"I have eyes and ears everywhere, nakakapagtaka pa ba iyon Mr. Aquino?" direktang sagot ni Dominic hindi pa man nabubuo ang tanong ni Rowan.
"No, sir."
"Mukhang sobrang importante ng impormasyong hawak ni Mr. Alcantara. Someone is afraid I'll get my hands on it that's why he was silenced," sabi ni Tori.
"Ano'ng gagawin namin, Boss?"
"Maghintay."
"Pero habang tumatagal, lalong nagiging mapangahas ang mga Liu. Nakaapak na sila sa teritoryo natin. Natatakot akong hindi dito nagtatapos ang mga gawain nila, kung ano man ang mga 'yon," ani Rowan.
"I understand your concern, Mr. Aquino." Tumingin si Tori kay Dominic. "Do you have any contingency plans? I don't believe these incidents happened overnight. For sure, this has come into your attention long before I came back."
Dominic nodded.
"Malaki ang kinikita ng mga Liu sa fishing port ng Navotas. We will hit them there. Kung mababawasan ang mga nagbabagsak ng mga isda doon, mararamdaman nila ang epekto sa mga susunod na dalawang linggo. I'll send word to our men to put the plan in motion. Uunti-untiin natin sila, 'yong hindi agad nila mapapansin hanggang sa huli na ang lahat."
"Good." Tori's fingers drummed on the surface of the table. "For now, I want all QC Faction Heads to stay vigilant. 'Wag kayong gagawa ng anomang puwede nilang gamitin laban sa atin. Keep all your men busy and out of trouble. Business as usual. Kung kinailangan nilang pumirmi sa mga bahay nila at matutong maggantsilyo, gawin n'yo."
"Masusuod, boss."
"Anything you want to add, Mr. Aquino?"
"Wala na po." Tumayo na si Rowan, pinagpag ang harapan ng suot nitong polo na kulay green.
"Mauuna na po ako."
"Take care of the body," pahabol ni Dominic.
"Certainly, sir."
Pag-alis ni Rowan ay parang lobong tinakasan ng hangin si Tori. Nanlalambot na napasandal siya sa upuan. It wasn't even half a day and yet, she's almost drained. Napahawak siya sa sariling batok, inikot-ikot ang punong-leeg. Pakiramdam niya ay nanigas lahat ng muscles niya doon.
"God!" she exclaimed. "I don't know how you and Dad do this."
"Masasanay ka rin. 'Pag nangyari 'yon, sisiw na lang sa 'yo ang lahat."
"Parang hindi rin," reklamo ng dalaga.
The pat in the head Dominic gave her told Tori how much confidence he has in her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro