Chapter 4
Something clicked in Tori's mind. Marahas siyang napabaling kay Dominic, na kakatwa namang tila hindi apektado. With eyes widened, she gauge the man's emotions. Pero wala. Dominic is a big blank sheet.
Is this some kind of sick joke? Hindi siya makapaniwalang inilipat doon ng Daddy nya ang headquarters ng Di Salvo. Ang akala pa naman ni Tori ay naipagbili na ni Giovanni ang property noon pa. Maraming masasamang alaalang kakambal ang lugar na 'yon, lalo na para kay Dominic. Doon lang naman namatay ang mga magulang nito.
"K-Kailan pa?" Tori found her own voice almost cracking.
Wala siyang makitang anomang emosyon na nakasilip sa itim na mga mata ni Dominic. Talaga bang hindi ito apektado? O sadyang masyado lang magaling ang lalaki para hindi lumitaw sa mukha nito ang totoong nararamdaman? Dominic then threw an uninterested look at the sprawling gardens outside the car window.
"Matagal na. Pagkamatay ng Mommy mo."
"Bakit wala kang sinasabi? Alam nating lahat na ang lugar na ito ay—"
"Princess, it doesn't matter. The property has been sitting idle for so long. Walang may gustong bumili considering the history attached to it. Magastos din ang maintenance, wala namang gumagamit. Papa Vani decided to rent out the old headquarters and moved our operations here instead."
"Pero hindi ba at—"
"Naniniwala akong ginawa lang ni Papa kung ano ang makabubuti para sa lahat," muling putol ni Dominic sa dalaga. "Isa pa, baka nakakalimutan mong malapit kay Papa Vani ang tunay kong ama. It was hard for him, too. At sanay na rin naman ako. Sa ilang beses kong pagpunta dito, natutunan kong kalimutan ang lahat. And I got the money. Papa Vani paid me a fair price."
She wasn't convinced though. Kilala niya ang likaw ng bituka ni Dominic. Wala itong hindi gagawin para sa Daddy niya, para sa kanila. Kahit nga siguro hilingin ng Daddy niya ang mga paa't kamay ni Dominic ay walang pagdadalawang-isip itong puputulin ng lalaki at may ngiting iaalay kay Giovanni Di Salvo.
"Are you lying to me, Dominic? Because that would be the first," aniya.
Dominic's amused chuckle sliced through the atmosphere. Pabirong kinurot siya ng binata sa pisngi.
"Natututo ka nang magduda. Tama 'yan, 'wag kang magtitiwala kahit na kanino, kahit pa sa akin. You have to be tough, Princess. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa tabi mo ako. Darating ang panahon, kakailanganin mong umasa sa sarili mo."
Irap ang isinagot niya kay Dominic. "You're talking nonsense."
"Kahit na. Ang pinakaimportante lang naman sa lahat, trust no one but yourself."
"Boss, nandito na ho tayo." Pumutol sa palitan ng dalawa ang boses ni Jameson sa likod ng manibela.
Nakatigil na nga ang sasakyan sa tapat ng mansyon na gawa sa bato. The big brown wooden door at the entrance stood open, the steps leading to it fanned out below like a lady's skirt. May walong baitang ang hagdang bato paakyat sa entrada. Dalawang rebulto ng lawin ang nakatuntong sa pinakadulo ng barandilyang bato, waring nagsisilbing tahimik na bantay.
Tori stepped off the car, one hand held by Dominic and the other grasping her walking cane. She favored her right leg, assisted by the cane. Sumunod na nagsilabasan mula sa sasakyang nakasunod sa likod nila ang mga kasama nilang bodyguards. Bukod kay Jameson na nagsisilbing driver nila at ang isa pang kasama nina Tori sa sasakyan, anim ang nasa pangalawang sasakyan.
She thought that's too much but Dominic thinks it's even small. Hindi na lang siya kumibo dahil sigurado siyang 'pag tinopak si Dominic sa kakareklamo niya ay dadagdagan pa 'yon ng lalaki.
Saktong nakalabas na sila ng sasakyan nang lumabas din mula sa mansyon ang apat na lalaki at isang babae. Their ages ranged from the late twenties to mid-sixties. They all look familiar but Tori couldn't pin their names on their faces. Napatingin siya kay Dominic, nagpapasaklolo ang mga mata.
"Deputy heads," mahinang bulong sa kanya ng binata.
Nakakaunawang tumango si Tori. Hindi man niya makilala agad ang lahat ay naniniwala siyang darating din siya doon.
"Boss!"
Sabay-sabay na yumukod bilang pagbati ang limang sumalubong sa kanila. Pero bago 'yon ay napansin na ni Tori ang pasimpleng paghagod ng lima ng tingin sa kanya. They thought they were discreet but she caught their stares on her walking cane and the favored leg. Tori kept her face pleasant, breaking into a wide smile. She waved a dismissing hand.
"Hello. Mabuti naman at nakarating kayo. Let's proceed with the meeting."
The five all straightened and parted to unblock the way for Tori and Dominic. The two were a picture of a perfect contrast; one black and one white, one smiling and the other one poker faced. Dire-diretso ang dalawa kasama ang mga bodyguards papasok sa mansyon, walang halong pagmamadali. Akala mo hindi pa late sa meeting.
The place was a typical Spanish rich man's abode. Maluwang ang mga bintana na gawa sa kahoy at capiz. A big, blazing crystal chandelier in wrought iron hangs above their heads as they trudge along the hallway. Ilang sandali pa ay bumulaga sa grupo ang malawak na sala.
May mangilan-ngilang nag-uumpukan ang naroon at kaagad na tumutok sa mga bagong dating ang mga mata nila. They all rose to their feet instantly and gave Tori the same greeting as the first five at the entrance. Gaya ng naunang ginawa, Tori gave them the same amiable smile and tilted her head as if amused.
Tuloy-tuloy silang dalawa ni Dominic sa gitna ng sala. They didn't slow down a bit because their destination was the wide double doors at the farther end of the room. May dalawa pang matangkad na lalaking nakabantay sa pinto. Mahaba ang buhok ng isang lalaki sa kaliwa samantalang malinis naman ang ulo ng isa. One look from Dominic and the men stepped aside to open the door for them.
Hindi inasahan ni Tori na isa palang mini-theater ang nasa likod ng pintong pinasok nila. Ganoon pa man ay pinilit niyang itago sa sarili ang pagkagulat. She maintained the soft smile, giving off the vibe that she's a friendly person. It was something deliberate because she wanted everyone's guards to be down. The deeper they went into the room, her smile widened as if a child opening her Christmas gift from Santa Claus.
"Good afternoon everyone!" Tori beamed, one arm wide open as if to welcome them. "Sorry to keep you all waiting."
Kung nagulat man ay nanatiling tahimik si Dominic habang hawak ang isang kamay ng dalaga. Sa bawat lagatok ng takong ni Tori kasabay ng tunog ng tungkod niyang tumatama sa sahig, ramdam ng dalaga ang mga matang isa-isang nagfo-focus sa imbalido niyang binti. Sa pasimpleng pagpisil ni Dominic sa palad niya, alam na ni Tori na umpisa na ang palabas nilang dalawa. So she squeezed back, telling him she understands.
"Settle down everyone. We'll start the meeting." Dominic's voice boomed, bouncing off the four corners of the room.
*****
Nag-umpisa sa mabagal at malumanay ang meeting. Si Dominic ang nag-preside at sumasagot lang si Tori sa mga tanong na pinayagan siya ng lalaking sagutin. Pero sa kabuuan, nasa kamay ni Dominic ang bolang nagpapagulong sa takbo ng usapin. Until they came to discuss the operations of the family, and the threat brought by the neighboring family—the Lius.
Nabuksan ang usapin tungkol sa nangyayari sa border ng CaMaNaVa at Quezon City, kasama na ang tungkol sa droga.
Lihim na nagkatinginan sina Tori at Dominic. Ang akala nilang dalawa ay hindi iyon alam ng ibang distrito. The matter was kept under wraps because they dont want the other districts to think that they couldn't handle it. Pero heto na nga at nangyayari na ang mismong bagay na sinisikap nilang iwasan. And the longer they go in circles about the untimely revelation of the issue, Tori's head hurts.
Almost an hour into the meeting and her façade is threatening to break. Iisa ang concern ng halos higit sa kalahati ng mga naroon. Walang tiwala sa kakayahan ni Tori ang mga tauhan nila. Hindi naman sa diretsahang ayaw nila na siya ang mamuno. Masyado lang siyang hilaw para sa malaking responsibilidad na iniwan sa kanya ng ama.
"That's why I don't want to—"
Mabilis na pinigilan ni Dominic ang kamay niya. Umiling ang binata, ipinagbabawal ang mga salitang gusto niyang sabihin. Tori raised her brows at him in a silent question.
"Kailangan ng pamilya ng mukha para maging representative sa lahat ng papasukin at pinasok nating negosasyon. Bilang anak ni Giovanni Di Salvo, si Victoria ang naatasan mismo ng sarili niyang ama. Hindi natin desisyon kung sino ang dapat at hindi dapat mamuno. Nananatiling nasa kamay iyon ni Papa Vani at ng konseho. The council has agreed. Victoria is the new family head."
May halong pinalidad ang boses ni Dominic. There was no room for negotiation in that tone.
"Hindi pa rin kami kumbinsido, Dominic. Lumaking malayo sa operasyon natin ang anak ng pinuno. Paano kami makakasigurong mapamumunuan niya kaming lahat nang maayos?" tanong ng isang babaeng nakaupo sa bandang likod. Nasa kanan ni Tori ang hilera ng mga upuang kinabibilangan nito.
From her seat, Tori estimated the woman's age to be close to thirty, or even a little over. Kayumanggi ang balat nito, maliit na babae at mahaba ang kulay puting buhok. Mas mukha itong mini-version ng isang executive sa suot na asul na blazer at slacks.
"Is that opinion the same with your faction heads? Lahat ba kayo ng hindi sumasang-ayon ay kapareho ng opinyon ng head n'yo?"
Majority of the voices said yes. With that, Dominic's eyes narrowed as he addressed the crowd. Tinutok ng binata ang mga mata pabalik sa babaeng nagsalita kanina.
"There is no assurance, Miss Nimfa. The leader and the council's decision is absolute, not subject for negotiation. Ang masasabi ko lang, Victoria will not go with this blind. Nandito pa ako, ano'ng ikinatatakot n'yo?"
"Hindi kami mababahala kung sigurado kaming pagdating ng panahon, ikaw ang mapapangasawa ni Miss Di Salvo. Bahagi ka man ng pamilya ay iba pa rin na may nagbibigkis sa iyo sa pamilya Di Salvo," diretsahang balik ni Nimfa.
"Ikaw dapat ang mamuno!" anang isa pa mula sa kanan.
"Oo nga!" segunda pa ng isa.
"Noong may usap-usapang ikaw ang napipisil ng pinuno na maging kapalit niya, walang nagreklamo dahil alam naming lahat ang kakayahan mo. Pero biglang-bigla, hindi na ikaw kundi ang panganay niyang anak. Unless you marry her, we won't be convinced that we are indeed in good hands. May hangganan ang itatagal mo sa pamilyang ito Dominic, dahil isa kang Sanchez," patuloy ni Nimfa.
Lumakas at dumami pa ang mga boses na nagpapahayag ng suporta kay Dominic. In Tori's heart, she felt proud of the man. Kahit siya ay sang-ayon sa ideyang si Dominic ang mamuno pareho sa DS Group at sa pamilya. Hindi baleng mahirapan siya sa DS Group. Aalalayan naman siya ng lalaki. Pero pagdating mismo sa pamilya nila, hindi confident si Tori. Alam niyang kailangan ng malakas at matalinong pinuno ang mga usaping sangkot ang pamilya Di Salvo. Ramdam niyang hindi siya 'yon.
Sadly, Dominic doesn't think so.
"Enough!" Napatayo na si Dominic, nagbabaga ang tingin sa bawat maglakas ng loob na salubungin ang mga mata ng binata.
"Ganyan na ba katigas ang mga buto ninyo para sumuway sa kagustuhan ng mga nasa itaas? Kung iniisip ninyong natutuwa ako dahil pilit ninyo akong itinutulak sa posisyon, nagkakamali kayo. Pansamantala lang ang kapangyarihang ibinigay sa akin ni Papa Vani at ng konseho. At ngayong nandito na ang lehitimong tagapagmana sa posisyon, dapat lang na siya ang suportahan ng lahat. And anyone, I mean anyone who doesn't follow will find out what awaits them."
Natahimik ang lahat, kanya-kanyang yuko at iwas ng tingin kay Dominic. Dahil mabait ang lalaki, madaling makalimot sa katotohanang may nakatagong bangis sa ilalim ng malumanay na personalidad ni Dominic Sanchez.
The White Knight is not the perfect prince everyone thinks of, but is actually the most deadly person beside the boss. Kayang kumitil ng buhay ni Dominic habang suot ang napakagandang ngiti at hindi kumukurap.
"Do not give me even the smallest chance to send you all back to your Maker because you all know I'd gladly take on the challenge. Hindi ko ipinatawag ang meeting na ito para lang bastusin ninyo si Victoria sa harap ko. This meeting is to let each one of you know, that next to Giovanni Di Salvo, this woman holds the power to command me. If she says to kill all of you this instant, not even the devil can save you from me."
Inilibot ni Dominic ang mga mata, sinigurong isa-isa niyang tinitigan ang lahat. All fifty of the present Deputy Heads weren't daring any longer, submission written on their shoulders. Nang makontento ay umunat ng tayo si Dominic, sabay pakawala ng iritadong paghinga.
Mula sa kinauupuan ng dalaga ay ramdam niya ang poot ng lalaking itinuturing na kapatid. Dominic's anger was so great it came in waves after waves of invisible force oozing through his pores.
Hindi man lumingon sa kanya si Dominic ay halos sigurado siyang pumipintig-pintig ang pinong ugat sa bandang kaliwang sentido ng binata. Sa haba ng history nilang dalawa, halos kabisado na ni Tori kung ano ang ibig sabihin ng bawat kilos ni Dominic. He was her best friend and she was his.
"Now, now. No killing, Dom. Ayokong sumakit ang ulo ko kung saan ipapalibing ang mga katawan nila," aniya, nakangiting nakatingala sa binata. Mahinang hinatak ni Tori ang manggas ng puting suit ng lalaki. "And Daddy will surely scold me. Kakaupo ko pa lang, babaha na agad ng dugo."
"Princess..."
Tori's eyes glistened. Mukha siyang batang nakaisip ng panibagong prank at na-e-excite na isakatuparan kung ano man 'yon.
"Oh! I know!" Bumitiw si Tori kay Dominic. Her dainty hands made a clapping sound as they slapped against each other. "We can burn the bodies! How high is the temperature of the furnace at our foundry? I am sure it is super hot, enough to melt human bones. No evidence then!"
Nang ibaling ni Tori ang tingin sa mga naroon ay parang gusto niyang matawa. Iisa ang mukha nilang lahat, kabado at kapansin-pansin ang pamumutla. At least they're uniform in paleness, she thought. Lalo na nang sumenyas si Dominic at kumilos ang mga kasama nilang bodyguards. They went to bar the doors and others went to stand in front of the windows. Kapagkuway nabura ang ngiti sa mukha ni Tori.
"Palalampasin ko ang pangbabastos ninyo ngayon. I promise, there will be no next time," sabi ng dalaga sa mababang boses. She left her seat, propping herself in front of the table placed in the center of the stage in the mini-theater. "Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes, boss."
Sari-saring boses ang pumailanlang. Karamihan nga lang ay kulang sa igting at lakas. Tori's eyes then narrowed.
"Hindi ko kayo marinig!" she demanded.
Iyon lang at parang iisang taong tumayo ang lahat. With voices a lot fuller than the first, Tori heard their acknowledgment of her leadership loud and clear.
"Yes, boss!"
"Very good. Meeting adjourned!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro