Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Nang magising si Tori kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw. With eyes half-closed, she groped for her phone to check the time. Alas nuwebe na ng umaga ayon sa nakikita niya. Saglit siyang tumigil, pilit na binabalikan sa isipan ang mga nangyaring kaganapan ng nakaraang gabi.

And when she recalled Alexander's face, Tori audibly groaned. Itakip man niya ang una sa sariling ulo ay hindi iyon sapat para tuluyang mabura sa isipan niya ang mukha ng binata.
Tori then turned on her side, bringing along with her the pillow on her head, like some sort of defiance against the images rolling continuously in her memory.

Pero kagaya ng tubig sa butas na plastic, tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga alaalang ayaw siyang tantanan. Ayaw na sana niyang maalala pa pero ano'ng magagawa niya? Frustrated, she threw the innocent pillow away. Inis na bumalikwas ng bangon ang dalaga, magulo ang itim at tuwid na buhok.

"Ugh!" she exclaimed, punching one fist against the light blue duvet.

Doon niya narinig ang pagkatok sa pinto ng kuwarto niya.

"Ma'am? Gising na po ba kayo?"

Saglit niyang hindi mabosesan kung sino sa mga naiwang kasambahay ang may-ari ng boses. But if judging Dominic's protective instinct, Tori was certain that the servant would be someone who has been with their family longer than anyone. At dadalawa na lang ang kasambahay nilang matagal nang naninilbihan sa pamilya Di Salvo at naiwan sa mansyon—sina Ate Sonia at ang pamangkin nitong si Marife na limang taon lang ang tanda kay Tori.

Doon na sa mansyon lumaki si Marife gawa ng kinupkop ito ng yumaong ina ni Ate Sonia na si Manang Cion. And for some reason after her father left for his vacation, Dominic sent the majority of their longtime staff with the old man. Bukod kina Ate Sonia at Marife, halos bago ang mga staff na naroon sa mansyon. Not that she mind, though. Alam ni Dominic ang ginagawa nito at walang bahid ng pagdududa si Tori sa binatang itinuturing niyang kapatid.

Nang hindi sumagot si Tori sa pagatwag ng kasambahay ay muli itong nagsalita.

"Si Marife po ito. Pinapagising na po kasi kayo ni Sir Dominic dahil may schedule raw po kayo mamayang ala-una ng hapon."

Nangunot ang noo ni Tori sa narinig. May lakad ba siyang hindi niya alam? The plan was for her to officially start reporting to work on Monday. She searched for her memory but nothing came to mind. Hula niya, may biglaang sumulpot na lakad na kailangan nilang puntahan ni Dominic. Hindi basta-basta mang-iistorbo ng tulog niya ang binata kung wala.

"Susunod na 'ko."

"Breakfast po? Gusto n'yo po bang mag-akyat ako ng pagkain?"

"Hindi na, sa dining room na lang ako kakain. Kumain na ba si Dominic?" tanong ni Tori.

"Nagkakape lang po sa ngayon."

It appears the man is waiting for her. "Sige."

Kasabay ng palayong yabag ng katulong ay kumilos na si Tori. Dahil sanay sa ibang bansa, hindi niya iniwan ang higaan nang hindi inaayos. She made sure the bed was made before she went to her closet to choose her outfit for today. Sa ngayon, nagdesisyon siyang isang brown pencil pants at short sleeved white t-shirt ang isuot.

Wala pa naman siyang ideya kung ano ang sinasabing schedule ni Marife. But if it is scheduled at one o'clock in the afternoon, Tori has plenty of time to choose a much appropriate outfit later. Isang mabilisang paliligo ang ginawa ng dalaga bago tuluyang bumaba para harapin ang naghihintay na si Dominic.

She found the man in the dining room, reading the morning paper. Nag-angat ng tingin ang lalaki mula sa binabasa nito at sinalubong si Tori ng malapad na ngiti. Tori in turn blinked. She must admit this man is one fine good looking specimen. Hindi man ito palangiti sa ibang tao ay hindi 'yon naging kabawasan sa appeal nito. For a time in her younger years, she has this little crush on Dominic. Agad rin naman niyang na-outgrow iyon paglipas ng panahon.

"Good morning," bati ni Dominic sa dalaga.

"Morning."

Agad na lumapit ang isang katulong para pagsilbihan si Tori. Toast and egg was her choice, together with a double shot of espresso.

"May schedule raw tayo?"

Tumango si Dominic. "We need to call for a family meeting now that you're taking the reins."

Nagulat siya. "Dom, akala ko ba sa pangalan lang ako—-"

"Since you showed yourself to the public, the family has been clamoring to meet you. Nakatanggap rin ako ng report na may nangyayaring unrest sa loob ng pamilya at unti-unting lumalaki 'yon. Some people are not happy with you on the reins. This is the perfect opportunity to remind them of their places."

Naglasang tubig ang kape sa dila ni Tori.

"I-I can't handle both, Dom. Alam mo 'yan. Hindi ba ikaw ang bahala sa isa? Nag-usap na tayo."

Umiling si Dominic. Tuluyang ibinaba ng binata ang peryodiko sa mesa. The seriousness in Dominic's face clamped an invisible hand on Tori's throat. Bigla, lumamig sa pandama ng dalaga ang dining table. Ni hindi na nga niya namalayan ang paghigpit ng kamay sa hawak na tasa ng kape.

"It was the plan. But I can no longer restrain Papa Vani's loyalists. Ngayong nandito ka, hindi na ako nagtataka kung bakit karamihan sa kanila ay ayaw nang makinig. I may have lead them in the past, Princess. Pero simula nang mawala si Vincent, lalong lumakas ang boses ng mga kontra sa akin."

Nakagat ni Tori ang sariling labi. She thought leading DS Group would just be that. Hindi niya inasahang ang unang magpapasakit sa ulo niya ay ang isang aspeto ng pamilya nila. Suffice to say, she's not ready. Heck! She will never be ready. Ano'ng alam niya sa pagpapatakbo ng pamilyang kinabibilangan niya? Her father worked hard to separate DS Group from the other "business" of their family.

Pero bakit ngayon ay parang nasayang lang ang lahat ng efforts ng ama niya? Simula nang dumating siya ay sunod-sunod na problema ang nagsulputan. Pakiramdam niya ay may isang taong nagtatago sa dilim at nananadya, sinusubukan siya. Could it be true?

"Have you talked to Dad?"

Tumango si Dominic. "He's leaving the matter in your hands."

Tori cursed under her breath. Her father seemed to have totally thrown her to the wolves. Tuluyan na siyang nawalan ng ganang kumain. So she pushed the plate away, eyebrows furrowed as she stared into nothing in particular. Una, ang balitang may sumusuway sa batas ng pamilya patungkol sa ipinagbabawal na gamot. Pangalawa, nawawala pa ang bunsong kapatid nila. Idagdag pa si Dexter Liu na para bang nananadya.

"Bakit naman biglang-bigla?" Mas sarili niya ang tinatanong ng dalaga.

"I don't know. Nakatanggap ako ng balita kaninang pagdilat na pagdilat ko. May ilan nang pasaway at tahasang sumasalungat sa batas ng pamilya. Para maiwasan ang paglala ng sitwasyon, kailangan mo nang pormal na humarap sa kanila. Make a stand, Princess. You have to take control, not just DS Group but the family's other businesses as well."

"Tutal legal na rin naman ang DS Group, bakit hindi pa tuluyang inalis ni Dad ang—"

"Tori," putol ni Dominic. "Hindi ganoon kadali 'yon. Sa tingin mo ba, ilang taon lang tinrabaho ni Papa Vani ang lahat? Hindi. It started as early as the first founder. Sa panahon lang ni Papa Vani naging posible ang lahat. The elders laid the groundwork to make it possible for the current generation to achieve results."

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ngayon niya na-realized na sa tono ng pananalita niya, parang hindi niya binigyang pagpapahalaga ang ilang taong pagsisikap ng angkan niya para maisaayos ang lahat. Her family's root were deeply embedded in crimes. She wasn't proud of that either. Pero maling i-downplay niya ang lahat ng sakripisyo ng mga taong naging daan para makamit nila ngayon ang lahat ng 'to.

Tori knew, it has long been her ancestor's dream to walk the legal line unimpeded. Bagamat nag-umpisa ang pamilya nila sa hindi kanais-nais na gawain para umunlad ang pamumuhay, hindi ibig sabihin noon ay wala silang pangarap na iwanan ang buhay na nakagisnan. After all, deceiving people and using them for their own gains easily gets stale.

It's just a pity that some people in their family are so very set in the old ways. At 'yon ang gustong baguhin ng mga namuno sa pamilya mula pa noon. Ngayon, mukhang maiaatang na rin sa mga balikat niya ang responsibilidad na masigurong hindi mapupunta sa wala ang mga pinaghirapan ng mga nauna sa kanya.

It doesn't matter if her shoulders are fragile, or she is a woman. Sumusukong tinapunan niya ng tingin ang binata. Nagpapaunawa ang mga tinging ibinalik sa kanya ni Dominic bagamat walang namutawing salita sa mga labi nito. Sa huli, napahugot ng isang malalim na paghinga si Tori.

"Okay. It looks like I have no choice. What should I wear?"

"Something black and intimidating," diretsang sagot ni Dominic.

Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. "So I will be there to intimidate them?"

"Haharap ka sa mga team leader ng bawat grupo, Princess. Never mind the faction heads, they have known about you. Pero 'yong mga nasa baba? Matagal kang nawala sa bansa, halos sa abroad ka na lumaki. Sa pagkawala mo, maraming nagbago. Importanteng makita nilang kaya mong pamunuan hindi lang ang DS Group kundi pati na rin ang pamilya. What do you think is the appropriate image to present to them to have them submit under your rule? For sure, it's not something you're used to seeing traipsing down the runway."

Ngumuso ang dalaga.

"Dami pang sinabi, para nagtanong lang naman ako kung ano ang dapat suotin. And what about the facade that I have to wear, then? Should I be the strong, independent woman? Or the weak, dependent type? Ano sa tingin mo?"

"Hmm. Naalala ko 'yong walking cane mo eh. Sayang hindi natin nagamit 'yon dahil magaling ka na."

"Pwede naman tayong magdrama na from time to time eh, nawawalan ako ng lakas sa mga binti. That incident in Paris nearly powdered the bones in my legs. Hindi na nakapagtataka 'yon. And of course if anyone wanted to dig a little deeper, make use of our connections to draw up a fake medical report. Alam mo na, pang-display." Tumaas-baba ang kilay ng dalaga kay Dominic.

"Oo nga 'no? Hayaan natin silang isipin na may kahinaan ka. It will let us see who are those playing in the field behind our backs."

She nodded. "Exciting, right?" Kumikinang pa ang mga mata ng dalaga.

"Kanina lang nag-aalangan ka pa. Ngayon para kang nakahanap ng interesanteng lalaruin," komento ni Dominic, iiling-iling pa ang ulo.

Tori's grin split her face. "Ano'ng magagawa ko kung nakakaramdam ako ng excitement? Just the thought of outwitting them makes me happy."

"Freak."
Ngumuso si Tori. "As if you aren't. I learned it from you."

Dominic's crisp laughter was the only response she got.

*****

Following Dominic's suggestion, pumili si Tori ng panibagong damit na gagamitin para sa meeting na pupuntahan nila. Ayon kay Dominic ay asahan na nila ang one hundred percent turn-out ng mga imbitado. Knowing that, Tori couldn't help but feel nervous. Oo nga at nakaharap na niya ang iba pang miyembro ng pamilya noon. But she feels that this is something far more different than that brief experience.

"Do I look alright?" tanong niya sa binata pagbaba niya ng kuwarto.

Naabutan niya si Dominic na abala sa hawak nitong cellphone. Against the shiny black car that they would be using, Dominic is a picture of a perfect prince in his white suit and dress shoes. Naka-brush up ang buhok ng binata palayo sa mukha nito, bagay na naglantad sa makinis na noo ni Dominic. He looked so young compared to his actual thirty one years.

"Perfect," sagot ni Dominic pagkatapos siyang hagurin ng tingin.

The black ensemble stood in contrast against Tori's pale skin. Her black sleeveless blouse was tucked in at the waist inside her equally black silk pants. Sa tulis ng takong niyang may taas ng tatlo at kalahating pulgada ay hindi na nakakapagtakang weapon grade ito. Her black Manolo Blahnik was a customized gift from her sister Roni, sent from New York on her first birthday in Paris.

Nadagdagan man ng tatlo at kalahating pulgada ang tangkad ng dalaga ay hindi pa rin 'yon sapat para magpantay sila ni Dominic. Lamang pa rin ang binata sa kanya ng halos apat na pulgada pa. Siguro noong nagsabog ng height ang Diyos, tulog siya samantalang si Dominic ay dilat na dilat.

"Let's go."

It took them about an hour and a half to get to their destination. Naipit kasi sila saglit sa traffic sa bandang East Avenue. By the time the black car they were riding came to a stop, it was a little after one in the afternoon. Isang malaki at mataas na gate na bakal ang nasa harap ngayon ng sasakyan nila. May barbed wires pang nakapulupot sa pinakataas ng gate. It gave Tori the impression that the place was something meant for a tightly guarded fortress.

"Welcome to Casa Linda," sabi ni Dominic, kasabay ng unti-unting pagbubukas ng malaking gate.

Umiingit ang bakal habang palaki nang palaki ang siwang ng pagbubukas nito. Tori squinted her eyes, feeling a little impatient in her seat. Pinigilan na rin niya ang urge na ngatngatin ang sariling mga kuko sa mga kamay. Ganoon siya 'pag nakakaramdam ng anxiety. Sino ba namang hindi makakaramdam nang ganoon 'pag alam mong makakaharap mo ang maraming miyembro ng pamilyang ni minsan ay hindi pa niya nakakaharap?

Tori believed she has grown out of the habit of biting her nails, and she refused to let herself succumbed to the habit again. Sa naisip ay mabilis niyang naibaba ang mga kamay. Sayang din ang manicure, aba.

Sa tuluyang pagbukas ng gate ay umusad na rin ang sasakyan nila. Maingat na minaniobra ng driver na si Jameson ang sasakyan, nakasunod sa sementadong daan na tumutumbok sa harapan ng malaking mansyon sa lugar. The driveway can easily accommodate two SUVs at the same time, with allowable space to squeeze in perhaps a big bike. Kapansin-pansin din ang berdeng damo na halatang sagana sa alaga, kasama ang mga boxed roses.

Metikuloso din ang ayos ng mga punong piling-pili ang uri. Sa gitna ng malawak na driveway ay may malaking man-made pond na pabilog ang hugis . Nagsisilbi ang pond bilang panghiwalay sa direksyon ng traffic ng mga sasakyang papasok at palabas.

Tinanong ng dalaga ang sarili, ano nga ba ang tawag sa ganoon? And as if on cue, a word readily flashed in her head out of nowhere. The landscape closely reminded Tori of the gardens in the Palace of Versailles in France.

Rotunda.

"What is this place?" hindi napigilang itanong ni Tori sa katabi.

"This the family's new headquarters," simpleng sagot ni Dominic. "And my biological family's former home."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro