Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2


Habang sinusundan niya ng tingin ang papalayong babae ay parang tuksong bumalik sa isipan ni Alexander ang mga kaganapan sa roof top. He remembered how his brain seemed to shut down, his father's words fell into his deaf ears.

Mas pinagtutuunan ng pansin ng utak niya ang katotohanang nasa harap niya si Tori ngayon. He couldn't believe his eyes. Kusang kumilos ang katawan niya at lumapit sa dalaga. Ni hindi tumimo sa utak niya na hawak-hawak pa rin ni Fabio sa braso ang babae. Bumitaw lang si Fabio kay Tori nang tuluyan siyang makalapit sa dalaga.

Tori did not even flinch when he came face to face with him. Kung saan nanggagaling ang kakaibang kalma ng babae ay hindi niya alam. Instead, she stared at him with narrowed eyes. Pero bulag na siya sa katotohanang 'yon. He must confirm the truth himself. Kahit naririnig niya ang marahas na paghinga ng babae sa lapit nilang 'yon ay hindi pa rin siya makapaniwala.

His hand lifted. Hindi umiwas si Tori until Alexander found his digits caressing her petal-like skin. Ang init ng nanggagaling sa balat ng babae ang nagbigay sa kanya ng patotoo. Buhay na buhay ito. She did not perish from that fire back in Paris.

Natagpuan na lang ng binata na may malaking barang nabuo sa lalamunan niya. Ganoon pa man ay hindi naging hadlang 'yon para magsalita siya.

"It's really you," he said, voice giving away nothing.

"Yeah, it's me," matabang na tugon ng babae saka iniwas ang mukha. "And I really hate it when strangers just touch me however they want."

She pushed her hands against his chest. Ramdam niya ang inilapat na lakas ng dalaga sa simpleng galaw na 'yon. Napaatras siya. Noon lang niya naintindihang hindi natutuwa si Tori na makita siya. Kabaliktaran ng pagsikdo ng dibdib niya ang nakikita niyang emosyon sa mukha ng dalaga.

Muntikan na niyang masampal ang sariling pisngi. Sino nga ba naman ang matutuwa sa ginawa niya kay Tori noon? No wonder her eyes were dripping animosity so strong he could almost taste it. The memories came flooding back, as well as her tear-stricken face.

Napalunok siya. Good thing he did not smile, or else it would have wobbled. Wala na nga pala siyang kahit na anong karapatan sa babae. Alexander clenched his fists on his sides. He schooled his features and cleared his throat. Pinag-igi niya ang blangkong maskarang mababakas ng kahit na sino sa mukha niyang lantad sa ngayon. Hindi na niya matandaan kung saan na napunta ang maskarang karaniwan ay suot niya. Not that it's useful though.

"Good to see you're alive," aniya.

Tinaasan siya ng kilay ng babae.

"Really? I find that hard to believe. Your actions the last time we saw each other told me a different story."

Wala siyang naisagot doon. He found himself dumbly staring at her for what felt like eternity. Kung kanina ay nagmamadaling umalis si Tori, ngayon ay mukhang kampanteng-kampante ito sa pagkakatayo.

"I trust that you don't have any problem accepting my proposal, Miss Di Salvo?"

Nilingon niya ang ama. Noon lang niya naalalang hindi nila solo ni Tori ang lugar. He stepped back, reluctance clinging on to his feet as he did so. Wala siyang magagawa sa pagkakataong ito. May mga bagay na namimili ng lugar. In this case, that something between Tori and him has to wait.

"Funny though. Lalo lang akong nakumbinsi na 'wag tanggapin ang alok n'yo."

Tumaas ang kilay ni Mr. Santander. "Sigurado ka?"

Hindi agad nakasagot si Tori. Mayamaya ay napahugot ito ng hininga, para bang sumusuko.

"I'll let you know after I've thought about it."

"Fair enough."

"If you'll excuse me."

"See you again, iha. Alexander..." tawag ng ama sa kanya. Walang imik siyang lumingon kay Carlos. "Ihatid mo si Miss Di Salvo," utos nito.

"No need. Kaya ko ang sarili ko. Good night, Mr. Santander," ani Tori. Her face is a hard mask, eyes disturbingly dead as she met Alexander's eyes.

Hindi siya kumilos sa kinatatayuan maging nang tumalikod na ang babae. Gusto niya itong sundan pero pinigilan niya ang sarili. Susundan niya ito tapos ano? Wala rin naman siyang maisip na sabihin. Mas makabubuting 'wag na siyang kumilos. Base sa nakikita niya dito ay lalo lang niyang bibigyan ng dahilan ang dalaga para lumayo sa kanya kapag ipinilit niya ang gusto. Something has changed about her, it's too evident that he'd be a fool if he missed it.

"Choose your battles wisely, son. I've raised you better," sabi ni Carlos, nakasunod sa papalayong babae ang mga mata.

"How in the world-—bakit hindi ko alam ang nangyari sa kanya?"

"It doesn't matter. May suspetsa na akong buhay ang panganay ni Giovanni noon pa. That old coot's acting is horrible at her wake," Carlos chuckled. "But I must admit I was content with the second child. Isang magandang sorpresa ang muling paglitaw ni Victoria. Yaman din lamang na ang unang kasunduan namin ni Giovanni ay si Victoria ang pakakasalan mo, we decided to push through with the deal. It will save him the headache his second born will give him."

"Pero hindi papayag si Tori."

Tinitigan siya ni Carlos. "She will marry you."

"Bakit siguradong-sigurado kayo?" takang tanong ni Alexander.

"I don't gamble at all if my chances are null."

Totoo 'yon. And he suspects that his father has something in his hands, something big. Hindi ito magkakaroon ng ganoong confidence kung wala. Hindi si Tori ang babaeng basta-basta na lang mapapasunod nito. Ngayon pa? Kung makatingin ito sa kanya ay kulang na lang bumuga ng apoy ang mga mata ng babae.

Ngumisi si Alexander. "Of all your manipulations, this is the only one I like, father."

"I'm glad you like it, son."

Sabay silang napahalakhak ng ama. A devilish glint flashed in his black eyes, mirroring the glint in the older man's. Hindi niya masisisi si Tori kung gusto nitong pilipitin ang leeg niya. He would let her if it amuses him. Sa ngayon, ang alam ni Alexander ay hindi siya uurong sa kasal na gustong mangyari ng dalawang matanda. Tutal wala na rin naman siyang magagawa, bakit hindi niya i-enjoy ang sitwasyong ipinilit sa kanya?

*****

Bumaba na si Alexander sa party. This time, he has his mask on. Kung kanina ay parang wala siyang kagana-gana, iba na ngayon. Hindi rin niya pinansin ang pasimpleng pagtatapon sa kanya ng tingin ng ama nang magpaalam siya ditong mauuna na.

Hindi rin siya pinigilan ni Carlos. Sa halip, inudyukan pa siya nito. His father read him like an open book to which he doesn't have any complaints this time. The old man can read him however he like.

At naabutan niya sa ballroom ang tanawing medyo naging sanhi ng uneasiness na biglang nabuhay sa dibdib niya. The moment Alexander stepped inside the ballroom, he saw Tori clinging on Dominic's arm, leading him to the dance floor. Ngiting-ngiti ang dalaga.

Iyon ang klase ng ngiti na noon ay malaya niyang na-e-enjoy. Pero ngayon? Ibang lalaki na ang tumatanggap ng mga ngiting 'yon. Pumailanlang ang isang waltz, kasabay ng pagtigil nina Tori at Dominic sa pinakagitna ng dance floor.

Like tranced, his eyes couldn't stay away. Sa likod ng suot na maskara, tahimik na sinundan ni Alexander ng tingin ang bawat kilos at galaw ng dalaga sa mga bisig ng lalaking kinaiinisan niya. Tuloy ay hindi niya matukoy kung ano ang pinakadahilan ng inis na bumangon sa dibdib niya—si Tori ba, si Dominic, o ang katotohanang magkasama ang dalawa? He must admit, the bastard dances very well. In fact, Dominic moves with fluid grace and masculinity all rolled into one.

Habang nagsasayaw ay nagpalitan ng ngiti ang dalawa. He has never seen Dominic smile that way, until Tori. Lalong nagtiim ang bagang niya. Mabuti na lang at wala na dito si Mary Jane. It wasn't something he would want her to witness.

May ilang sandali na rin siyang nagmamasid sa dalawa. Subconsciously, he knew that the music is about to end. And before he could stop himself, his feet moved out of their own volition. Humakbang si Alexander, determinado ang kislap ng mga mata habang nakatutok sa dalawang magkapareha. Habang naglalakad ay sumisigaw ang isang bahagi ng utak niya, umaalma sa balak niyang gawin.

But before reason could win, he tamped it down. He told himself he's doing this for Mary Jane and nothing else.

"May I cut in?"

Sabay na napalingon ang dalawa kay Alexander na kasalukuyang nakasuot ng itim mula ulo hanggang paa. The ebony mask on the his face covered it's entirety, leaving only his dark eyes visible. Hindi nakaligtas sa matalas na mata ni Alexander ang ginawang paglunok ni Tori. It's good that she's bothered. That means he successfully spoiled their fun.

Saglit na sinuri ng tingin ni Dominic si Alexander. Nang inakala niyang hindi kikilos ang lalaki ay inihanda na niya ang sarili para sa pakikipag-argumento dito. But for some reason, Dominic behaved contrary to both his and Tori's expectations tonight. Not only did Dominic Sanchez smiled but he also nodded, as if a father consenting his daughter to date.

"Yes, you may. Just return her to me safe and sound." Si Dominic pa mismo ang nag-abot ng kamay ng dalaga kay Alexander.

Nang abutin ni Alexander ang kamay ni Tori ay hantarang nag-isang linya ang mapupulang labi ng dalaga. But because she was bred to maintain her poise in whatever situation, Tori didn't say anything. Marahil ay natatakot itong makatawag ng pansin mula sa mga naroon.

"Of course, Mr. Sanchez. Miss Di Salvo is my fiancee, I won't let any harm befall on her," sabi niya, ginantihan ng kaparehong ngiti ang lalaki.

Iyon lang at humakbang paatras si Dominic, tuluyang ipinagkatiwala kay Alexander ang dalaga. Tori and Dominic's eyes met, both devoid of any emotion. Hindi nakaligtas ang tinginang 'yon sa mga mata ni Alexander.

And for some fucked up reason, he found himself bristling. He totally felt like an outsider. Maaaring hindi na magkasama ang dalawa pero hindi naputol ang invisible na koneksyon nina Tori at Dominic. At hindi niya nagugustuhan 'yon.

Napansin niya rin na mas pinili ni Tori na magsawalang-kibo nang mapag-isa sila ni Alexander. He felt like he was dancing with a mute. Bawat galaw nilang dalawa ay idinidikta ng ritmo ng musika na matapat nilang sinusundan.

Hindi man siya kasing-galing ni Dominic Sanchez sa pagsasayaw, nasisiguro niyang hindi rin naman siya pahuhuli. Kahit paano ay may alam naman siya sa mga lumang sayaw kagaya nito dahil sa namayapa niyang ina.

"Did I pass?" tanong ni Alexander kay Tori, lagpas-lagpasan sa ulo ng dalaga ang tingin. She was shorter than her and if he looked down, the first thing he would see is the crown of her head.

Tori's eyes were elsewhere too. Simula nang iwan siya ni Dominic sa mga kamay ni Alexander ay hindi nagtagpo ang mga mata nilang dalawa ng kapareha. It was as if they're both refusing to meet each other's eyes.

"Hmm. Pwede na," ani Tori.

Noon siya kumilos para yukuin si Tori. "You're not too bad yourself."

"Thank you," matabang nitong sagot.

Namayani na naman ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Naubusan na kasi siya ng sasabihin. Hindi rin niya alam kung ano ang puwedeng buksang topic para ma-maintain ang conversational air sa pagitan nilang dalawa. It appears that Tori has nothing to say to him, too, and that their dance is nothing but a perfunctory socialization expected from them in that event.

Kung hindi DS Foundation ang nag-organize ng event na 'to, siguradong hindi siya pag-aaksayahan ng pansin ng dalaga. Bilang namumuno sa DS Group, may mga bagay na kailangan nitong palampasin at tiisin. Including some people regardless if she doesn't like them.

Alexander made sure his touch were light. Ayaw niyang ma-bother ang babae sa proximity nila. Ganoon pa man, itinuring siyang parang hangin ni Tori, nararamdaman pero hindi nakikita. She was just clearly enduring his presence until the music stops.

"Any thoughts on our impending marriage?" walang ano-ano'y tanong ni Alexander

"Not gonna happen."

"Why?"

Doon napatingin kay Alexander ang bilugang mga mata ni Tori.

"Because I don't like you. No woman in her right mind would want to get married to someone she doesn't love."

Natawa si Alexander. "Two years ago, you were singing a different tune."

Ginantihan ni Tori ang tawa ng lalaki.

"What can I say? Two years ago, I was naive. Had I known things I know now, it won't happen. But it wasn't anyone's fault but mine. Anyway, I realized it has to happen. Dapat nga magpasalamat ako sa 'yo."

Alexander's brows furrowed. "Magpasalamat saan?"

The next smile Tori gave Alexander was disgustingly sweet it could knock her teeth off.

"The tears I cried for you tempered the person I am today. And correction, Mr. Santander. I am not your fiancee. Hindi ko tinatanggap ang alok ng Daddy mo. Nor I am honoring our fathers' agreement. Sila ang nagkasundo, sila ang magpakasal."

Alexander's lips lifted into a smile. Muntik na niyang makalimutang may katigasan ng ulo si Tori. Somehow, the memory warmed something in his chest.

"Paano kung sabihin kong pumapayag ako sa kasal?"

"Wala akong pakialam." She suddenly dropped her hands off his shoulders. "The dance is over, Mr. Santander. I'd like to go back to Dominic, please."

Wala na siyang pagpipilian kundi ang bumitaw sa babae. Base sa pagkakakilala niya Tori, hindi malayong bigwasan siya ng babae 'pag napuno na ito. Alam naman niyang kanina pa nangangati ang kamay ni Tori pero nagpipigil lang.

And he's not foolish enough to continue pushing her. Tori threw him a last glance before finding her way back to Dominic who was drinking his wine by the buffet table. Iiling-iling na sinundan niya ng tingin ang babae.

Bahagya lang rumehistro sa utak niya ang pagba-vibrate ng cellphone sa bulsa. Wala sa loob na kinapa niya ang gadget at nang tuluyang mailabas ay napasulyap siya sa screen.

Kaagad na kumunot ang noo ng binata nang makita ang naka-rehistrong pangalan. Ano'ng kailangan sa kanya ng kinakasama ng Daddy niya? Ganoon pa man, umalis si Alexander sa dance floor at lumabas sa garden.

Doon, hindi masyadong maingay. He swiped his thumb over the screen to answer the woman.

"Claudia," aniya.

"Alex! Help me, please!"

Agad ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya. There are only two reasons for Claudia to get distressed—one, her partner Carlos Santander. And two, her niece and last living relative Mary Jane. Agad ang pagkilos ng mga binti niya.

"Where are you?" tanong niya sa babae.

"At my old condo unit," sagot ni Claudia. May ingay ng nabasag na kung ano sa background. "Hurry!"

"I'll be right there."

Tiim-bagang na ibinulsa niya ang cellphone. Mabilis niyang natagpuan ang kotse. His car tires gave off a loud screech as he peeled away from the parking, hurrying to Claudia's old place. Bigla, parang nagsikip ang lalamunan niya. Padaskol niyang binuksan ang butones sa leeg ng suot saka humugot ng isang malalim na paghinga.

Mary, what foolishness have you done again? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro