Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

“Pinagtiisan ko lang ubusin dahil nakakaawa ka.”

Kanina pa nagre-replay sa utak ko ang huling katagang sinabi ni Callum sa akin kanina. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagalit sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang umalis at gano’n ang sinabi sa akin.

Does he really despise me so much?

“What did I do to you, Callum? Bakit ganiyan ka na lang umasta sa akin?” bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang singsing na siya mismo ang nagsuot sa akin noong araw ng kasal naming dalawa.

Magdadalawang linggo pa lang kaming magkasama pero ganito na ang nangyayari sa aming dalawa. Hindi na kami magkasundong dalawa.

“Romance him . . .”

And my father’s voice still lingers in my mind. How can I do that if he’s this cold to me right now? How can I romance him if he despise me so much?

“How fucked up my life is, really.” Iling ko sabay sandal sa backrest ng aking swivel chair.

Pagkatapos kong pagmasdan ang paglayo ni Callum sa akin ay hindi ko kinausap si Dustin. He tried to talk to me but I just can’t talk to him yet when I felt so down. And for the second time, he witnessed how I felt unwanted. Hindi lang pamilya ko ang nakapagparamdam sa akin no’n ngayon, pati na rin ang asawa ko.

Sheina tried to talk to me too when I went out of the elevator but when she saw my expression, she shut up and went back to her work while Dustin tried to keep up on me but I refused to talk him.

“I want to be alone,” I whispered.

I want to think. At hindi ako makakapag-isip hangga’t may nambubulabog sa akin. I know their intentions were good but I really just can’t focused if I’ll let them bug my mind.

Kaya naman pagkatapos ng trabaho ko ay mabilis akong lumabas ng opisina, sumakay sa elevator para magpahatid sa basement. Nang makita ako ni Kuya Benjie ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. I slid inside and waited him to maneuver the car.

Buong biyahe ay tahimik lang ako at tulala habang tinitingnan ang aking cellphone. I’m waiting for Callum’s text but it did not come until I reached the mansion. Lumabas ako ng sasakyan at nakitang wala pa ro’n ang sasakyan ni Callum. Hindi pa ba siya uuwi? It’s still early but . . . I just want to talk to him. I want to ask some questions that’s bothering my mind for hours now.

Nagalit ba siya dahil kay Dustin? Bakit naman siya magagalit, ‘di ba? We’re just married by papers and we really don’t own the hearts of each other. I know I should understand him but he really just confused me all the time.

Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit. Hindi ko alam kung bakit palagi na lang biglang nagbabago ang mood niya. He’s confusing me, big time. At gusto kong magtanong sa kaniya kung bakit gano’n.

“Oh, nandiyan ka na pala, Hailey. Wala pa si Callum. Mukhang nag-overtime . . . o baka nag-inom?” alanganing sambit ni Nanay Juliet.

“Hihintayin ko na lang po siya,” saad ko bago nagpaalam na aakyat na.

Nasaan na naman kaya ang lalaking ‘yon? Baka nag-inom na naman ‘yon dahil galit siya sa akin? Paniguradong hindi ‘yon uuwi nang maaga.

Bigla ko na namang naalala ang nakita ko kanina sa opisina niya. He was kissed by that woman. Sino ‘yon? Kliyente? Kalandian? O babae niya? But he said he pushed the woman away from him after she insisted the kiss. Should I believe? Should I believe that he didn’t liked the kiss the woman gave to him earlier? I know I shouldn’t doubt him but how would I know if he’s telling the truth, right? I’m just his wife in papers but I have the rights to be . . . jealous. May karapatan akong magreklamo dahil asawa ako. Legal.

Ipinilig ko na lang ang ulo at isinantabi ang mga iniisip bago tuluyang pumasok sa kuwarto. Naligo ako at nagbihis ng . . . lingerie. It’s part of my father’s want. I should research more too about how to “seduce a man” or about how to “romance your husband”. I should have knowledge about that thing because I don’t have any experience yet. If that happens, Callum will be my first.

Callum will be the one to get my virginity . . .

After that, I went out of the bathroom, looking fresh now. Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay siyang pagpasok ni Callum sa kuwarto.

He’s still serious and intimidating. Nagulat ako nang magtama ang paningin naming dalawa pero agad siyang nag-iwas ng tingin na ikinadismaya ko. Lumapit ako sa vanity mirror at nagsuklay ng buhok habang tinitingnan si Callum mula sa repleksyon niya sa salaman. He’s taking off his white dress shirt now. And when he finally take it off, I looked away when I saw his back.

Ngayon pa lang ay nag-iinit na ang pisngi ko nang makita ang likod niya, paano pa kaya kapag . . . nangyari na talaga ang iniisip kong mangyayari sa aming dalawa? Baka himatayin ako! I really should search about how to react while having an interaction with him!

Napakagat ako nang pang-ibabang labi nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng banyo. Tumingin ako ro’n nang may malungkot na mga mata. I should say sorry to him.

Pagkatapos kong magsuklay ay umupo sa gilid ng kama, hinihintay lumabas si Callum sa banyo para makausap. Naghintay ako ro’n hanggang sa matapos siya. Kaya nang lumabas na siya ro’n ay agad akong napatayo, walang sinasayang na oras para lang makausap siya.

Nakasuot na siya ngayon ng khaki shorts but he’s not wearing any shirt that made me uncomfortable. Pinapatuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya pero hindi man lang siya tumingin sa akin.

“Uh . . . Callum, can we talk?” tumingin siya sa akin pero saglit lang at agad na binawi ang kaniyang tingin.

“About what?” he asked coldly.

“About what happened this afternoon . . . at the cafeteria.” mahinang sambit ko kaya napatingin ulit siya sa akin habang nakakunot ang noo.

“I don’t care what happened that afternoon,” naglakad siya palapit sa bedside table at kinuha ang kaniyang cellphone. “I’ll work on the study room. Pakisabi na ihatid na lang ang pagkain ko ro’n,” aniya nang hindi lumilingon sa akin hanggang sa makalabas siya ng pinto ng kuwarto.

Nanlulumong napaupo ako sa gilid ng kama habang nararamdaman ang pag-iinit ng gilid ng aking mga mata. Napayuko ako habang pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha mula sa aking mata. Pero hindi ko na talaga mapigilan ang pagbagsak nito at hinayaan na lamang mamalisbis sa aking pisngi ang mga luha. Pinigilan ko ang paghikbi hanggang sa maramdaman ko na lang na naninikip na ang aking dibdib.

Tumayo ako at huminga nang malalim, pilit kinakalma ang sarili. Mariin akong pumikit hanggang sa maging maayos na ang paghinga ko. Pinunasan ko ang aking mga luha at pilit na inayos ang sarili. Pumunta ako sa study table at kinuha ang sketchpad. Nag-sketch ako ro’n kahit wala naman akong matinong nagagawa at hindi ako makapagfocus.

Hanggang sa makarinig na lang ako ng katok sa pinto galing sa isang kasambahay. Tumayo ako at hinarap ang kumatok.

“Pakisabi po kay Nanay Juliet na ihatid na lang daw ang hapunan ni Callum sa study room.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa akin ang kasambahay, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala.

“Ikaw ho, ma’am? Bumaba na raw ho kayo para makapaghapunan.” anito.

“Ah, pasabi na lang na wala akong gana kumain. Salamat.” Nag-aalala man ang mata ng kasambahay ay wala na siyang nagawa nang unti-unti kong sinara ang pinto.

Huminga ako nang malalim at bumalik sa study table. Tinitigan ang sketchpad na hanggang ngayon ay blangko. Nailing na lang ako at tumayo bago naglakad papunta sa walk in closet. I need to talk to someone.

Hinubad ko ang lingerie’ng suot. Nagbihis ako ng highwaisted pants at isang mustard cropped top, pinaresan ko ‘yon ng white sneakers. Inipit ko sa isang high ponytail ang buhok at nag-lipstick. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng walk in closet. Kinuha ko ang aking sling bag at inilagay do’n ang aking cellphone at wallet. Wala naman na akong ibang kailangan kung ‘di ‘yon. Lumabas na ako ng kuwarto, nakasalubong ko pa ang isang kasambahay pero tuloy-tuloy lang ang lakad ko pababa.

“Oh, hija. Saan ka pupunta?” tanong ni Nanay Juliet na naabutan akong pababa ng hagdan. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin.

“Lalabas lang po ako, ‘Nay Juliet. Saglit lang po ako.”

Hindi ko na hinintay ang pagprotesta niya at lumabas na ng bahay. Hindi na ako nag-abalang magpahatid kay Kuya Benjie, sasakay na lang ng taxi sa labasan ng village. Naghintay ako ng taxi na masasakyan doon hanggang sa makasakay na ako. Habang nasa taxi ay t-in-ext ko ang isang taong alam kong handang makinig sa akin. Hinintay ko ang reply niya at napangiti nang mapait nang pumayag siya sa pakikipagkita sa akin.

The taxi driver dropped me off to a high-end bar where I sometimes went every time I feel down since the day I had my own work in Dustin’s company. I smiled sadly.

Pumasok na ako ro’n at umupa ng isang VIP couch para hindi hassle makisalo sa mga nag-iinumang ibang tao. Though it’s a high-end bar, some people were getting wild as time goes by. At hindi rin naman maiiwasan ang mga nag-aaway dito.

“A bottle of Hennessey.” sambit ko sa waiter habang nakamasid sa paligid.

It’s been a while since I last visited this bar. I need to cool down. Hindi ko alam kung bakit ayaw makipag-usap sa akin ni Callum. Samantalang siya ay kahit ayaw kong makipag-usap, nagpumilit pa rin at wala naman akong nagawa kung hindi ang magpaubaya na lang sa nararamdaman ko. Ngayon, siya ang nagalit, pero hindi man lang ako binibigyan ng pagkakataong ayusin ang lahat. At hindi ko nga alam kung bakit siya nagalit nang sumulpot bigla si Dustin. He did not even said something to make him mad.

Nang dumating ang order kong alak ay agad akong nagsalin no’n sa baso at nilagok ‘yon. I’ll drink while waiting. Some people were looking at my direction but I don’t give a fuck. I just want to drink here while I’m still alone. A couple of men approached me but I refused to entertain them. I don’t like chit-chatting with men I don’t know.

“Hailey!” Napabaling ako sa kaliwang banda ko nang may tumawag sa akin. Hindi na ako nagulat sa nakita.

It was my sister and her boyfriend. I thought she’ll go here alone, but I was wrong.

“What the hell is wrong with you? Why are drinking? What’s your problem?” sunod-sunod niyang tanong bago umupo sa kaharap kong couch.

I just smiled at her, “relax, Ate.” natatawang sambit ko bago uminom muli.

Tumawag ng waiter ang boyfriend ni Ate Kiana na si Kuya Zild. Habang ako naman ay patuloy lang sa pag-inom at pinagmamasdan ni Ate.

“Did you had a fight with your husband?” kunot-noong tanong ni Ate sa akin, nag-iwas lang ako ng tingin kaya napabuntong hininga siya. “Ano’ng pinag-awayan niyo?” Napayuko ako bago sumagot.

“He went to my office this afternoon . . .” I trailed off to look up at her, smiling sadly. “Then, Dustin came up to tell me that he was looking for me for us to have lunch together but I wasn’t in my office. Callum got mad.”

She looked away, thinking deeply for something.

“He was jealous,” sabad ni Kuya Zild na ngayon ay umiinom na rin ng in-order niyang Black label.

Sa gulat ko sa sinabi niya ay hindi ako nakapagsalita agad. I was caught off guard with his words I couldn’t find a single word to utter.

Si Callum? Magseselos? Alam ko namang wala siyang feelings para sa akin. Paano siya magseselos?

“It’s impossible, Kuya. We’re just in a forced marriage and he has no feelings for me. Kaya bakit siya magseselos?” I said, feeling awkward with the words I’m saying.

“Maybe, it’s his ego talking.” si Ate na ngayon ay nagsasalin na rin ng alak sa baso niya.

“You also have a point. If he has no feelings for you then, you stepped on his ego as a man — a husband. So he got mad at you.” dagdag ni Kuya Zild na mas lalong nagpaisip sa akin.

Right. It’s just his ego. He wouldn’t be jealous because of Dustin.

Nag-inom na lang kami ro’n hanggang sa maramdaman ko nang umiikot ang paningin ko sa sobrang kalasingan. Sumandal ako sa backrest ng couch na inuupuan ko habang nakatingin sa dance floor sa harapan.

“You know what, Ate, he was my crush when I was in College.” pag-amin ko, ramdam na ang kalasingan.

Napabaling sa akin sina Ate Kiana at Kuya Zild na nag-uusap kanina.

“Your what . . .?” Ate Kiana asked, confused.

“Si Callum . . . he was my crush, Ate.” I chuckled nonchalantly. “Then after years . . . I saw him again. He was the one I will marry. And now, he’s my husband.” my chuckle faded and a sad smile stayed. “Kahit na malamig ang tungo niya sa akin, hindi nawala ang pagkagusto ko sa kaniya. I liked him even more when I live in with him in the same roof. Our marriage is a blessing in disguise for me to continue having this feelings towards him.” I look at them with serious eyes. “He’s kind. I can feel it. But he’s just refusing to show it to me because he wants to stay distant. Ayos lang naman sa akin, pero masakit pa rin minsan, hindi lang ako nagrereklamo. But . . . I know where I stand. I’m just his wife in papers, Ate.”

“You’re not just his wife, Hailey. If that’s the case, what is the marriage for? Why did he marry you, anyway?”

“For his company?” I shrugged.

“He’s that desperate for his company? For what? For him to stayed on top? I don’t think so. He’s far for being desperate, Hailey. I know him in business world. He stayed low key as his company run on top.” her logic did not sink in my mind.

“Kung ano man ang dahilan niya, bahala na siya. But Daddy needs me.” Sasabihin ko ba sa kaniya?

“What? Ano’ng sinabi sa ‘yo ni Daddy?” she asked.

Umiling ako, “nothing . . .”

Hindi ko alam kung handa ba akong sabihin sa kaniya ang pinapagawa sa akin ni Daddy.

“You should call her husband,” I heard Kuya Zild whispered to my sister.

I drank more. Walang pakialam sa sinabi ni Kuya Zild. Ang gusto ko lang ay uminom ngayon. Saka ko lang naalalang hindi pala ako nakakain ng hapunan. Bahala na.

My head is now spinning and my eyes were now tightly closed while listening to the stereo’s music. I can’t drank more liquor so I stayed closing my eyes while leaning on the sofa. Until I felt someone held my hand gently and an arm snaked around my waist.

“Wife . . . you’re drunk.” A gentle voice whispered over my left ear.

That familiar voice . . . no.

“He can’t be here. He’s mad at me. My husband is mad at me.” then a single tear fell from my eye.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro