CHAPTER 8
Panay ang agos ng luha ko habang nakasakay sa kotse at binabaybay ang daan papunta sa trabaho ko. Kanina pa tanong nang tanong si Kuya Benjie sa akin kung ayos lang daw ba ako pero hindi ko siya sinasagot at panay lamang iling ko. Nag-aalala siyang tumitingin sa akin sa rearview mirror habang nagmamaneho.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinupunasan ang luha ko.
Gano'n lang ba talaga ako kabilis saktan? Gano'n ba talaga ako kawalang halaga para sa iba? Alam ko namang hindi ako gusto o mahal ni Callum dahil napilitan lang siguro siyang pakasalan ako. Dahil lang siguro sa kompanya niya. Kaya hindi ko siya masisisi kung . . . maghanap siya ng init sa ibang babae.
"Nandito na ho tayo, ma'am." Napakurap-kurap ako at mabilis na inayos ang sarili bago lumabas ng kotse.
Ni hindi na ako nakapagpasalamat kay Kuya Benjie sa paghatid niya sa akin, basta ay lumabas ako at dire-diretso ang lakad papasok ng building. Binati pa ako ng guwardiya pero hindi ko mabati pabalik dahil samu't-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Huminga ako ng malalim nang makapasok sa elevator para pigilan ang nararamdamang emosyon ngayon. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad akong lumabas diretso sa opisina ko. Sinalubong din ako ng sekretarya ko para sa mga kliyenteng humihingi ng follow up tungkol sa mga pinagawa nito.
"Ang Zarex Corp. din po ay humihingi ng appointment para sana raw ho ay mapag-usapan ninyo ang tungkol sa gusto nilang design ng kanilang newly built company." sambit ni Christina, ang aking sekretarya.
"Alright, appoint that for tomorrow. I have things to do today kaya hindi ko sila mahaharap sa ngayon." Tumango siya bago nagpaalam na lalabas na.
Napabuntong hininga naman ako bago umupo sa swivel vhair ko at binuksan ang sketchpad.
Work your ass off, Hailey. Marami ka pang tatapusin.
Kaya naman inabala ko na lang ang sarili sa trabaho at kinalimutan muna ang nasaksihan sa opisina ni Callum kahit pakiramdam ko ay hindi ko makakalimutan 'yon. 'Yon na lang ang pinagkaabalahan ko hanggang sa hindi ko na namamalayan ang oras at nawawala na sa isip ko ang ginawa ni Callum.
"Good morning!" Kumunot ang noo ko dahil sa sigaw ni Sheina pagkapasok sa aking opisina.
Napasapo ako sa noo ko dahil do'n at umiling na lang dahil para na naman siyang tangang nakangiti sa akin. Umupo siya sa upuang nasa harap ng aking mesa at pumangalumbaba. Ako naman ay nagpatuloy lang sa ginagawa habang paminsan-minsan ay tumitingin sa screen ng laptop, nag-aabang ng mga emails sa akin.
"Ang sipag ng Head of design team!" Sinamaan ko siya ng tingin bago muling nagsulat ng label sa ginagawa ko.
"Kung meron kang trabaho at nagbubulakbol ka lang sa kompanya ngayon, p'wede kong sabihin kay Dustin na tanggalin ka na sa trabaho mo." pabiro kong banta sa kaniya pero seryoso ang boses.
Napasinghap siya nang marahas, "grabe ka naman sa 'kin, Hailey! Parang hindi mo 'ko kaibigan!" maramdamin niyang sambit.
"Hindi naman talaga," natawa ako nang bigla siyang nag-exaggerate ng reaksyon niya sa sinabi ko.
"Ang sama-sama ng ugali mo, Hailey! I didn't know you have this side of yours." nakangusong sambit niya na inirapan ko na lang at tinawanan.
"Just kidding,"
Umayos siya ng upo habang nakatingin sa akin, “porke’t patay na patay sa ‘yo si Sir Dustin‚ e ginagawa mo nang panlaban sa amin ‘yan.” Tinawanan ko siya dahil do’n, animo’y walang problema.
“Hindi ko naman alam na balat sibuyas ka pala, Sheina.” Siya naman ngayon ang natawa sa sinabi ko.
“Ay, now mo lang ba nalaman, Ma’am Hailey?” aniya, ipinagdidiinan ang salitang ‘ma’am’.
Umiling ako‚ “wala ka namang ginagawa rito kung ‘di ang guluhin ako. Bumalik ka na kaya sa trabaho mo.”
Marahas siyang tumayo kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Nakataas ang kilay niya na para bang nagtatray sa akin. Hindi ko ‘yon pinansin at ibinalik ang tingin sa sketchpad ko.
“Hmp! Ang sama talaga ng ugali mo‚ Hailey. Pinapaalis mo agad ako. Gusto ko lang naman sanang sabihin sa ‘yo na 12:30pm na po at hindi ka pa rin lumalabas dito sa lungga mo.” Napaangat muli ang tingin ko kay Sheina sabay baling sa orasang naroon sa opisina ko.
Oo nga at alas dose y media na. Hindi ko namalayang tanghali na pala dahil kanina pa ako abala sa ginagawa ko.
“Tapusin ko lang ‘to‚ kakain din ako pagkatapos.” saad ko.
“Sige‚” lalabas na sana si Sheina sa opisina ko nang biglang bumukas ‘yon at iniluwa Christina na medyo namumula ang pisngi at tainga.
“Christina, bakit?” tanong ko habang nakataas ang kilay sa kaniya.
“M-May bisita po kayo‚ ma’am.” Kumunot ang noo ko. Tumingin din sa akin si Sheina na parehas ng aking ekspresyon ang ipinapakita.
“Sino raw?” tanong ko habang binibitawan na ang lapis na hawak.
“Uh . . . Callum Villanueva raw ho, ma’am.” My heart skipped a beat when I heard his name. What . . .? Bakit siya narito? “Asawa niyo raw ho‚” sa sobrang gulat ni Sheina ay mabilis na bumaling ito kay Christina.
“Huh?! Ano’ng pinagsasabi mo‚ Christina? Si Hailey? May asawa na? At ano?! Callum Villanueva?” Napasapo ako sa noo ko at napapikit nang mariin dahil sa mga tanong ni Sheina.
“Oo raw, sabi niya ay asawa raw siya ni Ma’am Hailey.” Si Christina na may alanganing boses.
Napailing na lang ako bago tumayo kaya napabaling silang pareho sa akin. Si Christina ay may pag-aalangan sa ekspresyon habang si Sheina ay nanunuri at medyo nang-aakusa ang tingin sa akin.
“Ano ‘tong sinasabi nito‚ Hailey? May asawa ka na? Bakit hindi ko alam? Kaibigan mo ‘ko‚ ‘di ba? Mula noong college ay magkasama tayo tapos . . . hindi ko alam na may asawa ka na?” Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at nakaramdam agad ng guilt sa aking sistema.
“Uh . . . mamaya ko na sasabihin sa ‘yo‚ Sheina. B-baka kasi nagmamadali si Callum ngayon.” imbes ay sambit ko.
“So totoo ngang may asawa ka?!” Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ng opisina ko.
Hindi ko alam kung sinundan ako ni Sheina at Christina dahil nagmadali na akong naglakad paalis doon. Hanggang sa matanaw ko si Callum na nakaupo sa couch na nasa lobby. He’s sitting there languidly as he scroll on his phone. I look around and saw some employees ogling over him as he carelessly sits there. Napailing na lang ako bago lumapit sa kaniya. Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin mula sa pagtingin sa kaniyang cellphone.
His cold and dark eyes bore into me. I gave him the same expression as he has.
“Bakit ka nandito?” Hindi ko pinahalatang may kakaibang emosyon akong nararamdaman habang nakatingin sa kaniya.
He stood up and tower over me‚ “you went to my office this morning . . .” he trailed off, insinuating something.
Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin‚ “oo‚ hinatid ko lang ‘yong . . . niluto kong adobo para sa tanghalian mo.”
After saying that . . . I realized how desperate I am to get someone’s attention. I realized how I tried so much to be better even though I knew from the very beginning I am not. That’s why my parents couldn’t even love me back because I always tried too much that I looked so desperate.
“My secretary said you opened my office’s door and was about to enter but you back out. Why?” Kumunot ang noo ko at nagtagis ang bagang bago siya nilingon. He’s just looking at me seriously and darkly‚ not even wanting to show more expression.
“Na-realize ko lang na mali ang pagpasok doon dahil . . . may ka-meeting ka. S-Saka hindi ako k-kumatok bago pumasok . . .” damn. I even stutter?!
“I heard a knock . . .”
“That was your secretary‚ not me.” I looked away‚ feeling so embarrassed.
“Bakit hindi ka tumuloy?” Umiling ako. “You saw something?”
“W-Wala . . .”
“You saw me . . . with her . . .” he trailed off.
Yumuko ako at hindi na kayang tingnan siya habang nararamdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. Napapitlag ako nang hawakan niya ang aking siko at marahan ‘yong hinaplos.
“She kissed me‚” parang pinilipit ang puso ko dahil sa sinabi niya.
I know. No need to rub it in my face. I bit the insides of my cheek as I look down.
“I’m sorry . . . I did not want to be kissed by her. She just suddenly kissed me. I’m sorry.” His soothing voice somewhat calmed me.
Pero kahit gano’n ay hindi ko pa rin makalimutan ang nakita ko kanina. Para na ‘yong nakaukit sa utak ko.
“Ayos lang‚” nagtaas ako ng tingin sa kaniya at ngumiti nang bahagya. “I know where I stand. I’m just your wife, nothing more.” Kahit masakit dahil gusto kita . . . mananatili ako sa lugar kung saan dapat ako.
Hindi ako dapat lumagpas sa limitasyon ko.
I heard him sigh heavily as he pull me closer to him. Napatingjn ako sa kaniya nang gulat. He’s now looking at me . . . gently. He swallowed hard, looking pained.
“I’m sorry. I did not want you to feel that way. Sorry.” Mas lalo akong nagulat nang bigla niyang halikan ang aking noo bago ako mas lalong hinila palapit sa kaniya para yakapin. “Nagulat lang din ako nang halikan niya ako kanina. Sorry.”
Hindi ko alam kung ano’ng magiging reaksyon ko. Pero dahil sa gulat ko ay nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. I couldn’t move . . . I’m unable to move because of his warmth. His body pressed on mine . His arms snaked around me.
Ilang minuto kaming nanatili sa gano’ng posisyon. Ni hindi ako umalma o gumalaw. Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin. Amoy na amoy ko ang mamahaling panlalaking pabango niya dahil sa sobrang lapit ng katawan ko sa kaniya. Nang kumalas siya ng yakap sa akin ay doon ko lang napagtantong nasa lobby kami at break time pa rin hanggang ngayon kaya nakaramdam na naman ako ng hiya. Nag-init ang pisngi ko dahil do’n bago nag-angat muli ng tingin kay Callum na nakatingin din sa akin at parang inaarok ang ekspresyon ko.
“Kumain ka na ba?” rinig ko ang concern sa boses niya pero balik na naman sa pagiging seryoso ang kaniyang ekspresyon.
“Uh . . . hindi pa.” I answered honestly before looking at him in the eyes.
Tumango siya, “alright. Let’s eat together.” aniya bago bumalik sa inupuan niya at kinuha ro’n ang paper bag na pinaglalagyan ng kaniyang baon sa ngayong tanghali.
Nagulat ako dahil dinala niya pa ‘yon dito. Humarap siya sa akin at inangat ang hawak na paper bag.
“Dinala ko na rito. Let’s go . . .” kinuha niya ang kamay ko at marahang hinatak para makaalis kami roon.
Hindi ako nakapagsalita at nagpaubaya na lang sa paghatak niya sa akin sa kung saan. Nang makasakay kami sa elevator ay napatingin ako sa kaniya pero seryoso lang siya na nakatingin sa harapan.
“Stop staring at me‚” aniya na ikinaiwas ko ng tingin sabay kagat sa pang-ibabang labi ko.
“Uh . . . bakit ka pa pumunta rito? P’wede ka namang sa kompanya mo kumain ng tanghalian.” sambit ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
“I just want to make it up to you‚” seryosong sagot niya kaya dumiin ang pagkakakagat ko sa aking pang-ibabang labi.
“Hindi naman na kailangan. Ayos lang talaga‚ Callum.” mahinang sambit ko.
“It’s not.”
Hindi ko na nagawang sumagot muli dahil bumukas na ang elevator. Hinawakan niyang muli ako sa aking kamay at hinatak nang marahan palabas ng elevator kaya nagpatianod muli ako sa kaniyang hatak. Dinala ko na lang siya sa cafeteria ng company kahit na p’wede naman sana kaming sa opisina ko na lang kumain pero dahil hinatak na niya ako rito ay wala na akong magagawa.
“I’ll just order my lunch,” tumango siya kaya naman naglakad na ako papunta sa counter para bumili ng pagkain.
Hindi naman ako nagbaon ng para sa akin dahil para lang talaga ‘yon kay Callum. Niluto ko ‘yon para sa kaniya. Nang maka-order ay bumalik ako sa p’westo namin. He was busy typing something on his phone but when he saw me sat on the chair, he stopped typing. He put his phone down and started to open the tupperware.
“Tikman mo rin itong luto mo,” aniya at binigyan ako ng adobong niluto ko.
“Salamat . . .” mahinang sambit ko sabay ngiti kaya nagtagal ang tingin sa akin ni Callum. Nagtiim labi na lang ako at nagsimula na sa pagkain.
We had a peaceful lunch together. He did not show more emotions or gestures but I liked it as it is. At least we had made things up even if the kiss still lingers on my mind.
“Hailey,” napaangat kami parehas ni Callum nang may tumawag sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Dustin na nakatayo sa isang metro ang layo sa aming lamesa. Nakatingin siya sa akin nang matiim sabay baling sa kasama ko. Napatingin din ako kay Callum at nakita kong madilim itong nakatingin kay Dustin at parang anumang oras ay magkakainitan sila. Hindi ko rin alam kung bakit parehas sila ng ekspresyon ngayon.
“D-Dustin,” alanganin kong sambit nang makitang lumapit pa lalo siya sa lamesa namin.
“I went to your office and was about to ask you to have lunch with me because your secretary told me you’re still not eating your lunch yet. But Sheina said you were out with your . . . husband.” Sabay baling niya ulit kay Callum na madilim ang ekspresyon at nagtatagis ang bagang.
I stood up and smiled at him hesitantly, “uh . . . yes, sorry. H-Hindi ko naman alam na pupunta rito si Callum—” napatigil ako sa pagsasalita nang biglang tumayo sa Callum.
Sa sobrang dahas ng pagkakatayo niya ay natumba pa ang silyang inuupuan niya.
“We’re done eating. You can have her now, dimwit.” He turned his gaze towards me coldly.
I shiver at the thought that he’s mad at me now because Dustin suddenly appeared here. He just said that . . . I might behave like a faithful wife does, but here I am now. Even though I’m not cheating . . . just by Dustin’s tone, I feel like I really am cheating now.
He walked out and bumped into Dustin’s shoulder coldly. But he suddenly stopped to look at me with those piercing cold eyes. And what he said next broke my heart . . . into pieces.
“By the way, hindi masarap ang niluto mo. Pinagtiisan ko lang ubusin dahil nakakaawa ka.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro