Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Nang makita kong tulog na siya ay bumuntong hininga muna ako bago tumayo para kumuha ng maliit na planggana sa baba at face towel na rin. Pupunasan ko siya at papalitan ng damit dahil amoy alak siya. Hindi ako makakatulog ng ganiyan ang amoy niya. O 'di kaya ay sa sofa na lang ako matutulog. Inalisan ko na rin aiya ng damit niya at sapatos.

"Nanay Juliet, pahingi naman po ng planggana kahit maliit lang saka malinis na face towel. Pupunasan ko lang po si Callum," sambit ko nang makababa sa kusina.

"Teka," agad siyang nagmadali para kumuha ng kailangan ko.

Nang makakuha ay ibinigay niya 'yon sa akin habang nakakunot ang noo.

"Kumain ka kaya muna bago mo punasan ang asawa mo, Hailey. Anong oras na at hindi ka pa kumakain." aniya habang nakatingin sa wall clock na narito sa kusina.

"Ipahatid niyo na kang ho sa kuwarto. Doon na lang po ako kakain pagkatapos kong punasan si Callum."

Tumango siya sa sinabi ko kaya naman umalis na ako ro'n at dumiretso na sa kuwarto namin ni Callum. Nang makapasok doon ay nakita kong gano'n pa rin ang ayos niya at mukhang mahimbing ang tulog. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa banyo para malagyan ng tubig na maligamgam ang planggana. After that I went outside the bathroom. Sinimulan ko nang punasan si Callum.

Habang pinupunasan siya ay panay ay waksi niya ng aking kamay. Masakit kapag tumatama ang malaki at malakas niyang kamay sa akin pero hindi ko na lang ininda 'yon dahil hindi ako matatapos dito kung hindi ko siya pagtitiyagaan.

"Callum, please . . ." buntong hininga ko bago ipinagpatuloy ang pag-aalis ng butones ng kaniyang dress shirt.

He groaned, "you slut! Stop touching me!" he growl as he flinch at my touch.

I felt a pang of pain on my chest. Bakit ang sakit? Ngayon ko lang naman narinig ang ganitong salita para sa akin, pero sobrang sakit. Siguro dahil akala ko ay magiging iba ang tungo sa akin ni Callum. Bakit pa nga ba ako umasa?

"Callum, ano ba . . ." nauubusan ang pasensyang sambit ko.

"Don't touch me. I'm already married, slut." para akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi niya.

Iniisip ba niyang ibang babae ang humahawak sa kaniya ngayon kaya niya inaalis ang kamay ko? Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil doon. Pero pinili ko na kang na h'wag magpadala dahil baka sa una lang ito.

He's a notorious playboy after all. I couldn't bring my guard down just because of his words.

"It's me, Callum. Hailey," nang marinig niya 'yon ay kumalma siya at hinayaan na akong tuluyang tanggalin isa-is sa pagkakabutones ang kaniyang damit.

"My wife . . ." he murmured before dozing off to sleep again.

Palagi na lang niyang inuulit-ulit sabihin ang salitang 'my wife' simula nang maikasal kaming dalawa. Hindi ko naman alam kung may iba pa ba siyang ibig sabihin o sadyang trip lang niya bigkasin ang dalawang katagang iyan.

Nang matapos ko siyang punasan at hubaran ng damit at pantalon, ngayon naman ay naka-boxer na lang siya. Pagkatapos ay agad na akong tumayo para kumutan siya. Para naman siyang bata na bumaluktot ng higa. Napailing na lang ako kasabay ng pagkarinig ng katok sa pinto.

Mabilis akong pumunta ro'n at pinagbuksan ng pinto ang kumatok. Ang kasambahay 'yon na dala ang hapunan ko. Hindi na kasi makakakain ng hapunan si Callum nito dahil tulog na.

"Salamat po," sambit ko bago sinara ang pinto nang matanggap ko na ang pagkain.

Kumain ako sa breakfast table na narito habang nakatingin kay Callum na mahimbing ang tulog. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain hanggang sa matapos ako. Niligpit ko 'yon at dinala na sa baba. Pagkatapos ay bumabalik ako sa kuwarto para makapagsipilyo.

After that I went inside the walk in closet to look for a spare blanket. Nang makakuha ay lumabas ako at kumuha naman ng unan. Pinagmasdan ko pa muna saglit ang mukha ng asawa ko.

Asawa ko . . . ang g'wapo.

Umiling na lang ako at pumunta na sa couch para doon matulog. Pinatay ko na ang mga ilaw at itinira na lamang ang bukas na lampshade. Nang makaayos na ay natulog na ako ro'n kahit medyo alanganin ang paghiga ko dahil hindi komportable. Mabuti na lamang at dahil sa pagod ay nakatulog din ako.

Nagising ako nang maramdaman kong parang umangat ang aking katawan mula sa pagkakahiga sa couch. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog nang maalimpungatan ako. Nagulat ako nang makita si Callum na buhat-buhat na ako sa kaniyang bisig at dinadala sa kama.

"Bakit doon ka natulog?" his bedroom voice filled my ears as I adjust with the darkness of the room.

"A-amoy alak ka kasi," dahilan ko. Hindi ako sanay na may katabing lalaki at lasing. Mas pinangungunahan ako ng takot. Kahit na alam ko namang mag-asawa na kaming dalawa ay hindi naman ako sanay sa set-up namin.

"I'm sorry. You could've told me." aniya na inungusan ko lang.

"Tulog na tulog at lasing na lasing ka kanina, Callum. Paano ko sasabihin sa 'yo?" inilapag niya ako sa kama.

Tinitigan niya ako bago siya bumuntong hininga at tumabi sa akin sa paghiga sa kama. He snaked his strong arms around my waist and buried his face on the hallow of my neck and shoulder, sniffing my scent.

"I'm sorry," bulong niya habang mahigpit na nakayakap sa akin. "Do I still smell bad?"

Natawa ako sa sinabi niya, "no. Hindi ka naman mabaho kahit amoy alak ka. Hindi lang talaga ako sanay na may katabing amoy alak. It irritates my nostrils."

"Do I still smell like liquor?" He asked again.

"Hindi na gaano. Saka pinunasan naman na kita kanina hanggang sa makatulog ka nang tuluyan." halos hindi ako makahinga nang bigla niyang halikan ang aking leeg.

"Thank you,"

Napangiti na lang ako ng maliit habang hinahaplos ang kaniyang braso na nakapulupot sa aking beywang.

"Let's sleep, maaga pa ang pasok ko." saad ko at ipinikit ang mga mata.

"You overtime last night. H'wag ka na pumasok ng maaga." pigil niya sa akin.

"Marami akong tatapusing trabaho bukas. May building pa akong bibisitahin para sa interior design na gagawin ko."

Wala na siyang nagawa at bumuntong hininga na lang bago nagpasyang matulog na. Gano'n din ang ginawa ko habang dinadama ang yakap niya sa akin.

I hope our relationship as husband and wife went well.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tulog pa rin siya sa tabi ko at mukhang pagod pa rin. Dahan-dahan ko namang inalis ang pagkakayakap ng kaniyang kamay sa aking beywang at walang ingay na umalis sa kama para makaligo na. Dahil maaga pa naman ay gusto kong ako na lang ang magluto ng agahan para kay Callum.

Pagkatapos kong magmumog at mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako papunta sa kusina. Naabutan kong nag-aasikaso na sina Nanay Juliet doon at ang ibang kasambahay.

"Nanay Juliet, p'wede po ba'ng ako ang magluto ng agahan namin ni Callum ngayon." napatingin sa akin si Nanay Juliet at kumunot ang noo sa akin.

"Wala ka ba'ng pasok, hija?" takang nagtanong niya.

"Meron ho, pero gusto kong ako muna po ang magluto ng agahan. Saka . . . gusto ko rin po pala matutong magluto ng mga pagkaing madalas kainin ni Callum, lalo na ho 'yong mga paborito niyang pagkain o ulam."

Tumango na lamang siya at iginiya na ako sa loob para turuan magluto. Medyo kabado pa ako dahil hindi ako magaling magluto. Ang alam ko lang ay magprito-prito ng mga pagkaing alam ko, 'yong madaling lutuin.

"Adobo at Sinigang ang paborito si Callum na ulam. Madali lang naman 'yon lutuin kaya hindi ka na mahihirapan." ani Nanay Juliet habang naghahanda ng mga ingredients ng lulutuin ko. "Nakaluto na kami ng agahan kaya p'wedeng ipagluto mo na lang siya ng ulam para baunin niya ng tanghalian." dagdag pa niya na tinanguan ko na lang.

"Sige ho, magbabaon na lang din po ako kapag may natira." sambit ko habang kinukuha ang kutsilyo para maghiwa na ng bawang at sibuyas. "Adobo na lang po muna ang lulutuin ko dahil mukha naman pong . . madali?" alanganin kong sambit at nagsimula nang maghiwa ng bawang.

Nanay Juliet chuckled, "oo, madali nga. Tuturuan na lang kita ng tamang timpla. Sigurado ka ba'ng hindi ka mahuhuli sa trabaho mo?" umiling ako bilang sagot.

"Maaga pa naman po. At saka, hindi naman po gano'n karami ang gagawin ko kaya p'wede pong hindi po ako pumasok ng maaga."

Tumango siya at tinuruan na ako sa mga gagawin ko. Habang nagluluto ako ay siya namang pagbibigay ng instructions ni Nanay Juliet. Sa sobrang init ng kalan at ng niluluto ko ay pinagpapawisan na rin ako.

"Ilagay mo na rin ang patatas," ani Nanay Juliet na agad ko namang sinunod.

Kumukulo na ang niluluto ko nang bumaba si Callum. Nakaligo na ito at mukhang handa na'ng pumasok sa trabaho. Napatingin ako sa niluluto ko dahil hindi pa naman ito sobrang luto kaya baka hindi na makaabot. Naging abala na si Nanay Juliet sa pag-uutos sa mga kasambahay nang makita si Callum sa kusina.

Nagtama ang paningin naming dalawa. Napalunok ako at agad na umiwas ng tingin dahil para akong napapaso dahil sa tingin niya. Itinuon ko na lang ang tingin sa niluluto ko at hinalo-halo 'yon. Maya-maya ay nagulat ako nang mapansin ko ang presensya ni Callum sa gilid ko. At mas lalo akong nagulat nang bigla niyang hawiin ang buhok na nasa leeg ko. Para naman akong napreskohan sa ginawa niya.

"You're sweating," he said in a hoarse voice.

I gulp at his sudden touch on my neck. He wiped the sweat away on my neck. Maya-maya ay pinunasan niya ang pawis na naroon gamit ang kaniyang palad kaya halos hindi na ako huminga dahil do'n. Sinikop niya rin ang buhok ko na nagpaginhawa sa nararamdaman kong init.

"Uh . . . ang init kasi rito. S-saka nagluluto ako, e." sambit ko at parang ngayon lang narealize ni Callum ang niluluto ko dahil agad na bumaba ang tingin niya sa niluluto ko.

"Oh, tht's my favorite." napangiti ako sa sinabi niya at mas lalong ginanahan sa ginagawa.

"Ipapadala ko sa 'yo. Baunin mo para mamayang tanghalian mo." nakangiting sambit ko.

Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya bago ako binalingan. His apologetic eyes gave me a hint with his response.

"Hindi ko na 'ata maaabutan 'yan. I need to go now. My secretary called and I have an urgent meeting." he said with seriousness.

Bumagsak naman ang balikat ko at nalungkot. This is my first time to cook, yet my effort were . . . useless.

"Gano'n ba?" he nodded curtly. "Mag-almusal ka na. Baka mahuli ka pa sa meeting mo." iniwan ko ang kalan para hatakin siya paupo sa dinning table.

Papaupuin ko na sana siya nang pigilan niya ako at nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid ng silya.

"Bakit? Kumain ka na," sambit ko, pilit pinapasigla ang boses at ikinukubli ang disappointment na nararamdaman.

He sighed heavily, "I need to go now. Sa opisina na ako kakain." sumulyap siya sa pinto ng kusina bago bumaling muli sa akin. "Magpahatid ka na lang kay Benjie dahil hindi na kita maihahatid sa trabaho mo. I'm sorry, I really need to go now." umuklo siya para patakan ng halik ang aking noo. "Bye,"

"It's fine . . ." ngumiti ako sa kaniya.

Bagsak balikat kong pinagmasdan ang pag-alis niya sa dinning area. Hindi man lang siya nagkape o kumuha man lang kahit isang tinapay. Gano'n siguro kaimportante ang trabaho niya kaya naman hindi na niya kayang makakain kahit konti man lang.

Napangiti ako ng malungkot.

Pagkatapos no'n ay nagpasya na lang akong umakyat para makaligo na. Para akong nawalan ng lakas at nawalan ng gana kumilos. Gusto ko na lang umupo at magmuni-muni. Pero para namang ang immature tingnan no'n. Hindi naman big deal pero para naman akong nawalan ng buhay kung makapag-react.

Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon at biglang nakaisip ng ideya. Kaya naman naligo na lang ako para makapaghanda na rin sa trabaho. After taking a bath and doing my usual things, I went downstairs immediately. Agad akong dumiretso sa kusina at naabutan doon si Nanay Juliet na kakapatay lang din ng kalan.

"Oh, Hailey. Kumain ka ng agahan mo. Magtatrabaho ka pa. Itatabi ko na lang itong niluto mo at ipainit na lang natin mamayang gabi para matikman ni Callum." suhestyon ni Nanay Juliet habang nagpupunas ng kamay niya.

"Hindi na ho. Uhh . . . Kung p'wede po ipaghanda niyo po si Callum ng pangtanghalian niya at ihahatid ko na lang po sa opisina niya."

Right. I just remembered my Dad asked me last night. I need to make him fall for me. I need to . . . be a good wife and romance . . . him. Hindi naman siguro mahirap 'yon, 'no?

Susubukan ko hanggang sa magawa ko. Hindi ako susuko. Kaya ko 'to.

Nang matapos akong mag-almusal ay kinuha ko na ang baon na pinahanda ko kay Nanay Juliet para kay Callum. Nagpaalam na akong aalis na at nagpahatid kay Kuya Benjie papunta sa kompanya ni Callum.

"Nandito na ho tayo, ma'am." napatingin ako sa labas ng kotse at halos malula ako nang makita ko 'yon.

Ang ganda . . . labas pa lang ito pero malulula ka na talaga sa ganda at taas ng building.

"Pakihintay na lang po ako rito. Saglit lang naman po ako."

"Sige po,"

Lumabas na ako ng kotse at dumiretso na sa entrance ng building. Binati pa ako ng guwardiya hanggang sa makarating sa reception ng lobby.

"Uh . . . Miss, where is . . . Callum's office?" I said hesitatedly.

Napatingin sa akin ang babae at nagtaas ng kilay. "How may I help you, ma'am?" she asked, smiling but I can see it's not real.

Hindi ko na lang 'yon pinansin.

"Callum's office? In what floor?" ulit ko sa sinabi.

"Do you have an appointment, ma'am?" tanong niya na nagpahilaw ng ngiti ko.

"Ahm . . . wala, e. Pero ihahatid ko lang naman po ito sa office niya. It's his lunch."

Hindi ko masabing asawa ako ni Callum dahil hindi ko alam kung alam ba ng mga empleyado niyang may asawa siya? Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Oh? You're his maid ba? Bakit hindi mo agad sinabi. Sa 35th floor." anang receptionist na ikinatanga ko.

Maid? Ako? Kailan pa? Mukha ba akong maid?

Napahinga na lang ako ng malalim bago siya nginitian at umalis doon. Agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang palapag ng opisina ni Callum. Nang makarating doon ay agad kong nakita ang lamesa ng sekretarya siguro ni Callum. Malawak ang palapag at mukhang nag-iisang opisina lang ito rito . . . o hindi. Dahil may nakita pa akong ilang pinto sa hindi kalayuan.

Nang mapansin ako ng lalaki ay napatayo siya. Lumapit ako ro'n at nginitian siya.

"Si Callum?" I asked flatly.

"How may I help you, miss? Do you have an appointment with Mr. Villanueva?" he asked politely.

"Uh . . ." sabihin ko ba? "I'm his . . . wife." Medyo nagulat ang lalaki pero agad ring yumuko nang bahagya.

"Pleased to meet you, Mrs. Villanueva. Narito ho si Sir pero may kameeting po siya." kumunot ang noo ko.

"Uhm, ibibigay ko lang naman ito." itinaas ko ang paper bag na hawak.

Medyo nag-alangan pa siya pero siguro ay napilitin na rin kaya iginiya na niya ako papasok. Nang buksan niya ang pinto ng opisina ni Callum ay agad nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa nasaksihan.

My body froze at the sight of a woman . . . passionately kissing Callum. I almost hear their groan and the sound of their kissing. They didn't even notice my presence. I looked away but before that I saw how Callum pushed the woman, but that doesn't mean he didn't liked the kiss! He surely liked it!

"Madame?" Pukaw ng lalaki sa akin pero agad akong umatras at ako na mismo ang nagsara ng pinto.

Ngumiti ako sa sekretarya ni Callum at inabot sa kaniya ang paper bag.

"P-Pakibigay na lang pala sa kaniya. H-hindi ko na sila iistorbohin. Mukhang . . . seryoso ang usapan." pilit kong ngumiti hanggang sa matanggap niya ang paper bag.

Mabilis akong umalis doon at sumakay ng elevator. Kasabay ng pagsara ng pinto ng elevator ay siyang pagbagsak ng luha ko.

"Ang sakit . . . palagi na lang akong nasasaktan."

Sa pamilya ko . . . pati ba naman sa asawa ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro