Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

I looked up at the ceiling while thinking about the design my client wants. Nasa study table ako rito sa kuwarto at nakasandal ang ulo sa backrest ng swivel chair habang nag-iisip. The client wants more contemporary theme but with some mixed of modern. It’s possible but hard. Kaya naman nahihirapan akong mag-isip ng p’wedeng ilagay ngayon doon. Nasa akin na rin ang kopya ng blueprint ng buong mansyon nila at hinayaan na nila ako sa dapat gawin.

It’s still new and still under construction kaya naman may panahon pa ako para gawan pa ng paraan ang mga interiors na ilalagay sa mansyon.

“You’re still not sleeping yet?” Napapitlag ako nang marinig ko ang baritonong boses na ‘yon kaya napatingin ako sa pinanggalingan no’n.

There, I saw Callum standing in the doorway while looking at me.

“Uh . . . May ginagawa pa kasi ako.” Tumango siya bago naglakad patungo sa walk in closet. Pagkalabas niya ay may dala na siyang tuwalya na nakasabit sa kaniyang balikat at ang damit na suot kanina ay wala na ngayon. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil kahit pagtingin man lang sa kaniyang katawan ay nakakapaso na.

“I’ll just take a bath,” imporma niya.

“Ah! Sige lang. T-Tapos na ako maligo.” Kahit hindi naman na niya tinanong kung naligo ako o hindi.

Oh gosh, Hailey! Ano bang ginagawa mo?

After a minute or so of just staring blankly at my sketchpad, I shook my head and sighed heavily before going back to what I am doing. Hindi ko nagugustuhan ang tinatakbo ng isip at puso ko sa tuwing nakikita ko si Callum. I should render myself— my heart. But I know where it’s heading now . . . I’m going to fall . . . fast and hard.

Nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto ng banyo ay mabilis akong umayos ng upo at nagpatuloy sa ginagawa. My mind is now in haywire as I continue what I’m doing in my sketchpad.

Napanguso ako nang mapadaan siya sa gilid ko at maamoy ko ang aftershave at ang panlalaking sabon na gamit niya. Pinigilan ko ang sarili h’wag amuyin ang kaniyang bango. Huminga ako nang malalim lalo na nang mapansin kong umupo pa siya sa sofa habang hawak ang cellphone niya.

Kahit malaki ang kuwarto ay parang ang liit no’n kapag nasa iisang kuwarto kaming dalawa. Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya para sa isang tawag.

“Hello, Thea.” I had the urge to look at him but I stopped myself.

Who’s Thea?

Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko bago nagpatuloy sa ginagawa kahit na nawawala na ako sa focus.

“Yeah, send me the details. Don’t just let anyone have an appointment with me without my consent.” his voice seems so authoritative as he speak. “Don’t let that fucktard have an appointment with me baka masapak ko lang ‘yan.”

Hindi ko alam kung sino ang kausap niya pero base sa pakikipag-usap niya, siguro ay sekretarya niya ang nasa kabilang linya.

“Let him wait, he’s not that important.” I heard him sigh that’s why I look at him.

I saw him pinching the bridge of his nose while looking at his phone now. Pinatay na niya ang tawag at ngayon ay may tinitingnan na lang sa cellphone. Nang mapaangat ang tingin niya sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin at binalik ang atensyon sa ginagawa.

Isang oras pa siyang nagbabad sa cellphone at sa laptop na nasa harapan niya habang ako ay malapit na ring matapos sa ginagawa ko.

Nag-inat ako at tiningnan ang ginagawa nang mapagtantong nakatapos na rin ako sa wakas. Pinagmasdan ko pa ‘yon nang ilang sandali bago itinabi ang sketchpad at ibinalik sa lagayan ang mga lapis na ginamit ko saka ako tumayo.

Pagkaikot ko ay saktong pag-angat ng tingin ni Callum ng tingin sa akin. Na para bang hinihintay niyang matapos ako sa ginagawa ko.

“You done?” he asked then look at my back where my sketchpad was placed.

“Yeah,” tango ko sa kaniya.

“You’ll sleep now?” he asked again, holding his laptop, ready to close it if I say yes.

“Uh . . . Oo. Tapos na ako saka maaga ako bukas papasok, e.” tumango siya at tuluyan na ngang pinatay ang kaniyang laptop.

Napamaang ako sa kaniya lalo pa nang tumayo na siya at kinuha ang cellphone na nasa tabi ng kaniyang laptop at naglakad papunta sa kama. He look at me, brows furrowed.

“What? You said you’ll sleep now?” Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

“O-Oo nga. I mean, tapos ka na ba sa ginagawa mo?” sabay baling ko sa kaniyang laptop na nakapatay na at nakasara.

“Yeah. I just checked some emails and read some business proposals.” He shrugged and put his phone on the night stand.

Nakangusong lumapit ako sa kama at pumunta na sa kabilang bahagi ng kama. Umupo ako ro’n bago humiga at inayos ang kumot sa aking katawan. Napatingin ako kay Callum na nakamasid lang sa akin.

“What?” I asked while feeling my cheeks heated as seconds passed by that he’s just staring at me.

“You’re not going to do your night care routine?” he asked while looking puzzled.

“Uh . . . Hindi? Bakit? I mean, hindi ko naman na kailangang maglagay ng kung ano sa mukha o katawan ko dahil matutulog lang di naman ako.” He frowned even more.

“But some girls were doing some night care before sleeping.” I stopped myself from rolling my eyes at him.

“Sila ‘yon. My skin were fine. I don’t like putting some too much products in my skin other than lotion and a moisturizer before sleeping.” sambit ko habang nakatingin sa kaniyang mukhang naiintindihan ang sinasabi ko.

Halos mapaso ako nang bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Kahit na nakatago naman ang katawan ko sa kumot ay nakaka-conscious pa rin kapag tinitingnan niya ako ng ganiyan. I look away and gulp.

“Well, your skin were really fine, soft and naturally beautiful. I like it even more.”

Parang tumalon ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko na lang ‘yon pinansin ay tumagilid na lang muli ng higa sa kabilang gilid, nakatalikod sa p’westo niya.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang paglundo ng kama sa likod ko, tanda na humiga na siya. Hindi ko pinahalatang kinakabahan pa rin ako kapag tumatabi siya sa akin ng higa sa kama kaya naman pinilit ko na lang na matulog hanggang sa maramdaman ko na naman ang pagyakap niya sa akin mula sa likod at ang paghalik niya sa aking batok. Tumindig ang balahibo ko nang lumapat ang kaniyang labi sa aking balat at marahang nagpakawala ng mabigat na hininga.

Hanggang sa lamunin na ako ng antok sa gabing ‘yon.

Kinabukasan ay gano’n ulit. Siya ulit ang naghatid sa akin sa trabaho ko at kinagabihan ay si Kuya Benjie naman ang sumundo sa akin dahil mas nauuna akong umuwi kay Callum. When I get home, I will wait for him for us to have a dinner together. And after dinner, same routine, I will go upstairs and take a bath before doing something else.

Ilang linggo pa ang lumipas at nasasanay na ako sa set up namin ni Callum sa araw-araw. Nagiging komportable na rin ako sa tuwing magtatabi kami sa kama. Pero hindi pa rin minsan nawawala sa akin ang kaba para sa mga naiisip ko.

Umuwi akong pagod mula sa trabaho. Apat na kliyente ang binisita ko para sa mga designs nila. Ako rin ang mismong tumitingin ng mga gamit na ilalagay dahil mas pinagkakatiwalaan ako ng mga kliyente sa gano’ng bagay at mas maganda ‘yon para mas mabalanse ko talaga ang bawat disenyo na ginawa ko para sa kanila.

“Si Callum po, Nanay Juliet?” tanong ko sa Mayordoma nang makapasok ako sa loob ng bahay at hindi ko napansin ang sasakyan ni Callum sa labas.

Minsan kasi kapag nale-late ako ng uwi ay nakikita ko sa labas ang sasakyan niya, ngayon ay wala ‘yon doon. Baka nasa garahe. Alas nuwebe na ng gabi ako nakauwi dahil nag-overtime pa ako sa trabaho. Dustin tried to drive me home but I refused since naroon na si Kuya Benjie kanina sa basement para sunduin ako. Hindi naman siya nagtaka kung bakit may driver ako nang sinabi kong may driver na susundo sa akin.

“Wala pa si Callum, Hailey. Akala ko nga ay sasabayan ka sa pag-uwi dahil anong oras na ay wala pa siya. Baka nag-overtime sa trabaho.” ani Nanay Juliet habang nakamasid sa mga kasambahay na nag-aasikaso ng hapunan.

“Gano’n ho ba? Sige ho at tatawagan ko na lang. Aakyat po muna ako.” sambit ko.

“Oh siya, sige. Bumaba ka rin at ipapainit lang saglit ang pagkain dahil lumamig na sa tagal niyo umuwi.” Ngumiti ako at nagpaalam nang aakyat.

Nang makapasok ako sa kuwarto ay kinuha ko agad ang aking cellphone at dinial ang number ni Callum. Nagri-ring lang ito at walang sumasagot. Kumunot ang noo ko dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Noon naman ay agad niyang sinasagot ang tawag ko kahit na nasa gitna siya ng meeting. Bakit ngayon ay hindi niya masagot? Nasaan siya?

“The subscriber is cannot be reach, please try to call again later.” anang operator na ikinainis ko.

“Why the hell aren’t you picking up your phone, Callum?” iritado kong sambit bago umupo sa gilid ng kama.

Gano’n pa rin, nagri-ring lang at maya-maya ay operator na ang sasagot. Tang inang operator ‘yan.

Dahil sa inis ko ay nagpasya na lang muna akong maligo para makapagbihis na rin ng pambahay. Mamaya ko na siya tatawagan pagkatapos ko maligo. Nang makalabas ako ng banyo ay dumiretso na ako sa walk in closet at nagbihis ng pajama para mamaya pagkatapos kumain ay matutulog na ako. Since iniwan ko naman ang gawain ko sa opisina ay matutulog ako agad.

Pagkalabas ko ro’n ay naabutan ko ang cellphone kong umiilaw sa ibabaw ng kama. Nakasilent ‘yon kaya hindi ko napansing may tumatawag. Sa pag-aakalang si Callum ang tumatawag ay nagmadali akong tumakbo papunta sa kama pero parang bumagsak ang dibdib ko nang makitang hindi si Callum ‘yon, that’s my father who’s calling me now.

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag ng ama ko.

“Hello, Dad?” I greet with a soft voice.

“Hi, Hailey. How are you going with Callum now? How’s your status?” Kumunot ang noo ko sa concern na narinig ko sa boses ni Daddy.

“Uh . . . We’re doing fine, Dad. I’m getting along with him just fine.” I answered hesitantly.

“Just fine? Wala pang nangyayari sa inyo?” Pinag-initan ako ng pisngi dahil sa sinabi niya.

“Uh . . . Dad . . .” naging balisa ang aking mga mata at hindi makahanap ng sasabihin. “W-Wala pa po.”

“Wala pa?!” Napalakas ang boses ni Daddy kaya inilayo ko nang bahagya ang aking cellphone sa tainga ko.

“B-Bakit po?”

“Bwisit. Kaya naman pala ayaw pumayag ng lalaking ‘yon sa merging ng kompanya na sinasabi ko sa kaniya. Wala pa palang nangyayari sa inyong dalawa.” iritadong sambit niya.

Umupo ako sa gilid ng kama at napakagat sa pang-ibabang labi ko habang nakatingin sa aking kamay.

“W-Wala, Dad. K-Kailangan bang . . . May mangyari?”

“Why don’t you make a move, Hailey?!” he hissed. “He’s your husband already! Malamang may mangyayari! In that way, mapapaibig mo siya. Mahuhulog siya sa ‘yo. Mahuhumaling! Seduce your husband and make him agree to my proposal since you two were already married!” rinig ko ang prustrasyon sa kaniyang boses at kung aangal ako ay agad siyang magagalit sa akin. “Make him fall in love with you, Hailey. His company is on top. We need him. We need his company. Mabuti nga at pumayag siya sa pagpapakasal niyo. We’re happy that you two got married but we still need assurance that his surname alone will make our company bloom.” I heard him sigh frustratedly.

Kaya ba niya ako ipinakasal kay Callum? I biy my lower lip even more as I hear him mutter some curses.

“Seduce him. Romance him. Make him fall in love with you, so that, he can agree immediately to my proposal of company merging, Hailey. We need his company — him rather. For our company to survive and bloom. We’re bankrupt, Hailey. Help us. That’s the least you could do for the family.”

Para mahalin nila ako . . .

Para pakitunguhan nila ako ng maayos . . .

Para ituring nila akong pamilya . . .

I will do everything.

I ruined my freedom, my life, so what’s the use of not obeying now? Siguro naman kapag ginawa ko na ‘to . . . Matutunan na nila akong mahalin na parang tunay na anak, ‘no? Siguro naman matatauhan sila na may kwenta pala ako. Siguro naman mapagtatanto nilang kaya kong gawin ang lahat para lang mahalin nila ako.

Sana nga . . .

“Okay, Dad. I will do that. He’s . . . My husband after all.”

“Gawin mo nang maayos ‘yan. H’wag kang papalpak. Unti-untiin mo hanggang sa mapapayag mo siya sa gusto kong mangyari. I-open up mo sa kaniya ang topic na ‘to pero h’wag kang pahahalata.”

Natapos ang tawag niya na puro paalala lang tungkol sa gagawin ko para akitin si Callum.

Can I really do that? I’m too innocent to even know how to romance my husband! I don’t know a thing about romancing or seducing a man because I don’t have any experience about that!

Fuck!

Napatayo ako nang maaayos nang may biglang nagbukas ng pinto. And there, I saw Callum looking so wasted. Napalatak ako nang makita ang hitsura niya. His dress shirt’s buttons were now open. I don’t know where his coat is now and his necktie.

Mabilis akong lumakad papunta sa gawi niya nang makitang babagsak na siya sa pagkakatayo. Buti na lamang at mabilis akong nakalapit kaya naman naaalalayan ko agad siya bago pa siya matumba. Napayakap siya sa akin nang ipulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang beywang.

“Lasing na lasing ang asawa mo. Inihatid na lang ng kaibigan niya rito dahil hindi na raw kayang magmaneho sa sobrang kalasingan.” ani Nanay Juliet na nakatingin kay Callum na may pag-aalala.

“Wife . . .” he said in a growl as he kiss my neck.

His kisses sent electrified sensation throughout my body.

“M-Maraming salamat po, ‘Nay Juliet. Ako na ho ang bahala sa kaniya.” Tumango ang matanda kahit na nag-aalala pa rin at mukhang gustong tumulong sa akin sa pag-aasikaso kay Callum.

Huminga ako nang malalim nang makaalis na ang matanda at isara ko ang pinto. Nahirapan akong dalhin si Callum sa kama dahil nagpapabigat pa siya. Nang makahiga na siya ro’n ay may sinasabi siyang hindi ko maintindihan habang nakapikit ang mga mata niya.

“Bakit ka ba kasi naglasing?” iritado kong sambit at umupo sa gilid ng kama at hinaplos ang kaniyang buhok.

“My wife . . .” he murmured. “Fuck . . . Revenge. I’ll kill . . .”

Kumunot ang noo ko sa sinasabi ni Callum kaya naman mahina kong sinampal ang kaniyang pisngi.

“Callum, ano bang sinasabi mo?” Kahit kinakabahan ako ay pinilit ko pa ring gisingin siya kahit lasing.

Nagmulat nang bahagya ang kaniyang mga mata at nang masilayan ako ay may kakaibang kislap ang kaniyang mata.

“My wife . . . Who . . . Who’s Dustin in your . . . Life?” sininok siya sa huling pangungusap pero naintindihan ko pa rin ang sinabi niya.

“Dustin?” Nanlaki ang mga mata ko. “B-Boss ko siya. B-Bakit?”

Hindi na niya nasagot ang tanong ko dahil pumikit na ulit siya at narinig ko na lang ang mumunti niyang hilik.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi habang pinagmamasdan siya. What’s with you, Callum? Bakit ka naglasing ng ganito?

Romance him . . .

How could I romance a man as rough and hard as you? Kakayanin ko ba? Ni wala nga akong alam tungkol sa ganiyang gawain, e.

“I guess, I will need to make some research about that.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro