CHAPTER 49
“Dito po,” sambit ng isang pulis at iginiya ako papasok sa tanggapan ng bisita para sa nga bilanggo.
Hindi araw ng pagbisita kaya walang tao roon, kung hindi ako at ilang pulis na nagbabantay. Naiwan si Callum sa pintuan hindi rin kalayuan dahil kita pa rin naman niya ako mula sa kung nasaan ako.
Umupo ako sa pahabang silya habang naghihintay.
“Palalabasin lang namin si de Guzman.” anito na tinanguan ko lang.
I am actually trembling and sweating bullets as I wait there alone. Ilang beses akong huminga ng malalim dahil sa kaba.
Apat na taon din ang lumipas simula nang huli ko siyang makita. I also never visited my foster mother’s grave because I know I am still mad at her — at them. Because of what happened years ago. They made me a way to their success. In order to get their success, they need to lose me, to keep me in the dark, and have me as a collateral damage like what Callum did to me before, too.
Pero siyempre, mas masakit ang dinanas ko sa kamay nina Tito Nathaniel. I smiled bitterly. I used to call them “mom and dad”. I used to keep them a family. But now . . . I can’t even think of it.
I couldn’t believed I called those person who took my parents away from me a mom and a dad. Kahit na hindi naman talaga sila naging ama at ina sa akin kahit kailan.
Siguro, minsan, natatawag akong ‘anak’ kapag may nagustuhan silang ginawa ko na gusto nilang gawin ko. At bilang lamang sa daliri kung ilang beses nila akong natawag na ’anak’ sa dalawang dekadang kasama ko sila.
“Hailey!” Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang malalim at maawtoridad na boses na iyon.
I stiffened and felt the coldness of my body when I met his eyes held with so much darkness, brooding, and authoritative. Manipulative. I held my head high as I look at him . . . fearless. I am not the same Hailey I was four years ago.
I am a Reifenstuel, I held power now. I am not helpless anymore.
“You are here,” tila nasisiyahan niyang sabi.
Hindi ako nagsalita hanggang sa makaupo na siya ng tuluyan.
“Can’t you fucking take this cuff out of my fucking hands?” inis niyang sambit sa mga pulis na naroon.
Pero hindi siya pinansin ng mga ito kahit pa bakas ang galit sa boses at ekspresyon ni Tito Nathaniel. Then he look at me again, happiness were glistening in his eyes. But not mine. I am not even feeling a single happiness looking at him right now.
I gritted my teeth when he smiled at me.
“Why are you here, anak? I mean, it’s been . . . years. I lost counts now. Hindi mo ‘ko binibisita. Ibang-iba ka na ngayon.” He even shamelessly scanned me. I stayed still. Looking grim. “Ang . . . Ate Kiana mo. Dalawang beses pa lang ako nabisita no’n simula nang makulong ako. Do you two despise me that much? Na kahit pagbisita ay hindi niyo magawa?” Tuloy-tuloy niyang salita.
More than that, actually.
“Anak . . .”
“Don’t call me that.” mariin kong sambit. Hindi na makapagpigil dahil naririndi na sa kakasabi niya ng anak.
He stilled. Tila hindi inaasahan ang biglaan kong pagsasabi no’n.
“B-Bakit? Napabisita ka na rin lang, may dala ka bang . . . pagkain diyan? I miss eating expensive food.” Napakakapal ng pagmumukha.
“Wala akong dala. Bumisita ako rito . . . para sabihing ihanda mo na ang sarili mo sa panibagong kasong kahaharapin mo.” Namutla siya sa sinabi ko.
Hindi niya na naman inaasahan ang narinig. I want to be straightforward now. Hindi ko na maatim ang makipagtitigan sa taong kumuha ng lahat ng sa akin.
“A-Ano bang sinasabi mo?” kabadong tanong niya.
“I already knew what happened to my parents. The real thing. Ang galing mo. Ang galing niyo. In order for you to be on top, to float, you need to drown someone . . . you need to kill someone. My parents. Nagtagumpay ka. Pero hindi mo nakuha nang tuluyan. You fucking made me think that it was just a simple accident. Pero ang totoo . . . kayo ng asawa mo ang may pakanan no’n. How could you? And how could your wife do that to his very own brother? Wala ba kayong kaluluwa man lang? Konsensya?” Tumulo ang luha ko habang nagpapatuloy. “You sheltered me, para maitago ang lahat. You fucking hide me to everyone, even to my grandmother. Para hindi ka mapagkamalan. It was all planned by then, right? I was a fool. I was young. I really thought that it was just a simple car accident, pero tang ina. ‘Yong mga taong dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko ay kasama ko sa iisang bahay. ‘Yong mga taong iyon ang nakinabang ng pinaghirapan ng mga magulang ko.”
I trembled. Nakayuko siya at tila sising-sisi sa nangyari. But I know better now. He’s not even regretful about what happened. Because if so, he wouldn’t do it the second time around, wuth Callum’s parents. Dahil halang na ang kaluluwa niya. Nila.
“I-I’m sorry,” he croaked.
“I am not taking a fucking sorry for my parents. Kasi kahit ilang milyong hingi mo ng tawad, hinding-hindi na sila babalik sa akin. Hindi ko na sila makakasama! Dahil sa inyo! Dahil sa kahayupan ninyo!” I yeald out of anger.
Hindi siya makapalag. Hindi siya makatingin sa akin at tinatanggap lang ang salitang binabato ko sa kaniya. Malayong-malayo sa Nathaniel de Guzman na kilala ko noon. Na kapag umangal ako sa kaniya, agad niya akong paparusahan — bibigyan ng ultimatum. Ngayon, para siyang isang tuyong dahon, kaya ko nang apakan. Hindi makapagsalita, at walang magawa.
“You . . . fucking ruined my life. Ate Kiana’s life. Callum, Calvin, and other’s life just because of your delusion. That you will be on top after doing horrible things and manipulate everything.” Bawat salita ay may galit. Bawat salita ay may gigil.
“I-I’m sorry for ruining your l-life.”
“You’re not sorry. Because if you are, sana hindi umabot ng halos tatlong dekada! Sana noong una pa lang, umamin ka na! Umamin na kayo! But what? What did you do? You paid those police to keep it a secret. Kasi ikaw na ang itinuturo ng lahat ng ebidensya. Kasi alam mong doon pa lang, makukulong ka na. You even sheltered me, legally adopted me for what? For my parent’s wealth? Ngayon, napakinabangan niyo na, naubos na, ngayon ka pa hihingi ng tawad? Tang inang sorry ‘yan, e kahit kailan hindi na niyan mababalik ang mga magulang ko!”
Hindi ko na napigilan ang paghagulgol dahil sa sakit na nararamdaman.
Bata pa ako nang mawala ang mga magulang ko, pero walang araw na hindi ko sila inisip. I have their pictures with me until now. I have that happy video clip with me, before they got into that accident. I was left just by those things . . . a memories with them. Limang taon pa lang ako pero ipinagkait na agad sa akin ang magkaroon ng masayang pamilya. Ipinagkait sa akin ang pag-aalaga ng mga magulang. Dahil ni minsan ay hindi niyon nagawa ng mga taong kumupkop sa akin.
“Hindi ko na ‘to mapapalagpas. Hindi na ako magpapauto sa iyo. Sisiguraduhin kong mabubulok ka rito sa kulungan. Tandaan mo ‘yan.”
Tumayo ako at pinalis ang mga luha ko. Pinagmasdan kong lumuha siya. Pinagmasdan kong magdusa siya. Magsisi. Kung totoo mang nagsisisi nga siya. Wala na akong pakialam ngayon.
Kung kinakailangan kong maging malupit, makuha lang ang hustisyang nararapat para sa mga magulang ko . . . then so be it. I will be merciless.
“And oh, by the way. Deserve mong hindi dalawin ng tunay mong anak dito. At ng apo mo. Kasi naging malupit ka rin kay Ate Kiana. She can’t even stand seeing you, so she won’t visit you here. Ever.”
I saw how his eyes held fear, longing, regret, sadness, and that unnamed emotion as his tear fell down. Pero wala na akong pakialam doon at tinalikuran na siya.
“I regret everything now . . .” bulong niya na hindi nakatakas sa pandinig ko.
“Wala nang saysay ang pagsisisi mo ngayon.” sagot ko nang hindi siya nililingon.
Naglakad na ako palayo sa kaniya. Agad akong sinalubong ni Callum na may seryoso at naninimbang na ekspresyon. He look at where Nathaniel de Guzman is then back to me, with the same expression.
I can’t I am fine now. Dahil nang makalapit na ako sa kaniya ay agad ko siyang niyakap at humagulgol sa kaniyang dibdib. I don’t care now. He won’t judge me. He will never judge me, I know.
He caressed my back and whispered sweet words. But everything in my heart still feels so heavy.
“I’m here, baby. Hush now. We will have the justice your parents deserve. I will make sure on that.” He kissed the side of my head.
“Ang sakit pa rin isipin, C-Callum. Na s-sila mismo ang p-pumatay sa mga magulang ko. N-Na nagpanggap silang walang masamang ginagawa habang . . . habang kasama ako, inosente at walang alam sa nangyari.” hagulgol ko. “I was betrayed by them.”
We visited my parent’s graveyard. Muling lumuha ang aking mga mata nang makita ang mga pangalan nila roon at taon kung kailan sila namatay. Sobrang sakit na sa maikling panahon ko lang silang nakasama noon. At halos wala pa akong matandaan dahil sa bata ko.
Bumalik kami sa mansyon. Maayos na ng bahagya ang aking pakiramdam dahil hindi sumuko si Callum para patahanin at pagaanin ang nararamdaman ko. Nang makarating kami sa mansyon ay agad kaming sinalubong ng anak namin na nakangiti, sabik sa aming dalawa.
Agad na nawala ang pagod na nararamdaman ko, physically and emotionally, nang makita ko siyang masayang tumatakbo palapit sa amin.
“Mommy! Daddy! I miss you!” she greeted us enthusiastically.
I bent down to level her. She kissed my cheek and hugged me tight. Nang kumalas siya sa yakap ay agad niya akong pinagmasdan. Tila nanunuri. Gaya ng ama niya kapag alam nitong may kakaiba sa akin.
“You okay, Mommy?” she asked in a little voice. Then she looked up at her father, creasing her forehead. “Did you made my mommy cly, daddy?”
Mabilis akong bumaling kay Callum nang itanong iyon ng anak. Agad kong hinawakan ang kamay niya at pinisil ‘yon. Tumingin siya sa akin. Hindi nakasagot si Callum sa anak at nakamasid lang.
“What happened, My?” she asked in now serious and critical voice.
I cleared my throat, “we visited your grandparents’ graves. I got emotional because . . . I miss them. So much. You also cry whenever you miss me — us, right?” Tumango siya. “Your father didn’t made me cry, okay? He was just there . . . supporting me all the time. So, don’t worry about me, okay?” I kissed her forehead.
Lumuhod din si Callum at hinalikan si Hestia sa pisngi. Agad siyang niyakap nito at doon na nagpahinga. May binubulong ito na hindi ko na marinig.
Tumayo na ako, gano’n din ang ginawa ni Callum habang buhat ang anak. We ate together and tucked our daughter in her bed when she fell asleep after telling us her whereabouts the whole day. She was very energetic and excited as she tell us those information.
“I didn’t know that . . . what my grandmother has told me about this before was all true. Noong nakita niya ako sa condo ni Ate Kiana. She told me that Nathaniel de Guzman has used me to get in my parent’s companies. Dalawang branch ang nakuha niya. Pero ang iba ay hindi dahil nakapangalan iyon sa akin. She has told me that she has it investigated while looking for me. My parent’s last testament was for me. Kaya wala silang nagawa, at hindi nila masabi sa akin ang tungkol doon dahil ayaw nilang makuha ko ‘yon at umalis sa puder nila. Dahil siguro, takot silang maungkat ang lahat.”
Callum was just there, looking at me intently and listening to me attentively.
“Hindi ko inaasahan ‘yon. Kasi . . . hindi ko naman inakalang gano’n kalala ang ugali nila. Akala ko, sa akin lang sila gano’n, mas malala pala sa iba.” I smiled bitterly. “My parents and grandparents’ wealth and companies are all on me now. I can do everything now, but to be evil. Ayaw kong mamulat sa kasamaan ang anak natin.” Bumaling ako sa kaniya. “Ikaw na lang at ang anak natin ang meron ako, bukod kay Ate Kiana. You two are my home. Kaya sana . . . h’wag mo ‘kong saktan ulit. Aaminin kong narito pa rin ang sakit. Ang takot. But I risked everything because . . .” I sighed as I trailed off. “Because I love you, Callum.”
Kita ko ang pagpula ng pisngi, tainga, at leeg niya sa sinabi ko. Nanlaki rin ang mga mata niya nang bahagya. Hindi niya maialis ang tingin sa akin dahil para na kaming nahipnotismo sa mata ng isa’t isa. I smiled at him.
“So please . . . take care of my heart.” I tiptoed to kiss his lips.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niyang palalimin ang aming halikan. Hinawakan niya ang puwitan ko at mabilis akong inangat habang hindi pinuputol ang halikan naming dalawa. Napapikit ako sa sensasyong hatid ng halik niya sa akin.
“C-Callum, h’wag dito.” I said hoarsely, moaning. For Pete’s sake! We’re here inside our daughter’s room!
Hindi niya tinigil ang paghalik sa akin hanggang sa makalabas kami ng kuwarto ni Hestia. Mabuti na lamang at walang tao sa corridor at magkatabi lang ang kuwarto namin ni Hestia. Nang makapasok sa kuwarto ay agad niya akong inihiga sa kama habang patuloy pa rin sa paghalik sa akin.
I moan when his kisses went down on my jaw, then my neck, back to my ear.
“I love you . . .” he whispered affectionately in my ear. “Please, please . . . baby, marry me.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro