Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 46

Nagsimula na kaming kumain nang tahimik habang sina Hestia lang ang panay ang daldal. Hestia told us what she did the whole day. And we’re just sitting there, listening to her tell us her whereabouts.

“She’s talkative,” bulong ni Callum sa tabi ko. “And still full of energy.” Natawa ako sa sinabi niya.

“Ganiyan talaga siya, lalo na kapag may ibang tao.” saad ko habang nakatingin sa anak na masayang nagkukwento sa amin.

I smiled as I look at her talk cutely. And we’re all listening to her attentively. At mas lalo pa siyang ginanahan dahil doon. Then she started talking about where we will go tomorrow. Extreme excitement is very visible in her eyes.

After eating and having a little bit talk with Ate Kiana and Kuya Zild, umalis na rin sila dahil nakatulog na si Kaezy. Habang si Hestia naman ay mukhang marami pang enerhiya habang nakatingin sa aming dalawa ni Callum. Bumaling ako kay Callum at naabutan siyang nakatitig sa akin, mukhang malalim ang iniisip.

I arched my brow, “what’s the matter?” I asked when I felt his eagerness to talk but stayed silent.

“Nothing,” he smiled at me warily.

Kahit na nagdududa sa tingin niya ay binalingan ko na lang ang anak na nakamasid pa rin sa amin.

“Daddy, are you going to youl house now?” she asked in a little voice.

Callum cleared his throat and bent down to level his daughter. I bit my lower lip as I look at them in awe.

“No . . .” he answered hoarsely to Hestia.

“No?” she said, confused now.

He chuckled, “I’m not leaving. I’m going to live with you here now, my princess.”

Napatingin sa akin ang anak ko, tila naghahanap pa ng kasagutan sa sinabi ng kaniyang ama.

“You . . . will be with Hestia hewe always?” Tumango ang ama niya.

Mas dumiin ang pagkakagat ko sa aking labi nang bigla siyang yumakap sa akin nang mahigpit. Na tila ba sa wakas ay ibinigay ko na sa kaniya ang regalong . . . matagal na niyang hinihiling sa akin. That her wish was already granted by me now.

“Thank you, Mommy!” she said and I felt her shoulder tremble. She’s crying!

Napayuko ako habang hinahaplos ang buhok ng aking anak na umiiyak sa aking beywang. I closed my eyes tightly. Until I felt Callum hugged from the side and kissed my temple softly.

“Thank you,” he whispered that made my heart beats faster as I stifle the tear at the side of my eyes.

Hindi ko alam kung ano pang pwede kong maramdaman habang yakap nila akong dalawa. Na para bang para sa akin ayos na itong lahat. Ayos nang yakap nila ako at magbibigay sila ng init sa puso ko. Na lahat ng sakit at pagdududang naramdaman ko noon, ay napawi na ngayon dahil dito. Dahil sa kanila.

I felt my heart ache . . . but because of happiness.

After that silent moment between us three, Hestia fell asleep. Siguro dahil sa pagod maghapon, sa kakakwento kanina sa hapag, at sa pag-iyak ay hindi na niya napigilang antukin. Buhat siya ni Callum nang umakyat kami. Hiniga niya ito sa kama at kinumutan ko ito nang matapos ko siyang palitan ng pantulog.

I stood up and face Callum whose looking at us in a tender way. Even in his feature, his eyes held that emotion I always want to see. Because it somehow . . . make me fell harder for him.

I am falling harder to the soft side of him.

“Why?” I asked to stop my heart from beating faster.

Umiling siya pero hindi inalis ang titig sa akin na para bang may gustong sabihin pero hindi niya itinutuloy sabihin o pinipigilan niya ang sariling bigkasin iyon.

Lumabas kami pareho ng kuwarto ni Hestia. Naglalakad ako sa corridor nang mapansin kong nakasunod siya sa akin. Bumaling ako sa kaliwang bahagi ng ikalawang palapag ng mansyon kung saan naroon ang mga guestroom, bago huminto at binalingan siya. He also stopped when I stopped walking. In front of the master’s bedroom, my room.

“Nakapili ka na ba ng kuwarto mo sa mga guestroom?” I asked him carefully.

He looks confused. Itinagilid pa niya ang kaniyang ulo habang nakatitig sa akin.

“Room? Guestroom? For me?” he almost scoff in disbelief.

“Oo, bakit?” I asked again in a hard tone this time.

“Nasa kuwarto mo na ang mga gamit ko. Pinaayos ko sa sekretarya ko ang mga ‘yon sa space na natira sa walk in closet mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala na nagdesisyon siya nang hindi man lang kumukonsulta sa akin!

“What?!” I hissed. “Bakit sa kuwarto ko? Sinabi ko ba’ng doon ka matutulog? Katabi ko?” Halos maghisterya ako sa harap niya. Hindi pa rin makapaniwala sa ginawa niya.

“Why? Do you expect me to sleep in one of your guestrooms? Baby, I want to be with you. And it include sleeping with you in the same fucking bed.” may diing sambit niya.

I groan. “You said we’ll take everything slow! Bakit gusto mo agad magtabi tayo sa iisang kama?” I said, hysterical now.

Nagsalubong ang dalawang makapal niyang kilay. “Bakit ba ayaw mo ‘kong makatabi? Wala naman tayong gagawing kakaiba. Magtatabi lang naman tayo.” He said each word with a hint of darkness.

Napapikit ako ng mariin.

“You don’t get me,” I sighed.

“Then, enlighten me?” I look at him and found his sorrowful eyes. I almost melt.

Umiling ako at bumuntong hininga muli. Hindi ko alam kung paano ko sa kaniya sasabihing . . . hindi na ako komportableng katabi siya sa pagtulog. It’s been four years since we last sleep in the same bed.

“I’m waiting, Avery.” I glared at him and I saw a ghost of a smile in his lips.

“Fine!” Dahil wala na rin naman akong ibang masabi sa kaniyang dahilan. “I am not comfortable sleeping with you in my bed, Callum. Hindi na tayo gaya noon na . . .” I trailed off, can’t even try to continue the sentence.

Huminga siya nang malalim, “but I want to be with you.” He stepped forward towards me.

Halos mahigit ko ang hininga ko nang tumigil siya ilang pulgada lang ang layo sa katawan ko.

“Please, I promise I won’t do anything that will make you upset and uncomfortable. But I want . . .” kitang-kita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya dahil sa mariin niyang paglunok. “I want to cuddle with you.” he whispered the last sentence. Pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko. “And besides you’re already my girlfriend now so . . .” then he look at me again.

Para kaming mga teenager na bago lang sa relasyon ngayon. ‘Yong excitement, parang bago pa lang sa akin. Samantalang hindi naman ito ang magiging unang beses na magkakatabi kaming dalawa sa iisang kama.

Hinawakan niya ang kamay ko sa marahan at malambing na paraan. I flinch when I felt the electricity in it. Nagbaba ako ng tingin pero inangat niya ‘yon gamit ang daliri niya.

“I won’t force you do anything with me, gusto ko ‘yong kusa mong hihingiin sa akin at hindi ka lang napipilitan. But, can you let me hug and kiss you whenever we’re sleeping?” Napalunok ako nang mariin at tumingin sa mga mata niyang nagsusumamo.

Umingos ako at hindi na lang siya pinansin. “Bahala ka,” sagot ko nang nakahakbang na palayo sa kaniya.

I heard him say ‘yes!’ before following me inside my room.

Nang balingan ko siya ay inililibot niya ang tingin sa buong kuwarto. Kita ang pagkamangha sa mga mata niya habang nagmamasid. And then his eyes settled on the picture frames in the bed side table. It’s my baby pictures, my pictures with my biological parents when I was four or five that time, my picture with my grandmother, Hestia’s baby pictures, and my pictures with Hestia when we were in Switzerland and Italy for a vacation.

He reached for that certain picture. My baby picture.

“You look like her,” he utter unconciously. Then he look at me with tenderness in his eyes. I can’t help but stare at him. “She really is the mini version of you. So pretty.” he added.

I looked away. Feeling the heat gushed in my face. I suddenly felt flustered! Damn him and his words.

“Maliligo lang ako,” hindi ko na nakayanan kaya nagpaalam na ako at walang lingong-likod na pumunta ng banyo.

Mabuti na lamang at adjacent sa walk in closet ang banyo kaya naman pagkatapos maligo ay doon na ako nagbihis. Hindi ko alam kung ano nang ginagawa ni Callum sa labas at ayaw ko nang alamin ‘yon.

Nagsisi naman agad ako dahil sa suot ko nang makalabas ako ng banyo, matapos kong patuyuin ang buhok. I am wearing a black satin nightdress that would pass for seducing someone. Nawala sa isip ko na kasama ko nga pala si Callum sa iisang kuwarto. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? I’m already dressed and out of the bathroom. Saka, hindi ko naman siguro kailangang baguhin ang pananamit ko dahil lang narito siya, hindi ba? I still have the rights to choose whatever I want to wear.

‘You’re just conscious because of his presence, Hailey. Because you’re thinking some lewd scenes in your mind.’ the back of my mind said.

Napairap ako at nagpatuloy na lang sa pagpunta sa kama. And there, I saw him holding an album while sitting at the couch. He’s scanning the pictures seriously. But I can tell he’s . . . in pain while looking at those pictures. It’s Hestia’s pictures. From nursery ’til now.

I bit my lower lip and cleared my throat. He looked up at me and didn’t even flinch. Wala siyang pakialam kahit naabutan ko siyang nangingialam sa gamit ko rito. Hahayaan ko na lang siya sa parteng ‘yan. He still needs to see our daughter’s baby pictures because he wasn’t there as Hestia grow.

“M-Maligo ka na rin para . . . makapagpahinga ka na.” Tumango lamang siya habang pinagmamasdan ako.

Napabuntong hininga ako nang mapagtanto kong hindi siya susunod sa sinabi ko dahil ibinalik niya muli ang tingin sa album na tinitingnan niya. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang album dahilan ng pag-angat niyang muli ng tingin sa akin, magkasalubong ang kilay, mukhang galit at naguguluhan sa ginawa ko.

“Maaga pa tayo bukas para pumuntang amusement park sa Laguna. Pagod ka sa maghapon tapos magpupuyat ka pa dahil dito? May ibang oras at araw ka pa para tingnan ‘yan. Hindi kita pipigilan. Magpahinga ka na lang muna dahil alam kong pagod ka.” His piercing eyes held my gentle one.

Yumuko siya at tumango. “Alright. Maliligo lang ako.”

Pinagmasdan ko siyang pumasok sa walk in closet para kumuha ng damit para makaligo. Nang pumasok siya sa banyo ay dumiretso ako sa vanity mirror at sinuklay ang buhok habang nakatitig sa aking repleksyon.

Kahit na itanggi ko lahat. Kahit na gumawa ako ng maraming dahilan para hindi niya malaman na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya at na hindi naman ako tumigil na mahalin siya. I can see that he really did changed at all. That he’s doing his best to be better for me now, hindi lang para sa anak namin. But I still need to be cautious. Dahil hindi pa rin naman nawawala ang pagdududang nasa puso at isip ko dahil sa nangyari noon.

Lately, I am letting him saw how affected I am, but still I am trying so hard to hide it. Masyado nga lang siguro akong marupok pagdating sa kaniya.

Natapos akong mag-ayos ng sarili ay saktong paglabas niya sa banyo. I saw how his eyes directed at me. I saw it from the mirror. I arched a brow at him.

Lumapit siya sa akin at agad na kumalabog ang dibdib ko dahil sa samu’t saring nararamdaman habang papalapit siya sa direksyon ko. Nahigit ko ang hininga ko nang yumuko siya, itinukod ang kanang kamay sa mesa at ang isa ay nasa sandalan ng upuan. He’s looking at me piercingly while I am looking at him from his reflection in the mirror. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niyang tila nanghihipnotismo.

“Are you done?” he asked huskily. He inhaled my scent that sent shiver down my spine.

I bit my lower lip before nodding.

“Then, let’s sleep?” Tumango muli ako pero hindi pa kumikilos dahil sa kaniya.

My eyes widened a fraction when he suddenly kissed my neck. Halos mapugto ang hininga ko dahil sa biglaan niyang ginawa. His breath tickled my neck when he whispered.

“Let’s sleep, baby.” Mariin akong napapikit sa bulong niyang ‘yon.

Dahan-dahan niya akong hinila patayo. Nagpatianod ako at sumunod lang sa gusto niyang mangyari.

This man really knows how to seduce someone . . . how to seduce to me.

Nasa kaliwang parte ako ng kama, gaya noon. At siya naman ay nasa kanan. Tinabunan ko ng kumot ang aking katawan at hindi alam kung paano pipikit nang hindi iniisip si Callum na nasa tabi ko ngayon. Then he suddenly hugged me from the side. Nanlaki ang mga mata ko.

“C-Callum,” I utter.

“Hmm?” He just hummed. Nagsumiksik siya sa aking katawan kahit pa nga napakalawak naman ng aking kama.

I tremble when I felt his thumb slowly caressing my side. Almost touching my side boob. Isang marahan at mabigat na hininga ang pinakawalan ko habang dinadama ‘yon.

“Good night, my love.” he whispered before he planted a kiss on my forehead.

I don’t know what time I fell asleep. Dahil ang natatandaan ko lang ay ang pagmamasid sa kaniya. Ang pagtitig sa maamo niyang mukha habang natutulog siya. Pinagmamasdan ko siyang natutulog sa tabi ko na parang tangang hinahangaan ang kagwapuhan nito. And even in his sleep, I still find him looks so ruthless and rude. His thick brows were meeting every time he felt my touch in his cheek. But he never wake up. Siguro dahil na rin sa sobrang pagod niya sa maghapon. Habang ako, hindi agad nakatulog kakatitig sa gwapo niyang mukha.

Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang mainit at malambot na bagay na lumapat sa aking labi. Sa inaantok na mga mata ay nagmulat ako. My sight is still adjusting when I saw Callum’s face in front of me. Sobrang lapit niya na kaunting kilos ko lang ay maglalapat na ang mga labi namin.

He’s kissing me?

He’s kissing me early in the morning?!

I suddenly felt conscious. Hindi pa nga ako nakakapaghilamos at nakakapagmumog!

Mabilis akong lumayo sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

“Good morning,” he still greeted me with a smile.

Good mood, ah?

“Uh . . . g-good morning.” sambit ko habang unti-unting lumalayo sa kaniya dahil baka amoy panis na laway pa ‘ko!

“Bakit ka lumalayo?” Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin niya ‘yon. Ipinirmi niya ang aking beywang para hindi ako tuluyang makalayo sa kaniya.

“M-Maghihilamos muna ako,” pigil na pigil kong magsalita.

Kumunot ang noo niya, “maganda ka pa rin naman kahit bagong gising ka. Kaya bakit kailangan mong lumayo?”

“Hindi pa ako nagmumumog! Halik ka nang halik diyan!” Hindi ko na napigilan.

Mas lalo pa akong nainis dahil sa pagtaas ng gilid ng kaniyang labi at mas lalong paglapit sa akin.

“Hindi naman mabaho hininga mo. Ang bango nga, e.” Then he kissed me again.

Pilit kong kinukunot ang noo ko para malaman niyang hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya pero hindi ko maiwasang mamungay ang mga mata dahil sa halik niya.

“Callum!” saway ko sa kaniya sabay takip sa bibig.

He laughed heartily. Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa aking bibig.

“What? You don’t have to be conscious about your smell, I love you so much and I don’t care if you have bad breath—”

“I’m not bad breath!” sigaw ko na tinawanan na naman niya.

“Then, don’t cover your mouth and let me kiss you.” Then he crouched to kiss my lips when he successfully remove my hand covering my mouth.

I almost moan when he sucked my lips and entered his sinful tongue inside my mouth. Habang abala kami sa halikan ay naramdaman ko ang paglulumikot ng kaniyang kamay. Then it started molding my breast in a primitive way. Dahil doon ay hindi ko na maiwasang mapaungol sa ginawa niya. Then he his lips left mine and it started kissing my jaw. Mariin ang pagkapit ko sa kaniyang braso dahil sa kiliting hatid ng halik niya sa akin.

Muntik na akong mawala sa katinuan. Lalo na dahil sa kaniyang kamay na marahang minamasahe ang aking dibdib. Kung hindi pa siya tumigil na tila nagpipigil ay hindi ako makakabalik sa h'wisyo.

“We should prepare now. Baka mamaya gumising na ang prinsesa natin. I know she’s excited.” Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko nang marahan. “Mauna ka nang maligo. Magluluto ako ng agahan at ng dadalhin natin mamaya. At ako na rin ang mag-aasikaso sa anak natin.” mataman niyang sambit.

Kumunot ang noo ko. “Mabilis lang naman ako kaya ako na lang ang mag-aasikaso kay Hestia.”

He kissed my lips tenderly. “I want you to do nothing this morning but prepare. Ako na ang bahala. Magpahinga ka. Alam kong nahihirapan ka noon na mag-alaga sa anak natin. Kaya hayaan mong ako muna ang mag-alaga sa kaniya. I want you to feel like a queen when you’re with me. I want you to know that you have beside you in your rough days.” Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa matapos siyang magsalita. “So, maligo ka na habang nagluluto ako. I already showered earlier.”

Hindi ko na napigilang yakapin ang kaniyang leeg sa nararamdaman ko. I know he’s shocked. But I don’t care now. I just want to hug him right now.

“Thank you,” bulong ko dahil sa samu’t saring emosyong nararamdaman ngayon. I sighed in contentment.

“You don’t have to thank me. This is the least I could do for you.” He kisses my ear.

Nanatili kami sa gano’ng posisyon ng ilang minuto hanggang sa marinig na namin ang pagtawag ni Hestia sa labas. Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nag-ayos na. Pinuntahan ko si Hestia sa kuwarto niya pero wala na siya roon. Siguro ay kasama ang tatay niya.

Nagdesisyon na lang akong i-check ang gamit niya na inihanda na ni Nica. Kompleto naman ‘yon kaya bumaba na ako para tingnan silang mag-ama.

A warm hand touched my heart when I saw the scenario in the kitchen. Buhat-buhat ni Callum ang anak habang nagluluto at bahagyang gumagalaw na tila hinehele ang anak. And my daughter is just giggling cutely as her father sway his hips. Mabuti na lang at hawak ko ang cellphone ko kaya nakuhaan ko sila ng picture na masaya roon. I stayed silent while watching them. Nakangiti lamang akong pinagmamasdan sila.

Napatingin si Callum sa gawi ko kaya naman napasimangot ako. I’m still enjoying the view!

“Good molning, Mommy!” my daughter greeted.

Lumapit ako para halikan siya at batiin din.

Hindi na rin naman nagtagal ang pagluluto at pag-aasikaso ni Callum sa anak namin kaya naman umalis na rin kami ng bahay para pumunta sa sinasabi naming amusement park. Hestia slept on the way. Gano’n din ako minsan dahil medyo matagal din ang naging biyahe.

“Wow! Lides, Daddy! Lides!” Napahilot ako sa sentido ko dahil sa utak na pagsasalita ng anak. Rides.

Ang ama naman niya ay tuwang-tuwa lang din na sinasabayan ang anak. Bawat sakay nila sa mga rides doon ay binibidyuhan ko. Minsan naman ay kaming dalawa ni Hestia ang magkasama. Lalo na sa carousel na siya pa mismo ang humatak sa akin kaya naman sinimangutan ko si Callum nang tawanan niya ako habang nakasakay ako sa carousel.

“Daddy!” At bawat pag-ikot nito ay kumakaway siya sa daddy niya. “Hi, fans!” Natawa ako sa bigla niyang sigaw sa lahat.

Nang matapos kami roon ay sinalubong kami ni Callum na may ngiti sa labi. Bumili kami ng snacks. May pagkain kami sa kotse pero mamaya na namin ‘yon kakainin dahil ayaw pang magpapigil ni Hestia sa kakalalibot.

Napansin kong nakatitig si Callum sa akin habang kumakain kami ng pizza.

“Hmm? Bakit?” tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. Kumunot ang noo ko.

“Napansin ko lang, kahapon ka pa panay titig sa akin.”

“Hindi na bago ‘yon,”

“No, I mean. ‘Yong titig mo na parang . . . may gusto kang sabihin. Pero hindi mo lang masabi sa akin. Ano ‘yon?” Mabilis siyang umiling.

“I don’t want to ruin this day just for that, baby.”

Mas lalong kumunot ang noo ko at naguluhan sa sinabi niya. At tingin ko ay hindi ako mapapanatag dahil doon. I will ask him later. Pag-uwi namin. At hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya nasasabi ‘yon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro