Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 36

Hindi ko alam kung bakit kabado ako habang nasa loob ng kotse. Palapit na ako sa restaurant na sinabi ni Callum. Ito ang restaurant na madalas naming puntahan noon, noong mag-asawa pa kami — I mean magkasama sa iisang bahay.

Kabadong-kabado ako lalo pa nang tumigil na ang sasakyan ko sa basement. Kasunod ko ang kotse niya at itinabi niya ‘yon sa sasakyan ko. Napanguso ako at nanatili muna saglit sa loob. Natulala ako habang iniisip kung bakit ako narito ngayon.

Pumayag ako dahil ayaw kong sundan niya ako sa bahay. Matigas ang ulo nito ni Callum at alam kong gagawin niya kung ano ang gusto niya. And when he said he’ll sleep in my house if I don’t go on a date with him, he’ll do it. That’s why I agreed. Tatakasan ko na sana kung sakali, kaso sa sinabi niyang ‘yon ay natakot ako. If he’ll do it, he’ll definitely see my daughter. I don’t want them to see each other yet. Siguro kapag handa na ako, saka ako papayag.

Lumalaki na si Hestia. She’s also now lookinh for her father. That’s why I can’t hide the truth to her forever. Darating ang araw na kukulitin niya ako sa pagtatanong tungkol sa kaniyang ama. And I’m not yet ready for it.

Napatalon ako nang makarinig ng katok sa bintana ng aking kotse. Tinted ang salamin ng kotse ko kaya paniguradong hindi ako kita ni Callum mula sa labas. Patuloy siya sa pagkatok habang kinakalma ko ang sarili. Seconds later I opened the driver’s door and saw how worried and impatient he is as he stand beside my car. I rolled my eyes and locked the door.

“Bakit ang tagal mo ro’n?” he asked coldly.

“Bakit? Bawal ba na inayos ko muna ang sarili ko?” irap ko sa kaniya.

“For two minutes?” His eyes narrowed at me.

I sighed, “bakit, makakapag-ayos ka ba sa isang segundo?” mataray kong sagot bago naglakad paalis sa harap niya.

Narinig ko pa ang pag-ungot niya roon pero hindi ko na siya pinansin at naglakad na papasok sa loob. Sumunod siya sa akin sabay lapat ng kaniyang kamay sa aking beywang. Napatigil ako dahil sa ginawa niya.

“Get off me, Callum.” saway ko dahil saktong ginawa niya ‘yon nang makapasok na kami mismo sa loob ng restaurant.

“What? Ang daming tumitingin sa ‘yo.” nakangusong sambit niya.

“Malamang, may mata sila.” sarkastikong sabi ko at ponilit inaalis ang kamay ni Callum na nasa aking beywang.

“What are you doing?” he hissed.

“Don’t give people misinformation about our relationship.” mariin kong angil sa kaniya.

“What? I don’t care about what would they think about us.”

“Wala ka naman talagang pakialam, tss.”

Iginiya kami ng usher papunta sa VIP room na pinreserba ni Callum para sa aming dalawa. Mabuti naman para hindi kami makita ng mga taong nasa labas. Mamaya ay baka may socialite pa siyang narito at makita kami. Another intrigue again.

Pinaghugot niya ako ng silya na ikinataas ng kilay ko. I smirked and sit opposite to the chair he’s holding. Umigting ang panga niya sa ginawa ko. Pero sa huli ay umiling at siya na ang umupo sa upuang hinatak niya. Dumalo na ang waiter sa amin at binigyan kami ng menu.

Nang matapos kaming um-order ay umalis na rin ang waiter. Tumingin ako sa paligid para hindi magtama ang paningin naming dalawa ni Callum. Masyado akong nadadala sa mga tingin niya at hindi ko 'yon nagugustuhan.

I did not dare talk to him but he’s persistent to have this date successfully. We casually talked. And when our order came, we ate silently. Mabuti naman at hindi siya nagtanong ng kung ano dahil baka hindi ko masagot o madulas ako sa sasabihin ko.

I tried to focus on my meal but my eyes were slipping to his way. He caught me looking at him and to hide my embarrassment, I rolled my eyes on him.

“Ikaw lang ba mag-isa sa mansyon mo?” Napatingin ako sa kaniya nang tanungin niya ‘yon bigla.

Halos masamid ako sa kinakain ko bago nagpunas ng gilid ng labi at tumingin sa kaniya sabay iling. “Hindi. Uh, of course I am with the house helpers,” palusot ko.

Tumango naman siya sa sagot ko. Saka ko biglang naalala ang pagkikita namin ni Nanay Juliet. Saktong tapos na akong kumain nang magsalita muli ako.

“I saw . . . Nanay Juliet last time.” I caught his attention and he look at me attentively. “We talked, and she told me about what you did the past four years.” I don’t want to talk about this, pero hindi ako matahimik. “She said you moved out of your mansion,”

Tumango siya at bumuntong hininga. “Just last year. Naaalala kita sa bawat sulok ng mansyon kaya lumipat ako.” Nag-iwas siya ng tingin habang nakaigting ang panga.

I narrowed my eyes on him, “then . . . why are you seeing me now if you don’t want to remember me even just in your house?”

Binalik niya ang tingin sa akin habang nakakunot ang noo. “Did I say I don’t want to see and remember you? I didn’t. I’m not moving on, either. It’s just . . . haunting me. Your sobs, your cries, your vent, your pained voice, everything I encountered that day. Ayaw ko nang maalala ‘yon dahil naalala ko kung gaano ako kagago noon.”

Umirap ako, “buti alam mong gago ka.”

“Noon ‘yon. I changed now.”

“I know you’re still a jerk, Callum. No need to lie to impress me.” Because I’m not impressed anymore at all.

Huminga siya ng malalim bago mapupungay ang mga matang iginiwad sa akin. Napataas ang kilay ko roon.

“I’m changing because of you. You . . . you changed a lot. Hindi ka naman ganito magsalita noon. Tss.”

I was taken aback by his words but not too much. She already confronted me about that before but I care less. I don’t care what he would say anymore.

“I shouldn’t stay what I am before because I should move forward in life.”

“That’s why . . . you don’t want me anymore? Because you’re moving forward?”

“Bakit ko naman gugustuhin pa ulit na makasama ang lalaking . . . nanloko lang sa akin at ginamit lang ako para sa paghihiganti niya?” I crouched a little on the table since I don’t think I can focus on my meal now. “Sa tingin mo may matinong babaeng mananatili sa ‘yo . . . kung ‘yan ang ginagawa mo sa kaniya? You used me for you to get to our company, to revenge to our parents. You used my body . . . to satisfy yourself.” mariin kong sambit sa huling kataga.

I saw how affected he is. I saw how his eyes darken in so much danger.

“You know, I think it’s fine now. I just came to the realization, na oo nga pala, I also used you. My father wants to get in your company. To be one of the top in business world. He’s that eager and giddy that he can make you marry me to get to your company in return. He wants me . . . to seduce you, because he knows that’s your kryptonite. You’re a guy, kaya kapag may babaeng inihain sa ‘yo — bumukaka, bibigay ka.” Bawat salita ko ay may pait. Hindi ko ginugustong sabihin ito pero bigla-bigla na lang din itong lumalabas sa bibig ko habang mataman siyang tinitingnan.

“Kung ibang babae ka, hindi ako magpapaakit. But you’re Hailey Avery. You were then my wife that time.” he said as look at me with darkness in his eyes.

I scoffed. “Kung ibang babae? Don’t fool me for the nth time, Callum. Sa dami mong babae noong tayo pa, maniniwala pa ba ako?”

“Wala naman akong babae noong—”

“Stop the crap, Callum. You know what you’re doing before!” Hindi ko na naiwasan ang bahagyang pagtaas ng boses ko. “Noong unang linggo ng “kasal” natin, you have your women flocked in you. Dumating pa si Faith ulit sa buhay mo. Ano ‘yon? Hindi mga babae ‘yon?”

Napahilamos siya sa kaniyang mukha sa sobrang prustrasyong nararamdaman sa mha sinasabi ko. Pagod siyang sumandal sa backrest ng silya, hindi na nakatapos ng pagkain, at tumingin sa akin sa mapupungay na mga mata.

“I admit, I tried to play dirty before. I fucking tried to cheat on you the first week. But fuck it. Remembering your angelic face, your beguiling eyes, your softness, I couldn’t. I couldn’t cheat on you that’s why I fucking stopped. I wasn’t seduced by them. I just . . . want to make you jealous, but I promise, nothing happened. Before our marriage was the last time I got laid.” he frustratedly explained like there’s something would change if he’ll do that.

“Hindi ako naniniwala,”

“Hindi ka naniniwala dahil ayaw mo naman akong pakinggan. Ayaw mo ‘kong bigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa ‘yo.” Tunog nagmamaktol niyang sambit.

“I don’t like playboys,” huling alas ko habang umaayos ng upo. Hindi na alam ang sasabihin dahil bigla na lang naumid ang aking salita.

He scoffed and sarcastically laugh, “and you like your best friend now? That’s why you can’t give me a chance now?”

“Bakit ba lagi mong isinisingit si Dustin sa usapan? It’s just about you and your playboy side, Callum!”

“I changed! I already changed because of you. Because I want to be deserving for you this time. For the past years, I just think about you and how could I win your heart again. I tried to fucking look for you in America but your grandmother did everything very well. Just to hide you from me — from your father.”

I was stunned looking at him after he said that. Umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin.

“Liar.” mariin kong bulong.

“You always see me as a liar . . . as a devil. That’s why it’s so hard to win you back.”

Wala na akong masabi. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa kaniya habang siya ay nakaiwas lamang ng tingin sa akin, tila ayaw ipakita sa akin kung gaano siya nasasaktan ngayon.

“They said . . . devil don’t fall in love nor change itself. But I do fucking love you. I do fucking changed. All because of you.” Mahina ngunit sapat na para marinig ko ‘yon ng maayos at malinaw.

My skipped a beat as I look at his face, his eyes, his hard feature. But he didn’t look at me.

“Let’s stop this conversation, I don’t want us to fight over dinner.”

Nagkibit balikat na lang ako dahil wala na rin naman akong masabi sa kaniya dahil sa huli niyang sinabi. I was out of words, literally.

And when we’re done eating he paid the bill and we went out of that VIP room. Hinawakan niyang muli ang aking beywang na hindi ko na pinansin. Pero napatigil ako sa paglalakad nang may pamilyar na mukhang nakita sa hindi kalayuan. Napatigil din si Callum dahil sa ginawa ko. He look at me and then followed my vision.

Faith is looking our way, too. Stunned and her eyes widened as she look at us together. Ang kaniyang kamay na may hawak na kubyertos ay natigil sa ere habang pinagmamasdan kami, gulat. Napatingin ako sa kasama niyang abala naman sa pagkain at hindi napansin si Faith na natigil sa pagkain niya.

“Let’s go,” nagpatianod ako sa hatak ni Callum sa akin palabas ng restaurant.

Pero naiwan kay Faith ang isipan ko. Hindi ko alam kung ang gagawin o sasabihin ngayon habang pinagmamasdan ako ni Callum at hindi pa rin kami pumapasok sa kotse.

“Are you okay?” he asked, worried.

Huminga ako ng malalim bago siya tiningnan sa mga mata.

“You were . . . once engaged to Faith . . .” I utter slowly.

“I wasn’t engaged to her. Hindi ko kailanman naisip na pakasalan siya o bigyan siya ng singsing.” mariin at seryosong sambit niya.

“But the article says—”

He kissed me to stopped me from talking. Mabilis lang ‘yon dahilan ng pagsama ng tingin ko sa kaniya. Hindi dahil nabitin ako, kung ‘di dahil nakakailang halik na siya sa akin ngayong gabi.

“Sa akin ka maniwala, hindi sa mga article na ‘yon. I’m saying the truth. At kung totoo man ‘yon, bakit hindi pa kami kasal hanggang ngayon?”

“M-Malay ko sa inyo. B-Baka may iba kayong plano? O baka—”

“We’re not engaged. Hindi kailanman. I won’t just propose to anyone right after you left me.”

Hindi ako nagsalita at natulala lang saglit.

“Aren’t we going to stop arguing about this?” Tila nauubusan ang pasensyang sambit niya habang nakatingin sa akin.

Binalingan ko siya gamit ang masamang tingin.

“May angal ka?” iritado kong sambit at pinanlakihan siya ng mga mata.

“Wala,” nakangusong sagot niya.

Pagkatapos ng usapang ‘yon ay umuwi na kami. Sinundan niya ako hanggang sa mansyon. Pero hindi na siya nagpumilit na bumaba ng kotse o tumigil man lang. Pagkapasok ko sa loob ay siyang pagliko niya para bumalik sa daan pauwi. Napahinga ako ng malalim habang nakapikit at nanatili muna saglit sa loob ng kotse.

Kinabukasan ay may toyo si Hestia nang gumising. Ayaw niyang magpaiwan sa akin. Panay ang kapit niya sa aking braso at umiiyak kapag sinasabi ko sa kaniyang papasok na ako sa trabaho. Kaya naman wala na akong nagawa kung ‘di ang manatili na lang muna sa bahay. Isang oras pa bago siya kumalma.

“Daddy?” Napabaling ako kay Hestia habang nasa playroom kaming dalawa.

She’s holding a paper where she shows her drawing. Hindi maayos pero kung iintindihin mo ay makukuha mo ang ibig niyang sabihin sa drawing na ‘yon. It was a three person in stick drawing. I’m sure the little one is her, the other one is me with a long hair, and . . . and the last one is her . . . father.

“W-What?”

“Mommy, daddy, me!” she giggled as she look at the paper.

Napayuko ako at hindi alam ang sasabihin sa kaniya. Ni hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa sobrang guilty ko. I’m doing this because I’m still not sure if Callum is willing and deserving to be my daughter’s father. I don’t want her to hope too much to her father. Kaya mas mabuting hindi muna nila makilala ang isa’t isa.

“I want daddy.” nakangusong sambit niya.

“Daddy is . . . uh . . . busy, baby. You should understand him.”

“Don’t he miss us?” inosenteng at hirap na sambit niya.

I bit my lower lip, “he surely miss us.” I kissed her forehead. “Continue playing, I’ll just make some calls in the office, ‘kay?”

“Mkay!” maarte niyang sagot bago bumalik sa ginagawa.

Ilang sandali ko pa siyang pinagmasdan kasabay ng pagtunog ng cellphone ko para sa isang tawag. And it’s from the unknown number. I shouldn’t answer calls from strangers but I feel like this is business related so I answered.

“Hello? Who’s this?” I asked in a business-like tone. Tumayo ako at pumunta sa pintuan kung saan malayo kay Hestia. She’s now with her babysitter.

“Avery . . .” that husky voice filled my ear and made me shiver. It feels like I didn’t hear his voice for a long time that it made my heart beats faster.

“Callum . . .” I whispered. “Where did you get my number?”

Biglang bumaling sa akin si Hestia, naniningkit ang mga mata at halatang narinig ang boses ko. Agad akong kinabahan dahil sa tingin niya. Mabilis akong lumabas doon dahil sa pagkabigla. Hindi ko alam pero kaparehas niya ng tingin ang kaniyang ama.

“From your secretary.” Tumikhim siya. “Uh . . . I’m outside your house now.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hindi p’wede! Shit lang!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro