Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29

Our relationship goes on. Kahit pa medyo alanganin ang lahat ay hindi ako nagpatinag. Lalo pa nang sinasabihan na ako ni Ate Kian na maging alerto at mag-ingat.

“I’m just warning you, Hailey. Hindi ito ang oras o panahon para magpakampante. Hangga’t hindi tayo nakakasiguro na wala ngang masamang balak si Callum, we should be cautious. Lalo na ikaw. Dahil ikaw ang kasama niya palagi, ikaw ang pinakasalan, at ikaw ang nahuhulog sa kaniya nang malala. Kaya mag-iingat ka. Okay?” sambit niya habang nasa opisina ko. “I am also investigating on my own. Lalo pa at medyo balisa sina Mommy at Daddy sa kung saan. Hindi ko alam dahil sa tuwing nagtatanong ako sa kanila, sinasabi nila na ayos lang ang lahat at na h’wag na akong mag-alala. I’m just thinking that there’s something wrong.” Napasapo siya sa noo niya at napailing na parang hindi na rin alam ang gagawin.

“What’s the state of our company, Ate?” I asked slowly.

“It also slowly rising because of Callum’s name in it. As a . . . finally a half owner and stockholder of our companies.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Half owner? Ngayon ko lang . . . nalaman ‘yan.”

“Dad didn’t inform you? And Callum? Walang sinabi?” Umiling lamang ako bilang sagot. “Ang hindi ko lang makuha ay bakit . . . namomroblema sina Mommy at Daddy sa company.”

“Aren’t you the one handling our company?” tanong ko sa naguguluhang tono.

“Hindi na, Hailey.” she smiled sadly.

“Anong hindi na?”

She sighed heavily. “A month ago, I . . . stepped down as a CEO. Dad agreed. He . . . found out about me and Zild.” Kita ko ang lungkot at disappointment sa kaniyang mga mata.

Bigla akong nahabag sa nakita. Hindi ko alam pero may gumuho sa dibdib ko nang mapagtantong . . . malungkot si Ate dahil hindi gusto nina Mommy at Daddy si Kuya Zild para sa kaniya. That they’re also aiming for someone who’s worthy of her. But I know Kuya Zild a worthy man. He’s a good man. Kaya hindi ko alam kung bakit ayaw nina Mommy at Daddy kay Kuya Zild.

“I’m sorry to hear that, Ate.” Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. “P-Pinaghihiwalay ba kayo?”

“Oo, pero hindi ako pumayag. Hindi ko iiwan ang taong mahal ko para lang sa kagustuhan nila, Hailey. Tama nang nasasaktan ako sa mga ginagawa nila sa ‘yo . . . Hindi na ako makakapayag na pati ako ay hawakan nila sa leeg.”

Napayuko ako.

“They promised me . . .” I said slowly. “Noong gabing idineklara nila na ikakasal kami ni Callum.” Mataman niya akong tinitigan, hinihintay ang sasabihin ko. “They promised me that they will let you choose your own path if I agree to marry Callum. They said they will not force you to marry someone else. That’s why I agreed. For your freedom. Ayaw kong . . . magaya ka sa akin na ipinilit na ipakasal. Though I love Callum, I still don’t like the force marriage between us. At iyon ang ayaw kong magaya sa ‘yo, Ate. Tapos ngayon . . . ito pala ang gagawin nila? Hindi sila tutupad sa pangako nila.”

Tumulo ang luha ko na agad pinunasan ni Ate Kiana.

“I’m sorry. Hindi dapat nangyayari sa ‘yo ‘to. We’re not even biologically sisters, but . . . you chose to sacrifice for my freedom. You should be living without any worries, Hailey.” umiling ako sa sinabi niya.

“K-Kung hindi ako kinupkop nina Mommy at Daddy, saan ako pupulutin, Ate? H-Hindi ko naman gano’n kakilala ang mga kamag-anak ko kay Mama. S-Si Mommy lang ang alam kong pinagkakatiwalaan ni Papa dahil kapatid niya si Mommy. I should . . . trust what father’s decision, right? Before he finally died, he trust me to your parents.” Paliwanag ko habang may malungkot na mga mata.

“I heard about Tita Janna’s parents.” May kinuha siya sa bag niya, it’s her phone. May kinalikot siya roon at ipinakita sa akin ang screen. “They heard of your parent’s death, Hailey. I don’t know why they don’t have any news about your parents or even on you after the tragedy.”

Binasa ko ang dalawang title ng article and it says . . . “Jacinda Fajardo – Clavacio confirmed the death of her only heiress, Janna Fajardo Clavacio – Reifenstuel, two decades ago.”

“J-Jacinda Fajardo Clavacio,” my grandmother’s name. Her names sounds so powerful and glamorous.

Jacinda means beautiful. Maybe she really is a beauty. Because my mother is.

“And they’re looking for you.” Napatingin ako kay Ate Kiana. “I know, one of these days, makikita ka na nila. At dahil wala na ang parents mo, hahanapin ka nila para paniguradong mamahala ng kompanya nila, Hailey.” Bumabang muli ang tingin ko sa article.

Binasa ko ang pangalawang article. “The Clavacio’s group of hotels and companies are now looking for their only heiress  daughter that has been missing for decades. . .”

And as what Ate Kiana said, they’re looking for me.

Napasinghap ako. How fucked up my life is. Nagtiis ako ng dalawang dekado na palaging nakagapos at mag-isa . . . when in fact, I have my other family who’s willing to give everything to me and surely will treat me better.

“At kapag . . . nakita ka na nila, please sumama ka. H’wag mong hahayaan na diktahan ka nina Mommy at Daddy.” Napaangat ang tingin ko kay Ate na mukhang nag-aalala sa akin.

I smiled at her.

That night I searched who Jacinda Fajardo Clavacio is. And I found out that she’s one of the most powerful in business world, one of the top importer and exporter of wines all over the world. She has no heiress as of the moment since her only daughter is already dead two decades ago, and still finding her grandchild — which is me. Her husband Juanicio Clavacio died three years ago. And now she’s the only one whose taking care of their chains of hotels and companies all over the world. She has so many branches.

That’s why I didn’t even them. Because my mother is the only child they have and they didn’t have the chance to see me even before my parents died.

“Jacinda Fajardo – Clavacio didn’t meet her granddaughter who she’s looking for over the past twenty years now because her daughter hid her pregnancy and live a life with her husband Alezander Reifenstuel. And now that Jacinda Fajardo – Clavacio knew her daughter passed away a decade ago, she’s eager to see her granddaughter to take over their companies — their empire . . .”

Halos hindi ako makakilos sa nabasa. Thinking about it makes me dizzy. Of course they wouldn’t see me if I am just inside the house while studying on my own. And come to think of it . . . why did my foster parents hid me for almost two decades? Is it because . . . my grandmother is looking for me? At hindi ba nakalapit o nakausap ng lola ko ang mga ito upang magtanong? Kung oo, ano ang isinasagot nila at bakit . . . Hindi nila ako nakita?

Sa sobrang pag-iisip ko ay nahihilo na ako at nasusuka. Dumiretso ako sa banyo para sumuka. Halos lahat na ‘ata ng nakain ko ay naisuka ko na. Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto.

“Wife?” Rinig kong tawag ni Callum sa akin.

“I-I’m here,” nanghihinang sambit ko bago ako lumabas ng banyo.

Nagulat siya sa ayos ko. Agad niya akong nilapitan at inalalayan.

“What happened to you? Why are you so pale?” tanong niya habang pinapaupo ako sa gilid ng kama.

I look up to him, “I’m fine. Masama lang talaga ‘ata ang pakiramdam ko sa sobrang dami ng . . . trabaho ko.” I smiled hesitantly at him.

“Please, don’t stress yourself too much. Your health is till more important so don’t work too much.” Tumango ako. Hinalikan niya ang aking noo bago siya nagpaalam na magbibihis.

Kinabukasan ay gano’n pa rin. Ang kaibahan lang ay may bago na naman akong iniisip. Parang sa mga nagdaang araw, sunod-sunod na impormasyon ang mga nalalaman ko.

“You look so pale, Hailey.”

“Ate . . . hindi pa rin ako dinadatnan. It’s been . . . two months since my last period.” imporma ko na ikinagulat ni Ate.

Kumunot ang noo niya at mariing tumitig sa akin.

“What do you mean?”

Napayuko ako at napakagat sa pang-ibabang labi.

“For the past days kasi . . . I’m always having a morning sickness. Noong una, akala ko sa pagod lang, pero sunod-sunod na kasi. Halos araw-araw pang gano’n kaya napaisip na ako. At . . . tiningnan ko ang calendar, ngayon ko lang din napansin na hindi pa ako dinadatnan.”

“Did you see an OB Gynaecologist?” Umiling ako. “Then, magpa-check up ka na.”

Gano’n nga ang ginawa ko kinabukasan. Um-absent ako para lang puntahan ang personal OB ko. Kabado ako habang naghihintay sa resulta ng test na ginawa sa akin. Pinag-take niya ako ng pregnancy test at kinuhaan din ako ng dugo bilang sample raw. At ngayon ay hinihintay ko na lang na papasukin ulit ako sa loob para sa resulta.

Sa maghapon ay hindi ako tinext man lang ni Callum. Hindi ko alam kung masyado lang siyang abala o ano pero bumabalik na naman ang pagdududa ko. He’s been busy again for a quite while now. At pilit ko mang itago, alam ko sa sarili ko na nagdududa na naman ako.

“Mrs. Villanueva,” tawag ng assistant nurse sa akin. Agad akong tumayo. “Pasok na raw ho kayo.”

Sumunod ako sa kaniya sa loob at umupo sa visitor’s chair sa harap ng mesa ng doktor. She smiled at me before looking at the folder she’s holding.

“The result said that . . . you’re almost eight weeks pregnant, Mrs. Villanueva.” aniya na parang nagpabingi sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi agad nakapag-react. Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin. Masaya ako, oo. Sobra. Kaya siguro hindi ako agad nakapagsalita dahil sa umaapaw na saya ana nararamdaman ko.

Pero may isa pa akong nararamdaman. This . . . certain feeling that is unwanted. Na pakiramdam ko . . . hindi dapat. Hindi pa dapat ako buntis, na dapat ay . . . hindi muna sumabay ang pagbubuntis ko dahil maraming gumugulo sa isip ko. Una ang relasyon namin ni Callum na unti-unti na namang natitibag, pangalawa ay ang mga nangyayari sa company ng mga magulang ko, pangatlo ay pagiging abala ni Callum sa kung ano, pang-apat ay ang paghahanap sa akin ng Lola ko, at ito . . . ang pagbubuntis ko.

Dahil sa pagiging preoccupied ko ay pinauwi at pinagpahinga ako ni Doktora. Binigyan niya rin ako ng mga vitamins na kakailanganin ko habang nagbubuntis. Tinandaan ko lahat.

Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay tulala ako. Hindi alam ang gagawin sa sarili.

Nagpahinga na lang ako pagkatapos ng muni-muni ko. At nang magising ako ay gabi na. Wala pa rin si Callum. Nang bumaba ako ay nagtanong ako kung nakauwi na ba si Callum.

“Hindi mo ba alam na nagpunta ng Canada si Callum?” si Nanay Juliet sa nagtatakang boses.

“Ho? Hindi ko po alam.” sagot ko sa gulat na tono dahil hindi ko talaga alam na may balak pumunta ng ibang bansa si Callum.

“‘Yon ang sinabi niya sa akin kanina bago siya umalis. Hindi na nga raw siya makakapagpaalam sa ‘yo dahil biglaan din daw ang pagpunta niya.”

For the past days that he’s been so distant to me, I knew there’s something wrong going on. Pero hindi ko alam kung ano ‘yon. Madalas siyang may katawagan na parang nagpaplano, iniisip kong tungkol sa trabaho kaya hindi ko na iniintindi. Matutulog ako na katabi siya, pero paggising ko at wala na siya na palagi kong ipinagtataka.

Kinabukasan ay nagising ako na parang hinahalukay ang aking sikmura. Agad akong bumangon at tumakbo sa banyo. I throw up and felt so exhausted again. Naluha ako nang ma-realize na wala nga pala rito si Callum para daluhan ako rito. He used to help me whenever I throw up here. But now he’s not here. And he’s still not contacting me.

Naligo at nagbihis ako. Pagkatapos ay bumaba na para mag-almusal. Pero hindi pa man ako nanakapasok sa loob ng kusina ay nakita ko na agad ang pagpasok ni Faith sa loob ng mansyon.

“Hello there!” she greeted exaggeratedly.

I rolled my eyes.

“Come on, don’t be rude to me. I am here to finally tell you everything. I gave you the days you wanted. I gave you the chance to—”

“Ano ba ang kailangan mo at nanggugulo ka pa rito?” pagputol ko sa sasabihin niya.

“Callum will ruin you,” she said as if it is a curse.

Pero nang rumehistro ‘yon sa isipan ko ay natigilan ako.

“Ano’ng sinabi mo?” tanong ko sa mahinang boses.

She chuckled, “do you really wanna know?” she asked as her brows furrowed. Hindi ako nagsalita at hinintay lang siyang ipagpatuloy ang sasabihin. “Hmm, guess why he married you? Is that really because he needs your company when in fact his company can stand alone? Without any help. Even just a single percentage of your investment in his company. Your company’s sinking now. Because of him,” she smirked when she saw my reaction. “Your parents did a horrible thing in his family that’s why . . .” she trailed off.

“What horrible thing?” nanginig ang boses ko. “At bakit mo alam?”

“We’ve been friends and in a relationship for years, baka nakakalimutan mo, Hailey.” She ridiculously look at me from head to toe, then back to my eyes.

Yes, I admit. She’s got the confidence I don’t have. She’s got the elegance I don’t have. She’s got sex appeal. She’s got face and smile that can lure any guys that I don’t have. She feared me in this circumstances, but not in kindness, thoughtfulness, and love I have. Pero ano’ng panama ko kung siya ulit ang pipiliin ni Callum? She’s beautiful and rich like him, an asset for him. While me? I’m just a simple interior designer, a simple housewife, and a simple person. Ano’ng laban ko sa kaniya? Nasa kaniya na ang lahat ng wala ako. Na paniguradong hinahanap ni Callum sa akin.

“And I think . . . he’s planning to . . . annul your marriage. This is just a marriage for convenience, really. He just used you as a way to revenge.”

Hindi halos rumehistro lahat ng sinabi niya sa aking utak. Natulala pa ako roon ng ilang sandali at hindi alam ang gagawin. Dinaluhan na ako ng mga kasambahay nang mapahawak ako sa pader para roon kumuha ng lakas dahil sa biglaang pagkahilo.

Mabilis lamang ang mga nangyari. Hindi ako pumasok kahit pa nga ang daming tambak na gawain sa opisina ko. Nagkulong ako sa kuwarto habang lumuluha at inilalabas lahat ng sama ng loob.

“He just used you as a way to revenge.”

Faith’s voice still lingering my mind and I can’t help but overthink everything.

Revenge . . .

How can I be so fucking dense?! Alam ko na noong una pa lang na mali na ang nangyayari. Na hindi naman talaga kailangan ni Callum ang company namin. Pero pinakasalan niya pa rin ako. Alam ko na noon pa man ay magaspang na ang pakikitungo niya sa akin. And afterwards . . . after a month of being with him . . . he’d been caring and gentle to me. Even those sweet words got me.

“Napakatanga mo, Hailey.”

Umalis ako sa kama nang marinig ko ang pag-iingay ng aking cellphone. Kinuha ko ‘yon at sinagot ang tawag ni Ate sa akin.

“Hailey!” pasigaw na bungad niya sa akin.

“A-Ate! B-Bakit?” kinakabahang tanong ko sa kaniya.

“S-Si Mommy . . .” umiyak siya dahilan ng pagkakatigil ko. “Sh-She’s dead.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro