CHAPTER 27
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang nasa opisina dahil naaalala ko pa rin ang ekspresyon ni Faith kanina. Galit na galit siya na akala mo naman ay pag-aari niya si Callum.
He’s mine. I won’t let you steal my man.
“Ma’am, the meeting will start in five minutes.” imporma ni Christina sa akin.
“Alright,” sambit ko bago tumayo at sumunod sa kaniya papunta sa conference room.
Inabala ko ang sarili sa pag-aasikaso sa proyektong ginagawa ko. Halos sunod-sunod ang mga meeting ko sa araw na ‘yon. Kaya parang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Hindi ko inintindi ‘yon dahil nasa gitna ako ng meeting.
Kumain naman ako ng tama sa oras, kaya hindi ko alam bakit ako nahihilo. O baka sa pagod at stress? Ang dami ko kasing ginagawa kaya siguro sumusuko na ang katawan ko. But I can’t rest yet. Kailangan itong mga ginagawa ko ngayon kaya hindi pa ako p’wedeng magpahinga.
“Ma’am, ayos ka lang?” tanong ni Chris nang matapos ang meeting.
Nginitian ko siya, “oo, ayos lang ako. Medyo nahihilo lang kasi alam mo na, ang dami nating ginawa at marami pa akong pending works sa office ko.” sagot ko habang naglalakad kami papunta sa elevator.
“Naku, ma’am, kailangan mo na ‘atang magpahinga na kasi oh, namumutla ka na.” aniya na ikinanguso ko.
“Pagod lang ako, Chris. I’m fine. H’wag mong sasabihin kay Callum at baka biglang sumulpot ‘yon dito.” Pinandilatan ko siya ksya bahagya siyang natawa.
“Sweet nga ng asawa mo, ma’am, palagi kang naalala. Kapag hindi ka nag-reply, biglang tatawag sa akin para kumustahin ka at ipaalala sa ‘yo ang pagkain mo. Sana makahanap din ako ng katulad niya, ‘no, ma’am?” she utter dreamingly.
Napailing na lang ako.
“One day, a right man will come and step in your life, Chris. Don’t rush everything.” I said while smiling at her.
“Tama kayo riyan, ma’am.”
Sumakay kami ng elevator at nagpahatid sa tamang palapag ng opisina. At nang bumukas ‘yon ay agad kong nakita si Ate Kiana na nasa lobby, naghihintay.
“Kapatid mo, ma’am.” ani Chris nang makita rin ang kapatid ko.
Nilapitan ko siya kaya napatayo siya agad nang makita akong palapit. I smiled at her and hug her.
“Ate, bakit ka narito?” I asked because this is so unusual for her to be here.
Maliit na ngiti ang iginawad niya sa akin. Nanliit ang mga mata ko at sinipat ang ekspresyon niya.
“Uh, can we go inside your office?” she asked warily.
Marahan akong tumango, nawiwirduhan sa kinikilos niya. Tumingin siya sa paligid bago sumunod sa akin sa loob ng opisina ko.
“Why are you here, by the way, Ate? You’re supposed to be in your office now, right?” tanong ko habang umuupo sa aking swivel chair. Siya naman ay umupo sa visitor’s chair sa tapat ng mesa ko.
She look at me with sad, care, and an emotion I couldn’t name.
“Do you have an idea why Callum Villanueva married you?” she asked out of nowhere.
I frowned, “I don’t . . . know, why? I mean . . . it’s obvious that he married me for the merging of our company.” I said confusedly.
Umiling siya, “no . . .” kumunot ang noo ko dahil doon.
“What do you mean?”
She sighed heavily, “dad was just the only one whose insisting the merging. His company can stand without our company’s help. He has a hidden agenda. And Dad . . . also have his own agenda, too.” she said seriously.
Bigla kong naisip ang mga sinabi ni Daddy sa akin noon, noong mga panahong bagong kasal pa lang kami ni Callum. He’s been pushing me to seduce my husband because he wants the merging of our companies. He needs Callum’s company and name to enter the inner business world.
“Daddy is a cunning man. You know what he can do just for his empire to bloom. I don’t know if I should tell you this but . . . I am worried of you.” I saw how worry glistened in her eyes.
“Ano’ng dapat kong malaman, Ate?” I asked, anticipating to know more.
“I saw Callum with a woman some nights ago, I saw how he kissed her.”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Parang may malaking bato na dumagan sa puso ko dahil doon. Sa sobrang bigat ay parang mauubusan ako ng hininga.
Pinilit kong matawa kahit ang sakit-sakit ng narinig ko.
“Ate, h-hindi gagawin ni Callum ‘yon. I mean . . . I know he’s been a playboy, but he stopped playing since he married me! What are you talking about?” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng tono ko dahil sa biglaang sakit na nararamdaman ko.
Napabuntong hininga siya.
“Hindi ko gustong manira ng relasyon, but I am just telling the truth. I . . . I saw him there.”
Naisip ko ‘yong gabing umuwi si Callum na lasing. But that day . . . I was with her . . . paano niya nakita ‘yon?
“Nitong . . . linggo lang ba ‘yan, Ate?” I asked, narrowing my eyes on her.
“Hindi. Nitong nakaraan pa. Hindi ko alam kung ilang beses nang umuwi si Callum na lasing sa bahay niyo pero noong gabing ‘yon, pumunta kami sa bar na madalas naming puntahan. I was with Zild and our friends when I saw him there. I know siya ‘yon. Hindi ako p’wedeng magkamali. Noong una, I thought you’re that girl he’s kissing. But I was wrong when the girl face our direction. Ibang babae ‘yon. Ayaw kong mang-akusa but Callum has a record of playing girls, Hailey. That man . . . is cheating on you. Or I don’t know! He’s fooling you.” she exclaimed frustratedly.
“He didn’t . . . He can’t do that to me. He promised me. He said . . . he won’t ever cheat.” Nanghina ako. Pakiramdam ko, lahat ng lakas ko ay biglang naglaho dahil sa narinig.
Hindi kaya si Calvin ang nakita ni Ate? He looks like Callum so much he could pass his twin brother. Pero alam ko ring hindi magsisinungaling si Ate. And for what, right? She’s my sister. Her sympathy is with me.
“Ate . . . b-baka hindi siya ‘yon. B-Baka namalik-mata ka lang.” bulong ko dahil parang tuluyan na akong nawalan ng lakas.
After that talk, I felt so hopeless. Hinang-hina ako at parang lobong naubusan ng hangin. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kama namin ngayon. He’s still not here. And he’s still not contacting me. I don’t know where he is right now and I don’t fucking know what he’s doing and who he’s witg right now. I’m going crazy.
Pagod na ako . . .
Maya-maya ay nakaramdam ako ng paghalukay sa aking tiyan kaya mabilis akong tumakbo papunta sa banyo para sumuka roon. Parang naisuka ko na lahat ng laman ng tiyan ko, lahat ng nakain ko, pero patuloy pa rin ako sa pagduwal. Dumasakit na ang tiyan ko kakasuka.
Halos panawan na ako nang mapasandal ako sa dingding ng banyo at mapaupo sa sahig habang namamalisbis ang luha sa aking pisngi. Hindi ko maiwasang umiyak habang iniisip na baka nga niloloko lang ako ni Callum.
Nanikip ang dibdib ko at para akong kinakapos sa hininga habang umiiyak sa loob ng banyo. Tumagal ‘yon ng ilan pang minuto na siguro ay inabot na ng oras. Mahapdi na ang mga mata ko nang mapagtanto kong wala na akong mailuluha pa. Hikbi na lang ang natira habang nakayupyop ako roon at iniisip lahat ng mga nangyari.
It is possible that Callum has his hidden agenda through this marriage. Hindi ko alam kung ano ‘yon at bakit kailangan niya akong gamitin nang ganito.
Then, that man . . . that old man who warned me. Lahat ng sinabi niya ay umukilkil sa aking utak na hindi ko na ‘yon maalis doon.
Napasinghap ako at hindi makapaniwala.
Pinilit ko ang sariling tumayo at pumasok sa shower room. Binasa ko ang sarili kahit na may suot pa akong damit. Nakapikit ako at gusto na lamang kalimutan lahat ng mga iniisip ko.
Masaya na kami, e. Ang saya na. It’s almost perfect for me since we’re getting along well now. Pero bakit kailangan ganito. Ilang buwan pa lang kaming kasal sa isa’t isa tapos ganito na ang mga naiisip ko at nangyayari.
“Callum . . . you promised me.” bulong ko kasabay ng pag-iinit ng aking mga mata.
Isang oras siguro ang tinagal ko sa pagligo. Paglabas ko ng banyo ay siyang pagpasok ni Callum ng kuwarto. Napatingin siya sa akin at sinuri pa ang aking katawan na nakatapis lamang ng puting tuwalya. Nag-iwas ako ng tingin at mabilis na pumasok sa walk in closet. Nagbihis ako roon at nagpatuyo ng buhok.
Pagkalabas ko ay nakita ko siyang naghuhubad ng kaniyang sinturon. Gusto kong magtanong. Gustong-gusto ko, pero paano? At saan ako magsisimula? And would he answer me . . . honestly? I doubt it.
“Wife,” lumapit siya sa akin at niyakap ako sa beywang bago ako hinalikan sa ulo. I didn’t show any reaction. “I’m sorry ginabi ako. Ang dami kong tinrabaho.”
Mga babae mo? Tinatrabaho mo sila hanggang gabi? Hanggang ganitong oras?
“Kumain ka na?” Tumango lamang ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. “Why are you silent? Is there any problem? Are you stressed out? I can wash away your stress.” Nanunuyang halik sa aking tainga ang iginawad niya.
Bumaba ang halik niya sa aking leeg at agad namang nag-react ang aking katawan sa simpleng halik na ‘yon. Bawat pagdampi ng labi niya sa balat ko ay libo-libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa aking katawan na nagpabuhay sa natutulog na sensasyon sa aking sistema. He cupped my breast and squeeze it. I bit my lower lip to stifle my moan.
Para akong nababaliw sa kaniyang ginagawa. Kung hindi pa ako baliw sa kaniya ngayon ay ewan ko na. Bawat haplos niya ay nakakakuryente. Kung hindi ko lang biglang naamoy ang panlalaki niyang pabango ay baka nagpaubaya na naman ako sa kaniya kahit pa may bumabagabag sa aking utak.
Nanlamig ang aking katawan kasabay ng pagduduwal ko. Mabilis akong tumakbo sa banyo at doon muling dumuwal. Akala ko ay wala na akong maisusuka, meron pa pala kahit na puro tubig na halos ‘yon.
“Fuck! Wife, are you okay?” Mabilis ko siyang sinenyasan na h’wag lalapit kasabay ng pagmumumog ko. “Are you okay? Why are you vomiting?” pahisterya niyang tanong.
Umiling ako, “bakit ang baho mo?!” galit kong sigaw.
“What?” he exclaimed. Inamoy pa niya ang sarili. “Hindi naman. Hindi rin ako pinawisan sa opisina. Do I smell bad?”
“Oo! Ang baho! Bakit ganiyan pabango mo? Pinalitan mo?” galit kong tanong habang masama ang tingin sa kaniya.
“I didn’t,” mabilis niyang iling.
“Oh, bakit iba na ang amoy? Ang baho mo, Callum!”
Tinakpan ko ang ilong ko bago siya hinawi paalis sa daraanan ko.
“Maligo ka!”
Wala siyang nagawa kung ‘di ang sundin ako. Nakahiga na rin ako sa kama at handa nang matulog nang tumabi siya sa akin. Bagong ligo na at hindi na mabaho.
“What’s wrong with my baby, hmm?” he asked while hugging me from the side.
“Pagod ako, Callum.” tanging sinabi ko at tinalikuran siya pero hindi ko inalis ang pagkakayakap niya sa akin. “Good night,” bulong ko habang unti-unti na akong hinahatak ng antok.
“Good night, my love.”
I stilled on what he just said. But I did not react. I just pretended to be asleep so fast. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sana ay hindi niya ‘yon marinig.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa nararamdamang paghalukay sa aking sikmura. Nakayakap pa sa aking beywang si Callum nang tumakbo ako papunta sa banyo para roon sumuka. Agad kong naramdaman ang kamay na sumikop sa aking buhok at ang marahang paghagod sa aking likod.
“Wife, are you okay? Kagabi ka pa nagsusuka.” sambit ni Callum sa malamyos na boses.
Nang matapos akong magsuka ay nagmumog ako at nanghihinang bumaling sa kaniya. He’s looking at me with gentleness and worried in his eyes. My heart soften at his feature. Parang mas lalo siyang gumwapo habang tumatagal.
Tumango ako.
“I’m fine. Siguro sa sobrang stress at pagod lang ito. Ang dami ko rin kasing ginawa kahapon na paniguradong nagpa-stress sa akin.” Lalo pa sa mga nalaman ko mula kay Ate Kiana.
He crouched to kiss my forehead. I closed my eyes to feel it more.
“Please, don’t stress yourself too much. You’re making me worry. Take care of yourself while you’re in your work, and then I will take care of you when you’re here. Okay?” Marahan akong tumango sa sinabi niya.
He smiled and kissed my temple before hugging me tight.
Naligo na lang ako habang siya ay may kausap sa kaniyang telepono. Kahit pa kuryoso ako sa pinag-uusapan nila ay hindi na ako nag-atubiling makinig. I shouldn’t be so nosy. I shouldn’t be worried, right? Huminga ako nang malalim, hanggang sa matapos ako sa pagligo ay iyon pa rin ang nasa isipan ko.
Nagbihis ako ng isang black pencil skirt, white halter top blouse, partnered with black blazer, and a platform shoes. I look at my reflection on the mirror and smiled at myself. I think I look so radiant today? But I feel like a zombie, too. What the fuck is happening to me?
Lumabas ako ng walk in closet at kakalabas lang din ni Callum sa banyo. Nakatapis siya ng tuwalya at tinutuyo ang kaniyang buhok. He smiled at me before scanning my body. I saw desire flashed in his eyes before looking up to my eyes.
“Maaga ako sa opisina ngayon. Hindi kita maihahatid sa opisina mo. I have an urgent meetings,” tumango lang ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita.
Nag-ayos na lang ako at bumaba para ayusin ang almusal. Nang makita kong muli si Faith doon ay napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na alam ang gagawin sa babaeng ito. Simula nang araw na bumalik siya sa buhay ni Callum, pakiramdam ko ay hindi lang ako. May kahati na ako sa atensyon niya kahit pa ilang beses na sabihin ni Callum na wala na siyang nararamdaman sa babae ay hindi ko maiwasang mag-isip.
What if Ate Kiana is right? That Callum is up to something that might . . . hurt me in the end? Hindi ko maiiwasang masaktan, siyempre dahil mahal ko siya. Dahil hindi lang ito basta kasal lang sa papel para sa akin, may kasamang pag-aalaga at pagmamahal ang ginagawa ko. And Callum at the other side is also doing his best in this marriage. Hindi ko lang talaga sigurado kung totoo.
“Hi!” Faith greeted me in enthusiasm.
I almost rolled my eyes at her, “bakit ka narito?” I asked lazily. “Ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo na hindi na babalik sa ‘yo ang asawa ko? He’s married to me. So don’t push your luck.” mataray kong sambit.
“Not too fast, darling. I know something you don’t.” she smiled devilishly at me that made me frowned.
“Really?” And my last resort I have will be . . . this. I shouldn’t show how affected I am. I won’t give her satisfaction.
“Yeah,” she smiled as sweet as possible. “And that something . . . might ruin everything. And I’ll soon tell you this. But for now, pagbibigyan kita. While I am pursuing Callum. I will let you enjoy your days.”
Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya at hindi alam kung ano ang isasagot. Natahimik na lang ako hanggang sa makababa si Callum at nagmamadaling umalis. Ni hindi siya nag-atubiling halikan ako . . . bago umalis. At ang bruhang ‘yon ay tuwang-tuwa sa nakitang sakit sa aking mga mata lalo pa nang hayaan siya ni Callum na sumabay sa kaniyang sasakyan.
I shouldn’t doubt, right? But . . . I can’t help it. Maybe Callum is just . . . playing. Fuck it!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro