G
GAVIN
Lagi kong naririnig na mabait ako at masunurin. Na hindi nawawala ang ngiti sa mukha ko. Na kahit anong pagsubok ang itapon ng buhay, tititigan ko lang ito na parang kaya sa isang suntok.
Pero minsan nagiging masama din ako. Nagiging mahina. Gaya n'ong unang narinig ko ang balita at sinisi ko siya.
"Ayoko! Ayoko! Siya ang dahilan bakit namatay si Kuya! Kung hindi siya umalis sa bahay nila then Kuya wouldn't die!" sigaw ko mula sa kwartong kinukulungan. "Ayoko siyang makita! I hate her! I hate her!"
"Anak, come on..." Mama's voice was low and quiet. "Walang may gusto sa nangyari."
Isang linggo pa ang dadaan bago ko 'yon maintindihan. Pero during that day, that very hour that I received the message he died, I just locked myself in grief and hatred.
I know I shouldn't be angry at her. Mas marami siyang naramdamang pighati kaysa sa'kin... pero wala naman sigurong masama kung hahayaan ko muna ang sarili na magalit sa mundo. Kung hahayaan ang sarili na siya ang sisihin sa lahat ng nangyari.
My childish mind formed the thought that maybe, maybe if she wasn't here, Kuya would still be alive.
My childish mind thought that she was some beautiful curse who can only bring death to the people who loves her.
But it was also that childish mind that got hurt when she couldn't meet my eyes. Parang ako na ang pinakamasamang tao sa mundo nang isisi ko sa batang 'to ang pagkamatay ni Kuya. Kasi eto siya, nakatayo sa harap ko at humihingi ng sorry habang nanginginig.
"Namamangha talaga ako kay Finley." I remember how my Kuya once said that.
Nakaupo kami no'n sa terasa. Pinapanood namin ang paglalaro nina Finley, Baste, at Ree. Siyempre kasama nila ako pero pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng juice nang madaanan ko si Kuya na nagmamasid sa'min. I focused my eyes on Finley, who was joining the game quietly, a chuckle leaving her every once in a while.
"Bakit, Kuya?"
Kasi maganda siya? Finley is really pretty, although not as a head-turner as Renée. May something lang sa kaniya na mapapahanga ka sa ganda. Siguro dahil sa sobrang adorable na mannerisms o sa ngiti niya.
"Isang beses ko lang siya nakitang umiyak mula nang mamatay ang magulang niya. Most of the time, she's just emotionless. Pero alam mo, kahit na nakatayo lang siya na parang bato sa gitna ng mararahas na alon, pinipilit niya pa ring harapin ang bawat sikat ng araw."
Since I met Finley, she was always quiet and timid. Konti lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. It was when her parents died that she completely stopped speaking for a while. She buried herself in that little world of hers, locking the door and not letting anyone in.
Kaya sobrang saya ko nang pumayag siyang makipagkaibigan sa'kin.
At nang titigan ko siyang nanginginig at naluluha sa harap ko, ako din ang naghirap. Nawalan na nga ako ng kapatid, mukhang masisira pa ang pagkakaibigan ko sa babaeng una kong minahal.
"'m sorry, Gavin. 'm sorry, 's my fault..." humikbi siya. "Sorry. Sorry. Please... please forgive me..."
I remembered the lifeless eyes I tried so hard to bring joy to, now covered in small tears. Hinawakan ko ang kamay niya. "S-Sorry din, Finn... kung nagalit ako..."
Umiling siya. "Valid. Was my faultㅡ"
"Kung nandito din naman si Kuya, hindi 'yon papayag. Kaya huwag mo nang isipin na kasalanan mo okay?"
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Huwag kang mag-alala. Lagi kitang iintindihin. Ako lagi ang bestfriend mo na maniniwala sa'yo."
I tried to be tough. I worked so hard to be the solid and strong friend that the three of them can rely on. I buried my insecurities and doubts in a bright smile so they wouldn't be worried.
Nandoon ako sa bawat anniversary ng magulang ni Finley. Minsan ay sumasama sina Ree at Baste kung walang kailangang gawin. Nananatili kami sa kwarto ni Finn at manonood ng movies pagkatapos bisitahin ang puntod nina Tita Alyanna at Tito Finnian. I shared jokes with her, tickled her on the bed, cooked her favorite foods, and read aloud her favorite stories. There are also times where Finn is just too clingy and she makes me tie her hair in different styles. Tapos itatali niya rin ng gano'n ang buhok ko.
The boy that I was fell in love with her. After all, Finley was just impossible not to fall in love to.
Naaalala ko pa noong nagtampo ako sa pangako ni Ree at Baste na magpakasal kaya inaya ko siya. My heart soared when she said yes.
But here I am, standing in front of her parent's grave, telling them about how she's going to be married to another man.
"Ang bilis ho ng panahon, Tito 'no. Parang bata pa lang si Finley pero ngayon bubuo na ho siya ng totoong tahanan niya."
I smiled as I saw the familiar set of flowers. It always appeared pagkatapos naming bumisita. Kahit noon ay napapansin ko na kung paano nadadagdagan ng hindi kilalang bulaklak ang puntod nina Tita. It makes me wonder who was visiting them after us.
"Naaalala niyo pa po ba noong kinuwento ko sa inyo na may crush ako kay Finley?" malakas akong natawa. "Imposible naman po talagang hindi magkagusto sa kaniya. Pero gaya nga po ng pinangako ko, hindi ako ang lalaking maghihintay sa kaniya sa dulo ng simbahan. Ako ang lalaking maghahatid sa kaniya patungo do'n."
I loved Finley, but it wasn't enough. In front of her, I will always be this man who hides under a mask. Lagi akong magpapakatatag at magpapalakas para i-assure na pwede siyang maging mahina sa'kin.
Kung may magtatanong... paano naman ako? Paano naman ang sakit na nararamdaman ko? Paano naman kung sobrang bigat na rin ng damdamin ko?
"Well, kung ako rin tatanungin, makikipagbreak ako sa'yo para kay Finley."
Awtomatiko akong napangiti nang marinig ang boses ni Eunice Yra. Nilingon ko ang babae na nagturo sa'kin paano magpakatotoo. She was standing there in a plain white shirt tucked in black slacks. Mukhang galing sa isang meeting ang mahal ko. Pinasabog naman ata niya ang ulo nina Ethan sa sobrang ganda ng ngisi niya ngayon.
Itinaas niya ang dalang paper bag. "Dala ko na regalo natin kay Finn. Relo. Para may oras pa siyang umalis doon sa lalaking 'yon."
The man that I am is falling in love with this girl everyday.
Simple ang mga gusto ko sa buhay, at gano'n din sa mga babae. Mga kasing-simple ni Ree at Finn. Mahinahon at mabait na may tapang. Eura is the complete opposite. The first time I met her, I was overwhelmed at how loud she was.
"Oi! Para kang tanga! Okay ka lang ba?"
Nagising ako mula sa pagkatulala sa isang dagger dahil sa isang sigaw at malakas na tawa. Nang lumingon ay isang babaeng may asul na buhok ang nakaharap ko. She was very weird... and a loudmouth. Mas sobra pa kay Ree na siyang pinakamaingay na babaeng nakilala ko, siyempre bukod kay Mama. Parehas silang masakit sa tainga kapag nagagalit.
Pero ang babaeng 'to? Ang tindi na ng boses sa simpleng pag-uusap pa lang.
"Hoy. Para kang tanga, sabi ko." ulit niya.
I glanced back to make sure that she was talking about me. Pero agad niya akong binatukan kaya napaatras ako't napahawak sa dagger na kanina'y tinititigan.
"Ano ba problema mo?" I asked her directly, briefly having 'June' flashbacks.
Naging kaibigan ni June si Finn pagkatapos mamatay ni Kuya. Finn's love for games increased upon meeting her since they shared the same interests. Noong una, nagselos ako kasi wala naman akong alam sa mga laro-laro na 'yan. 'Di bale na lang kung basket sila o bola. Akala ko nga rin gano'n si Renée kaya galit na galit siya sa kanila, pero dahil pala 'yon sa pamilya ni June.
Unang sagot ko sa kaniya ay kung bakit kami magagalit sa bata. Hindi naman nito dapat dala-dala ang kasalanan ng magulang. But then... it was the influence of June's parents that drove her mad. It was her desperation to satisfy them that she wanted to use Finley to take advantage of us. The Velasquez, despite having the greatest political influence, wants to take over the economy of the city as well by having the Villamors as their partners.
Wala naman akong magagawa dahil iba din ang pamilya namin at simpleng bata lang ako. So all I could do was watch how the adult problems affect the lives and emotions of their kids.
Pinanood ko kung paano unti-unting nawasak ang magandang pagkakaibigan sana ni June at Finn dahil sa mga ambisyon ng Velasquez'.
"Putangina. Lutang ka pa sa plastic."
I blinked when I heard the weird girl's voice closer now. Lalo akong napaatras nang makita siyang nasa harap ko na talaga at pinaniningkitan ako ng mata.
"Ano ba kailangan mo?!" singhal ko sa kaniya.
"Aba! Huwag mo 'kong masinghalan dahil baka umiyak ka 'pag minura na kita!"
Kanina mo pa ako minumura!
"Lutang na, tanga na, bobo pa." dagdag niya.
Iritado akong bumuntong-hininga. "Miss, ano ba kasi kailangan mo? Naghahanap lang ako ng weapons dito tapos tatawagin mo na 'kong tanga."
"I'm just stating the fact. 'Tsaka, wow naman!" sarkastiko siyang ngumiti habang pumapalakpak. "Kakapatay ko lang pala ng winged beast para sa'yo kasi nainlove ka na diyan sa dagger, ano?!"
Nanlaki ang mata ko nang makita nga ang dalawang nakahilatang winged beast sa likod niya. I smiled awkwardly at her, scratching my neck.
"Sorry. Ano, eh, bago pa lang kasi ako dito. Hindi ako masyadong marunong sa mga laro na 'to."
"Halata nga."
Pinigilan ko ang sarili na mainis sa pranka niyang ugali. "Salamat."
"Okay lang. Sumama ka na lang sa'kin para 'di ka na mamatay pa."
"H-Ha?"
"H-Ha?" she imitated. "Habibi Shawarma? Tangina. Ilang beses ko ba dapat ulitin sa'yo lahat? Unli ka? Sorry, wala akong load lagi e."
Hindi na ako sumagot para hindi pa humaba ang usapan. Halata naman na laging may load ang babaeng 'to. Ang ingay niya.
"Nga pala, ano pangalan mo? Huwag kang mag-alala. Hindi kita isa-scam kasi wala namang nakakascam sa ugali at itsura mo. Gwapo ka nga pero hanggang do'n lang ang nakikita kong quality sa'yo. Siguro pwede na ding idagdag na maganda built ng katawan mo, at least mas okay kaysa do'n kay Kairo na masarap ipalipad sa hanginㅡ"
Ganito ba talaga siya kadaldal?
"Gavin. Ang pangalan ko." putol ko't pagpapakilala sa kaniya.
Her mouth remained open then she smiled. "Ay! Hi, GavㅡGavon? Garapon?" I was about to correct it when she waved her hand dismissively. "Oh, well, 'di bale na nga. Ako naman si Eura. Pero pwede mo rin akong tawaging ganda kung gusto mo, though siyempre may bayad 'yon. At kung tatanungin mo 'ko kung ano... Simpleng sapak lang naman, pwede na..."
'Di bale? Hindi man lang niya pinansin ang pagkunot ng noo ko dahil abala siya sa pagde-describe ng gagawin niya daw 'pag tatawagin ko siyang ganda. As if naman.
"Oo nga pala. Ba't ka sumali dito? Noobie ka?"
I ignored the last insulting comment and answered her real question. "May... tsini-check lang."
"Ano? Mga chix?"
Sinamaan ko ng tingin ang tatawa-tawang si Eura. "We're checking and following our friend. Natatakot kaming mawala ulit siya sa'min."
Renée, Sebastian, and I aren't very adept at these game thingy. But it's the only way that we could monitor or observe Finley when she's not trying to be tough and emotionless in front of us. It's the only way we could connect with her because she likes to lock herself out. She likes to isolate all her loneliness and pain to come back like a freshly healed person to us.
Sinulyapan ko si Eura nang tumahimik bigla. She was nodding at herself, smiling at me. "Gano'n din ako sa mga kaibigan ko. Gusto ko lagi kaming magkasama kaya sinusundan ko sila sa lahat. O sila sumusunod din sa'kin."
Tumawa siya. Sa higit limang minuto na nakilala ko siya, noong oras na 'yon lang ako napangiti sa ginawa niya.
Ako din... Gagawin ko ang lahat para sa mga kaibigan ko. Mahal na mahal ko ang grupo na mayro'n kami.
"Lika na. Bilisan mo nga!"
Since I met Eura she was always a loudmouth. Hindi nawawalan ng topic at laging may komento sa ginagawa ng iba. Pero may pagkakataon na mapapatitig ako ng matagal sa mukha niya at mabibigla sa kakaibang ginawa.
"Kaya naman pala galit sa'yo si Kairo." bigla niyang sinabi sa'kin 'yon nang nasa Metropolis kami.
Isa pa 'to, laging may sinasabing kakaiba si Eura. Titingnan ka niya ng ilang minuto at pagkatapos no'n may nabuo na siyang one-thousand word essay na tinatalakay ang actions at behaviors mo, gano'n din ang likes at dislikes niya sa'yo. Kaya ang dami talaga niyang nakakaaway.
"Ha?"
Isa din si Kairo sa mga wirdong nakilala ko. Halos lahat ng galaw ko sa laro ay alam niya o 'di kaya'y sinusundan. He also expressed his displeasure when I talk to Finley, ignoring me for the rest of the day or stopping me from meeting with my bestfriend. May pagkakataon nga na nag-away pa kami doon. Pero hindi niya ako sinagot at padabog lang na umalis.
"Ha?" ulit naman niya at umirap. "Haputangina. Ang hirap mo kausapin.".
I clicked my tongue, annoyed at the both of them. "Baka ikaw ang tinutukoy mo."
I thought she'd be offended and will start to shower me with her curses, but she only grinned.
"Baka nga. Pero alam mo, at least totoo naman ako sa sarili. Kaysa sa'yo na nagpapanggap sa harap ng iba."
The smug smirk she threw me after that stayed until we reached the fourteenth city, kung saan nilaro namin ang Liar's Game. Sa oras na 'yon ang gusto ko lang ay makalapit kay Finley, at sabihin na huwag niyang pansinin ang mga sinasabi ng iba. To ignore them because they don't know the real situation so all they do is talk shit. That they're just empty cans who makes a noise without anything inside.
That whatever happened before them... it wasn't her fault. It was the people who love her too much and wanted her to see the world 'til its end that makes them sacrifice their lives.
Then that girl strode towards me. "Okay ka lang ba?" bago pa ako makasagot ay may dinagdag siya, "Hindi ako concerned sa'yo. Kung hindi ka malapit na kaibigan ni Finn, hindi ako magtatanong. Kung hindi ka rin binilin sa'kin ni Kairo, wala akong pakialam sa'yo."
Kailangan niya ba talagang ipaliwanag 'yon e hindi ko naman tinanong?
Inignora ko ang ibang sinabi niya at tumango. "Okay lang ako. I'm just... I'm worried about Finn."
"E sa sarili mo hindi ka worried?"
Kumunot ang noo ko. "Anong..."
"Kapag may sumaksak sa inyong dalawa, ano kayang mangyayari. She'll let herself bleed to death for you, and you'll be more worried about her than yourself. In the end, dalawa kayong namatay." nagkibit-balikat siya.
"I would take that knife away from her and stab it to myself." marahas kong sagot. "Pero ngayon, siya lang ang sinasaksak. Kaya kailangan ko siyang puntahan. Hindi ka ba nag-aalala para sa kaniya?"
"I am..." malungkot siyang ngumiti. "But I am powerless too. All I can do is counter her enemies with my poisonous words. All I can do is shame them to others. Siguro kagaya mo rin ako sa ganitong aspeto. Because I am also a coward who can't personally say sorry to her."
"Ba't mo naman ako ginaya sa'yo?"
Umirap siya. "Bobo ka ba? Kakasabi na nga lang na kasi parehas tayong coward. Ako sa paghingi ng sorry at pagtanggol nang harapan, ikaw sa pagpapakita ng totoong nararamdaman mo."
Ang mga salitang 'yon na nanggaling kay Eura ay parang sampal sa'kin. Hindi ko na lang pinansin ang dagdag na mura niya dahil hindi ko alam na napapansin niya pala 'yon. Her loud mouth always makes me forget just how keen she is in observing. Kung hindi kasi pangbabara kay Kairo ang nasa isip niya, pagtatayo naman ng rebulto para kay Finn.
After that, I became hyper-aware of her actions. Kung iilan ang pwede niyang makaaway sa isang city dahil sa walang-tigil niyang pagmumura. Kung paano siya makipagkulitan sa mga kaibigan. Kung anong pinag-usapan nila ni Kairo at Wes para tulungan ang mga maliliit na alyansa na makaangat para malagay sa pinakahuling puwesto ang Death Crows. It all happened at the Territory Wars.
I missed Renée so much, and I didn't see Baste that often, pero naging maginhawa ang damdamin ko nang makausap ko ulit si Finn. Her little stunt in bravery almost put me to death, at the thought that I'd lose another friend too... and her at that, pero mabuti at nagising siya ulit.
Nawala din ang sayang 'yon nang malaman ko ang desisyon ni Baste. Gusto ko siyang suntukin at sipain at basagin ang mukha niya dahil sumunod-sunod ba naman ang gago kay Ree. Pero gusto ko ding bugbugin ang sarili ko dahil... dahil baka kinulang ako sa pakikipag-usap sa kanila. Akala ba ni Baste wala na siyang kaibigan nang mawala si Ree? Na wala nang saysay ang buhay niya?
Gusto ko siyang sigawan kung hindi niya man lang ba kami naisip ni Finn, pero gusto ko ring sapakin ang sarili dahil baka may mali ako do'n.
Hindi ko maintindihan ang emosyon ko sa oras na 'yon, mula sa pagkukulang dahil wala na ang presensiya ni Ree at sa pagsuko ni Baste sa buhay, pero alam ko na kailangan ko magpakatatag. Dahil baka madagdagan ang pinoproblema ni Finn kung nagpakita ako ng kahit anong kahinaan.
Isang malakas na paghampas sa likod ang halos magpahulog sa'kin sa Rock Island na 'yon. When I looked back, si Eura ang nakaharap ko.
"Sa sobrang lalim ng iniisip mo, wala lang ang hangin sa city na 'to, ano? Okay ka lang ba?"
Napamaang ako sa kaniya. Her blue hair looks so ridiculously gorgeous, lalo na ngayon na ginugulo ito ng hangin. Maganda naman talaga si Eura pero hindi ako natulala sa kaniya ng ganito.
"Hoy, gago! Naririnig mo ba 'ko?!"
Medyo lutang nga talaga ata ako ngayon. Kung ano-ano na iniisip ko kay Eura.
"Hindi. May iniisip lang."
"Tanga." napangiwi ako sa sinabi niya. "'Yan tanong ko, bobo. Ano ba kamo iniisip at bakit lumilipad na 'yang utak mo? Paulit mo pa sa'kin, ikaw na unang itutulak ko sa isla na 'to."
"Harsh mo naman." nakanguso kong reklamo. "Wala lang. About ano... about life."
Ilang segundo kaming nagtitigan. Louise, who was sitting behind Eura, even had the time to snort at us.
Napakagat ako ng labi nang kumunot ang noo ni Eura. I know this. Premonition ito na may mangyayaring murahan kapag binuksan niya ang bibig. Kaya bago pa ilista ni Eura lahat ng alam niyang mura, agad ko siyang pinaikot at tinuro sina Finn.
"Eura, magsisimula na sina Finn at Maki oh!"
Mabilis siyang nadistract, lalo na nang ituro ko sina Finn at Maki na tatawid na sa rock bridge. Susulyapan ko lang sana ang reaksiyon niya pero napatagal ang panonood ko sa mukha ni Eura. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig kung hindi siya lumingon.
"Gagong Maki 'yon ah, inuunahan naman mga bestie powers koㅡ" natigilan siya nang makita kung gaano kami kalapit. "Ay putangina!"
Bigla siyang umatras kaya nabangga niya si Fern na nakikipag-usap kay Kairo. Pulang-pula ang mukha niya't nanglalaki ang mata. Kairo took one frowning look at her, glanced at me, and smirked to himself. May binulong siya sa kaibigan na nagpasama ng loob nito at pinakyuhan siya ng wagas.
Kung dati ay naiinis ako't napapailing sa mga ginagawa niya, ngayon naaaliw na akong tingnan ito.
All my life, I have my eyes on three people. But in that game, I found them straying towards a particular blue-haired girl.
And it seems like she also has her eyes on me because she always know what's going on. Kagaya noong iniwan ko si Finley sa magandang tanawin pagkatapos halikan ang pisngi niya. I was walking silently beside a grinning Maki, when Eura dragged me back and stared straight at my eyes.
"Okay ka lang ba?"
Sa loob ng larong 'to, hindi ko na mabilang sa kamay kung ilang ulit niya iyong tinanong. Pero gaya ng dati, kakaiba pa rin ang dating nito sa'kin. Nang makitang kami na lang ang naiwan sa daanang pinaggigitnaan ng puno at bulaklak, dinala ng hangin ang matagal ko nang hinahangad.
Ang magpakatotoo.
"Hindi..."
Ngumiti siya. "Gusto mong sabihin sa'kin? Makikinig lang ako, promise. Hindi ako magsasalita."
I have no idea why. Maybe it was the fact that the breeze has brought the wind of honesty and fatigue to my direction that I spilled everything to this girl. I told her about how broken I was in the City of Nightmare. How I had to watch every person I love and treasure leave me, and how despite the toughness that I showed, there was nothing in front of a mirror but a broken glass.
I told her I was so tired. That it felt like I couldn't go on smiling anymore. That I needed to see Finn first to understand why I started this game in the first place. That I needed to see the familiar view of the ocean to gather the positive thoughts.
Sabi ni Finn nagseselos siya sa'kin dahil napakatatag ko... pero kung alam niya lang kung paano ako nagsisinungaling ng nararamdaman ko? Siguradong masisira no'n lahat ng nalalaman niya.
"Pero... hindi naman siguro maganda na patuloy kang magsisinungaling sa kanila, Gavin. Siyempre, bawat tao naman may kahinaan. Hindi ka exception. At sa pagkakaibigan niyo, hindi naman pwede na ikaw lang lagi ang matatag na tao. Magkaibigan kayo eh. May pagkakataon din na ikaw 'yong mahina tapos sila 'yong matatag... at walang mali do'n."
Pinagmasdan ko si Eura sa kabilang dulo ng mesa habang sinasabi niya 'yon. Isang taon na mula nang makaalis kami sa larong 'yon at dahil sa iisang unibersidad lang kami pumasok, lagi ko siyang nakikita. Her persona outside isn't any different in the game, but there was something different about meeting and talking to her outside.
It feels permanent.
She feels permanent and real.
Sinunod ko ang payo niya kaya napuno ng iyakan ang kwarto ni Renée sa gabing 'yon. Finley was quietly biting her lip with a guilty face, while Renée was already sobbing beside her. Nakangiwi kong sinulyapan si Baste na makasinghot sa tissue ay akala mo namatay na ako.
"Ba't ka ba nakiki-iyak!" singhal ko sa kaniya sabay hampas.
"Siyempre kasi kaibigan mo din ako, tanga!" sigaw niya balik. "Sino ba kasi nagsabi sa'yo na maging strong boy dito sa grupo natin ha? Akala mo kina-macho mo 'yon?"
Ngumisi ako. "Hindi ko na 'yon kailangan kasi macho na akㅡaray!"
Halos mapahikbi din ako sa lakas ng paghampas ni Renée sa'kin. "I was waiting for you to say this, you know! Sa buong game, ni hindi ka masyadong nagreklamo o naging mahina, talagang doon lang sa pagkausap mo kay Eura!"
"Usap kay Eura...?" mahinang tanong ni Finn.
"Oo," Sebastian sniffled so I threw another tissue box at him. "Thanks bro. Pero napanood ko din 'yon. Gago, konti na lang umiyak na si Gavin habang ninanarrate niya kung gaano siya nahihirapan e."
"Pinanood niyo 'yon?"
Kakahiya!
"Siyempre!" agad ding sigaw ni Sebastian. Magkatabi lang kami pero sigaw ng sigaw. "Wala ka kayang viewers kung hindi sa'min! Tinext ko pa sina Mama at bunso na manood sa livestream mo para 'di ka naman umiyak pagkalabas!"
Tumigil sa paghikbi si Ree na para bang naaalala 'yon. "Oo nga 'no... Tumataas lang viewers ni Gavin 'pag may nakakaaway siya o kapag naghuhubad ng damit."
Nalaglag ang panga ko kaya agad kong tinakpan ang katawan. Sebastian and Renée both laughed, reminiscing the memes created about me punching just about anyone to their deaths. Sumali din si Finley pero may kutob akong hindi niya nagets kung anong nakakatawa.
Nang matapos 'yon ay siya ang humawak sa kamay ko at binigyan ako ng ngiti niyang nagpabaliw sa ibang lalaki.
"Gavin, always remember. We're here for you. Through thick and thin. 'm your number one bestfriend!"
"Okay, ako na number two." agad na presenta ni Ree.
"Ako number thrㅡ"
Sinipa ko si Sebastian bago pa siya makasali. "'Di kita bestfriend, hoy. Huwag kang feeling."
"E'di huwag. Hindi ka kawalan."
Renée rolled her eyes, dragging the sulking Baste back so we could have a group hug. Napangiti din ako habang ninanamnam ang sarap ng pagkakaibigan naming apat. Mahal na mahal ko ang tatlong 'to. Hinding-hindi ko sila ipagpapalit sa kahit ano.
"Kuya... matatag pa rin po kaming apat ngayon. Kagaya ng ine-expect ng buong kapitbahay, talaga ngang si Sebastian at Renée ang para sa isa't isa. They got married a month ago. At ngayon naman si Finn..." napangiti ako nang maalala ang mukha niya. "She's working towards her much deserved happily ever after, Kuya."
Sinulyapan ko ang babaeng katabi na nakangiti din habang inaayos ang bulaklak sa harap ng puntod. She made a humming sound, glancing at me when I squeezed her hand.
"Ako din, Kuya." dagdag ko habang nakatingin sa babaeng mahal ko't nagpapakatotoo sa'kin. "I have my happily ever after in my hands too."
The four of us could never be separated when we were children, and we had to take on different roles to solve our issues, but life has its own way of helping us grow and feel safe.
We were each other's home. They were my home, my comfort, and my joy.
But this woman right here... she's my true and real love.
Siya ang pahinga ko pagkatapos ng mahirap na araw. Siya lang ang tanging tao na makakakita ng luha at kahinaan ko, at sa huli at tatanggapin pa rin ako ng buong-buo.
You are my happily ever after, Eunice Yra.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro