Chapter One-Hundred-Two: Helpless
-chapter one-hundred-two-
EURA
This is fucking madness.
Parang gusto kong sakalin ang pinakamalapit na tao sa'kin kung hindi lang ang lampang bestfriend ni Finn 'yon. I can't believe I have to watch her risk her life for a stupid girl who got angry at her. Tangina, kung makalabas kami dito ng buhay, hindi siya makakaalis dito ng walang kahit isang sapak.
"E-Eura, ano bang iniisip mo? May dark aura na nakapalibot sa'yo at natatakot ako." mahinang komento ni Gavin sa tabi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas. Gago, sino bang hindi magagalit o maiinis sa nangyayari ngayon?! Once again, Finn is saving us and we can't do a damn thing to help. Peste kasi, kung mababait lang ang players na nandito ay okay lang sa'kin, e baka ako pa unang papatay ng tao eh.
"Wala kang pakialam! Hindi ka ba kinakabahan diyan sa bestfriend mo?" singhal ko sa kaniya.
Nanlaki ang mata niya at dumapo ito sa kinatatayuan ni Finn. I waited for irritation or anger to cross his face, pero pinaglihi nga ata sa kabutihan ang magkaibigang ito dahil ngumiti lang siya.
"If that's Finn's choice, then she's going to survive it. Kinakabahan naman ako, pero naniniwala lang talaga ako sa kaniya." hinarap niya ako at tinitigan sa mata. "May isang salita siya."
Ngumuso ako at iniwas ang tingin. I know that. Laging tinutupad ni Finn ang mga pangako niya. That's one of the reasons why I stick with her. She makes me feel safe and lends me a lot of strength. Parang kapag katabi o kasama ko siya, nakakasiguro akong makakaalis kami do'n ng buhay.
Sinulyapan ko si Wes at Kairo na mukhang isang salita na lang ng players ay papatay na. Well, kahit ako nga siguro ay umuusok na sa galit, konting-konti na lang kasi ay may masusuntok na ako. Putanginang mga gagong 'to, ang sarap ihambalos ng mesa sa kanila. Ayaw magbigay ng chips pero hayok na hayok makakuha.
Oliver doesn't look that far from exploding, lalo na sa mahigpit niyang pagkapit sa baril. Kung may puputok mang ulo dito, aba baka magtalon-talon pa ako sa saya.
Pero bago 'yan, bago ang galit at inis na nasa puso ko, takot talaga ang nag-uumapaw sa'kin. I dragged my eyes back at Finn who was holding a gun, pointing it at the NPC. She was more composed now. Hindi na kita ang panginginig niya kagaya kanina at naa-ayos na niya ang pagtutok ng baril.
Ngumisi ang NPC. "Wow. If I ever died here, it would actually be for love, you know?"
Ngumiwi ako sa sinabi niya. Tanginang pagmamahal 'yan, nagkakamatayan. Hindi ba dapat mabuhay kayo para diyan?
At saka, oh my gosh! Don't tell me na inlove din siya kay Finn? Mahina akong umiling. Napakaganda at cute nga naman nitong anak ko at maraming nagmamahal sa kaniya. Kung lalaki lang ako, e baka matagal ko na rin siyang niligawan ako. Mas may pag-asa pa nga siguro akong masagot kaysa sa mga tukmol na nasa paligid ko.
Nakita kong ngumuso si Finn at hindi ko mapigilang tumili sa isipan. Gusto kong sumigaw na ang cute niya pero kinakabahan din ako na natutuwa. Nakahawak na ng baril at nakatutok pa sa tao pero nagawa pang ngumuso?
Finn managed to pull the trigger without closing her eyes this time. I was both relieved and afraid when it was an empty shot. Relieved ako dahil walang namatay sa harap ko, at natatakot din dahil mas matatagalan pa ang laro nila. I don't want them to reach the sixth round because that would really mean... death.
Ayokong makakita ulit ng patay na katawan ng kaibigan ko. Tama na ang kay Ate Depore.
The roulette spin came next, but to my surprise, it landed on a 'Pass'. Doon na ako kinabahan, lalo na nang magsitigil ang ibang players sa mesa ko at tumingin sa may bandang stage na parang disappointed pa.
"Ano ba 'yan, 'yan na nga lang ginagawa, wala pa. Fucking hell, wala tuloy tayong one thousand chips ngayon."
"Nako, nako, bad omen 'yan. Paano kung malasin din siya sa baril no'ng NPC? E'di wala na tayong makukuha na one-thousand?"
"Damn it, if that happens then I'll die too. Akala ko naman natulungan na ako kanina."
And I fucking saw red.
"Putangina mong babae ka, bakit parang sinisisi mo pa si Finn, huh?!" sinugod ko ang babaeng tinulungan kanina ni Finn at hinatak ang buhok niya. "Aba't gago naman pala 'yang utak mo! Ikaw naglaro-laro at nagbet ng gano'ng kalaki, tapos wow, kami pa pala may kasalanan ba't ka namatay?!"
"What the fuck?! Stop pulling my hair and butting in my business. Hindi ka naman kasali dito!"
"Hoy, gaga, kaibigan ko lang naman 'yang nagtanggol sa demonyong ugali mo." dinuro ko ang noo niya at pinandilatan siya ng mata. "Isa pang salita na manggaling sa'yo, totostahin na kita."
"Eura, tama na 'yan..."
Hinatak ako ni Gavin pabalik sa dating puwesto namin kaya naiwan ang babae do'n sa sahig. Kairo gave me an amused glance, raising his brows.
"Kaya kahit mga pro-trashtalkers sa Valorant e walang masasagot sa'yo." komento niya.
Umirap lang ako. Aba, bahala sila diyan. Mamatay na ang mundo, kasama si Kairo, bago ako magpa-api.
Pero kung si Finn naman, hehe, why not?
"Ah, I have to remind you all. If Sparrow dies, so does the people who won from this game. You know, ang mga taong nakakuha ng one thousand chips sa nakaraang rounds." biglang sambit no'ng NPC kaya natigilan ang lahat.
Mas lalo akong nagalit dahil do'n. Libo't-libong masasamang salita at mga basura ang itinapon kay Finn. I want to beat all those dumbasses who screamed foul words, pero mas nakakaputangina ang mga nagtapon ng basura. I noticed how a male player grabbed an empty can and threw it right at Finn's head. Hindi ko na ulit napigilan ang sarili ko at kinuwelyuhan siya.
Putangina talaga, baka mas mauuna pa akong pumatay kaysa matapos ang laro nilang 'yan.
"Bitawan mo nga ako!" singhal niya sa'kin, sabay talsik pa ng mabaho niyang laway. "Ano, ipagtatanggol mo pa ba 'yang kaibigan mo?! She just condemned us to our deaths!"
"Aba't sobrang bobo mo naman pala eh, 'no!" sigaw ko rin sa kaniya. "Nahiya naman ang kakahiyaw mo kanina kada may chips kang makukuha. Ano 'yon? Kapag sa saya at panalo, iisa kayong lahat. Tapos kapag sakit na ang pinag-uusapan, si Finn lang magdadala!"
Maybe I was telling it to myself too. Iniisip ko na sana maging wake-up call ito sa lalaki kagaya ng paggising nito sa'kin noon. I was someone who sat by the sidelines while Finn took all the pain too, and I still can't forgive myself for that, kahit na siguro'y okay na 'yon kay Finn.
Wala akong nagawa noon, kaya sisiguraduhin kong makakatulong ako sa kaniya ngayon.
"Eura."
Narinig ko ang boses ni Gavin sa likod. Lilingon na sana ako at sisigawan siya kung papahintuin niya naman ako, pero pinatabi niya lang ako para masapak ang lalaki! And because Gavin is made from pure strength, agad na natumba ang lalaki. Walanghiya, isang suntok lang, nahimatay na.
"Gawa ba sa bato 'yang kamay mo?" I asked him with a small frown.
Bumisita ang ngiti sa labi niya. Pero sandali lang iyon dahil nakarinig kami ng putok ng baril.
My head immediately snapped at the stage, dahil kung si Oliver man nagpaputok, e'di wala akong pakialam do'n. The players here are too insufferable that I wouldn't mind Oliver shooting every rotten ones.
Nanghina ako at napatakbo sa stage nang makitang natumba si Finn at may usok pang lumalabas sa baril ng NPC. Malapit na sanang maabot ni Wes ang kaibigan ko nang biglang itinutok ng NPC sa'min ang baril. Grabe, baliw na ata ang lahat ng nagta-trabaho sa larong 'to!
"One more step and your brain will explode. I suggest you don't move."
Napakuyom ng kamao si Wes. Natatakot na nga rin akong mapatabi dito kay Kairo kasi baka ako pa mapagbuntunan ng galit.
"What did you fucking do to her?" kahit ako ay kinakabahan sa galit na nagmumula sa boses ni Wes.
Magkaschoolmate kami kaya nasanay na rin ako sa masungit niyang ugali. Akala mo naman kasi kung sinong hari at piling tao lang ang kinakausap o kinakasama. Mas naririnig ko pa siyang tinutukso sa mga librong binabasa kaysa babae. Kaya nakakashock talaga na makita siyang super angry ngayon. Parang may pinalabas na maamong toro at naghihimagsik na.
I took a small step aside when a ball of darkness appeared in Kairo's fist. Nakakuyom pa rin ito. Gumagalaw ang panga niya habang nakatitig sa natumbang si Finn. I can't blame him. This was Kairo's first time to feel attraction or like this strong. Maloko siya at parang flirty pero dinaig pa siya ni Louise sa paghahanap ng babae. Kaya ship na ship ko talaga sila ni Finn.
Pero putanginang katorpehan ang mayro'n siya.
"I didn't do anything. This is part of our game." nakakalokong sagot no'ng NPC.
My heart was beating so loudly that I can practically hear it. Parang nanghihina at nagagalit ako habang nakatitig kay Finn. She's still in that same position. Her head is hung low, with her long hair covering her face. Namiss ko na ang pagt-twin buns niya.
"... Masakit..."
Nagulat kami nang marinig ang boses niya. Until now, I can't quite explain why but it's the most beautiful voice I've ever heard. Malambing na maamong boses na sobrang tahimik. Her voice is as fragile as her innocent appearance and adorable personality, that it's surprising to find out the strength that lies behind.
Mula sa boses ay napagalaw na si Wes ngunit muling tinutok ng NPC ang baril niya. Gano'n din si Kairo na mukhang wala nang pake kung mababaril o hindi basta makalapit kay Finn. Dierran and I both exchanged glances before stopping our bestfriends. Hinawakan niya ang braso ni Wes habang ako'y marahas na hinatak pabalik ang nanghihinang si Kairo.
He shot me a glare, eyes dark with fury. "Let me go, Eura. Kailangan kong puntahan si Finn."
Wow, 'di mo na tinatawag na kitten 'yang kaibigan ko?
Sinamaan ko rin siya ng tingin. "Gago ka ba? Kung pupunta ka sa tabi niya, e'di mababaril ka. 'Pag nabaril ka, e'di mas lalong mag-aalala si Finn. 'Pag nagalala si Finn, magiging distracted siya. 'Pag nadistract si Finn-"
At 'di man lang ako pinatapos ng putangina. "Magaalala si Finn sa'kin?"
Aba ang gago, kumikislap pa ang mata. Peste, mamamatay na't lahat-lahat, may gana pang kiligin.
"Tanga!" mahinang singhal ko sa kaniya. "Siyempre, kaibigan ka eh. Huwag kang feeling special dahil 'yon din ang mararamdaman niya 'pag si Wes ang nabaril!"
"Tch."
"Oh? You're alright?" the NPC asked, stealing our attention.
Dumako ang tingin ko kay Finn na unti-unting gumagalaw. I can't help the joy and relief that exploded in my heart. Ready na akong lumuhod at magbow sa lahat ng panginoon dahil nailigtas niya ang kaibigan ko. Kung lalabas nga lang ang hinayupak na game master na 'yon ay baka magpa-piesta pa ako sa tuwa.
"Masakit..." mahinang reklamo niya. She slowly raised her head to stare at the NPC. "Sobra... sakit..." ngumuso pa siya.
I want to go there and pinch her cheeks even though it's probably inappropriate for the occasion. Parang bata naman kasi siya na nagmamaktol do'n sa sahig.
Finn used the edge of the table to help herself up. Gamit niya ang kanang kamay para suportahan ang pagtayo dahil mukhang walang lakas ang kaliwang kamay niya. Kinuha niya ang baril na nahulog nang matumba siya, nang hindi pa rin nawawala ang nguso sa labi.
"You changed your aim." tila may akusang saad niya sa NPC.
Oo nga. Hindi ko nakita ang pagbaril dahil busy ako sa pagbabanta sa isang gago, pero nakita ko ang pagtutok ng NPC sa noo niya bago 'yon. Kaya sobrang kibahan ako nang makitang natumba si Finn, lalo na dahil pumutok pa ang baril.
"Maybe I'm a bad shooter." the NPC shrugged.
"Finn, ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Gavin.
Napunta sa kaniya ang atensiyon ko. Kanina pa ba siya nakaalis dito sa tabi ko? Kailan? Nang hatakin ko pabalik si Kairo kaya lumapit na rin siya kay Finn?
"Daplis lang." simple niyang sagot kay Gavin at sumulyap sa'min. "Won't play?"
Play? Jusko, hindi ko na nga alam ang pinagkaiba ng diamond at heart na red dahil sa pagaalala ko sa kaniya. Mauubos na lang ang chips ko dahil distracted na ako sa laro.
"We're only going to play once you're okay." sagot no'ng Maki. "Nakakaloka ka, Finn! Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo at mag-iisa na naman ako!"
Umiling si Finn. "'m not going to leave you."
Tinaas ko ang kilay nang namula pa ang bakla. Iniwas niya ang tingin kaya nagtama ang mata namin, at napasulyap rin siya sa taong nasa likod ko. Kairo narrowed his eyes at him. Aba't sa lahat talaga ng sususpetyahan niya, si Maki pa?
Oh, but well, hindi natin alam ang epekto ni Finn sa mga tao, Eura. Baka kahit ang naliko ay kaya niyang ipa-straight.
Kahit nga ako na straight ay baka lumiko para sa kaniya, hehe.
"We can't play with the knowledge that you're risking your life, Sparrow." ani Wes. "And, I have already made preparations if the game master won't show themselves."
"Preparations?" tanong ni Maki.
Hindi siya pinansin ni Wes kaya si Dierran ang sumagot. "Mm." he smiled. "We have our alliance members in different tables and they've been earning since a while ago. Sigurado kaming 'yon na din ang ginagawa ni Kairo. Kahit ano pa ang sinabi ng mga players kanina, magkaka-one hundred thousand chips si Finn pagkatapos nito. I mean, no one would want to be tortured right? Surely, they would pay."
Tangina, nakakatakot din 'to eh. Nagbanta na at lahat-lahat pero may matamis na ngiti pa rin sa mukha.
Maki nodded. "Sa'min e si Oliver 'yong pinapahirapan kong maglaro do'n. Tambay pala sa sugalan ang papi, e'di magsugal siya ng magsugal dito."
Gusto kong tumawa pero pinigilan ko. Nasa harap na kami ni Finn at ng NPC na nagtututukan ng bala, e tatawa pa ba ako? Jusmeyo marimar, baka ako pa unang bumulagta dito.
"Looks like your survival in this city is already decided. How about your survivability in our game, hm?" tanong ng NPC kay Finn.
Itinaas ng babae ang baril at kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa mukha niya. Siguro nga daplis lang sa braso ang nangyari kanina, pero masakit pa rin 'yon. And every movement Finn makes seems to affect her wound.
"Tingnan natin," she simply answered before gesturing at the roulette. "Spin."
Ginawa naman iyon ng lalaki bago ngumisi. Nahinto na ang hiyawan, dahil na rin siguro sa bakbakan kanina. Buti naman dahil hawak-hawak ko ngayon ang flamethrower at baka naman umapoy na lang bigla ang pinakamalapit na mesang sasaya.
Kinalabit ako ni Kairo. "Eura."
"Oh?"
"Look for the game master."
Natigilan ako at napamaang sa kaniya. "H-Ha?"
"Hatdog." sagot niyang kinainisan ko. "Sabi ko hanapin mo ang game master, bingi."
"Gago, binibingi mo diyan e mas may sira naman utak mo kaysa sa'kin."
"Tanga, tainga pinag-uusapan natin sa bingi, hindi utak. Dami mong satsat, umalis ka na lang at hanapin ang game master."
Kinurot ko ang tagiliran ni Kairo kaya napamura siya ng matindi. Aba't gagong 'to, paano ko naman hahanapin ang game master sa kadami-dami ng tao dito? I-interviewhin ko sila isa-isa?
"Ano pa hinihintay mo? Na sumikat ang araw dito?" Kairo hissed.
"As if naman may araw dito, bobo."
He looked at me like wanted to strangle me right there. Tiningnan ko naman siya na parang nasasaktan. Tama naman ako ah. 'Yong pulang langit lang palagi nakikita ko, except ata do'n sa Magus City may araw.
"Kaya nga. Ang sarap mo talagang sipain pabalik sa school, Eura." naiinis niyang saad.
"Aba, baka magpasalamat pa ako sa'yo kung sisipain mo ako palabas ng game. Pero dadalhin ko muna si Finn. Bleh!"
"Umalis ka na nga!" sabay tulak niya pa sa'kin.
Inismiran ko siya. Che! Kapag ikaw talaga sumubok na manligaw kay Finn ay hinding-hindi kita tutulungan! Lumuhod ka man o gumapang sa harap ko, ipagkakait ko sa'yo si Finn!
Sinulyapan ko si Gavin para sana yayain, pero mukhang nakatutok ang mata niya sa nangyayari sa stage. Finn and the NPC were loading the fourth bullet in their guns. Ayokong manood na parang gusto. Natatakot na talaga ako sa maaring mangyari sa larong 'to.
Before Finn could pull the trigger, pinigilan siya ng lalaking kaharap. "Why don't we add some twist?"
Tanginang twist 'yan! Gusto ko siyang sigawan. Kung nagbarilan na lang silang dalawa diyan na wala ng sinasabi para natapos na ang lahat ng 'to! My gosh, hindi ko keri bakit hindi siya gumaya sa'kin at kay Finn na sobrang tahimik.
Finn tilted her head to the side in a silent question.
"How about instead of pointing the guns to each other, we point it at ourselves-"
"Nababaliw ka na bang hayop ka?!" nagulat sila nang bigla akong sumigaw. "Peste, okay na 'yong barilin niyo na lang ang isa't isa, bakit kailangan niyo pang magpaka-suicide diyan?!"
"It adds to the thrill, right, rogue?"
Nakangising tiningnan ng NPC si Finn na blanko pa rin ang mukha. She made a small shrug and pursed her lips.
"But you go first."
Napahawak ako sa ulo dahil parang mabibiyak na 'to sa sakit. Here I am, shouting my lungs out for my good friend na inosente lang tinanggap ang alok. Parang pinag-uusapan lang nila kung sino ang unang tutungga ng alak eh.
I can remember Kairo's orders and I know I should be looking for that pest of a game master right away, pero hindi ko maalis ang mata sa harapan. Finn slowly turned the gun to point the muzzle at her face. Napapalunok na ako sa kaba, lalo na nang dahan-dahang hinawakan ng daliri niya ang trigger. I know Finn's nervous too, from the way her hands shiver as she raised the gun towards her temple. Ayokong isipin kung gaano kabigat at kalamig ang baril ngayon sa kamay niya. Ayoko ring isipin na may apat na bala nang nakalagay sa loob no'n.
Unti-unting gumalaw ang mga daliri niyang nasa may trigger at parang ako pa ang mapapapikit sa'ming dalawa. I don't understand why I want to cry as her braveness is displayed in front of us. Na kahit sa gitna ng kaba at takot na paniguradong nararamdaman niya ay kaya niya pa ring sagutin ang titig ng NPC.
Halos mapatalon ako nang bigla niyang kalabitin ang baril at parang mahuhulog din ang puso ko nang walang may mangyari.
I took a small step back. Parang nanghihina ang tuhod ko at malapit na akong matumba kung hindi lang ako sinalo ni Gavin. Hindi ko alam paano siya nakapagteleport papunta sa likod ko dahil mas gusto kong umiyak at walang may nangyaring masama kay Finn.
"Sabi ni Kairo samahan daw kita." paliwanag niya at tumingin kay Finn. "Sabi ko naman sa'yo makakaligtas siya diyan e. Maraming bantay sa langit ngayon si Finn kaya hindi nila siya hahayaan na mapahamak."
Hindi ko mapigilang mapansin ang lungkot sa boses niya habang sinasabi 'yon. Right, he's the only pillar left for Finn to lean on, because the two others have left this world. Dumoble tuloy ang inis ko kay Kairo nang maalala ang utos niyang layuan ni Gavin si Finn. Putanginang 'yon, parang kung sinong hari. Kung hindi lang makakamatay ang magpatuloy na walang alyansa ay baka ako pa ang nagsipa kay Gavin palabas.
It's a fixed rule that every player must have an alliance after the fourth city. Kung wala kang alyansa ay mamamatay ka. The Death Crows lost their leader and reputation but they still have the name. Kaya ang ibang surviving members ay nandito pa rin ngayon at under siguro sa protection ni Marcella.
Magkaiba naman ang game rule sa benefit na Bond Link. The rule only exists for the player's requirement of alliance, habang ang Bond Link naman ay 'sharing is caring'. Ayan kasi't ambisosyang palaka itong si Marcella kaya nakarma.
Kairo prohibited Gavin from staying near Finn nang malaman niya ang relationship nila. Gago nga e. Napakaseloso e wala naman silang label, ni hindi nga siguro alam ni Finn na gusto niya 'yon. Pero eto at ayaw na sobrang close ang magbestfriend. Nako naman, kung hindi ba naman kasi isa't kalahating tanga itong si Kairo, e sana marealize niyang magbestfriend ang dalawa kaya close.
"A-Anong tinititig mo sa'kin?" nauutal niya pang tanong.
Pakshit, nakalimutan ko palang natulala ako dahil sa kakaisip. Baka akalain pa nito na pinagpapantasyahan ko siya. Well, hindi naman malayo sa katotohanan pero hindi rin malapit.
"Iniisip ko bakit ka naging kaibigan ni Finn. Hindi kasi kita maimagine na bestfriend niya eh. Pinilit mo siya siguro 'no?"
Natigilan siya kaya ginamit ko 'yong opportunity para umalis, lalo na't nakaspin na ng roleta itong si Finn. Wala naman akong pakialam kung pumutok 'yang ulo ng NPC o hindi. Hahanapin ko na lang ang game master.
"Alam mo, Eura, ang cute-"
Bigla kong hinarap si Gavin na nanlalaki ang mata. "Gusto mo bang humabol sa langit para madagdagan ang mga guardian angels ni Finn?!"
A-Anong sinasabi niyang cute?! Ako?!
Napakurap-kurap siya sa inasta ko. Bahagyang kumunot ang noo niya at tinagilid ang ulo. What the fuck? Ganyan ba talaga kapag magkaibigan? Nagkakaparehas na ang mga behaviors?
"Sasabihin ko lang sana na ang cute ni Finn noon kaya hindi ko siya napigilang kaibiganin. Alam ko namang naramdaman mo rin 'yon sa kaniya kaya friends nga kayo, 'di ba?"
Pesteng buhay 'to. Umikot ako para magtago sa kaniya. Napaka-assumera mo talagang gaga ka, Eura. Narinig mo na ang cute, inakala mo naman na ikaw 'yon? Wala kang hiya!
Nagsimula akong magtanong o magbanta sa mga manlalaro. Tinanong ko sila kung may alam ba sila sa game master na 'yan at umamin na kung sila nga. I even made bribes and good threats with the musclehead behind me. Alam na siguro nila ang lakas ng kamao ni Gavin dahil amba pa lang ay nagsasalita na sila.
Dala-dala ko ang nakuhang benefit ni Maki doon sa last city. Pasalamat kasi at siya ang unang nakaabot sa kabilang isla dahil binalikan ni Finn si Marcella. Truth-teller daw ang tawag sa dagger na 'yon. Gamit ang dugo ng player na tinatanong ko ay malalaman ko kung totoo ba o hindi ang sinasabi nila.
Papalapit na ako kay Sapphire nang tumigil si Gavin. Siyempre, iniwas ko rin ang tingin sa wirdong babae na masayang naglalaro para bumaling sa kung saan si Finn. Kinilabutan ako nang makitang ikaanim na pala na bala ang nilalagay nila. Kahit ang mga malalapit na manlalaro na kanina'y pokus sa laro ay tumigil rin para manood.
Anim na bala sa isang revolver na kayang magdala ng pito. Finn's probability for surviving is small and rare. Isang chamber na lang ang hindi nalalagyan ng bala at talagang dadapa na ako sa swerte kung ito ang mangyari.
But I've been a notable witness to Finn's terrible luck.
Kung hindi nga lang siguro iniba ng NPC ang asinta kanina, baka nawala na sa'min si Finn ngayon.
Nakita ko ang biglang paglingon ni Kairo sa likod na parang hinahanap kami. Our eyes met and there was urgency in his face. Alam niya rin kung gaano kadelikado ang nangyayari ngayon. Shit, alam naman siguro naming lahat kung ano nga ba talaga kaliit ang survival rate ni Finn ngayon.
Tinutok ng baliw na NPC ang baril sa ilalim ng baba niya. He smiled as he pulled the trigger without any second thoughts and almost everyone inside gasped. Pero walang nangyari.
Mas lalo akong kinabahan. That's a bad sign.
Minsan kapag sinuwerte ang kalaban mo, malaki ang posibilidad na mamalasin ang-
Finn pointed the muzzle right at her temple. She glanced at us and there was a small message in her eyes. A message I wasn't willing to decipher right now.
Pinikit niya ang mga mata. Parang gusto kong matumba dahil sa ginagawa niya. I don't want her to pull that trigger because I have a really bad feeling. But this damn mouth of mine decided to shut off this time. Hindi ako makapagsalita o makagalaw man lang. I wanted to close my eyes but it's glued on Finn.
She decided to pull the trigger.
But a shout made everything stop.
-chapter end-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro