Chapter One-Hundred Three: Price For Your Lives
-chapter one-hundred-three-
FINN
Alam kong mayroong bala ang baril na kasalukuyang hawak ko. I can hear the warning signs in my head, screaming to dodge and avoid the incoming bullet. It's telling me to drop the gun in my hold and stop the insanity of this game.
Ang mga kaibigan ko na nasa tabi ay hindi mapakali. The nerves and anxiety that's seeping through them is affecting me. Mas nakakatakot tuloy ako na maputol ang journey ko kasama sila. I can't help the disappointment and sadness that's eating my heart at the thought of leaving them.
Naipikit ko ang mga mata nang dahan-dahan kong kalabitin ang gatilyo. I prepared myself for the final shot and the burst of pain, so I was just as surprised as anyone else when a shout cut through the air. Parang napaso ang sarili kong kamay at malapit ko nang mabitawan ko ang hawak na baril.
"Stop!" sigaw ng pamilyar na boses na biglang nagpamulat ng aking mata. "Stop it now. I'm here. I'm confessing as one of the game masters."
I was one of the players who gasped in surprise as Theo made his way to the front. Hindi ako makapaniwala nang makita ang takot niyang mukha. Hindi para sa sarili kung hindi para sa'kin. Even as he stared at the NPC with that determined eye, he stole multiple glances at my direction to ensure my safety.
Theo... is a game master?
"Hoy, Theodore!" napabaling ako kay Eura nang sumigaw siya. "Alam kong paborito mo ang matulog pero gumising-gising ka din sa panaginip mo!"
Gusto kong tumango para sumang-ayon sa sinabi ni Eura. Nakainom ba ng nakaka-adik na poison si Theo?
Irritation flashed on Theo's nervous features. "Hindi ako nananaginip, Eura. I am telling the truth. I am GM#0031, who participated in designing and testing the game last year. Alam kong alam mo 'yon." ang huling sinabi niya ay para sa NPC.
"Nahihibang na siya? Si Theodore... game master? Parang sinabi mo na rin na ang uwak ay puti!"
Hindi na pinansin ni Theo si Eura at tinitigan ng diretso ang NPC. I followed his sharp gaze and frowned when I met the NPC's confused eyes. Parang hindi nito inaakalang magpapakita si Theo sa harap niya. His calm and easygoing demeanor has been replaced by a surprised expression.
"You are... confessing? As the game master?" he slowly asked.
Tumango si Theo at muling sumulyap sa'kin. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin. The gun is cold in my hands and I'm speechless at Theo's revelation. Sa dami-dami ng tao na maiisip kong game master, I would never have thought that it's Theo.
I actually thought it was Wes. Pangalan niya ang nasa dulo ng dila ko kanina.
"What the fuck..." narinig ko ang mahinang pagsinghal ni Kairo.
"Let her go." Theo ordered, stepping closer to us. "I'm already here so let her go."
"You know what will happen if I did let her go, right? Alam mo kung ano ang ibig sabihin ng confession mo?" halatang-halata ang galit sa boses ng NPC.
My heart dropped as Theo nodded. Pinabalik-balik ko sa kanilang dalawa ang tingin bago nagkaroon ng tapang na magtanong.
"What will happen?"
Lumingon silang dalawa sa'kin. There's a hard expression on the NPC's face, na parang galit o naiinis siya sa'kin, but I ignored it to stare at Theo. Sari-saring emosyon ang nasa mata niya ngunit mas nababasa ko doon ang lungkot.
"He's going to die." sagot ng NPC at itinutok ang baril kay Theo. "His life is the price of skipping five cities. That's the rule."
"Hindi mo 'yan sinabi kanina. You said they just have to confess."
"Rogue, when has this game ever been as forgiving as that? Every deal has a price. Either your life, mine, or when a special deal is made," he cocked the gun at Theo's direction. "It's his."
"No." matigas kong tugon.
I walked towards Theo, hoping to have the gun pointed at me, but the NPC paid me no mind. Nanatili ang baril niya kay Theo na nasa akin ang tingin. He gave me one of his rare smiles and I've never seen his face as serene as when we were back at the Beast's castle. Napalunok ako nang makita ang mahabang parte ng buhok niya na tinatago ang kaniyang eyepatch. I can never let this boy sacrifice himself again.
"Bawiin mo sinabi mo." utos ko kay Theo. "You're not a game master. Isa kang ordinaryong player gaya sa'min. Bawiin mo."
His smile widened and he reached out to touch my cheeks, his skin warm against mine. "I've never heard you talk this long, Finn. Dapat siguro noon pa ako nagsacrifice ng ganito."
"After this, you will never hear me talk."
Theo shrugged. "Eh. Worth it. At least, I got to hear you sing too." ngumisi siya. "That's one of the best gifts I've ever received. I had the most beautiful angel sing in front of me."
Muli akong lumunok para pigilan ang namamasang mata. At that moment, naisip kong mas mabuti ang unexpected at sudden death ng kasama kaysa ang kamatayan ng kaibigan na alam mo pero hindi mo kayang pigilan. It's heartbreaking to remember the happy memories moments betore their death.
"Theo." mahinang tawag ko sa pangalan niya. "You sacrificed enough. Bawiin mo na sinabi mo."
Umiling siya at humakbang paatras. Tila ba napakalayo nang nagawang distansya sa'min.
"Please stop this! Don't kill him! Maybe we can find another way!"
Nagulat ako nang biglang nasa tabi na ni Theo si Sapphire. Her eyes were pleading as they were fixed on the NPC. Ngayon ko lang nakita ang sobrang takot sa kaniyang mukha. Sapphire is either strange or happy. Ni minsan ay hindi ko nakitaan ng matinding takot ang mukha niya.
"The price for freedom is life. Hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko. He confessed and so he should pay. And everyone in here can jump five cities."
Is it really worth advancing cities when I'll lose a friend? Parang mas gugustuhin ko na lang na tapusin ang lahat kahit na matagal para lang masiguro na kompleto pa rin kami.
"Maybe we can modify that deal." binalingan ni Sapphire si Theo. "Come on, you're a game master, right? Baka pwede mo siyang makumbinsi na palitan ang kondisyon. I can't lose you, Theo!"
The way Sapphire said those last words was too heartbreaking and emotional. Mas lalo akong nasaktan nang makita ang sunod-sunod na paghikbi niya. From her actions and overprotecriveness, may gusto kaya si Sapphire kay Theo? They were always together so I wouldn't doubt it.
"Theo, she's right. We... need a friend and a leader." narinig kong saad ni Maki.
"P-Pero... kung gusto naman niya, bakit hindi na lang natin tanggapin?" napatingin ang lahat sa nagsalitang babae. She was trembling in fear and anxiety. "I mean, s-siya naman ang nagpakita, 'di-di ba? H-Hayaan na lang natin."
"Tanga ka ba?!" Sapphire's furious voice made the girl squeak. "Hindi naman siguro kailangang mamatay ni Theo para lang sa skip na 'yan! Are you really willing to sacrifice another player?"
"If- If it's going to help us and he volunteered, oo! Hindi na natin kailangan pang m-maghirap, 'di ba. He will be remembered, d-don't worry."
"Oh my goodness! Bakit ang heartless niyo? Ganiyan din kayo kanina kay Finn! E kung kayo kaya ang tutukan ko ng baril para maging tahimik na ang larong 'to! Sacrifice yourself for some fucking peace, wengya!" sigaw ni Eura mula sa likod.
Nahati sa dalawang panig ang mga manlalaro. May mga taong pumapayag na patayin si Theo at mayro'n ding nagtatanong kung pwedeng ichange ang offer. They made a ruckus with their loud threats and furious voices. Kulang na lang ay magsimula na silang maglaban hanggang sa masira itong casino. Kasya kaya ang paralyzing kunai ko para sa kanilang lahat?
I tore my attention from them and found Theo's eyes on me. For a moment it feels like the first time we met, noong hinahabol ako ng winged beast at nakita ko siya sa dulo ng gusali.
He opened his mouth to say something, pero nagulat na lang kaming dalawa nang marinig ang putok ng baril.
Agad akong napaluhod sa sahig para masalo si Theo. I placed his head on my lap. Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan. Hindi ko alam kung anong gagawin. All my head can wrap around is the fact that Theo's in pain, that the sticky feeling in my hand is the blood in his chest that he's been shot.
"Theo..." mahinang pagtawag ko sa pangalan. "No, no, Theo..."
Unti-unting bumukas ang mata niya at kahit na nanghihina ay nagawa niya pang ngumiti. "Take t-this... as my a-apology gift."
Kumunot ang noo ko. Apology? Apology para saan? Hindi ba't sa'ting dalawa dapat ako ang humingi ng patawad dahil sa tinanggap ko ang offer na 'to.
I felt someone pushing me away, making me sit on the floor, weakened and unable to move. Inilipat ni Sapphire ang katawan ni Theo sa kaniya at malakas ang kaniyang bawat hagulgol. Naramdaman ko ang paglapit ng isang tao sa likod ko pero hindi ko siya mapansin. I can't, not when I'm once again the reason for the death of my friend.
Pinukol ni Sapphire ng masasamang tingin ang kinatatayuan ng NPC. He was still there, frozen, with smoke coming out of his gun. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa katawan ni Theo. Hindi nga siguro siya isang NPC talaga at kilala niya kung sino si Theo kaya gano'n na lang siya ka-apektado sa pagkamatay nito.
Sapphire's furious eyes landed on me. Itinuro niya ako na parang sinusumpa ang buong pagkatao. "Kasalanan mo 'to!" she screamed. "Kung hinayaan mo na lang sana ang babaeng 'yon, hindi na namatay si Theo! Why do you always have to be a hero, Finn?! Why do you always have to be good? Dahil sa pagiging mabusilak ng puso mo, namatay si Theo!"
Sinugod niya ako na nanglilisik ang mata. I couldn't do anything because my eyes are fixed on Theo's unmoving body. The way his eyes close and the cold skin of his reminds me of another death. At parang hindi ko mahabol ang hininga sa pag-iisip nito.
Nagulat na lang ako nang mapagilid ang aking ulo. Sapphire slapped me with so much force that I can still feel my cheeks throbbing in pain. Hinawakan niya ang collar ko at niyugyog ang buong katawan.
"Naiintindihan mo ba, Finn? Walang may kasalanan sa pagkamatay ni Theo kung hindi ikaw lang! Why didn't you just fucking pull the trigger kanina para hindi na ito nangyari?!"
Muli niyang itinaas ang kamay para sampalin ako pero may humawak doon.
"Stop." I heard Wes beside me. "Blaming won't change anything. Alam nating ayaw rin ni Theo na sisihin mo si Finn."
"Ayaw... ayaw." biglang tumawa si Sapphire. "Of course, he wouldn't like it! You wouldn't like it. Kairo wouldn't like it. Nor would Oliver, that Gavin, and everyone whose part of the Finn protection squad! Hindi niyo gusto, siyempre, kasi mahal niyo 'yong tao, 'di ba?! Ha! Finn, did you know that while your intentions are pure and friendly, iniisip na nila kung paano ka maging nobya?!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mas lalong lumakas ang tawa niyang nakakabaliw at narinig ko ang mahinang pagmura ni Wes sa tabi. Mahal? Is it like the same romantic love that Mama use to talk about? Gaya rin ng mga pinapanood ni Ree at ng nangyari sa Beast's Castle?
But... why would they love someone like me? I'm not worth it.
Hindi. Hindi totoo 'yan. Nabaliw na nga lang siguro talaga si Sapphire at kung ano-ano ang sinabi niya.
"Shut up, Sapphire." Kairo growled.
"Oh no, don't shut me up. Alam mo bang dalawang lalaki na ang namatay dahil sa'yo, Finley? At oo, may mga gusto ang mga taong 'yon sa'yo. Si Caspian at si Theo na masyadong nabulag ng pag-ibig kaya ayaw kang mapahamak! Pero anong sinagot mo sa pagmamahal nila? Kamatayan?!"
"No..." I muttered, shaking my head. Caspian and Theo are not like that. They're my friends. "No..."
"Kaya siyempre oo, ayaw ka nilang masisi man lang! Sweet, innocent Finn should forever be unharmed. Tanong mo pa kay Wes at Kairo na parehong naghahabol sa'yo na parang tanga! Pero nakakaawa naman sila't tanging kaibigan lang ang turing mo. Ni hindi mo nga alam na may gusto pala sila sa'yo-!"
Naudlot ang mga sinisigaw ni Sapphire nang bigla siyang sampalin ni Eura. I've seen Eura lose her patience a couple of times and erupt in her screaming self, but the girl that's standing in front of me, her fury is cold and deadly.
"Alam kong nasasaktan ka dahil may gusto ka kay Theo, pero hindi sapat na rason 'yon para sabihin mo ang mga bagay na 'yon. It's not your feelings to share."
Nagpalitan silang dalawa ng masasamang tingin. Ngunit hindi nagtagal ay nauwi rin sa hikbi ang galit ni Sapphire. She fell on her knees as she tried her best to wipe her tears.
"Okay lang naman sa'kin, Eura e. I know Finn's just that likable kaya nga hinayaan ko lang si Theo na magkagusto sa kaniya. I tried my best to be her friend. Hindi ko binigyang pansin ang mga kaaway niya dahil 'pag nasaktan siya, masasaktan si Theo, at ending, ako rin masasaktan. But this is... I don't know why it ended to this. Why did he have to die? Bakit kailangan pa ni Finn na mag-offer ng game na 'yon? Hindi pa ba niya naririnig ang mga sinasabi ng ibang players? They're not even grateful, for Pete's sake! Dapat hinayaan na lang natin silang mamatay!"
Right. Because I wanted to avoid any deaths in this city, I had to personally witness Theo being shot. Because I didn't want a stranger to die, I have to watch a close friend be killed.
Isn't fate just too good?
"Sparrow, calm down-"
Agad kong binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Wes. I stepped away from him like I've been burned. At parang hindi niya rin inaasahan na aatras ako dahil nakatitig siya sa mga sariling kamay, na para bang may malaking mali dito.
"Kitten. Hey, kitten-"
I held my palm up, stopping Kairo in his tracks. He cursed under his breath but did not make another move. Nakatitig lang siya sa'kin nang may pagaalala at parang susugorin na niya ako 'pag binaba ko ang kamay.
"Boys, sorry muna ha." narinig ko ang boses ni Maki sa likod bago naramdaman ang kamay niya sa balikat ko. "Ako muna bahala sa'ting sister. Diyan muna kayo, hehe. Pacool down lang in case na mukhang hotheaded kayo. Don't worry, she's good in Maki's hands."
Siya ang humila sa'kin palayo doon at nagpatinaod naman ako. Hindi ko pa rin mabura ang itsura ni Theo kanina, kung paano siya mamilipit sa sakit at ang dugo sa kaniyang damit.
"Finn, are you okay?" hinampas niya ang bibig pagkatapos itanong 'yon. "Ano ka ba, Maki, boba! Siyempre, hindi siya okay. Ikaw ba makita ang close friend mong namatay sa mismong harapan mo, magiging okay ka? Ano ka, sociopath? Psychopath?"
"I'm... okay."
"Sure ka, bes? Okay lang umiyak kung gusto mo. Wala man akong tissue na baon dito, pwede mong gamitin ang shirt ko. Kahit magsneeze ka pa ay okay lang! Papalit na lang ako mamaya!"
Umiling ako. "Can't cry." hinawakan ko ang puso at nagsusumamong tumingin kay Maki. "Hurts... but can't cry."
And so, Maki cried for me. Pinanood kong malukot ang mukha niya at umagos ang luha sa kaniyang mga mata. He enveloped me in a warm hug na sinagot ko rin ng sariling yakap. Pero sa aming dalawa ay siya pa rin ang malakas na humikbi dahil kahit isang patak ng luha ay walang lumabas sa'kin.
"Why can't I cry, Maki?" mahinang tanong ko.
"S-Sige." hikbi niya. "Ako na lang iiyak para sa'yo, Finn, at sa pagkawala ni Papi Theo. Diyos ko po, paborito ko pa naman siya dahil ang angas ng eyepatch niya. Tapos ngayon, umalis na siya sa'ting life."
Si Eura na nakalapit na't iniwan ang umiiyak na Sapphire ay hinampas ang likod ni Maki. "Bakla ka! May panahon ka pang maglandi kahit na may namatay na! Maging masaya ka na lang at hindi na siya magigising sa kaniyang pagtulog ngayon."
"Aba't gaga ka! Mas malala nga 'yang sinabi mo."
I know they were just trying to lighten the situation but my heart wouldn't cooperate.
"As we've agreed, if the game master surrenders, you can skip five cities. I don't want to explain any longer because I am damn pissed right now so I will just transport you to the twenty-third city." mabilis na wika ng NPC.
His dark eyes held anger as they landed on me. In one snap of his fingers, the casino swirled and vanished. Napahawak sa kamay ko sina Maki at Eura ngunit biglang nagliwanag ang paligid at napalayo kami sa isa't isa dahil sa napakalakas na puwersa.
Napaatras ako. When I stepped into solid ground, my eyes instantly flew open. Isang crimson sky at mga nagkawasak-wasak na gusali ang nagwelcome sa'kin. I felt a presence behind me, putting my body in whole alert. Mabilis akong kumuha ng throwdagger bago tuluyang humarap.
The eastern wind blew whispers on my hair when I turned around and locked gazes with Caspian.
-chapter end-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro