Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One-Hundred Ten: A Missing Sparrow

-chapter one-hundred-ten-

THIRD PERSON

"Para kang tanga, Wes. Bakit ba umiiwas ka sa kaniya? Ikaw lang din naman naghihirap kasi gusto mong makita pero pinipigilan mo sarili mo!" suway ni Dierran sa kaibigan.

Naalala niya pa ang kaartehan nito sa meeting nila kanina. Aba't magtago ba naman sa mga puno sa kagubatan para lang hindi makita ni Finn. Tapos no'ng marinig na papakasalan daw ni Maki si Finn ay mas mabilis pa sa alas kuwatrong nagpakita, 'yon nga lang hindi naman nagsalita. Tapos akala mo may important meeting kung makaalis agad.

"You don't understand, Dierran." naiinis na wika nito.

"Ano ba ang hindi ko maintindihan? Ganiyan ka ba talaga kakilig dahil sa nahalikan mo siya?"

The reaction was very sudden that Dierran had to take a step back. Parang gusto na niyang magdasal sa kahit sinong santos dahil parang mapupugutan na siya ng ulo sa sobrang agresibo ni Wes.

"I did not kiss her! Our lips barely touched!"

Napailing si Dierran sa isipan. Maka-defensive ang kaibigan niya, mas malala pa kapag participant sa debate contest. Doon kasi parang may bayad para lang magsalita, pero 'pag si Finn an usapan dapat bayaran para isara ang bibig.

"Sabi mo kanina malapit na kayong maghalikan." kontra niya.

"Malapit. The keyword is malapit, Dierran." sabay sama ng tingin ni Wes sa kaniya. "We were about to but I stopped."

Kaya ba namomroblema ang isang 'to?

"So nanghinayang ka, bro?"

Mas lalong sumama ang tingin ni Wes kaya mas lalong naguluhan si Dierran. Ano ba talagang espiritu ang sumasapi sa kaibigan niya minsan at hindi na nakakapag-isip ng maayos?

"No! I didn't even ask for permission!"

Grabe, ngayon lang ata narinig ni Dierran na ganito kalakas ang boses ni Wes. Kung hindi kasi sa score niya sa exam o pag-away sa Kuya, kalmado lang palagi ang boses nito.

'Tsaka bakit kasalanan niya pang hindi nakahingi ng permiso itong isa? Nando'n ba siya? Nando'n ba?!

"E hindi mo naman nahalikan, 'di ba?" ulit na tanong niya dahil hindi niya talaga gets ano ang nagpapainit ng ulo nito.

Wes sighed, irritated. Gusto ring sabihin ni Dierran na kahit siya ay naiirita.

"Oo."

"O, bakit ka namomroblema? Gusto mo bang humingi ng permiso?"

"But I still tried to and sobrang lapit na ng labi namin na konti na lang e tuluyan ng humalik! What if she thought I was ruining her dignity?"

Pinigilan ni Dierran ang tampalin ang noo o sapakin ang kaibigan. Sinabi na nga niyang hindi naghalikan tapos nakasira pa siya ng dignidad! Sa sobrang talino ba ni Wes, nabobo na siya dito?

"Well, you didn't kiss her. You almost tried but controlled yourself-"

"That's the problem! I tried! And without even asking for-"

"Oo nga, pero 'di ba, hindi naman natuloy kasi nga sobrang lapit lang at hindi naglapat-"

"But the intention and distance was there-"

"Bahala ka nga diyan sa problema mo at maghahanap ako ng mga bato!"

Hindi pa nakakalayo si Dierran nang hatakin siya pabalik ng kaibigan. Tila naawa naman siya nang makita itong nakaupo sa may puno at problemado. Well, Wes never had any experiences with girls dahil sa isang babaeng kinabaliwan niya mula pagkabata. At dahil likas na one-woman ang pamilya niya, o cursed to love the same person, eto at nagdurusa ang isa.

Dierran has tried to set him up with countless girls before but they either run away crying or screaming in both pain and anger dahil hindi man lang niya pinapansin. Minsan naman ay tinititigan lang ni Wes ang mga ito hanggang sa ngumiti at biglang madidismaya. Na parang may hinihintay siyang kakaiba sa mga ngiti nila.

"Ipaliwanag mo na lang. Tiyak naman na maiintindihan ka no'n."

Mahinang tumango si Wes. "I know. I just don't have the courage to."

Nagpakawala si Dierran nang marahas na hininga. No matter how Wes tries to be straightforward, his introvert side still comes out.

"Ang tanong, pare, kung naaalala niya pa ba."

Nagulat silang dalawa nang biglang nasa tabi na nila si Gavin, ang bestfriend ni Finn. Chill lang ito, habang may maliit na ngiti sa labi at nakalagay ang isang kamay sa bulsa. Ang natatandaan at naobserba ni Dierran ay may gusto ang taong 'to kay Finn, pero parang tumigil na ito sa panonood at pagtitig nang makilala nang tumagal dito. He's not really sure if he's a guardian or potential suitor, but every boy who likes Finn sees him as a big threat.

Nakakatawa sigurong isipin kung hindi naman pala malaking threat ang childhood bestfriend na 'to.

Still, Dierran couldn't help but be wary. Those bright smiles always casts dark shadows.

"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Wes.

Nagkibit-balikat naman si Gavin. "Eh. Finn's a little weird so she might have forgotten things like those. Pero totoo sinabi ng bestfriend mo, explain mo na lang, para 'di ka na iwas ng iwas tapos 'di ka mamroblema."

"Why are you saying this?" Wes asked slowly, like he couldn't ponder the advice given.

"Huh? Pinag-uusapan niyo prinsesa ko e, siyempre sasali ako tas bibigay opinyon." Gavin grinned. "Alis na muna ako kasi nagwawala sina-"

Their attentions were stolen by a large blue flare. It was the signal for help kaya agad silang kumilos, lalo na nang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Eura sa kagubatan.

"SI FINN NAWAWALA!"

It was like having a switch turned on. And everyone in the city of dreams felt like they were having nightmares.

Si Maki na sobrang-sobra ang pagaalala kay Finn ay panandalian munang nabigla dahil sa ingay mula sa likod nila. Akala mo naman may rumaragasang toro sa mga kahoy dahil sa gulo na ginagawa ng mga ito. At nang dumating ang mga pasimuno ay nakakatakot nga naman ang mga itsura nila, na parang kaya na ni Maki lumuhod at magdasal dahil hindi niya napangalagaan ang maliit na ibon nila.

Nang matapos nilang kunin ni Eura ang stone ay sobrang saya na niya. Pero biglang winasak ang tuwa nang makitang wala na si Finn sa kinatatayuan at nanatili lang doon ang stone. Sobrang taranta nila ni Eura na sinubukan nilang hanapin sa malapit pero wala talaga!

"What do you mean nawawala si Finn, Eura?" madilim na tanong ni Kairo sa naiiyak na ring si Eura.

"Tangina naman kasi!" biglang bulalas ni Eura. "Nandoon lang kami ni Maki kasi kukunin namin 'yong aqua stone na nakita ni Finn, pero actually umalis siya no'ng una kasi may nakita din siyang bago pero umangal pa nga kami kasi nasa may—"

"Fucking hell, Eura! I am not in the mood to listen to everything so please just tell me where the fuck Finn is!"

Oliver glanced at the trembling Maki para ito na lang ang magbigay ng paliwanag dahil talagang aabutan sila ng siyam-siyam kapag papatapusin nila ang storytelling ni Eura.

"S-Si Finn..." huminga ng malalim si Maki. My goodness! Hindi siya mapakali sa titig ng mga lalaking 'to! "Nandito lang dapat siya kasi kukunin niya ang isa pang stone. Sasama dapat kami pero pinigilan niya dahil kailangan dalawa ang kumuha ng dalawa pa. We know Sparrow's abilities kaya siyempre nagtiwala kaming makakaya niya 'yon. Pero pagdating namin dito, nawala na siya!"

"B-Baka naman pumunta sa kung saan dahil may nakita ulit na stone?" kinakabahang tanong ni Sapphire.

"Hindi!" sigaw ni Eura sa kaniya. "Si Finn ang pinag-uusapan natin dito kaya malamang sa malamang, bago umalis 'yon, magsasabi 'yon!"

To everyone's surprise, bigla na lang tumalon si Gavin sa cliff. Napasigaw si Eura dahil baka naging suicidal na rin ito kagaya ni Baste pero naginhawa din ang loob niya nang makita ang lalaki na maayos ang lagay. There's a narrow ground below the cliff, kung saan may isang sanga na namumuhay. May nakuhang puting tela si Gavin, the summer dress from this city, sa isang twig na nakalabas sa lupa bago umakyat pataas, with the help of Oliver who held out his hand.

"Finn's clothes. Napunit ata." komento ni Gavin at sumulyap sa baba. "Siguradong nahulog siya."

There were gasps of surprises and shock. Hindi na rin maipinta ang mukha nina Maki at Eura dahil sa pagaalala. Panay ang pagsisi nila sa sarili dahil baka ano na ngayon ang kalagayan ni Finn. Kung sana ay sinamahan lang nila ito, then it wouldn't result to this!

Sapphire looked horrified as she said, "Baka na misstep siya no'ng kunin ang stone?"

May mga sumang-ayon doon.

Wes walked towards the tree where the stone was hanging. "Finn used her magic to bend this tree. Look, Kai, there are remnants of dark magic in here."

Lumapit si Kairo at tumango. Hindi na rin kasi normal ang pagkakalean ng maliit na puno from its roots. It's obvious that it was bended and from the shadow's presence that lingered in the air, Finn used her magic.

"Alam niyang hindi niya maaabot kaya ginamit niya ang shadows."

Once again, to everyone's surprise, Marcella stepped up to say that. Hindi pa rin talaga sila makapaniwala sa pagpapanig nito sa self-proclaimed niyang kaaway. Just what has she and Finn talked about that she started to mellow?

"Sapphire." tawag ni Marcella habang nakatingin pa rin sa puno. "Wala ka bang kinalaman rito?"

Almost every eyes landed on the trembling girl. Nabasa na ang mga mata nito dahil sa luha at makikita ang pagaalala sa mukha nito dahil sa nawawalang kaibigan. But some people couldn't be fooled. Not when she has damaged their trust or has acted suspiciously.

Hindi pa rin alam ni Oliver kung bakit napakaweird ni Sapphire doon sa territory wars. Doon talaga siya nagkaroon ng suspetya sa kaniya. Sure, she and Theo were close and the guy was a sloth, but he never makes such foolish and impulsive decisions. Ang problema nga lang ay gulong-gulo pa si Oliver sa panahong 'yon dahil sa pinsan kaya hindi niya napag-isipang mabuti ang mga ginagawa ni Sapphire.

Kairo has never trusted her again after the incident with Depore. At first, he thought she was another Eura case, but the longer he observed her, the more he suspects. May kakaibang aura kasi sa babae na naga-activate sa danger radar niya. On the other hand, Wes never trusts anyone and Sapphire has deepened his mistrust everytime she lingers around Finn. Gavin just gave up on trusting her when he saw her eyes during Finn's condemnation. Kung may lungkot at pag-aalala ang mata nina Eura, may bahid na saya ang sa kaniya.

And the others were wary because of the anger she showed in the past city. Baka nga gawin ito ni Sapphire dahil mayro'n naman siyang dahilan. A revenge for Theo's death, as one may perceive.

"A-Anong... Anong pinagsasabi mo, Marcella? Are you perhaps suspecting me for Finn's disappearance?!" sigaw niya.

"We can't help but suspect, Sapphire." ani Eura. "May galit ka kay Finn at mula sa mga nagdaang sitwasyon, I guess we've already proven that anger can push a person to do the most inhuman things. So please answer us honestly, may kinalaman ka ba o hindi?"

That was probably the first time Eura has talked with a mature voice and aura. Parang hindi halos makapaniwala si Maki sa nakikita niya. Kahit isang mura, walang nasabi!

"Parte ako do'n sa meeting kanina, Eura! Alam ko ang plano natin na hindi na magpapahamak ng ibang tao! Kaya hinding-hindi ko magagawa 'yan!" bigla siyang napaupo at umiiyak. "I've already lost a friend, you think I'd cause another?!"

Some hearts were moved at the sight of her tears and grief, but there are also those who could see the demon behind.

"Excuse me but my member has a confession to make."

Napalingon ang lahat kay Glory Mae, ang leader ng Immortal Silk, nang magsalita siya't itulak sa sentro ang isang babaeng player. She was trembling as well, as she glanced at the cliff and at the crying Sapphire. Hindi niya matingnan ng maayos ang mga lalaking malapit kay Finn sa sobrang takot kaya itinuon niya ang mata kay Maki. Some would say Eura is a better option, but a cold Eura is ten times terrifying than the cursing one.

"N-Nakita ko po... kung paano nahulog si Finn..." kinakabahan niyang saad. She could sense how the air got colder at the mention of a 'fall'. "T-Tinulak niya po si Finn!" bulalas niya't itinuro si Sapphire.

If the small branch that Kairo was holding broke into two, no one said a word. If the small rock crumbled to pieces under Gavin's hands, no one dared to open their mouths. If the air got harsher and the waves crashed against the rocks even more dangerously, no one tried to speak up.

No one was brave enough to challenge the dangerously dark stares of Finn's close friends.

"Tinulak mo si Finn?" at tila ba ang malalim at kalmadong boses ni Eura ang puno't dulo ng paparating na bagyo.

-chapter end-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro