Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One-Hundred Seven: A City of Dreams

two cities 2go

-chapter one-hundred-seven-

THIRD PERSON

"Nako, sobrang nagulat talaga ako Finn nang makapunta ako sa city na 'yon. Biruin mo naman, nagising ako sa classroom namin at nasa harap ko na ang calculus teacher namin na kung makapagquiz ay akala mo board exam na! Tapos parang gusto ko nang mamatay no'ng sabihin niya na exam na daw namin at five hundred items pa! Like what the fuck lang 'di ba, e mostly na nilagay niya sa questionnaire ay mga tanong na 'di naman niya diniscuss o nagabsent ako kaya hindi ko narinig ang discussion-"

Nagpatuloy si Eura sa pagra-rant tungkol sa nangyari sa kaniya sa last city habang naglalakad sila ni Finn sa kubo kung nasaan si Wes. Panay naman ang tango at reaksiyon ng kasama niya pero halata sa mukha nito ang pagkagulo. Kaya hindi niya maiwasang mapatanong sa sarili kung ano ba ang nangyari kay Finn sa Nightmare city na 'yon.

One thing's for sure, sigurado si Eura na masama iyon dahil nightmare nga ang city.

"-Tapos ang nakakagulat pa e bigla na lang ako naging zero sa exam! Hulaan mo! Zero! E sigurado naman ako may natama ako doon kahit isa lang! Pero hindiii, talagang itlog ang naging ulam ko sa taong 'yon-"

"How did you get out?"

Napakamot ng ulo si Eura. "Actually, hindi lang school ang naabutan ko do'n. Sandali ko kasing nakalimutan ang nakakatrauma na game na 'to tapos late ko na siyang narealize. I saw the deaths of the people around me and I guess nakalabas lang ako do'n nang burahin ko ang pagkamaingay ko para magseryoso. May kailangan kasi akong pataying puso- Ang laki pa ng puso na 'yon, Finn! 'Yon ata ang center ng city tapos nakita ko siya sa library namin, doon sa math section!"

Finn hummed. "The last city made me confused. I... don't know what's real and what's not anymore."

"One thing's for sure, ito na ang totoo at continuation natin mula sa seventeenth city. And the players are one of our evidences." mapait siyang ngumiti. "Doon kasi nakipagtawanan pa ako kay Ate Depore, tapos nang maalala ko kung anong nangyari sabi ko, ah patay na pala siya. Pero kahit konting panahon lang 'yon, I did enjoy those moments. Gano'n din ata si Kairo kasi namumula 'yong mata niya nang magising dito. Buuut yeah, when we woke up here kasi, wala na talaga si Ate Depore. Tinanggap ko na rin ang bagay na 'yon. Na patay na siya."

Finn took a deep breathe, walking faster. Kung gano'n, hindi din pala totoo ang Caspian na nakita niya do'n? She thought it was real. Nakagawa pa nga ito ng rason kung bakit nauna ito sa kanila. Or was it her mind that rationalize Caspian's presence because she hoped that she was still alive.

Na parang hindi niya lang nahawakan ang katawan nito nang mamatay.

"What happened on that city, Finn?" nag-aalalang tanong ni Eura sa kaibigan.

"I saw Caspian... and I saw all of you die. Then at the end, I killed Wes. Like how you stabbed your monster's heart-" kumunot ang noo niya. "Ibig bang sabihin, si Wes ang kalaban ko?"

Nagkibit-balikat si Eura. "Kung walang monster do'n, then baka ikaw ang kalaban mo. Like puso mo ang dapat na saksakin."

"Pero siya ang sinaksak ko. Paanong nakalabas pa rin ako?"

"Siguro iisa lang ang nightmare niyo? At since iisang dimension lang kayo, isang tao lang ang kailangang patayin?" tila naguguluhan niyang tugon. "Bakit 'di na lang natin siya tanungin?" sabay pakita niya sa pinto kung saan naroroon si Wes.

Finn took a deep breath before pushing the door open. Nakaupo si Wes sa kama at binubutones ang kaniyang shirt habang inaayos naman ng isang babae ang mga gamot. She had wild flowers in her hair too like the woman in Finn's cottage. Mukhang sila ang naatasan na sumalubong sa mga players.

Nanlaki ang mata ni Wes nang makita siya. Before she could say one word, tumalon na ito sa bintana at tumakbo palabas.

"W-What- Anong nangyari do'n?!" sigaw ni Eura na lumapit sa bukas na bintana. "For the first time in forever, ang Wes na akala mo'y aso kung makasunod, iniwasan at nilayuan ka?!"

Kahit si Finn ay naguguluhan din sa inakto ng binata. May nagawa ba siyang mali sa last city? Parang umiyak lang naman siya do'n.

"Ah, were you the player who was in the same dimension as him?" tanong ng babaeng NPC.

Finn looked at her, frowning. "How did you know that?"

"Nagtanong kasi siya kung may nagising din ba kasabay niya tapos kung babae daw ba ito."

Tumango-tango si Finn. "Do you know... how we were in the same dimension? Shouldn't nightmares be different for each players?"

"Kung magkokonekta ang nightmares niyo ay pwedeng iisa lang din. It's only created through the information we've gathered outside and inside this game. The city only shows the death of your close friends, that's one of the main themes. Pero mayroon kaming isa na special case ata. I don't know but a game administrator has helped them fulfill the city without killing anybody."

"What? Ang daya naman niyan! Nako, may special connection ata 'yan sa creator ng game 'no? Tch. Hanggang dito ba naman ang sipsipan na 'yan!" reklamo ni Eura na siyang humihiga na sa kama ni Wes.

Kumunot naman ang noo ni Finn. Then does that mean that Wes' nightmare was losing Finn's parents and close friends?

"Magulo. Hindi ko gets." she honestly muttered. "Our nightmares are connected? The same?"

"Simply put, rogue, your nightmare might be his. Maybe the game masters found out na mahalaga ka sa kaniya kaya nilagay din nila siya sa kung saan ka masasaktan." the woman smiled. "After all, the anguish of your greatest love is the most painful. Especially if you only have to stand by the side and watch them, helpless and powerless."

Finn was taken aback at that. Gano'n ba? Kaya ba sinabi niya ang mga bagay na 'yon at pinili na siya ang masaktan? Napakamasokista naman pala ni Wes.

"Anyway, pwede na ba kayong lumabas? I'm sensing a player that's about to wake up."

Hinatak ni Eura palabas si Finn at naglakad-lakad sila. She was humming while Finn was lost in her thoughts. Ngunit naisip niya bigla ang pinangako sa sarili sa nakalipas na panahon kaya huminto siya, pumikit, at huminga ng malalim.

"Finn? Finn? Okay ka lang ba? Nainis ka ba kay Wes dahil tinakbuhan ka niya? Huwag ka mag-alala, ako din, kaya hahanapin natin ang duwag na 'yan at sasapakin-"

"I'm fine, Eura." putol niya.

At nang imulat ni Finn ang mga mata ay sumilay ang isang totoong ngiti sa kaniyang labi.

"I'm fine. 'm just enjoying this wonderful city in front of us."

Napakaganda nga naman kasi ng paligid. The Dream City was really a city of dreams. Ang magkakambal na bukirin ay may dagat sa ilalim at sa unang pagkakataon ay maliwanag ang langit. Sa taas ng hill kung saan sila kasalukuyang nakatayo ay mga nakahilerang kubo papunta sa may dagat. Naglinyahan ang mga palm trees at may napakalaking gate sa likod nila. Doon nakalagay ang quest para sa city na ito.

Kailangan nilang hanapin ang limang uri ng stone at ilagay iyon sa gate upang mabuksan. Pagkatapos ay kailangan nilang pumasok sa isang kweba kung saan natutulog ang higanteng nakapaloob sa isang curse. They need to break it through killing the giant's evil form and letting it transform back to being a beautiful and kind god. Walang time limit at wala ring additional rules. Parang mga common quests lang na nakikita mo sa mga games.

"If I know, this is just another breath of fresh air before they throw us back into hell." bulong ni Kairo sa sarili.

"Anong binubulong mo sa sarili diyan, Kai? Halika, let's swim!" nakangiting anyaya ng isang babae at yumuko pa ng kaunti para makita ang kaniyang dibdib.

"Oo nga, Kai. Matagal ka na naming hindi nakasama. Since... hm, fifth city pa ba? We miss you already, darling." malanding saad naman ng kasama.

"You've been getting distant these past days, Kai. Don't tell me that you're really serious about that kitten of yours?" tanong ng babae na dahan-dahang inilakbay ang kamay sa braso ni Kairo.

Ngumisi si Kairo at binawi ang kamay. He stepped away from the girls, creating a safe distance between them.

"Sorry, Kara. I'm interested in only one person now."

"Oh, c'mon." the girl pouted but Kairo couldn't see it as anywhere cute as Finn's. "You can play with that sparrow later, dito ka muna sa'min."

"Nah, I'd rather wait for my kitten to show up than-" naputol ang sasabihin niya nang makita si Finn na kasama ni Eura. "Oh, look at that, my adorable beauty is already here. Ladies, if you excuse me."

Narinig niya ang mga dismayadong daing nito pero hindi niya pinansin at lumapit kay Finn at Eura. His own nightmare still troubled his mind dahil siya lang naman ang pumatay sa nagugustuhan niyang babae doon. At kailangan niya itong patayin ng ilang beses bago tuluyang makawala sa panganib ng syudad.

"Kitten." nakangisi niyang bati. "How are you?"

"'m okay. You?"

Sandaling natigilan si Kairo, surprised at the question. Medyo nasanay na ata ang puso niya sa diretsong sagot ni Finn. She doesn't always have follow-up question. Pero itong babae sa harapan niya ay nagtanong din kung okay lang ba siya. Hindi niya mapigilan ang tuwa sa puso niya.

Fuck. Ang bilis talagang makaapekto ng babaeng 'to sa kaniya.

"All fine. My life's already a nightmare to be defeated by that one."

"Hm. Really?"

From the look that Finn gave him, it was clear she did not believe any of his words. That stunned Kairo again because he was always a good liar. He was always an expert in wearing his mask.

Dahil parang naestatwa si Kairo at hindi na makagalaw, hindi niya namalayan na umalis si Finn dahil nakita nito si Marcella. Eura poked his bestfriend's chest, giving him a disappointed glare when he snapped out of his trance.

"Bagal mo, pagong. Ayon, sinundan na si Marcella. Hunghang ka kasi. Nakakahiya, tangina, ang bestfriend kong magaling sa babae, ayon at natulala!"

Hindi na pinansin ni Kairo ang pangba-bash ni Eura. "Sinundan si Marcella? Kailan pa sila naging close?"

"Tanungin mo 'ko kasi alam ko!"

"Tinatanong nga kita!"

"E hindi ko naman alam!"

"E'di dapat 'yan sinagot, tanga!"

"Marcella!"

Napahinto ang babae nang marinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan. She stopped at an open cottage, sitting in the bench and adjusting her hat. Hindi nagtagal ay tumabi na sa kaniya si Finn na panay ang sulyap sa kaniya. She doesn't know what to do with her constant closeness, since the guilt of ruining her life still runs deep.

Siguro sobrang bait nga talaga ni Finn at napatawad na siya nito. Pero hindi naman niya magawang patawarin ang sarili.

"The last city..." panimula nito na agad ding nahinto. "I- I remember talking to you..."

Halatang may gusto siyang itanong pero hindi niya alam kung paano. Weeks of reading Finn has already made Marcella an expert in understanding her intentions. Kapag kasi panay ang pagkagat nito sa ibabang labi, pagtingin sa kanan ay may gusto itong itanong.

"You mean the love talk?" konpirma niya.

It's still strange having that talk with her. Dapat sa mga close friends niya ito ginagawa pero siguro mas magaang sabihin ito sa isang tao na paniguradong walang bias. Although, Marcella had a bias. Kawawa naman ang pagtolerate niya sa laging pagkawala ni Wes kung hindi niya ito tutulungan. Hell, the whole territory wars, she never felt Wes help her alliance.

Nanlaki ang mata ni Finn. "Totoo 'yon?"

"I was there."

"So... same nightmare mo sa'kin?" naguguluhan nitong tanong.

Kung masakit kay Wes ang makita si Finn sa gitna ng kapahamakan, kawalan, at pighati, gano'n din ba si Marcella?

"My nightmare was seeing you on top and me at the bottom. What I saw was your friends trying to find you in the midst of despair. Pinapahalagahan ka at hinahanap. I guess one of my nightmares was being forgotten and unloved then, because I had to watch them look for you like you're the moon in a dark night and they need a guiding light."

"Paano ka... nakalabas?"

"See, the pull was within me. Kailangan kong patayin ang sarili, pero nagpakita siya at sinabing 'di na 'yon kailangan at pwede na akong magproceed sa next city." kumunot ang noo niya. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako tinutulungan at bakit siya higit na kontrabida sa'yo. I have never seen anger that deep and... Napakamanipulative niya."

"Sino?"

Ilang minuto na dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. From Marcella's silence, Finn realized that she won't be getting any answer anytime soon.

"I accepted something after our talk. Inamin ko sa sarili na dito hindi ako panalo." Marcella turned to face Finn. "Now, I can say it aloud. Talo ako sa'yo, Finn. At okay lang 'yon, dahil sa susunod na magkaharap tayo, sisiguraduhin kong mananalo na ako."

Finn's troubled face quickly brightened. Binigyan niya ng isang malaking ngiti si Marcella at tumango. "Mm!"

"Napakasweet naman. Nato-touch ang aking fragile, beautiful heart sa pinapakita niyong sweetness, na kahit hindi niyo napansin ang beauty ko dito sa harapan niyo ay hindi pa rin ako maiinis."

Napatalon silang dalawa nang marinig ang boses ni Maki. Nakahalumbaba ito sa kanilang harapan at may munting ngiti sa labi. Pinunasan pa nito ang invisible na luha, na parang proud na proud sa kaniyang nakikita. Kung pwede lang niyang iframe ang kasalukuyang nangyayari ay gagawin na niya.

"Dahil diyan, Marcella, bati na tayo ng slight!" Eura exclaimed, inserting herself between Marcella and Finn.

"Ang chakang 'to!" hiyaw ni Maki at itinuro ang babae. "Ano naman ang ginagawa ng puwet mo diyan sa gitna nila? Umalis ka at nasisira ang masterpiece na nakikita ko!"

"Masterpiece mo mukha mo! Dapat naman talagang nandito ako kasi ako ang face of balance!" malakas na tumawa si Eura. "Ito ang darkness," tinuro niya si Marcella. "At ito naman ang light!" sabay turo niya sa'kin.

Maki leaned forward to have a high-five with Eura. "Taray, mare, ah! May pa-yin and yang ka pa!"

"Siyempre! Top student kaya 'to!"

"Luh, Eura, ano naman ang connect no'n sa yin and yang? Nabanggit lang ng isang beses, pinagyabang mo na talaga?" singit ng kakadating na Kairo. "At ano 'tong nakikita ko? May bagong addition ang mumunting group niyo? Tapos na ba ang harvesting sa mga ampalaya mo, Marci, at hindi ka na bitter ngayon?"

Marcella challenged Kairo's sly grin and menacing eyes. Mula sa likod ay nakita niya ang papalapit na Wes kaya nagkaroon siya ng ideya.

She gestured at his strategist to come closer. Dahil natatago si Finn ng katawan ni Kairo ay hindi siya nakita ni Wes. Kunot-noo itong naglakad palapit kay Marcella, habang saglit na sinulyapan si Kairo na mainip ang mukha.

"What is it, Marcella?" Wes asked, distant and emotionless.

"Have you talked to Finn? You were in the same dimension as hers, right?"

Bahagyang nagulat si Wes sa narinig. His eyes roamed the whole cottage before landing on the black-haired beauty that blinked innocently at him. Biglang namula ang tainga at leeg niya at saka siya tumalikod at naglakad palayo.

Kairo watched the guy leave like some bashful maiden. He's curious and a bit unhappy at the thought of them staying in the same dimension. At para umakto ng ganito ang lintang Wes kay Finn ngayon, ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa?

Hindi siya nagdalawang-isip at hinabol si Wes. He pulled on his arm, turning him around with a frown. Naging blankong bato ulit ang mukha nito nang makita siya.

"What?"

Kairo raised a brow. "What's this? You're avoiding Finn and that's new. Ano ang ginawa mo?"

"That's none of your business." sagot nito at sinubukan muling umalis.

"Of course, it is my business. We're talking about my kitten here. May dapat ba akong malaman?"

"If it's about me and the sparrow, then no, you don't have to know or be informed about anything."

Habang nagpapatuloy sa pagsagutan ang dalawa ay napamaang naman ang tatlong babae at binabae na naiwan sa cottage kay Finn. Tutok na tutok kasi ito sa pag-uusap ng dalawang lalaki. Higit pa doon, hindi sila makapaniwalang umiwas si Wes sa kaniya.

"W-Wow... did Papi Wes just ignored Finn?" sambit ni Maki.

"He wouldn't leave like that." nakakunot-noo ring komento ni Marcella na dismayado sa kaniyang manok. "He's too crazy to leave Finn behind."

"Ano ba ang nangyari sa city na 'yon para umakto si Wes nang ganito?!" hiyaw ni Eura na hindi na makayanan ang ganap nila sa buhay. Hinarap niya si Finn at niyugyog ang balikat nito. "Finn! Sagutin mo kami! Bakit bigla kang iniiwasan ni Wes?!"

"Eura..." naging tahimik ang tatlo habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng dalaga. Itinuro lang nito ang dalawang nag-uusap habang kumikinang ang mata. "Is this the part where they argue so they can reconcile later?"

Naiwang nakatunganga ang tatlo sa sagot niya. First of all, hindi ito ang sagot na hinihintay nila. Second, anong connect ng usapan ng dalawang 'yon sa nangyari sa kanila ni Wes sa last city. Finally, ano ang ibig sabihin ni Finn?!

"Argue? Reconcile?"

"In the comics that Renée read! The two males will argue because of a misunderstanding but after sharing their emotions, they would reconcile. Hmm..." saglit na napaisip si Finn. "LQ! 's called LQ!"

Tahimik nilang pinagmasdan ang pagiging proud ng babae. Grabe, dito pa lang ay gusto na nilang i-condolence ang dalawang 'yon. Hindi man lang nila naisip na kapag nag-uusap pala sila, ship na KaiWes na ang nilalayag ni Finn.

Sabay na napailing si Marcella, Eura, at Maki. Nako, nako, mga kawawang nilalang nga sila.

"Pfft! That's right, Finn! Nag-LQ sila so aalis muna tayo para hindi mapasama sa away nila." natatawang saad ni Oliver na hindi nila napansing nakalapit na.

Finn tilted her head to the side. "Aalis?"

Habang busy silang dalawa sa pag-aaway diyan ay kikidnapin ko muna si Finn para sa solo time!, ang nasa isip ni Oliver.

"Oo." tinulungan niya itong makatayo habang hawak-hawak ang braso. "May sasabihin kasi ako sa'yo-"

Natigilan si Oliver nang maramdaman ang panganib na naglalakbay sa likod niya. An arm slithered around his shoulders, a dagger being spinned threateningly in Kairo's hand. Nakaakbay siya kay Oliver habang may nakakatakot na ngisi sa labi.

"Oh? And what's that thing you're going to say, hm? Parinig at baka makatulong ako."

"You're not the person he wants to talk to, so I doubt that you'll be any help." tugon ni Wes sa likuran.

"Ano ba, Kairo. Bitawan mo nga ako! Barilin kita diyan, eh!" ani Oliver at humarap sa kanila para pagalitan.

Dahil sa pagtalikod ni Oliver at sandaling pagkalingat nila sa kinaroroonan ni Finn ay hindi nila napansin ang mabilisang paghila ni Gavin dito. It was only when their heated argument stopped that they noticed their lady gone.

"Ayan kasi. Naunahan tuloy kayo." komento ni Eura sabay halakhak.

"Asus, huwag mo 'kong biruin, 'te! Naisahan ka din! Patawa-tawa ka pa diyan, broken ka naman dahil ayun na at umalis ang crush mo!"

"Wait, Eura, you like Gavin? Kaya ba parang nasaktan ka kanina?" tanong ni Marcella.

"AAHHH! Tumahimik nga kayo!" at hinabol niya ng sakal ang tumatawang si Maki.

-chapter end-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro